CHAPTER 14

1447 Words
ALLYSON'S ***POINT OF VIEW*** "A-...allyson what happen? " "L-..lance help me .. Tulungan mo ako lance gusto ko ng umalis sa bahay na ito please lance help me " pagmamakaawa ko sakanya. "Okay but how? " sabi niya. "Kinuluong ako ni chase at avony dito sa bahay at hindi ko alam kung ilang araw ulit ako makaklabas sa bahay na ito" Wla na akong ibang mahingian ng tulong kungdi si lance lamang. "Lance tulungan mo akong makaalis sa bahay na ito at gusto ko ng lumayo kay chase please help me " Pagmamakaawa ko kay lance. "Paano kita matutulungan ?" "Gagawa ako ng paraan para makaalis dito tapos abangan mo nalang ako sa labas ng subdivision kasi alam kong hindi ka makakapasok dito" sabi ko skanya. "Pero paano mo gagawin yun" "Baka puntahan din ako ni manang dito at palabasin din ako .. Tatawag ako sayo once na nakalabas ako dito abangan mo ako sa labas " sabi ko sakanya. "Delikado ang gagawin mo ally " "Lance mas delikado ako dito kapag hindi ako nakaalis " sabi ko sakanya. "Sige tutulungan kita ilalayo kita kay chase hindi ka na niya makikitang muli" sabi nito na ikinaluwag ng loob ko. Kahit kailan talaga lagi akong tinutulungan ni lance. Alam ko naman na may nararamdaman siya sakin pero yun ang hindi ko magawang ibalik sakanya. Makakahanap din siya ng babaeng mamahalin siya at hindi ako yun. Naghanap ako ng matulis na bagay na nasa paligid ko pero wala akong makita. Naglibot libot pa ako sa paligid pero wala talaga akong makita na kahit na anong bagay na makakatulong sakin para makalabas sa kwarto na ito. Habang abala ako sa paghahanap ay nakaramdam naman ako ng hilo at oarang nasusuka. Dumiretcho ako sa banyo para sumuka ngunit walang lumalabas. Hilong hilo ako kaya napagdesisyunan kong matulog muna at baka mapano ang batang dala dala ko sa sinapupunan ko. Gusto ko man ng kumpletong pamilya pero mukhang ito ang hindi ko maibibigay sa aking anak.( IM SORRY DARLING FROM NOW ON I WILL BE YOUR MOM AND DAD) nasa isip ko nalamang. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa hilong nararamdaman ko. Nagising ako dahil sa haplos na nararamdaman ko sa mukha ko. At hindi ako nagkakamali at si chase nga itong nasa harap ko. Pero takot ang nararamdaman ko ngayon. Sa mga titig niya sakin mula ulo hanggang paa ay kikilabutan kana at nalalanghap ko ang amoy alak na galing sakanyang bibig. "Hmmmn. C-..chase anong ginagawa mo dito ? " kinakabahang tanong ko sakanya at todo iwas ang ginagawa kong tingin mula sakanya. "Ally Mahal mo ako diba? .. Hindi mo ako iiwan diba? " napatitig ako sakanya na may halong pagtataka sa bawat binigkas nitong salita. "C-..chase anong sinasabi mo? " bakas sakin ang pagtataka. "Sabihin mo ally na mahal mo ako. Na hindi mo ko iiwan. " hindi ko siya maintindihan. "C-..chase hindi kita maintindihan bakit ngayon pa " napatingin siya sakin. "Ally naguguluhan na ako sa sitwasyon na ito hindi kuna alam ang gagawin ko " Napahawak siya sa ulo niya habang nakaupo. Miski ako sobrang naguguluhan sa mga nangyayari at sinasabi niya sakin. "Miski ako chase naguguluhan na sa mga sinasabi mo " Umiiyak na ako dahil sa naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Pagmulat ko ng mata ko si aling ising ang nakita ko at hindi si chase. So it means na isang panaginip lang ang lahat at hindi yun totoo. Napayakap ako kay manang at humagolgol na ng iyak. Hinahagod hagod naman nito ang likod ko. " Ally umalis kana sa bahay na ito ako nang bahalang magpaliwanag kay chase wala ng oras kailangang makaalis kana rito narinig ko si mam avony kanina balak ka niyang ipapapatay kaya habang maaga pa umalis kana rito nanganganib ang buhay mo at ng magiging anak mo" nagulat ako sa sinabi ni manang. Kaya napatulala ako sa kanya. "Oo iha alam kong buntis ka narinig ko ang usapan niyo ni sir drake pupuntahan sana kita para tignan kong okay kana pero saktong papasok na sana ako ng marinig kong buntis ka ay hindi na dumiretcho at bumalik nalamang sa kusina " mahabang paliwanag niya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Manang parang awa niyo kahit anong mangyari wag niyong sasabihin kay chase na buntis ako aalis na po ako manang nakausap kuna po si lance tutulungan niya