Maybe this time episode 26

838 Words
Title: Maybe this time ( Part 26) " Kain muna tayo, bago tayo mag-siuwian" suhestiyon ni Santi, pinarada ang sasakyan sa nadaanan na restaurant. " Ikaw ang taya Jolo, pinagud mo kami sa panliligaw mo kay Arabella" saad ni Christian binuksan ang pinto ng van at inalalayan nitong makababa ang asawang si Aryana. Hinaplos niya ang pisngi ni Arabella"Ayos ka lang ba?" malambing niyang tanong rito " Ayos lang ako" dinampian nito ng halik ang labi niya saka ito bumaba para sumunod sa mga kaibigan na una ng pumasok sa loob ng kainan. " Ang layo talaga ng binayahe natin, masakit sa puwit" saad ni Sandoval na nagpalakad lakad. " Sulit din naman ang pagod" malambing niyang pagkasabi sinulyapan si Arabella na no'y naka yuko sa menu. " Ang lambing ng mga love birds, baka mamaya niyan pag matagal na kayo, para na kayong aso at pusa" natatawa sabi ni Aby sa kanila. Tinawanan lamang niya ang sinabi ni Aby. " Pero, parte naman talaga ng samahan ang awayan, ang mahalaga lang ay marunong mag-pakumbaba ang isa" sabad ni Aryana " Wag salubungin ang galit ng isa. At ang importante kung may awayan wag pa abutin ng bukas, agad pag-usapan at lalo na wag hayaan matulog ang asawa na may sama ng loob" payo ni Sandoval sa kanila na umupo sa tabi ng asawa si Aby. " Kaya, pala minsan hindi ka tumabi ng tulog sa kanya" natatawang sabi ni Christian naka-upo sa tapat ni Sandoval. " Nagsalita naman to siya, tulero sa kakahanap ng blender" natatawang sabad ni Santi. " Kumain na ngalang tayo"mabilis na sabad ni Aryana nang mailapag ng waiter ang kanilang inorder na tinolang manok, at lechon kawali at ang paborito ng asawa ang sugpo. Matapos nilang maghapunan agad silang hinatid ni Santi sa kanyang pad. " Pasensiya kana, madumi ang pad ko, mula kasi ng umalis ka nawalan na ako ng gana" nilapag niya ang bag ni Arabella sa sofa. " Ikaw kasi, Margaret ka ng Maraget ako, ang kasama mo pero iba ang nakikita mo" Pasalampak na umupo si Arabella sa sofa dulot ng pagud. Agad niya itong niyakap" mag seselos nanaman siya, yaan muna ikaw naman ang mahal ko ngayon" hinalikhalikan niya ito. " Kaya lang naman ako nag selos dahil lang sa mahal kita" tugon nito sa kanya, pag kuwan ay tumayo ito at kinuha ang tuwalya sa bag. " Maliligo muna ako, parang ang baho ko"sabay talikod nito na tinungo ang banyo. " Bilisan mo dahil na sasabik na ako sayo" Pilyo niyang pagkasabi rito " Pervert ka talaga" natatawa ito saka nagtuloy pumasok sa loob ng banyo. Inayos niya ang kanyang kama, pinalitan ng kumot. Habang nasa banyo pa si Arabella sinunod niyang nilagay ang mga gamit ni Arabella sa kabinet. " Uy, anong ginagawa mo sa gamit ko" pukaw nitong nakatayo sa kanyang likuran. Nakatapis lang ito ng tuwalya. " Ang hot mo naman" sabay yakap rito " Ayan na naman siya oh, maligo kanga muna" naiilang pa ito ng yakapin niya. Nag mamadali siyang naligo excited na siyang makatabi si Arabella. Nakahiga na si Arabella sa kama ng lumabas siya ng banyo, halatang pagud na pagud ito sa biyahe. Tumabi siya rito ng higa, tumagilid siya paharap rito at marahan hinaplos ang mukha. " I love you" saka niyakap ito gusto niya itong angkinin ngunit nanaig ang pagud at ang pananakit ng kanyang katawan niyakap niya lamang ito ng mahigpit. Nagising si Arabella ng madaling araw ng mapansin ang matigas na bagay tumusok sa kanyang puson "Yang, alaga mo nanunusok" nakayakap siya rito " Na miss ka raw niya eh" bago pa siya makasagot siniil siya nito ng halik. Pinagsaluhan nilang dalawa ang unang araw ng kanilang pagmamahalan. Alas otso ng umaga ng bumangon si Arabella para ipaghanda ang kanilang agahan " Hindi muna ako papasok ngayon sa coffee shop. Lilisin ko lang muna tong pad mo" Hinila siya nito pabalik pahiga" Ang saya ko talaga kasama na kita ngayon" niyayakap siya nito ng mahigpit " Naku, bumangon kana riyan para makapag ligo kana, baka saan na naman tayo mapunta" natatawa niyang sabi rito. " Pwedi isang round pa?" natatawa nitong hirit " Mamaya na pag-uwi mo, para naman ma excited kang umuwi mamaya" Hinalikan niya ito sa labi " Sinabi mo yan ha?" anitong mabilis tumayo Masigla si Jolo pumasok ng coffee shop. " Sir, may naghanap po sayo rito na babae" bungad sa kanya ni Cathleen ng makapasok siya loob. " Sino raw?" taka niyang tanong " sorry sir, hindi ko nakuha ang pangalan, pero madalas iyon nagpunta rito" " Yaan mo nalang" nagtuloy siyang pumasok sa kanyang opisina. Nakatingin siya sa monitor ng cctv ng bigla sumagi sa kanyang isipan ang kanyang ama. Kailangan kausapin niya ito at ibalik siya sa company nila ngayon alam niya ang pagtataksil nito. Wala siyang tiwala kay Melissa baka magising nalang sila isang araw nasa ama na ni Melissa ang kanilang company. Inayos niya ang kanyang sarili para puntahan ang ama. Handa na siyang harapin itong muli.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD