ALLYSON'S ***POINT OF VIEW***
HINDI PWEDE !!
HINDI NIYA ITO PWEDENG MALAMAN !!
Kailangang hindi malaman ni chase na buntis ako pero anong sasabihin ko sa doctor na ito.
" Doc. Alam na ba ni chase ang lagay ko ? " tanong ko sakanya.
" Hmmn. sa totoo lang hindi pa kasi tinatawagan ko siya para sana sabihin kaso unattended yong phone niya kaya dumiretcho nalang ako dito"
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Hmmmn. pwede ba akong humingi ng favor? "
"Ano yun? " sabi niya habang mataman siyang nakatingin aa akin.
"Pwede bang wag mo munang sabihin kay chase ang about sa pagbubuntis ko " sabi ko habang nakayuko natatakot ako sa magiging reaksyon niya sa sinabi ko.
"Bakit naman he have the rights to know that you are pregnant " sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Hmmmn. G-..ganito kasi gusto ko kasing.." nagiisip ako ng paraan kung paano ko siya icoconvince.. " ahhh oo isusuprise ko siya .. kaya kung pwede sana wag mo munang sabihin sakanya " sabi ko na may halong kaba dahil baka hindi siya maniwala sa sinabi ko.
"Hmmn. tama ka nga naman dapat nga na ikaw ang magsabi niyan sakanya .. sige sige hindi ako magsasalita maganda nga yan na isuprise mo siya" sabi niya.
Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya.
"Salamat po dok "
"Just call me drake .. kaibigan naman ako ng asawa mo eh kaya kung ok lang sayo wag ka ng mag po sakin " nakangiting sabi niya sakin.
"nasanay lang kasi ako kaya ganun .. your insisted na wag na akong mag po kaya sige .. nice meeting you drake thank you narin " sabi ko habang nagkakamot ng ulo.
"Your cute the way you do that "
"Bolero "
"You look like my sister the way you do that .. mahilig din siyang magkamot palagi sa ulo kapag pinupuri shy type kaya ganun " sabi niya habang nakatingin sakin.
"Hehe ganun ba " sabay kagat ko sa labi ko.
"Hmmm. aalis na ako (baka di ko mapigilan sarili ko) " napatingin ako kasi parang may sinasabi siya kaya nagtanong ako.
"May sinasabi kaba? " tanong ko sakanya.
"A..-ahhh wala sabi ko aalis na ako kasi may client akong pupuntahan " sabay kuha niya sa suit case na dala dala niya.
"ahhh ganun ba sige salamat ulit drake "
Umalis na siya kaya nawala yong kaba na nararamdaman ko kanina. Kala ko hindi ko siya makukumbinse na wag munang sabihin kay chase. Sa ngayon kailangan kong magingat hanggang sa makaalis ako sa bahay na ito.
Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan kaya palatandaan na yun na umalis na si drake. Mabilis akong pumunta sa kwartong aking tinutuluya sa bahay na ito.
Mabilis kong inimpake ang aking ibang gamit para kapag nakakuha ako ng tiempo para umalis dito ay hindi kuna kailangang mas ayos pa. Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya binilisan ko ang pagaayos at nilagay sa ilalim ng higaan ko para hindi mapansin. Lumabas ako ng kwarto at paglabas ko nakita ko si chase at avony na nagtatalo kaya napatigil ako sa paglalakad at tangkang aalis na sana ng maramdaman kong may humawak sa aking braso.
Pagharap ko isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi. Napatingin ako sa sumampal sakin at si avony ang sumampal sakin ngunit wala man lang ginawa si chase para pigilan ito. Tanging tingin lamang ang ipinukol sa akin ni chase. Hindi ako nakapagpigi at tinabig ko ang kamay ni avony.
Hindi ko siya pinatulan at hahakbang na sana ng hablutin nanaman niya ang braso ko at akmang sasampalin niya ako . Sinalo ko ang kamay na dadampi sana sa pisngi ko at tinabig ito. Ayaw ko siyang patulan hanggang kaya kong magpigil pipigilan ko ang galit na namumuo sakin ngayon.
"Ayaw ko ng gulo avony please lang pinalagpas ko ang pagsampal sakin ng walang dahilan pero wag mo ng dagdagan " sabi ko sakanya.
"Anong wala eh nakikinig ka sa usapin namin"
"Kakalabas ko ng kwarto at pupunta akong kusina para magluto tapos naabutan ko kayong nagtatalo at hindi ko balak makinig sa usapan ng iba"
"Mag dadahilan ka pa ba?!! " bigla niya akong tinulak at sobra akong nagulat sa ginawa niya. Buti nalang naitungkod ko ang kamay ko para hindi ako tuluyang mapaupo sa sahig. Lakas ng t***k ng puso ko. Natatakot akong baka mapaano ang aking anak sa aking sinapupunan.