ako" sabi ko kay manang. "Tawagan muna siya ally baka biglang dumating si sir chase at maabutan ka pa nya dito. Mas mainam na umalis kana ngayon para hindi kayi mapahamak ng anak mo" sabi niya sakin. Kinuha ko ang cp at tinawagan si lance. Dalawang ring palang ay sinagot naman agad ni lance. " Hello ally " "Lance ngayon ako tatakas dito tutulungan ako ni manang ising. Umalis si chase at makakaalis ako ng bahay" "Pero ally ang lakas ng ulan .. Baka mapano ka? " sabi nito. "Pero kung hindi ako ngayon aalis baka mapano ako at ang batang dala dala ko. Lance tulungan mo ko " Sabi ko sakanya. "Okay okay aalis na ako ngayon hintayin mo ako sa labas ng subdivision magtago hanggat maari wag kang magpapakita sa guard " "Sige ... Salamat lance " at pinatay na nito ang tawag. Tumingin ako kay manang at nakikita mo sa mga mata nito ang pag aalala. "Manang magiging okay din po lahat wag ponkayong mag alala sakin hindi ko po kayo makakalimutan. Utang na loob ko sainyo ang buhay naming mag ina" ngumiti ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit. "Magiingat ka allyson naway lumaking mabuting bata ang magiging anak mo " "Opo manang papalakihin ko po siyang isang mabuting bata hindi man kumpleto sa pamilya pero bubusugin ko siya ng pagmamahal " Tumayo na ako at inalalayan si manang tumayo. Habang bumaba kami ni manang ay may narinig kaming tunog ng sasakyan kaya nagkatinginan kami ni manang. Mabilis kaming bumaba at pumunta sa kusina. "Allyson may gate sa likod doon ka dumaan diretcho lang daan palabas dito at makikita mo na ang kalsada palabas dito. Malapit na roon ang daan palabas ng subdivision iwasan mong wag makita ng guard ako ng bahala kay chase." sabi ni manang habang tinuturo ang daan. Habang palabas ako ng bahay ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at pabalibag itong sinara. "ALLYSON !! " Sigaw ni chase at galit na galit ito. Mababatid mo sa bawat pagsigaw niya ng pangalan ko. "ALLYSONNNN!! ALLYSOONNNN" Sunod sunod na tawag nito. Napatingin ako kay manang at makikita mo dito ang takot at kaba. Ramdam ko ang takot nanginginig ang aking mga tuhod. "Allyson umalis kana dalian mo " Pabulong na sabi ni manang. Dahan dahan itong lumapit sakin at sinenyasan akong umalis na . Naglakad na ako at nakita ko kung paanong dahan dahang isinarado ni manang ang pinto para hindi makahalat si chase. Takbo lakad ang aking ginawa sa takot na makita at mahanap ako ni chase. Kita kuna ang kalsada na sinasabi ni manang nang makarinig ako ng sigaw. "ALLYSON HINDI KA MAKAKAALIS .. MAHAHANAP KITA KAHIT ANONG MANGYARI " Mas lalong binilisan ko ang paglalakad basang basa narin ako dahil sa lakas ng ulan. Sumilip ako ng maabot ko ang kalsada at tanaw mula rito ang guard house kung saan nagbabantay ang guard. Dahan dahan akong naglakad at tinignan kung nandoon ito. Nang mapansing kong pumasom ito ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makalabas. Pero habang palabas ako may humila sakin at tinakpan ang aking bibig na ikinagulat ko ng sobra. Napatingin ako sa taong gumawa nito. At laking pasasalamat ko ng si lance pala ang humila sakin. "Buti at nakaalis ka ng maaga ally kungdi naabutan ka ni lance" Sabi nito sakin. "Muntikan ka naring makita ng guard kaya hinila kita agad at tinakpan ang bibig .. Pasensya kana" hinging paumanhin nito sakin. "Okay lang lance kung hindi mo yun ginawa siguro nahuli na ako " sabi ko sakanya. "Tara na at baka pinapahanap ka na ni chase " sabay bigay nito ng jacket. "Isuot mo yan para kahit papaano hindi ka lamigin" at sinuot kuna ang binalot nitong jacket. Dahan dahan kaming umalis sa pwestong pinagtataguan namin ng may tumawag sa guard. Kaya dali dali kaming umalis doon at nilakbay ang sasakyan na nakatago lamang sa malapit. Paano ko kaya masusuklian lahat ng mga nagawa sakin ni lance. Gusto ko mang ibalik ang pagmamahal na binibigay niya ngunit paano kung masaktan ko din siya sa bandang huli ayaw kong mangyari ang bagay na yun. Magpapakalayo layo ako at iiwan lahat ng sakit na binigay sakin ni chase. Kailangan kong gawin ito para mailayo sa tiyak na kapahamakan ang aking anak mula sa kanyang ama at kerida nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD