HINDI na makapag hintay si Jolo na makita si Arabella. Lulan silang magkakaibigan sa van ni Santi.
" Aby, malayo paba? Isang oras na tayong nagbabyahe ah, masakit na ang puwit ko sa kakaupo," reklamo ni Santi habang nagmamaneho.
" Kulang pa ng isang oras," tugon ni Aby.
" Sakit na talaga ng puwit ko," maktol pa rin ni Santi.
" Tiisin mo nalang Santi, maka bawi ka rin pagdating du'n. May gwapong pinsan si Arabella, baka magka gustuhan kayo," ani Aby, para tumigil na si Santi sa kakareklamo.
" Sus! sa'min ngang tatlong gwapings walang na inlove diyan, paano nalang kaya sa iba?" mabalis na sabad ni Jolo.
" Ikaw lang naman ang membro nang gwapings na laging sablay sa pag ibig. Pag ito sablay kapang hinay*p*k ka, ewan ko na lang sayo," naka irap na sabi ni Santi sa kanya.
" Christian, baka gusto mo naman akong palitan rito," baling ni Santi kay Christian. Nang hindi na nito makayanan ang matininding pagod sa pagmamaneho.
Tatlong oras din ang nilakbay, nila bago narating ang lugar ni Arabella.
" Dito nalang natin iparada ang sasakyan, hindi kasi ito maka pasok doon," ani Aby.
" Okay, lang ba ang sasakyan iwanan dito?" nag-alalang tanong ni Santi.
" Malalaman lang natin 'yan na hindi okay, kung pagbalik natin wala na'to," natatawa niyang sabi kay Santi.
” Pasalamat ka Jolo, na damuho ka!sinamahan ka namin dito,” naka irap na sabi ni Santi.
Hindi na niya ito pinatulan, nagmamadali siyang naglakad excited na siyang makita si Arabella.
" Jolo, mamaya na tayo pupunta kina Arabella, magpahinga na muna tayo pagod na talaga ako," walang tigil na kaka reklamo ni Santi.
" Ayaw mo bang makita ang pinsan niya? Diba sabi ni Aby guwapo daw 'yon?" sabi niya rito, para ma exite din ito.
Mabilis naman na sumangayon si Santi, sa kanya, nahawa na ito sa excitement niya na makilala ang sinasabi ni Aby. Baka dito magka love-life na siya.
Hindi maipaliwanag ang saya ng matanaw niya ang bahay, ni Aby na tinuturo ni Aby, mula sa di kalayuan.
Nadatnan nila ang ama ni Aby, na naka upo, sa upuan na yari sa kawayan. Sa mukha nito nasa 56 ang edad.
" Magandang hapon po mang Victor, andiyan po ba si Arabella?" tanong ni Aby rito.
Tinignan sila nito kapag kuwan ay, ngumiti ito kay Aby. " Aby, mabuti naman at napasyal ka rito sa lugar natin," tumayo ito at nilapitan sila. " Sino ba itong mga kasama mo?"
" Ito po ang asawa ko si Sandoval, po" pagpapakilala ni Aby.
" Kay guwapo naman nitong asawa mo."
Agad na nagmano si Sandoval kay mang Victor, bilang pag bigay galang.
" Ito po, mang Victor si Jolo. Aakyat daw po siya ng ligaw kay Arabella," ani Aby.
Tinitigan siya ni mang Victor na nanunuri ang mga tingin.
" Magandang hapon po mang Victor,” aniya, saka kinuha ang kamay para magmano. Nginitian siya nito.
" Tuloy kayo rito" ani mang Victor sa kanila.
" Mang Victor, pupunta muna ako sa tiyahin ko, baka mag tampo 'yon sa akin, alam mo naman 'yon matampuhin" ani Aby.
" Mag paiwan na lang kami dito, antayin namin si Arabella." Aniy, umupo sa mahabang upuan.
" Sige, kita nalang tayo mamaya. Ikaw Aryana magpaiwan ka ba rito?"
"Sasama na ako sa'yo abi. Babalik nalang tayo mamayang gabi." ani Aryana
Sumunod sa paglakad sina Chistian, Sandoval at Santi kina Aby.
" Hoy! 'wag niyo naman akong iwan rito baka kailangan ko ng back up" aniyang hinawakan si Christian sa siko.
" Ito naman si Jolo oh, sinamahan kana nga namin rito” Angil ni Christian
" Sige na, baka strict ang tatay" natatawa niyang bulong.
Nagpaiwan na lamang sina Sandoval at Christian.
" Ano 'yong sabi ni Aby, aakyat ka nang ligaw sa anak ko?" tanong ni mang Victor sa kanya.
" Sana po mang Victor kung papayag kayo, na saan po ba si Arabella?”
" Wala rito si Arabella, umalis kasama ang nanay niya, mamaya pa 'yon babalik." tugon nito.
" Ganun po ba, babalik nalang po kami mamayang gabi" aniya rito
" Hintayin niyo nalang baka magka salisi pa kayo. Yan bang pag-akyat ligaw mo sa anak ko totoo ba iyan?" seryusong tanong nito sa kanya.
" Upo, kaya nga po kami nagpunta rito para ipagpaalam sa inyo na liligawan ko ang anak mo."
" Mahal mo ba ang anak ko? Tunay ba iyan?" panigurado nito.
" Upo.Tunay po ang pagmamahal ko para sa anak mo" tugon niya.
Naputol ang pag-uusap nila ng dumating ang pinsan ni Arabella na sinasabi ni Aby kay Santi kanina.
" Tiyong, may mga bisita ka pala" anito ng makalapit sa kanila.
" Arold, ito nga pala manliligaw ni Arabella" pakilala nito sa kanya nakikipag kamay siya rito.
" Hi! single pa ako, ikaw single ka paba?" agad na tanong ni Santi rito.
" Arold bumili ka nang alak, makipag tagayan ako rito sa mamanugangin ko” ani Mang Victor sa pamangkin at inabot rito ang pera.
Natawa naman siya sa sinabi nitong mamanugangin.
" Ako nalang po ang magbabayad” mabilis niyang alok.
Kinuha niya ang wallet sa kanyang bulsa saka kumuha ng 1000 at inabot kay Arold. Lalasingin niya ang tatay ni Arabella para maka diskarte siya mamaya.
“ Mag igib lang muna ako ng tubig mga hijo, habang inantay natin si Arold makabalik” pumasok si mang Victor para kunin ang timba.
“ Mang Victor kami nalang po ang mag igib” kinuha niya ang dalawang timba na hawak nito.
Napa ngiti si mang Victor sa kanya “ Gusto ko itong maging manugang ko mabait” puri nito sa kanya.
“Samahan na kita Jols” ani Santi na gusto rin magpakitang gilas.
“ Ako nalang siguro mag igib, dahil pupunuin ko pa ang drum na iyan” tinuro nito ang dalawang malaking drum.
“ Mama Mia!” naibulalas niya habang nakatingin sa tinuturo nito.
“ Sige, pakitang gilas pa ngayon, punuin mo 'yang luko ka” ani Sandoval sa kanya.
“ Kaya namin to. Syempre tulungan niyo kami” Sabad ni Santi.
“ Tong mga to oh! kayo lang naman ang manliligaw bakit pati kami kailangan mag pakitang gilas?” napakamot sa ulo si Christian.
“ Ayos lang yan 'tol, may tagay naman tayo mamaya.” nakangiti niya sabi
“Sira ulo, abutin tayo ng gabi rito, bago natin mapuno 'yang dalawang drum na 'yan." naiinis na tugon ni Christian.
Gustuhin man niyang umatras pero napasubo na siya. Syempre ayaw niyang mapahiya sa magiging beyanan niya kaya panindigan niya ito. Magkasama silang nagpunta sa poso para mag igib. Sinamahan na din sila ng tatay ni Arabella.
“ Sigurado ba kayo, okay lang sa inyo?" Tanong ni mang Victor sa kanila.
“ Upo, okay lang kami” aniyang nakangiti rito.
“ Ang sarap niyong paghahampasin nitong timba” inis na sabi ni Sandoval sa kanila.
“ Ang guguwapo naman niyang mga kasama mo, mang Victor” puri sa kanila ng kapit bahay na noon naglalaba.
“ Manliligaw ni Arabella tong isa” pagpakilala nito.
“ Ang bait naman, hindi lang guwapo mabait pa nag iigib na ng tubig” anang kapit bahay.
Lalo siyang ginanahan sa sinabi nito. “ panalo na ako sa puso ni itay” hiyaw niya sa sarili
Palit palit sila nagbobomba ng poso. Naka ilang timba na sila pero hindi parin nila napuno ang drum ng tubig.
“Matagal paba 'yon, pagud na ako” angil ni Christian na pawis na pawis na.
“ Pagtayo, abutin dito ng gabi, lulunurin ko kayo sa loob ng drum” inis na sabad ni Sandoval.
Pinagtulungan na nilang binuhat ang drum saka dinala sa poso.
Bitbit ni Harold ang biniling inumin sa poso. Pati ito nakikibomba narin habang nagtatagay.
“Puno narin sa wakas” ani Sandoval na basang basa na ng pawis”
“ Hindi ko naman ito ginagawa nong nanligaw ako kay Aby” angil nito
“ Ako rin, bwisit talaga 'tong dalawa, dinamay tayo sa panliligaw nila” segunda ni Christian.
Mag-aagaw dilim na ng matapos sila.
“ Wala pa po si Arabella mang Victor?" tanong niya ng makauwi sila sa bahay nito.
“ Bukas pa'yon uuwi. Tulungan mo ako mag sibak ng kahoy bukas Jolo” anito halata sa boses nitong lasing na.
“ Haaaah? Para nang matanggal ang braso ko sa kakabomba ng poso pero bukas pa darating si Arabella?" Hindi maka paniwalang tanong ni Christian.
" Sinabi na namin sayo magpapahinga muna tayo kina Aby” Sisi ni Sandoval sa kanya.
“ Sige po, wala pong problema 'yon tutulongan ka namin” tugon niya tila hindi narinig ang mga kaibigan nagrereklamo.
“ Hoy, hinayupak ka! magsibak kang mag isa. Parang hihiwalay na ang kaluluwa ko sa kakabomba. Sana sumama nalang ako sa mga girls” Mangiyak ngiyak na sabi ni Santi sa subrang pagud.
“ Bakit po matagal si Arabellaa?” tanong niya.
“ Dadaan pa'yon sa namatayan”
“ Malayo po ba 'yon dito?”
“ Hindi naman" tugon nito”
“ Puntahan nalang po natin hindi napo ako makapaghintay” suyo niya rito.
Sumangayon naman ito. Magka akbay silang naglakad papunta sa namatayan.
“ Victor, sino ba 'yang mga kasama mo? ang guguwapo naman” anang may bahay.
“ Mga boyband to galing Maynila bago kung recruit” tugon ni Mang Victor
“ Magandang gabi po” halos magkasabay nilang bigkas
Pumasok sila sa loob“ Kakantahan natin 'tong natutulog na kumpare ko” ani mang Victor sa kanila.
“ Kakanta tayo rito sa patay?”Hindi makapaniwalng tanong ni Sandoval.
“ Bakit, takot ba kayo sa patay?” tanong sa kanila ni mang Victor
“ Ay, hindi po. Wala po kaming kinatatakutan” tugon niya.
Hinila niya sina Sandoval at Christian na humakbang pa atras.
“ Ano ba, tol walang iwanan” aniya sa mga ito.
“ Luko ka, hindi kami kumakanta sa patay” ani Christian.
“ Narinig niyo 'yon sabi niya? Mga boyband daw kayo galing maynila” sabad ni Santi
“ Ang guwapo ng mga singgers” kinikilig na puri isa sa mga nakikilamay.
“ Oh, guwapo daw kayo” ani mang Victor.
“ Jolo, ano itong ginagawa mo sa buhay namin?” angil ni Christian.
“ Last nato, tayo na, para kay Arabella, samahan niyo na ako” inakbayan niya ang mga ito palapit sa kabaong.
Sinilip muna nila ang loob ng kabaong bago kumanta.
“ Aba, happy face tong patay, nakangiti” ani Christian
“ Masayahin siyang namatay, pagka ganon hindi siya mahihirapan tumawid sa langit” ani Santi.
“ Ano mag sisimula na tayo” Untag sa kanila ni Mang Victor.
“ Sige po” tugon niya
NAPASILIP sa labas si Arabella ng marinig ang pamilyar na boses. Nakita niya si Jolo nakatayo sa harap ng kabaong. Kasama ang kanyang ama at ang tatlong kaibigan nito.
“ Ano ang ginagawa ng mga ito rito? Bakit magka sama sila ni Itay?”
“ Ikaw na mauna Jolo”
narinig niyang sabi ni Christian. Natigil siya sa ginawa at pinakinggan ang mga ito kumakanta.
“ Nais ko lang malaman mo
ang laman ng aking puso
Kung maari pag bibigyan ng pagkakataon
na sabihin ito sayo
diko ito ginusto, na tayo’y magkakalayo”
“ Sabay sabay tayo rito.” ani mang Victor. tumalikod sila sa kabaong at hinarap ang mga nakikilamay.
“ Paalam na aking Mahal
kay hirap sabahin
Paalam na aking mahal masakit isipin”
Natigil ang mga ito ng tumulo ang mga luha.
“ Ikaw na Santi” aniya rito
“ Na kahit na nagmamahalan pa
puso’t isipay——-“
“ Wag kana kumanta Santi. Sumimangot ang patay ayaw niya sa boses mo langya ka! Kanina naka ngiti pa iyon” aniya, ng silipin ang kabaong.
“ Ngayon, nalungkot bigla ng marinig ang boses mo,” sabad ni Sandoval na naka harap na rin sa kabaong.
Hindi na naka tiis si Arabella na lapitan ang mga damuho, “ Ano ang ginagawa niyo rito?” tanong niya ng maka lapit.
" Nagsasalita ang patay!" hintatakutan na sigaw ni Santi na nagtatakbo palabas ng bahay.
Sumunod ang mga kasamahan rito nagsisitakbuhan.
"Mga luko, to ah! ako 'to oy!" sabi niyang sumunod sa mga itong lumabas ng bahay.