Title; Maybe this time ( Part 25)
“ Mang Victor, dito kayo natulog?” anang Aby.
“ Sabi ni Jolo kagabi, dito raw ako matulog tabi kami”
Napakamot siya sa ulo wala naman siyang na alala sinabi niya rito. “ Hoy, wag niyo akong tignan ng ganyan” angil niya sa mga kaibigan na masama ang tingin sa kanya.
“ Uuwi na tayo ngayon ng maynila” anang Santi
“ Ako rin, para akong mababalian ng buto rito” ani Sandoval
“Ikaw Jolo, sama ka oh hindi? kung hindi ka sasama iiwan ka namin dito” ani Christian.
Tumingin siya kay mang Victor
“ Hindi ko ipapasama sa inyo si Arabella. May trabaho payon dito” inunahan na siya ni mang Victor.
Hindi siya makapag salita. Ayaw niyang umalis na hindi kasama si Arabella. Pero buo na ang pasya ng kanyang mga kaibigan babalik na ang mga ito.
“ Paano uuwi na ako? Kung mag bago ang isip mo, alam mo naman saan ang bahay namin” nagpapaalam na itong umuwi.
“ Jolo, masakit na mga katawan namin dahil riyan sa pagligaw-ligaw mo” angil ni Sandoval.
“ Kung gusto mo mag sibak, mag sibak ka, mag paiwan ka basta kami uuwi kami ngayon din!” gigil na sabi ni Christian.
“ Ano ba yang problema niyo ang aga-aga nakasimangot na kayo” anang Aryana kakagising lang.
“ Kasi, si Jolo gusto ipag sibak ng kahoy ni mang Victor, pag hindi siya mag sisibak nang kahoy, hindi papayag si mang Victor na isama si Arabella pauwi” paliwanag ni Aby.
“ Ano naman ang problema don, edi mag sibak ka Jolo” anang Aryana
“ Hindi kuna kaya, masakit na ang katawan ko, dalawang drum kaya yong pinuno namin kahapon. Ang sakit na ng balikat ko” aniya rito.
“ May manliligaw pa si Arabella, paano ngayon yan?” paalala sa kanya ni Christian.
Napangiti si Aby “ Alam kuna, hali kayo may ibubulong ako sa inyo”
Nag-umpulan silang magkakaibigan pinakinggan ang bulong ni Aby.
Napag kasunduan nilang umalis pagka tapos nilang kumain.
Abala sa pag e-empaki si Arabella sa kanyang mga damit na dadalhin pa-luwas ng maynila.
“ Arabella, sigurado kana ba riyan sa decision mong babalik ka nang maynila?” pukaw sa kanya ng inay.
“ Upo nay, babalik na ako sa trabaho ko.” tinigil niya ang pag-liligpit saka umupo sa tabi ng inay.
“ Anak, yong si Jolo mukhang mabait naman siya. Pati yong mga kaibigan niya at ang asawa ni Aby. Hindi ako mag-alala kasama mo sila dahil nandon din naman si Aby.”
“ Mabait naman talaga sila nay. Wala po kayong dapat ipag-alala sa akin, saka hindi naman itong unang beses ko wala sa tabi niyo” niyakap niya ang kanyang ina.
“ Ano anak, darating kaya si Jolo?” pukaw sa kanila ng itay.
“ Ikaw Victor, pinag diskitahan mo iyang si Jolo. Tinatamad kana naman. Pag sibak mo ng kahoy. Kawawa naman yong tao, halatang hindi ‘yon sanay” saway ng ina rito.
“ Oo nga, pinag igib pa niya ng tubig kahapon nay” sumbong niya sa ina.
“ Eh, ganon talaga pag-aakyat ka ng ligaw. Ako nga noon, araw-araw ako nag-sisibak sa bahay ng nanay mo” anito
“ Kaya, gumanti kayo sa manliligaw ko” nakangiti niyang sabi rito.
Natawa ito, “ para amanos”
Bitbit ang inumin pumunta sila kina mang Victor.
“ Tao po? mang Victor?” aniya rito
Mabilis lumabas si Arabella” Babe, mabuti dumating ka” nakangiti nitong sabi.
“ Syempre darating ako, hindi pwedi hindi ka kasama bumalik ng maynila”
“ Ano na Jolo?” anang mang Victor ng lapitan siya nito.
“ May dala po ako para sayo. Mamahalin whisky po ito” aniya rito.
Umupo sila sa may Valcony at binuksan ang whisky.
“ Imported to, ngayon lang ako nakatikim ng ganito.” anitong napangiti.
