ALLYNA'S ***POINT OF VIEW***
Nakarating kami sa bahay ng wala man lang nagsasalita sa aming dalawa. Bumaba ako at wang pasabi na pumasok sa loob. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto ng sasakyan niya.
"Ano naman yong mga pinagsasabi mo kanina, bakit anong pinagmamalaki mo allyson yong lance ba na yun !! " sabi niya sakin.
"Wala akong pinagmamalaki o kung ano pa man.. Pero diba ito naman ang gusto mo ang nag susuffer ako diba ohhh ITO NA I AM WILLING TO GIVE YOUR FREEDOM !! YAN NAMAN ANG GUSTO MONG MARINIG DIBA !! DIBA!! " Nagsisimula nanaman akong umiyak. Ewan ko ba why im so weak.
"MAGKAKAANAK KANA DIBA AT SA TAONG MAHAL MO !! SOUNDS PATHETIC PERO I WANT IT ALSO BUT HINDI AKO ANG GUSTO MONG MAGING INA NG MGA MAGIGING ANAK MO LANCE!! THE WAY YOU LOOK AT HER THE WAY YOU SMILE AND TAKING CARE OF HER LAHAT NG YUN GUSTO KONG MARANASAN MULA SAYO BILANG ASAWA KO.. O KAHIT HINDI NA ASAWA KUNGDI ISANG TAO NA KAYANG PAHALAGAHAN NG ISANG KAGAYA MO!!" Napaupo na ako ngayon ko lang nailabas lahat ng hinanakit ko sakanya. " Ang sakit sakit na lance hindi ko alam kong hanggang kailan ko kayang tiison lahat ng ito. Handa na akong isuko ka at palayain dahil doon ka sasaya pero paano naman ako. All of this years HINDI MO AKO NAGAWANG MAHALIN LANCE KAHIT KONTI LANG HINDI KO HINANGAD NA MAHALIN MO DIN AKO GAYA NG KAY AVONY!! .. " Tumigil na ako at tumayo sa pagkakaupo ko at biglang tumawa.
"Ahahahaha .. Ahahahaha " para akong baliw hindi ko mapigilan ang sarili kong pagtawanan sakit ang nararamdaman ko sa ngayon. " Do i look crazy?? Tinatawanan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko sayo. Pinagdudusahan ko ang kasal na ito na hindi ako may gusto oo mahal kita pero im not that desperate to do this kind of situation na ako din naman ang magdudusa -..." naputol ang ano mang sasabihin ko dahil niyakap ako ni chase.
I feel so comfortable but i need to stop this halucination. Itinulak ko siya pero ganun nalang ang gulat ko ng makita si
avony kaya lumayo na ako sakanya. Nilapitan siya ni chase at hinalikan kaya napaiwas ako ng tingin pero napansin ko ang pag ngisi ni avony.
Aakyat na sana ako ng may dumaan sa gilid ko at binunggo ako. Kaya naman imbes na aakyat na ako eh pumunta muna ako sa library at doon ako umiyak ng umiyak . Tinotoo nga niya ang sinabi niyang ititira niya dito si avony. Sabagay sino ba naman ako diba sa mata niya ako ang kabet at hindi ang avony na yun. Ang sakit sakit lang sakin na hindi man lang niya nirespeto ang kasal namin. Ako parin ang totoong asawa at may karapatan sa bahay na ito.
Nagtagal pa ako ng ilang oras sa library nakaidlip pa ako sa sobrang sakit ng mata ko dahil sa kakaiyak. Napagpasyahan kong lumabas medyo madilim narin pala at mag aalasais na ng gabi. Habang naglalakad ako ay may narinig ako sa kusina na naguusap kaya dahan dahan akong naglakad papuntang kusina.
Habang palapit ako ng palapit ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan na ewan pero pinagpatuloy ko ang pagpunta sa kusina sa sobrang curious ko. Habang palapit ako ng palapit ay palakas ng palakas sa pandinig ko ang hagikhikan na naririnig ko. Sumilip ako sa pintuan ng kusina at nakita ng dalawang mata ko kung paano sila nagkukulitang dalawa at kung paano tignan at haplusin ni chase ang babaeng ina ng magiging anak niya.
Naiingit ako kung ako bayan ganyan din kaya siya sakin o di kaya ganyan din siya ngumiti pero sa pagkakatanda ko ni kahit minsan hindi niya nagawa sakin lahat ng yan. Aatras na sana ako ng madanggi ko ang lamesa at nahulog ang frame na nasa ibabaw nun. Dali dali ko itong pinulot pero huli na at itunulak ako ni avony at kinuha sa kamay ko ang picture frame. Hindi kuna rin napansin na nahiwa pala ang kamay ko sa paghugot ni avony ng picture frame sakin. Nakatingin ako sakanya at isang sampal ang nakuha ko sakanya. Napahawak at napaigik ako sa lakas ng sampal niya sakin. Napatingin ako kay chase at bumalik ang tingin niya kay avony.
"Babe why did you do that? " sabi ni lance.
"Why? see sinira niya ang picture frame nating dalawa.. How could she? she deserve that!!" sabi niya.
" H-...hindi ko naman sinasadyang mahulog yan " pangangatwiran ko.
" See nagsisinungaling ka pa nakita kita allyson nong nakita mong ang sweet ni chase sakin ay bigla mo nalang kinuha ito at hinagis tapos sasabihin mo sakin na hindi mo sinira how could you !! " sabay duro niya sakin.
"G-ginawa mo yun !! " sabi ni chase at biglang tumingin ng masama sakin.
"Yes babe i see her and before she throw it ay tinignan pa niya ako ng masama. Babe baka may gawin siyang masama sakin at sa anak natin " nagulat ako sa mga sinabi ni avony. Hindi ako ganoong klaseng tao.
"DONT YOU DARE HURT AVONY OR ELSE I KILL YOU !! " Sigaw niya sakin sabay hila sakin pataas.
"C-..chase s-san mo ako dadalhin ayoko na doon" sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa braso ko.
Wala siyang pinapakinggan dire diretcho niya akong kinaladkad at dinala ulit sa kwarto kung saan lagi niya akong pinaparusahan.
Sinampal niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Isang beses pa na ganun ang gawin mo hindi ako magngingiming saktan ka ulit ally.. Wag ang magina ko kung may mangyari man sakanilang masama humanda ka sakin!! " sabay tulak niya at sinarado ang pintuan. Tinatawag ko ang pangalan niya ngunit wala na akong naririnig pa na kung ano mula sa labas ng kwartong ito.
Nakita ko ang kamay kong may dugo ngunit hindi ako makaramdam ng sakit. Manhid naba ako at kahit sakit hindi kuna maramdamn ngayon. Patuloy sa pagagos ang dugo mula sa aking kamay. Buti nalang may nakita akong cabinet at may nakita akong box kaya binuksan ko at buti nalang may nakita akong medicine kit.
Ginamot ko ang sugat ko at binalot ito. Nagugutom na ako pero paano ako kakain kung kahit pagkain wala man lang sa kwarto na ito. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa banyo naiihi na kasi ako. Pero habang palabas ako ng banyo nakaramdam ako ng pagkauhaw naghanao ako ng maaring kong paginuman pero wala akong makita kaya bumalik ako sa loob ng banyo .. Hindi na ako nagisip pa at uminom ng tubig sa sink in. Naiiyak ako wala akong pwedeng kainin
dito hindi ko alam kong ilang araw ang aabutin ko sa kwartong ito.
Nakalipas na ang dalawang araw ngunit hindi parin nila binubuksan ang kwartong ito. Gutom na gutom na rin ako dalawang araw na akong walang maayos na tulog sinisikmura narin ako dahil sa wala akong kain. Hindi ba nila ako maalala man lang dito. Umiiyak nanaman ako bat ba ang hina hina ko at hindi ako marunong lumaban man lamang.
Sinubukan kong tumayo kahit nangangatog na ang aking mga tuhod. Nang may nagbukas nito ngunit naaninag ko nalamang ang taong ito at hindi kuna alam kong sino ito. Dahil sa nawalan narin ako ng malay tao dahil sa gutom. Pag gising ko nasa isang kwarto ako at unti unti kong tinignan ang loob ng kwato kung nasaan ako. Hanggang sa luminaw sa paningin ko ang kwarto kung nasaan ako.
Ito pala ang kwarto kung saan ako naglalagi. Isang matandang babae ang nakita ko at may dala dalang pagkain .
"Iha maupo ka at ng makakain kana " sabi nito at inalalayan akong maupo.
"Ahhmn. mawalang galang na ho sino po kayo?" tanong ko sa matanda.
"Ako nga pala si nanay ising kinausap ako ni chase para alagaan ka at ilabas doon aa kwarto" sabi nito.
"Yun lang po ba ? "
"Pinapasabi niya din na magpagaling ka daw at may iniwan nga pala siyang sulat dahil nagmamadali siyang umalis kanina dahil tinawagan siya bigla ni avony .. siya ang nagdala sayo dito nagalala siya at nagpapunta dito ng doktor para tignan ka " nagulat ako sa sinabi ni nanay ising . Malabong mangyari na magalala sakin si chase.
"Ganun po ba .. Sige ho ako na pong bahala dito dadalhin ko nalang po ang mga ito pagtapos kong kumain " sabay ngiting sabi ko sa matanda bago ito lumabas ng kwarto.
Dala ng curiosity ay binuksan ko ang papel na binigay sakin ni nanay ising na pinabibigay ni chase. Nang mabuksan ko ang sulat ay napaiyak ako.
" SORRY ALLY FOR WHAT IM DOING .. JUST TAKE A REST AND TAKE THE MEDICINE AFTER YOU EAT .. IM SORRY AGAIN HINDI KO KAYANG SUWAYIN SI AVONY I LOVE HER SO MUCH SO THATS WHY NAGAWA KO SAYO YUN .. HINDI KO SIYA KAYANG MAWALA AT ANG ANAK NAMIN KUNG PWEDE SANANG IKAW ANG UMIWAS SAKANYA KAPAG NANDITO SIYA SA BAHAY .. KASI I DONT KNOW WHAT HAPPEN AGAIN KAPAG NANGYARI ULIT ANG GANOONG SET UP NIYO NI AVONY AYAW KO NG MADAGDAGAN ANG KASALANG KO SAYO SO PLEASE IKAW NALANG ANG UMIWAS SAKANYA .. AGAIN IM SORRY "
Ang sakit lang na handa siyang saktan ako wag lang mawala sakanya ang babaeng mahal niya. Nakaramdam ako ulit ng hilo kaya nanatili akong nakahiga ng maramdaman kong ok na ay umupo ako at inumpisahan ng kumain pra naman magkaroon namn ako ng lakas. Nang matapos akong kumain ay binuhat kuna ito at dadalhin na sana sa kusina ng biglang pumasok si manang at may kasama na ito.
Isang lalaking sa tantiya ko ay kasing edad lang ni chase.
"How are you " nakangiti nitong sabi.
"Im already fine doc. ano pong satin? "
"Can i seat before anything else bago ko sabihin sayo ? " napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Sorry doc. you may seat " nahihiyang sabi ko.
" Allyson right ? "
"Yes doc."
" Im drake family doctor nila chase by the way may mahalaga akong sasabihin na hindi ko nasabi kay lance kahapon dahil ngayon ko lang nalaman nong tinest ko ang dugo mo " sabi nito. Medyo kinabahan pa ako sa sinabi niya.
" B-..bakit doc. may sakit po ba ako ? " naluluha ng sabi ko.
" Opsss dont cry allyson thats not what i meant i mean this is a good news " nakangiti nitong sabi na pinagtaka ko.
"A-..ano pong good news doc."
" Your 4 weeks pregnant allyson CONGRATS " natulala ako sa sinabi niya sakin. Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya.
"Hey are you ok " sabi nito sakin at doon lang ako natauhan
" Doc. pardon me cant you.. pakiulit yong sinabi niyo ? " sabi ko
" Your pregnant allyson " nakangiting sabi nito at doon ako umiyak. Hindi dahil sa saya kungdi dahil sa takot . Takot na malaman ni chase ito at ipatanggal sa aking sinapupunan ang batang dinadala ko. Kailangan kong magingat. Kailangan kong iligtas ang anak ko sa tatay niya pero paano.
"Doc. may ipapakiusap sana ako sayo kung pwede " sabi ko kay drake. Bahala na magsisinungaling muna ako para hindi ito makarating kay chase. Hanggang sa maka alis ako at makalayo mula sakanila ni avony. Hindi nila pwedeng malamang buntis ako habang nandito ako sa bahay na ito. Kailangan ko lang kumbinsihin ang doctor na ito para hindi makarating kay chase na buntis ako. Hindi ko alam kong anong pwedeng mangyari sakin sa ngayon kailangan kong maka alis at makalayo sakanila ni avony bago pa nila malaman ang lagay ko at ng anak ko.