Sinampal ko siya at ikinagulat nilang dalawa ang ginawa ko.
"How dare you to slap me !! " then she cried.
"Hindi kita pinatulan dahil alam kong buntis ka pero sinasagad mo ang PASENSYA KO!! " Bulyaw ko sakanya. At isang palad ulit ang lumapat sa pisngi ko at kay chase naman yun. Umiyak ng umiyak si avony dahil narin sa ginawa sakin ni chase pinapalala niya ang sitwasyon.
"HOW DARE YOU!! ANONG KARAPATAN MO PARA SIGAWAN SI AVONY HUH!! " At isang sampal ulit ang natanggap ko galing sakanya. Nalasahan ko ang mala kalawang kong dugo sa labi. Kailangan kong depensahan ang sarili ko sakanila.
"MAY KARAPATAN AKONG GAWIN YUN" Hindi kuna kaya bago ako aalis ipapamukha ko sakanila kung sino ako at ano ako sa bahay na ito.
"YOU DONT HAVE THE RIGHTS HERE ONLY AVONY " Sabay hablot niya sa braso ko at hinawakan ng madiin.
"HAHAHA AKO PA TALAGA ANG WALANG KARAPATAN SA BAHAY NA ITO !! ARE YOU f*****g CRAZY HUH CHASE!! ILL JUST REMIND YOU THAT IM ALSO A SANDOVAL .. MRS. ALLYSON SANDOVAL AND THAT f*****g b***h IS JUST A MISTRESS !! " Isang sampal ulit ang tumama sakin.
"ANONG SABI MO AVONY IS JUST A MISTRESS HUH!! AND YOUR JUST A f*****g GARBAGE .. BASURA KA LANG ALLY KUNG HINDI DAHIL SA PAMILYA KO MATAGAL NG BUMAGSAK ANG KUMPANYA NIYO GINAMIT NIYO LANG KAMI !! "
" OHH REALLY!! HINDI KO ALAM ANG SIKRETO NG BABAENG YAN AT PATULOY PARIN SA PAGBILOG SAYO PERO HINDI NA YUN IMPORTANTE SA NGAYON!!
PERO HINDI KO KASALANAN AT NG MGA MAGULANG KO KUNG BAKIT AKO NANDITO SA SITWASYON NA ITO !! SINISIGURADO AKONG PAGSISIHAN MO LAHAT NG ITO BALANG ARAW!! "
"AT TALAGANG LUMALABAN KA PA TALAGA!! " Sinabunutan ako ni avony at hinila pataas ng hagdan. Tumingin ako kay chase at nakikita ko sa mukha niya ang galit. Sumunod siya samin at hanggang sa makarating kami sa kwarto kung saan kinukulong ako ni chase.
"Diyan ka nararapat ako pala ang kabet o sige ipapakita ko sayo kung paano umakto ang isang kabet!! " sabay tulak niya at dura sakin.
"YOU KNOW WHAT ALLY!! YOUR JUST A SLUT A f*****g SLUT " Isang salita na galing kay chase.
Pagbagsak ng pinto yan ang huling rinig ko bago ako mapaupo at mag umpisang umiyak. Kailangan kong makaalis sa bahay na ito pero paano. Paano ako makakaalis sa impyernong ito lalot kailangan kong mag ingat dahil meron na akong dapat iligtas mula sa kanyang ama.
Ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko sa ama niya. Gagawa ako ng paraan para lang mailigtas siya sa ama niya at sa kabet nito.
Naglibot ako sa kwarto at habang naglilibot may isang bagay akong naapakan. Tinignan ko ito at ganun na lamang ang tuwa ko ng makita na cp ito.
Triny kong buksan ngunit lowbat naman kaya naghanap ako sa cabinet na nandito. Nakapagtataka naman at merong cp na nakakalat dito. Sa paghahanap may karton na makikita sa ilalim ng kama kaya inabot ko at laking tuwa ko ng makitang may charger ito sa loob ng kahon ngunit may sulat na kasama.
Chinarge ko yong phone na nakita ko hindi man ito touch screen ngunit malaking pakinabang ito at makakatulong ito sakin. Nang maicharge kuna ito ay yong sulat naman inumpisahan kong buksan at basahin. Iyak ang tanging nagawa ko salamat nay ising balang araw gagantihan ko ang kabutihang ginawa mo ngayon.
SALAMAT NANAY ISING.
Inumpisahan kong buksan ang di keypad na cp na binili pa ni nanay ising. Nang magbukas ito ay dali dali kong dinaial ang numero ni lance. Naka 10 tawag na ako at hindi pa din nito sinasagot ang tawag ko. Kaya nagdesisyon ako na huling tawag kapag hindi pa niya sinagot susubukan ko kinabukasan. Dinial ko ulit ang numero at sinagot na nito.
"Hello who's this?" sabi sa kabilang linya.
"L-..lance this is A-..allyson i n-..need your h-..help "