Sumandal siya sa ding ding. “ Mabuti naman at nagustuhan mo ang binili ko para sa’yo” comportabling comportable siya. Hindi nag tagal dumating ang groupo ng kalalakihan.
“ Ano mag sisimula na tayo?” agad nitong sabi ng makalapit sa kanila.
“ Mag suggest lang ako?” aniya
“ Sige, ano yon?” curious nitong tanong.
“ Wag nalang paramihan, orasan nalang ang basehan natin, kung matapos mo ng isang minuto ang panggatong edi, ikaw na ang panalo” aniya kinuha ang sigarilyo hinawakan ni mang Victor at hinithit ito.
“ Sige, game, sisiw lang yan sa akin” anang lalaki tinatawanan siya.
“ Simulan muna” utos niya rito.
“ Paano ka?” tanong nito
“ Wag muna akong alalahanin orasan naman ang basehan eh.”
“ Walang wala ‘yan sa akin, hindi naman yan sanay sa ganito” anang lalaki sa kasamahan nito.
Agad nitong sinibak ang putol na puno.
“ Gusto mo pagtulgan niyo panng kaibigan mo para mabilis kayo” suhestiyon niya.
“ Ayos lang sayo?” anitong huminto sa pagsisibak.
Nginitian niya ito. “ Oo ayos na ayos” kampante niyang sabi.
“ Kahit ubusin niyo pang lahat ng puno nandiyan” aniya sa mga ito.
Pinagtulungan ng mga kalalakihan ang ang dalawang puno pinag sisibak. Ilang minuto din ito natapos sa pagsisibak. Pawis na pawis ang mga ito.
“ Paano ngayon yan? natapos na ang sa amin. Ikaw naman” nilapitan siya nito.
Tumayo siya” Inum ka muna, para ma relax ka” aniya rito inabot ang baso na may laman whisky.
“ Tignan natin ilang minuto mo iyan matapos” natatawa nitong sabi sa kanya.
“ Mga tol ilabas ang gasul!” sigaw niya sa mga kaibigan.
Tinanggal nina Christian at Sandoval ang tinakpan gasul ng kumot.
“ Ayan mang Victor, dalawang gasul yan, hindi muna problemahin ang pag-sisibak araw araw. Kahit umulan man, hindi pa kayo mauusukan” Paliwanag niya rito.
“ Daya yan ah? ang sabi sibakan” reklamo ng lalaki sa kanya.
“ Bakit pa mag sisibak kung may madali naman paraan. Panggatong din naman to” aniya rito
“ Abay, hindi kami papayag niyan” anang lalaki.
“ Mga totoy uwi na kayo, may nanalo na sa anak ko. Salamat nga pala sa pag sisibak ng kahoy, magagamit ko din naman yan, pag maubusan ako nitong gas. Ito talaga ang gusto ko dahil hindi na ako ma moroblema mag hahanap ng panggatong.” anitong inakbayan ang leader-lederan ng kalalakihan.
“ Mang Victor naman oh, paasa naman kayo” anang lalaki
“ Abay, hindi naman ako paasa, patalinuhan nga itong binigay kong pagsubok sa inyo eh, dito nasusukat ang galing niyo sa panliligaw” anito natatawa.
“ Wag na kayong magalit, itagay nalang natin yan” aniya rito inabot muli ang baso na maylamang whisky.
“ Aba, mamahalin to ah?” anang isang kasamahan nito umupo sa tabi ng inumin.
“ Bagay talaga yan sa inyo, lalo pa napagud kayo sa kaka sibak” aniyang natatawa.
Masaya ang mga ito nakipag inuman sa ama ni Arabella nakalimutan nilang na dali sila ni Jolo.
Inabot niya ang pinamili grocery sa ina ni Arabella.
“ Naku, Jolo ang laking tulong na ito sa amin. Maraming salamat rito” walang humpag na papasalamat ng ina sa kanyang ginawa.
“ Masaya po ako nay, nakakatulong basta para po sa ikakasaya nitong anak mo, gagawin ko po” nakangiti niyang sabi rito. Nayakap siya nito sa subrang tuwa.
Agad din silang nag-paalam sa mga magulang ni Arabella na babalik na sila ng maynila.
“ Na miss talaga kita” bulong ng binata sa kanya saka dinampian siya nito ng halik sa noo magkatabi silang na upo sa likuran bahagi ng van ni Santi pabalik na sila ng Maynila.
Gusto niyang ihanda si Arabella para ipakilala ito sa ina “ tatanggapin ba ito ng ina?”