EPISODE 19

1100 Words
LANCE'S *** POINT OF VIEW *** Nakarating kami ng ligtas sa bahay ni Dr. Santiago halata sa mukha ni allyson ang pagtataka kung bakit dito kami dumiretcho sa bahay ni Dr. Santiago. Hindi kasi kakayanin kung sa siyudad pa kami pupunta para lang makapanganak si allyson. Baka mapahamak lamang sila ng mga bata kapag ganun ang nangyari. Dahil sa mas malapit ang bahay ni Dr. Santiago ay dito niya kami pinapunta at magtatawag na lamang siya ng ambulance para pagtapos manganak ni allyson ay ililipat din sila don. Habang papunta kami sa delivery room sa bahay ni Dr. Santiago ay sobrang sakit ang nakikita ko sa mukha ni allyson. Napapakapit nga siya sa braso ng mahigit tapos biglang lumuluwag tapos biglang kakapit nanaman. Ramdam ko ang mga kuko niyang bumabaon sa braso ko ngunit isinawalang bahala ko nalang dahil wala pa sa sakit na nararamdaman ko ang nararamdaman niya sa ngayon. Pagkapasok namin ay saktong naayos na ng assistant ni Dr. Santiago ang mga kakailanganin sa panganganak. Nang maibaba kuna si allyson ay pumwesto na si Dr. Santiago para icheck kung ilang cm na si allyson ngunit pagtingin palang ni Dr. Santiago ay bigla itong nataranta dahil sa nakita. "Nurse Joy lets proceed na malapit nang lumabas ang isa sa mga kambal " Sabi niya sa nurse na nandito ngayon. "Sige po Dr. Santiago " Napatingin ako sa nurse na kasama niya ngayon at halata mong bata pa ito. "Allyson pagsinabi kong push push ok " Tanging tango lang ang naisagot ni ally. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tinutulak ang tiyan pababa gaya ng sabi ni Dr. Santiago. "Hmmmmmmmnnnnnnn. ahhhhhhhhhhh " Impit na sigaw ni ally pagtapos ang unang ere niya. Lumipas pa ang ilang oras at hindi pa lumalabas ang isa sa mga kambal. "Allyson dont make it hard isang push pa iha at malapit na lumabas ang isa sa mga anak mo sige pa PUSHHHH " Sigaw ni Dr. Santiago. At isang mahabang ere pa ang ginawa ni allyson. "Hmmmmmmmmmmnnn..... ahhhhhhhhh " At isang iyak ng lalaking sanggol ang bumulahaw sa loob ng delivery room. "Lalaki ang panganay mo allyson so si baby girl nalang ang nasa loob. Handa kana ba ulit allyson last nato nakikita kuna ang ulo niya " Sabi ulit ni Dr. Santiago pagkaabot sa nurse ng baby. Pumwesto na ulit si Dr. Santiago. Ilang minuto lang lumabas na ang huli sa kambal. At ang saya sa pakiramdam na makita ang ganitong senaryo. Even though im not the father of this two little angel infront of me ay lumambot ang aking puso. Feeling ko im the father of this two angels. Hawak ni allyson ang mga bata bago ito ilipat sa hospital para mas maasikaso sila doon at para maayos na ang mga dapat maayos. Napatingin si allyson si akin at ngumiti. "Lance come here see our babies " sabay tingin nito sa mga bata. Nagulat pa ako sa sinabi niya. "A-...anong sinabi mo a-..ally?" utal kong sabi. "Tignan mo tong mga anak natin " nakangiting sabi niya. "Lance deserve mong sumaya kasama kami kaya im giving you my permission na maging daddy ng mga anak ko, NATIN" Mga salitang gusto kong marinig mula kay allyson. Napaiyak ako sa tuwa dahil doon. "Allyson ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo dahil sa inyo. Pangako mamahalin kong na parang tunay kong mga anak ay hindi. Para sakin tunay ko silang mga anak" Sabi ko na nagpatigil kay allyson at napaiyak ito. "Lance thank you for everything wala kami kung wala ka. Thank you for taking care for me habang pinagbubuntis ko sila hanggang sa ngayon na naipanganak kuna sila your still here for us" Pinahid ko ang mga luhang lumalabas sa mga mata niya. "Shhhh. its ok ally as long as im here ligtas kayo sakin " sabay halik ko sa noo niya. "Bigay muna sila sa nurse para malinisan na sila at magpahinga kana at ililipat na kayo sa hospital" Sabi ko sakanya. Kinuha na ng nurse ang dalawang bata at ako naman ay inalalayab siyang makahiga. Maya maya pay dumating na ang ambulansyang kukuha kay allyson at sa mga bata para mailipat sila sa hospital. At akoy susunod sa kanila upang ayusin na ang mga dapat ayusin para sa mga bata. "Ally susunod ako don , may pupuntahan lang ako at aayusin ko ang birth certificate ng mga bata" Hawak ko sa mukha ni ally nang maipasok na siya at ang mga bata sa loob ng ambulansya. "Sige hihintayin ka namin ng mga anak natin don" Sabi niya sakin sabay hawak sa kamay kong nakahawak sa kanyang mukha. Ang sarap lang pakinggan na anak namin. Sana hindi na matapos pa itong ligayang nararamdaman ko. "Nga pala ally anong ilalagay kong pangalan ng father nila don lalagay ko ba pangalan ni chase? " tanong ko sakanya. "No. Not chase pangalan mo ang ilalagay mong pangalan ng fathers name nila. Remember ill give you my permission for being the father of my children " Sabay ngiting tingin niya sakin. "R-..really allyson" Hindi makapaniwalangbsaad ko sakanya. "Yes lance you will be the father of my child deserve mo lahat ng ito lance" "Thank you" Sa tuwa ko ay niyakap ko siya. "Ano nga palang pangalan nila?" napatanong ako kasi wala pa pala silang pangalan. "Oo nga pala. Nakalimutan kuna " napakamot nalamang ito sa ulo. -------- ALLYSON'S *** POINT OF VIEW *** NAKALIMUTAN ko nga pala sabihin pangalan nila. Hanggang ngayon din wala din akong maisip na pangalan. "How about Bryle and Brianna" suggestion niya. Napatingin ako sakanya napangiti ako sakanya. "Ohhh i like the names sige Bryle and Brianna and total ikaw ang tatay nila the rest ikaw na bahala " nakangiti kong saad. Alam kong mamahalin ng buo ni lance ang mga anak ko. Kaya pinagkakatiwala ko sakanya lahat. "Sige i have to go na susunod nalang ako sa hospital may gagawin lang muna ako bago ako sumunod sainyo don" hinalikan niya ako sa noo bago siya bumaba sa ambulansya at binilinan niya pa ang nurse na kasama ko. "Paki ingatan ang magiina ko " sabay ngiti niya ng matamis. Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Sobrang swerte talaga namin sakanya. Alam kong hindu dapat ako ang babaeng para sakanya pero parang ngayon sana siya nalang ang una kong nakilala at una kong nagustuhan. Habang nasa biyahe hindi ko mapigilang isipin na may dalawa akong anghel na kasama. Minalas man ako sa kanilang ama ay yun naman ang swerte ko sa mga anak ko ngayon may rason na para pagpatuloy ko ang buhay ko kasama sila at si lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD