CHAPTER 11

1305 Words
CHASE'S ***POINT OF VIEW*** Pinuntahan ko si avony sa condo niya. Kinakabahan man ng pindutin ko ang doorbell ay naglakas loob parin ako. No matter what happen gagawin ko ang lahat bumalik lang siya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni lance sakin pero meron sakin na parang kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya sakin at sa mga narinig ko kay ally nong naguusap sila ni lance. Hindi ko nga alam kung ano bang nararamdaman ko kay ally pero sa ngayon mas pursigido akong bumalik si avony. Ive been waiting this for so long kaya bakit ko pa aaksayahin ang pagkakataon na ito. Ilang beses pa akong nagdoorbell pero wala paring nagbubukas. Aalis na sana ako ng biglang may nagbukas ng pinto. Napalingon ako at nagulat sa nakita ko. Tinignan ko siya at napako ang tingin ko sa tiyan niya. Pagtataka ang tinging ipinukol ko sakanya. "C-...chase what are you doing here?" sabi nito at hindi pinansin ang aking pagtataka. "A-..are y-..you pregnant??" sabi ko. "Uhmmmn. y-yes chase" "Ilang buwan na yan ?? Sino ang ama ng dinadala mo?" "C-chase sorry pero ayaw kong guluhin ang buhay mo kasal kana kaya wala akong balak sanang sabihin-.. " pinutol kuna ang sasabihin niya at kinabig ko siya para yakapin. "Im willing to file a divorce and after that lets get married .. Just give me some time to fix everything" hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ko siya. "C-..chase you don't need to do that" sabi niya. "No .. im willing babe just wait ok" sabi ko sakanya. At napatango ito sa sinabi ko. "Let's go inside im so tired" inalalayan ko siya paloob. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Habang pumapasok ako sa loob naalala ko ang mga sinabi ni ally. Siguro nga kailangan kong pagbigyan ang sinabi niya kay lance. Ito na siguro ang tamang panahon para sumaya ako. Dalawang buwan lang naman mapagtiyatiyagaan ko naman yun mabilis lang ang dalawang buwan after that kakausapin kuna siya sa divorce paper namin. Kasama ko ngayon si avony. Nakayakap siya sakin hinahaplos ko ang tiyan niya ngayon buti nalang at nakita ko siya ulit kung hindi baka hindi ko pa malaman na mgiging isa na akong ama. Pero parang hindi ako masaya at naeexcite o baka dala lang ng pangungulila ko sakanya. Si ally kaya kamusta na? nakauwi na kaya ito? Winaklit ko sa isip ko ang mga nabubuong palaisipan sakin. Hindi ko gusto ang nangyayari sakin dapat si avony lang. Hindi ko pagsisihan kung ano man ang mangyayari basta paninindigan ko ang magiging desisyon ko. ALLYSON'S ***POINT OF VIEW*** Pauwi na ako at si lance ang maghahatid sakin sa bahay. Si chase dapat ang gumagawa nito pero iba ang lalaking dapat nasa katayuan niya. Oo nga pala hindi nga asawa ang turing niya sakin magaasume lang ako tapos wala rin naman. Hanggang WHAT IF nalang talaga ako. Nakita na niya siguro si avony kaya kahit isang beses hindi niya ako dinalaw sa hospital. Isang linggo akong nandoon pero kahit isang beses hindi niya ako nagawang dalawin. Palabas na kami ng hospital ng may mabangga ako hihingi sana ako ng sorry ng makita ko kung sino ito. At mas lalo akong nagulat sa nakita ko. Gusto kong umiyak gustong gusto pero ang lintik na luha ko marunong makisama at hindi man lang bumagsak sa harapan nila. Nakahawak sa bewang at puno ng pagaalala ang nasa mata niya habang hawak niya ang babaeng mahal na mahal niya. Pinangarap ko ang posisyon na yan pero hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko. "S-..sorry " hinging paumanhin ko. "TUMINGIN KA KASI SA DINADAANAN MO KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SA MAGINA KO PAPATAYIN KITA!!" Sigaw ni chase sakin. "BAGO MO PA YAN MAGAWA SAKANYA ILALAYO KO NA SIYA SAYO!! .. Let's go ally wag ka ng magaksaya ng oras sa mga TAONG WALANG KWENTA!! " Sabi niya sabay hila niya sakin. "Wag kang lilingon" Sabi niya sakin hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya ay hawak niya parin ang kamay ko. "S-..salamat lance" niyakap ko siya at hindi kuna napigilan ang mapaiyak. Umiyak ako ng umiyak wala na tlagang pag-asa magkakaanak na sila at iiwan na talaga niya ako. Bakit ba nangyayari sakin ito. Ano bang ginawa ko para parusahan ng ganito. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit parang kulang parin. Nagmahal lang naman ako pero hindi ko hiniling na sa ganitong paraan ko mararamdaman ang pagibig na gusto ko. Ang sakit naman niyang mahalin. Sa sobrang sakit kailangan ko pang masaktan at maging bulag sa kung ano man ang nararamdaman ko para sakanya. Hinahaplos lang ni lance ang likod ko ng may humila kay lance at sinuntok ito. Malabo pa ang aking paningin dahil sa aking pagiyak. "Lance are you ok" sabi ko habang pinupunasan ang aking mata. Nang matapos akong magpunas ay malinaw na si chase ang gumawa nun kay lance. Kaya tinulak ko siya para mapalayo kay lance na kinikwelyuhan niya. "ANO BA CHASE HINDI KAPA BA MASAYA .. DIBA KASAMA MO NA SI AVONY AT MAGKAKAANAK NA KAYO .. PETO BAKIT NANDITO KA AT SINUNDAN MO PA TALAGA KAMI!!" "BAKIT ALLY PIPILIIN MO BA SIYA KESA SAKIN HUH " Sabi niya at napatingin ako kay lance "Kung yun ang paraan para sumaya kana at makasama mo at mabuo ang pamilya mo bakit hindi" matapang kong sabi sakanya. "MAGUUSAP TAYO ALLY UUWI NA TAYO AT SA BAHAY KA DIDIRETSO!!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko pero pinigilan ito ni lance. "HINDI SIYA SASAMA SAYO TAPOS ANO SASAKTAN MO SIYA ULIT" Inalis ni chase ang kamay ni lance sakin at nilagay ako sa likod niya. "Wala kang pakialam dito SMITH BAKA NAKAKALIMUTAN MONG ASAWA NIYA PARIN AKO KAYA SASAMA SIYA SAKIN SA AYAW AT SA GUSTO NIYA KAHIT IKAW PA!! " Sabay hila niya sakin at napalingon nalang ako kay lance. "Ally kapag sinaktan ka pa niya ulit sabihin mo sakin at ilalayo kita sakanya" huling sabi ni lance sakin bago kami tuluyang makalayo ni chase. Napalingon ako kay chase habang hila hila niya ako. Nang tuluyang makalayo ay huminto kami at binitawan ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Nagulat ako ng bigla niyang sinuntok ang pader na nasa likod ko kaya ikinagulat ko ito ng sobra. Napapaluha nanaman ako dahil sa bilis ng pangyayari at hindi makahinga habang nakatulala at natatakot sakanya. Napatingin siya sakin at ganun nalang ang pagkagulat niya ng makita akong umiiyak dahil sa ginawa niya. Niyakap niya ako at ito ang unang yakap na ginawa niya ever since ng ikasal kaming dalawa. Para bang sa paraan ng pagyakap niya sakin ay mahal niya ako. Pero hindi ako pwedeng magpakampante sa mga nararamdaman ko. Baka sa huli ako ulit ang masaktan. "S-..sorry for everything ally .. S-..sorry" sabi nito. "S-..si avony dapat siya ang inaasikaso mo" napatingin siya sakin. "PWEDE BANG WAG MO MUNA SIYANG ISIPIN !! BAKIT ATAT KANA BANG SUMAMA KAY LANCE AT PINAGTUTULAKAN MO AKO NGAYON!! " "H-..hindi naman sa ganun pero diba m-..magkakaanak na kayo?" Sabi ko habang nakayuko. "LETS GO HOME " Yun lang at hinila na niya papasok sa saksakyan niya. Wala na akong narinig na kahit na ano pa man galing sakanya. Bakit bigla biglang naiba ang pakikitungo niya sakin. kani kanina lang sinabihan pa niya ako na papatayin niya ako kapag may nangyaring hindi maganda sa magina niya. Pero bakit ngayon parang nagibang katauhan siya. Paalis na kami sa parking lot ng hospital ng makita ko si avony na nakatingin mula sa labas ng sasakyan. Nang tignan ko si chase hindi naman siya dito nakatingin pero ng lingunin ko ulit ang kinaroroonan ni avony ay nakangisi na ito sakin. Kinuskos ko ang mga mata ko upang siguraduhin ang nakita ko ngunit wala na ito sa pwesto nito kanina. Kaya isinawalang bahala ko nalamang ang nakita ko. Siguro namamalik mata lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD