Title; Maybe this time ( Part 24)
Magkahalong emotion ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon, ng makita ang lalaking nagpatibok ng puso niya at nagpaiyak sa kanya. Lumabas siya sa kanyang pinagkublian. Dahan dahan siyang humakbang palapit sa mga ito nakatalikod.
“ Ano ang ginagawa niyo dito?” pukaw niya sa attention sa binata.
Pumihit ito paharap sa kanya. Gusto niya itong yakapin. Namimiss niya ito ng subra.
“ Arabella, bakit ka umalis?” anito humakbang palapit sa kanya.
Pigil na pigil ang kanyang damdamin na wag bumigay sa kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Humakbang siya palabas ng bahay, pumunta siya sa malayo layo sa mga tao. Naramdaman niyang sumunod ito sa kanya.
Humarap siya rito” Pasensiya na kung hindi ako nakapag paalam na umalis na sa coffee shop”
“ Hindi yon ang ibig kung sabihin, bakit ka umalis ng hindi man lang nagpapaalam sa akin, bakit hindi mo ako inantay na magising?”
“ Kung ang sadya mo dito ay ang ipagpatuloy ang pagpapanggap natin, hindi kuna iyon maipagpatuloy.” inis siyang tumalikod rito.
“ Arabella” hinawakan nito ang kanyang kamay.
Inis siyang hinarap ito. “ Ayaw kuna, pagud na ako, nasasaktan na ako. Hindi kuna kaya tiisin ang sarili ko. Nasasaktan akong makita kang masaya sa iba” naiiyak niyang sabi rito.
“ Arabella Please——“
“ Oo minahal kita, tanggap kuna yon na ako lang ang nagmamahal” putol niya sasabihin ni Jolo.
“ Pagsalitain mo naman ako” pakiusap nito.
“ Yon din naman yon, ang sasabihin mo. Diba? Ang ipagpatuloy natin ang pagpapanggap? Bumalik kana kay Mar——-“
Pinutol nito ng halik ang sasabihin pa niya sana. Biglang nangatog ang kanyang mga tuhod ng bitawan ng labi nito ang mga labi niya.
“ Arabella, nasasaktan ako nong paggising ko wala kana sa tabi ko. Sayo ko lang naramdaman ang maging masaya. Noon paman may naramdaman na ako, para sayo pero hindi ko lang masabi sayo dahil sa hindi ako sigurado. Pero ngayon sigurado na ako, mahal na mahal kita. Please bumalik kana sa akin? anitong hindi parin binitawan ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak nito.
Alam niya sa puso niyang mahal niya rin ito.” Pero nasaktan mo ako” aniya nakayuko.
“ Oo, aaminin ko yon, ang tanga ko hinayaan kitang masaktan. Pero ngayon, hayaan mo akong mapawi ang sakit na iyon.” Kinulong ng mga palad nito ang kanyang mukha saka inangat ito.
Nagkatitigan silang dalawa” Sabihin mo mahal mo rin ako?” pakiusap nito sa kanya.
“ Oo ma—-“
Hindi na niya na tapos ang kanyang sabihin ng muli siyang siilin nito ng halik.
Naiyakap niya ang kanyang dalawang kamay sa baywang nito. Alam niya sa puso niya na mimiss niya rin ito at sabik na sabik siyang makita itong muli. Mahigpit silang nagyakap sa isa’t isa.
“ Wag munang ulitin ang umalis ng hindi nagpapaalam dahil mababaliw ako kapag mawala ka sa akin Arabella” aniya rito yakapyakap parin.
“Hindi na mauulit” nakangiti niyang sabi rito. Muli siya nitong dinampian ng halik sa labi.
“ Ang sarap mabuhay ng may-magmamahal” Ani Jolo na puno ng saya ang puso.
“ Sasama kana sa’kin bukas paluwas ng manila” anito sa kanya.
“ Kailangan mo ako ipag-paalam sa tatay ko” aniya rito
Tumango tango siya sa sinabi ng dalaga. Friend na sila ng tatay nito kaya hindi siya mahihirapan ipag-paalam ito.
Hinatid nila ang mag-ama sa bahay nito. Ng ayain pa sila nitong makipag inuman. Masaya naman si Santi nakipag tagay dahil ka tagay nito si Arold.
Natigil sila ng may dumating na isang groupo ng kabataan.
