ALLYNA'S ***POINT OF VIEW***
Nagising ako na nasa sarili kong kwarto na ako. Yes , tama i have my own here. Hindi naman ibig sabihin na kahit nasa iisang bahay kami ni lance ay nagsasama na kami sa iisang kwarto. He respect me thats why he decided to make a separated room.
Tinignan ko ang orasan at nagulat ako na 6 PM. na pala at hindi man lang niya ako ginising. Dahan dahan akong bumangon at bumaba ng kama. Pagbukas ko ng pinto ay may naamoy agad ako at alam kuna kung saan galing kaya dali-dali akong bumaba at dumiretcho sa kusina.
Nakita ko siyang nakatalikod habang nakasuot ng pink na apron. Nakasuot siya ng T-Shirt na puti at naka suot lang ng simpleng maong na short. Lumapit ako sakanya at niyakap siya sa likod.
" O hhh gising kana pala " Nagulat siya sa biglang pagyakap ko sakanya patalikod. "Sorry if hindi kita ginising sarap kasi nang tulog mo. Gigisingin sana kita pero i decided na wag nalang kitang gisingin at binuhat nalang kita at dinala sa kwarto mo" mahabang paliwanag nito.
" Its ok lance, Thank you by the way i appreciate all the things that you did for me and for my baby " sabay ngiti ko sakanya.
" Ally hindi kita minamadali na magustuhan at mahalin rin ako alam kong darating din ang panahon na darating din tayo sa point na makakalimutan mo siya at ako naman ang mamahalin mo. Wag mong pilitin ang sarili mo para lang mahalin ako dahil sa may utang na loob ka sakin " Sabi niya.
" Hindi man sa ngayon lance pero sana balang araw kapag natutunan ko na ikaw ang mahalin ko sana nandyan ka parin para sa akin at para sa mga anak ko "
" Ally mga anak natin dahil ako na ang magiging daddy nila kulit mo " sabay harap niya sakin at pinisil ang pisngi ko.
" Ang sakit naman lance ang hilig mong pisilin ang pisngi ko " Sabay hawak ko sa pisngi ko at lumabi na parang bata.
"Pumunta kana doon at matatapos na itong niluluto ko. Kapag hindi kapa pumunta doon baka hindi ako makapagpigil at baka mahalikan kita " Sabi niya kaya naman agad akong tumalima ng lakad at agad ba pumunta sa dinning area at naupo.
Maya maya lamang ay natapos na rin ito at hinain na niya lahat ng niluto niya. Pagkababa pa lamang niya ng mga ulam ay natakam na agad ako sa mga niluto niya. Puro paborito ko ang mga ulam na niluto niya.
Una kong tinikman yong Adobo at sinunod ko yong Sinigang na Baboy.
" Hmmmmmn. ang sarap talaga ng luto mo lance dinaig mo pa luto ko ahhh. "
" Para yan lahat sayo alam ko naman na gustong gusto mo niyan ihh kaya yan yong naisipan kong lutuin ngayon. "
" Thank you talaga lance" Sabi ko sakanya.
" Walang anuman ally sige kain lang ng kain baka magreklamo na yong kambal at binibitin mo ang pagkain mo hahaha" Sabay tawa niya kaya naman kumain na ako ng kumain hindi ko na pinansin kong paano niya ako titigan habang kumakain.
Natapos ang gabing puno ng kwentuhan at tawanan ng gabing iyon , Ngayon ko lang ito naranasan hindi gaya ng kasama ko si chase. Kahit minsan wala akong naalala na ginawa naming magkasama. Pero lahat ng yun si lance ang pumuno ng pagkukulang na hindi naibigay ni chase.
Kailangan kuna ba talagang mag MOVE ON? at kalimutan ang lahat ng nararamdaman ko para sakanya. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para kalimutan ang lahat ng mga sakit at pasakit na naranasan ko simula noon. At siguro maayos na ang pagsasama nila ni avony dahil wala na ang isang tulad ko na humahadalang sa pagmamahalan nilang dalawa.
Kakalimutan kuna ang lahat at itutuon ang atesyon sa magiging buhay ko at ng kambal.Ibabaling ko ang pagmamahal ko kay lance hindi dahil sa utang na loob kungdi dahil deserve niya ang mahalin din siya ng tama.
-----
Lumipas ang ulang buwan at eto kabuwanan kuna at araw na lamang ang hinihintay namin upang makita ang dalawang anghel sa buhay namin.Nong araw na nagdesisyon akong kalimutan si chase ay kinausap ko si lance about sa desisyon ko at handa naman siyang maghintay sa araw na sasagutin kuna siya.
Pumayag akong ligawan ni lance at halos araw araw may bulaklak. Para bang mga teenager na may halong love letter hindi ko maiwasang kiligin dahil first time may gumawa nito para sakin at si lance pa.
Lumipas ang buwan na ganyan morning routine naming dalawa. Hanggang ngayong kabuwanan kuna ay todo ang pagbabantay niga sakin kahit san ako pumunta nakasunod siya sakin para lang makita kung ayos lang ako. Mga gamit na dadalhin namin halis lahat nakaready na inasikaso na niya lahat sobrang swerte naming mag iina at napunta kami sa gaya niya.
Habang naglalakad ako sa garden dahil ilang araw na din ang paghihintay namin sa due date ng panganganak ko ay biglang sumakit ang tiyan ko. Napahawak nalamang ako sa balakang ko. At bigla ko ring naramdaman na parang may tubig na pumutok sa maselang parte ng katawan ko.
Napasigaw na ako.
"LANCEEEEEEEE....... LANCEEEEEEEEE........." Habang nakahawak sa balakang ko at hinihimas ang tiyan ko dahil sa sakit na nararandaman ko.
"B-..bakit? " Nag aalalang tinig ng humahangos na binata.
"Ma-..ma-..manganganak na ata ako L-..lance" paputol putol kong sabi.
Nakatulala na ito sakin at hindi na makagalaw at parang pinanawan ng kulay ang itsura. Hindi ko alam kong matatawa ako sa itsura ni lance.
"ANO PANG TINUTUNGANGA MO DIYAN LANCEEEEEEEEE MANGANGANAK NA AKO " Sumigaw ako para ipaalala na manganganak na ako. At tila natauhan nga ito sa ginawa ko.
Biglang itong nataranta at iniwan ako sa garden at mabilis na tumakbo sa loob ng bahay. Nagulat ako ng bumalik siya at binuhat ako. Tsaka niya lang siguro narealize na naiwan niya ako sa garden nong nakasakay na siya sa kotse at wala ako. Napapakamot nalamang siya habang pabalik para lang buhatin ako.
Pagkasakay niya sakin ay tsaka naman niya kinuha ang mga gamit na dapat naming dalhin. At nang maayos na niya lahat ng dapat ayusin ay mabilis naman itong pumasok at pinaandar na ang sasakyan.
"Konting tiis nalang ally malapit na tayosa bahay ni Dr. Santiago". Nagtaka ako kung bakit sa doon ehh dapat sa ospital ang diretcho namin.
Hindi na ako nagtanong pa dahil sa biglang humihilab ang aking tiyan at hindi ko alam ang gagawin.
At dahil first time kong manganganak ay hindi ko alam ang gagawin dahil maya't maya ang nararamdaman kong sakit sabay na parang may lalabas na sa ari ko. Kinapitan kuna lahat ng pwede kong kapitan para lang kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
"ALLY are you o-....okay?" Tanong ni lance habang ang itsura ay halatang kinakabahan na paramg akala mo ay siya ang manganganak. Halata sa itsura niya ang kaba at taranta. Habang diretcho ang tingin sa daan.
"L-..lance do i look ok on my situation? " Balik na tanong ko sakanya.
"No ally .. Im sorry to asking you that were here na". Sabay busina niya sa mataas na gate na nasa harap namin.
Dali dali namang may nagbukas ng gate na para bang inaabangan na ang pagdating namin. Pagkapark palang ni lance ay agad agad na itong bumaba at binuksan ang pintuan sa side ko at binuhat ako papasok sa bahay ni Dr. Santiago.