Title; Maybe this time ( Part 19)
Sakay sila sasakyan ni Santi papunta ng coffee shop. Hindi parin ma alis sa kanilang isipan ang nakita kanina.
“ Do you think Jolo would believe us?” pukaw ni Aryana sa kanilang pananahimik.
“ He should do dahil kaibigan niya tayo. Lukaret lang tayo pero hindi tayo sinunggaling at alam yan ni Jolo.” ani Santi
“ Oo, kaibigan niya tayo pero daddy niya yon. Sino ba ang mas matimbang? Daddy oh kaibigan?” sabad ni Aby.
“ Yon nga ang mahirap, kahit may awayan sila ng dad niya, masasaktan iyon pag sasabihin natin baka magalit payon sa atin.” tugon niya na hinilig ang ulo sa saradong bintana ng sasakyan.
“ Bahala na siya magalit basta sasabihin natin sa kanya” giit ni Santi.
Sakaka daldal ni Santi, hindi niya na pansin ang nag overtake na sasakyan. Muntikan sila nitong mabundol, mabilis naka pag break si Santi.
Napasigaw sila sa takot. “sira ulo yon ah” ani ni Santi.
“ Kinakabahan ako mamang” ani Aryana humawak sa dibdib.
Hindi parin na alis ang kanilang kaba hanggang sa makarating sila sa coffee shop.
“ Bat ang putla niyo?” bungad sa kanila ni Jolo ng makapasok sila sa loob.
Pinagtempla niya ng kape ang mga kasamahan para mahimasmasan ang mga ito sa kaba.
“Oh ayan na ang recibo mo. Bayaran mo yan” ani Santi kay Jolo nakalimutan na nito ang sasabihin niya tungkol sa kanilang nakita.
“ Arabella, nag enjoy kabang kasama sila? Hindi ba pinasakit ang ulo mo sa mga kasamahan mo?” natatawang tanong sa kanya ni Jolo.
Napangiti siya ng maalala ang dalawa nag-aagawan na muntikan na mag-away.
“ Masasanay din ako sa kanila” aniya nakangiti.
“ May ibibigay pala ako sayo” ani Jolo inabot ang paper bag.
“ Ano to?”
“ Buksan mo para makita mo?” tugon nito sa kanya.
Hindi niya alam ano ang magiging reaction niya ng makita ang victoria secret perfume” Mahal to, saka bakit mo ako binigyan ng pabango ininsulto mo ba ako? Ganon naba ako kabaho para bigyan mo ako nito?” Naiinis niyang sabi rito.
napakunot noo ito sa sinabi niya. “ Ano kina-iinis mo riyan?”
“ Sige nga paliwanag mo bakit mo ako binigyan ng pabango?”
Napaisip si Jolo” Sasabihin ko, para bumango ka? yon rin yon isipin naman nito mabaho nga siya dahil gusto ko bumango siya. Hirap naman spellingin ng babaeng ito.” maktol ng kanyang isipan nakamot niya ang kanyang ulo. Hindi niya alam paano paliwanag rito.
Pagkuwan napangiti siya ng may maalala “ Kasi, mahilig ka sa pabango diba? Nag pupunta ka sa mall para gumamit sa free testing nila diba?” anitong nangingiti.
Napangiti siya” paano mo nalaman?”
“ Nakita kaya kita minsan ng dumaan ako sa mall. Halos kaya lahat ng free don nilagay mo sa katawan mo” nakangiti nitong sabi sa kanya. “ Kaya tanggapin muna yan. Minsan lang ako nag regalo ng mahal” natatawa nitong biro.
Hindi na siya nag dalawang isip na tanggapin pa ito. Gustong gusto niya talaga ang pabango.
Dumating ang araw ng birthday ni Margaret. Pina-uwi siya ng maaga ni Jolo para ihanda ang kanyang sarili.
Palabas na siya sa coffee shop ng makasalubong si Santi.
“ Arabels, saan ka pupunta?”
“ Uuwi ako ng maaga Santi para makapag handa ako, mamayang gabi na ang birthday ni Margaret”
“ Sa bahay kanalang maghanda tutulongan kitang mag-ayos” alok nito sa kanya.
Sinamahan siya nitong kunin ang gamit niya sa tinirhan niya. Saka dinala siya sa bahay nito,
“ Santi ang laki naman nitong bahay mo saka ang ganda pa” puri niya rito.
“ Naku, ilang taon ko rin itong pinaghirapan Arabels, para maabot ko ang pangarap kung ito” Hinila siya nito pa upo sa harapan ng tokador.
Inahit nito ang kilay niya. Kinulot-kulot ang mahaba at makintab niyang buhok.
Halos hindi na niya makilala ang sarili ng matapos siyang ma make-upan ni Santi.
“ Yan, lumabas na ang ganda mo Arabella, yang pag nguya mo ng chewing gum alisin muna nga yan.” saway nito sa kanya.
“ Naka sanayan kuna eh”
“ Pwes, alisin muna yan. Isipin mo ngayong gabi nobya ka ni Jolo.”
“ Kunwari lang naman” aniya lumungkot ang mukha.
“ Hala siya, hoy Arabella napapansin ko yang mga ngiti at tingin mo. Usap nga tayo” inikot nito ang kanyang inupuan paharap rito.
“ Arabella, usapang babae ‘to ha? Umamin ka sa akin. May pagtingin kaba kay Jolo?” deretsahan nitong tanong na tumingin sa kanyang mga mata.
Napayuko siya, hindi niya alam kung sasabihin niya ba rito ang totoo niyang nararamdaman.
“ Sumagot ka kung ayaw mo sunugin ko yang buhok mo” hinawakan nito ang plansa
Tumango-tango siya. “ Pero iba naman ang mahal niya eh” aniya rito
Ngumiti ng ubod tamis si Santi sa kanya. “ Ilalaban natin yang pagmamahal mong bruha ka” anito hinila siya patayo.
“ Sout muna ang damit mo” utos nito sa kanya.
Napangiti siya ng makita ang damit na binili nila. “ Magaling talagang pumili si Santi ng babagay sa akin” bulong niya sa sarili habang sinuot ang jumpsuit.
“ Perfect!” pumapalakpak ito sa tuwa ng matapos niyang masout ang binili nitong damit.
“ May kulang” anito saka binuksan ang drawer at inilabas ang kwentas nito na bumagay sa kanyang kasoutan.
“ Naku Santi baka mawala ko ito”
“ Edi, ingatan mo para hindi mawala” nakangiti nitong sabi.
Matapos makapag ayos ni Jolo, pinuntahan nito si Arabella sa bahay ni Santi. Excited siyang makita ito sa bago nitong hitsura, atleast hindi siya mahihiyang iharap ito sa madaming tao.
Agad siyang pinapasok ng kawaksi ni Santi ng makarating siya sa bahay nito. Labas pasok lang naman siya sa bahay nito, naisipan niyang puntahan ito sa kwarto kaya lang baka hindi pa tapos mag ayos si Arabella, kaya inantay niya nalang ang dalawa sa sala.
“ Ma’am nariyan na si sir Jolo sa sala, don lang daw niya kayo antayin” anang katulong kay Santi.
Kinabahan siya na makita ito. Naiilang siya sa bago niyang hitsura.
“ Oh, ayan na ang prince Charming mo” nakangiting sabi ni Santi.
“ Kinakabahan ako” ngayon lang siya nakaramdam ng kaba para rito parang ayaw niyang magpakita.
“ Sira, ang ganda muna ngayon kapa kinakabahan. Basta wag mong kalimutan ang bilin ko sayo. Okay? Just be yourself and you will be fine” Hinila siya nito palabas.
Ramdam niya ang pagtatambol ng puso niya, pati tuhod niya nangangatog sa kaba habang naglalakad. Natanaw niya si Jolo nakayuko busy ang mga mata sa kakatitig nito sa bagong biling celphone.
Napukaw ng mga yapag ang kanyang attention, napa angat siya ng tingin. Para siyang pinako sa kanyang inuupuan ng makita si Arabella hindi siya maka galaw.
“ Well, what can you say?” pukaw ni Santi sa kanya.
“W-wow! look at you. I-I’m speechless. I don’t know what to say. Couldn’t find the right word to describe”
“You look fabulous” aniya na hindi maalis ang mata kay Arabella.
“ Maganda talaga pag paminsan minsan ka lang uma-aura ng todo, para ma surpresa mo ang mga tao nasa paligid mo.” bulong ni Santi sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi nito. “ Shall we go now?” untag niya kay Jolo na malagkit ang mga titig sa kanya.