“ Mang Victor, may bisita pala kayo, aakyat sana kami ng ligaw kay Arabella” anang isang binata.
“ Naku, mga tol taken na itong liligawan niyo” agad niyang sabad rito.
“ Bakit, kasal naba kayo?”
“ Magpapakasal na, bakit?” madaling Sabad ni Santi.
“ Mga matatapang kayo ah, dayo lang nga kayo rito kayo pa tong matapang” anang isang lalaki.
“ Hindi porket taga rito ka ikaw na ang may-ari ng lugar nato” matapang na sagot ni Santi.
“ Suntukan tayo? Babasagin namin yang pagmumukha niyo” anang kalalakihan.
Nakatayo silang apat sa harap nito.
“ Dehado na kami pagmakikipag basagan” aniya rito
“ Mga duwag naman pala kayo” anang isang lalaki.
“ Hindi kami duwag, dehado kami sa inyo, dahil kami may mababasag pa, pero sa inyo wala nang mababasag. E-basag na yang mukha niyo ano pa babasagin namin?” Tugon niya rito.
Mabilis siyang tinulak nito.
“ Gago to ah” aniya
“ tama na yan, wag kayong mag away, pareho naman kayo aakyat ng ligaw sa anak ko” anang mang Victor.
“ Bukas, paramihan kayo ng masisibak ng panggatong ang siyang pinaka madami siya yong unang mang, ligaw sa anak ko” anito
Napangiti siya sa sinabi nito. Paano pasiya manligaw eh, sila na nang anak nito.
“ Ganito nalang mang Victor, kapag madami akong masibak, isasama ko si Arabella bukas sa manila” aniya rito.
“ Sige tay, maganda yan tay” mabilis na pag sang-ayon ni Arabella sa ama.
“ Sige, sige yan ang gagawin natin bukas” anang Mang Victor “ Makaka pag pahinga rin ako sa pagsisibak ng kahoy, hindi na magbunganga si misis” natatawang sabi ni mang Victor sa sarili.
Agad pinaalis ni mang Victor ang kalalakihan. Pinag paiwan sila nito para tapusin ang binili ni Arold na inumin kanina.
Magkatabi silang nahiga sa sahig ng sala sa bahay, ng kamag-anak ni Aby. Hating gabi na silang naka-uwi dahil sa napasarap ang kanilang inuman.
" Hindi ko maigalaw ang balikat ko ang sakit sakit" Angil ni Sandoval ng magising kinabukasan.
" Ako rin, firstime ko mag-igib ng tubig parang matatanggal ang mga balikat ko sa subrang sakit" anang Christian
" Ako rin, sana nag stay nalang ako sa magkapatid. Nasampal lang naman ako don ni Jacky, pero hindi na abuso ang katawan ko ng ganito" mangiyak ngiyak na sabi ni Santi.
" Parang awa muna Jolo, wagka nalang mag asawa. Maawa kana sa amin" anang Sandoval nakadapa parin.
" Dalawang drum kaya yon pinunu natin, tapos poso pa ang gamit. Noon lang ako nakapag bomba.” Anang Christian.
" Ako din naman masakit ang katawan ko, para akong pinag hahampas" angil niya
" Wagna tayong bumalik sa bahay ni Arabella” anang Santi
" Nangako kapa mag sibak ng kahoy, hindi talaga ako sasama" anang Sandoval
" Ako rin, hindi ako sasama" segunda ni Christian.
" Ikaw Santi sasama kapa?" tanong ni Sandoval
" Hindi na dito nalang ako, bahala nayong pinsan ni Arabella ayaw ko magsibak ng kahoy." anitong nakahiga nakapatong ang kamay kay Sandoval
Nakalimutan nila ang labanan mamaya.
Napakunot noo si Aby lumabas ng silid ng makita ang isang lalaki nakadapa katabi ni Jolo naka sanday ang paa ni Jolo rito.
" Hoy, bakit lima kayo sino yang kasama niyo?" untag ni Aby sa kanila.
Halos magka sabay silang nag angat ng ulo tinignan ang katabi nilang natutulog.
" Magandang umaga mga hijo!"
" Mang Victor?!"
“ Mang Victor?!”
halos magka sabay nilang bigkas sa pangalan rito.
" Sumama talaga siya rito sa amin oh” mangiyak ngiyak na sabi ni Santi