ALLYNA'S ***POINT OF VIEW***
Nagising ako sa pagtapik na ginawa ni lance hanggang ngayon napaka antukin ko parin. Kaya kung san san ako nakakaramdam ng antok pero palagi din akong ginigising ni lance kung saan saan kapag nasa bahay.
Minsan sa garden ako nakakatulog naglalapag ako ng blanket at doon magbabasa pero in the end nakakatulog ako sa pagbabasa magugulat nalang ako nasa kwarto na ako.
Meron pa one time sa library at sa sala habang nanunuod maski sa kusina hindi ko pinalampas buti nalang andyan si lance. Natatawa nalang ako sa mga pinag gagawa ko ih.
"Natatawa ka nanaman hayssst. kung saan saan ka nalang kasi nakakatulog pati ba naman dito hindi mo pinalagpas ah. " natatawang sabi ni lance.
" Simula nong nagbuntis ako hindi na nawala sakin ang matulog ng matulog pero ang masaklap kung saan saan pa ako nakakatulog hahahaha "
"Yun na nga ihh." sabi niya.
"Pero pagkatapos nito uwi na tayo inaantok pa kasi ako ihh "
"Hindi naba tayo bibili ng sweets ?" tanong niya.
"Hindi na tinatamad narin ako ihh" sabi ko sakanya .
"Sige oorder nalang online ng mga gustong mong kainin" hindi na ako sumagot at tinapos ko na ang pagkain ko.
Natapos agad kami at umalis na dahil ramdam na daw niya na inaantok na talaga ako. Kaya yun inalalayan nanaman niya akong tumayo at hinawakan ang tiyan ko.
Nakasakay na kami at nasa biyahe napauwi ng bahay.
"Matulog ka muna diyan at gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo sa bahay"
"Sige po salamat " at pinikit ko na nga ang aking mata at natulog na ulit.
LANCE'S ***POINT OF VIEW***
Sobrang saya pala sa pakiramdam na sinasamahan mo sa lahat ang taong mahal mo YES LEGIT mahal ko si allyna..
I know my limits but i cant help na mafall pa ng mas malalim sakanya.
Aakuin ko ang mga batang dinadala niya as long as sakin sila mananatili. Mali man na ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman dapat pero as long as nakikita kong masaya si allyna i do everything para sakanila.
Tinitignan ko ang reaksyon niya kaya pati ako kinakabahan until tumingin siya sakin at pinagtatawanan ako. Sa totoo lang kinakabahan ako para akong manganganak kahit hindi ko alam kung paano yun.
Hanggang sinabi ni dr. Santiago na kambal ang anak ni allyson at ang nakakatuwa sa lahat ay lalaki at babae ito. Hindi siguro mag sink in kay allyna ang mga narinig niya at nakita kaya naman tinapik kuna siya dahil nakatulala ito sa screen at parang nakakita ng multo sa itsura niya.
Nang matapos na ang ultra sound ay napagpasyahan kong yayain siyang bumili ng gamit ng mga bata dahil alam na namin ang gender nila at alam na namin ang mga dapat bilhin para sa kambal.
Inaalalayan ko siya sa pagsakay maski sa pagbaba ng sasakyan dahil sa laki ng tiyan niya. Nakakatuwa lang tignan si ally dahil kahit nagbubuntis ito ay maganda parin siya.
Habang naglalakad kami papasok sa mall ay hindi maiiwasang may iilang tumitingin saming dalawa. Kaya habang naglalakad kami ay napapansin kong panay ang tingin niya sa paligid kaya sinabihan ko na tumingin lamang siya sa dinadaanan namin.
Hanggang sa makarating kami sa bilihan ng gamit ng mga bata at binili namin lahat ng kailangan nong una inaayawan niya lahat ng gusto ko para sa kambal hanggang sa pumayag din siya.
Matapos kaming makapamili ay tinanong ko siya kong san niya gustong kumain. Ang tagal bago siya nakapagdecide kong san niya gustong kumain pero ang ending sa fast food kami kakain.
Si allyna yong tipo ng babaeng walang arte sa katawan kahit galing pa siya sa mayamang pamilya ay mas gusto nito ng simpleng buhay.
Naghanap muna ako ng pwesto para naman makaupo na siya habang ako naman ay didiretcho sa counter para magorder. Nakahanap naman agad ako ng bakanteng pwesto kaya agad agad kong pwinesto yong gamit ni ally para wala ng ibang makaupo.
Inalalayan ko ulit siya hanggang sa makaupo na siya kaya bilis bilis din akong pumunta sa harap para makapagorder pero hindi ko ineexpect na sobrang haba ng pila.
Nagtiyaga akong pumila pero at the same time tinitignan ko si ally kong ok lang ba siya sa pwesto na kinuha ko. Nakita ko siyang may kinuha sa bag na dala niya at nilabas ang cp at headphone na dala nito at nilagay sa tenga niya.
Hinayaan ko lang ito at pinagpatuloy ang paghihintay habang paunti ng paunti ang pila ay nilingon ko ulit ito at natawa sa itsura niya dahil nakatulog nanaman ito. Hayssst. naalala ko nanaman yong mga pinaggagawa niya sa bahay.
Dahil kung saan saan nalamang ito nakakatulog maski dito hindi na niya pinalampas hahahaha.. Napailing nalamang ako at sakto namang ako na pala ang susunod sa pila.
Kaya naman nagorder na ako para naman makakain na kami at makauwi na. Nakuha kuna ang order ko at mabilis na pumunta sa pwesto namin.
Ginising ko si ally para makakain na. Tinapik ko ito sa balikat upang magising.
"Ally wake up this is our food" sabi ko sakanya at nilagay na isa isa ang pagkaing inorder ko.
Habang nilalapag ko yong mga pagkain ay napansin kong natatawa nanaman siya naisip nanaman niya siguro na kong san san siya nakakatulog.
Nakakain na kami at napagpasyahan na naming umuwi inalalayan ko nalamang siya hanggang sa makasakay na kami at nasa biyahe na tinignan ko siya at sinabihan na matulog nalang muna.
Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nasa biyahe kami. Handa kong isugal lahat lahat alang alang kay ally pero iisang bagay ang hindi ko masabi sakanya at ayaw ko munang sabihin sakanya. Gusto kong maging masaya siya habang nandirito ako sa tabi niya.
Yong bubuuin naming pamilya na kahit hindi ako ang ama tatanggapin ko. Mahal ko siya at patuloy na minamahal sa kabila ng mga nangyari hindi niya man lang nasubukang pahalagahan ng lalaking minahal niya. Kung ako nalang sana siya siguro hindi mahihirapan si allyna siguro masaya na kami biglang isang pamilya ngayon at hindi niya pagdadaanan lahat ng sakit na naranasan niya kay chase.
Simula palang dati nong una ko siyang makita nagustuhan ko na siya ngunit dahil sa kaibigan ko si chase pinaubaya ko siya kahit walang sila. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni ally ang lahat.
Sa ngayon kailangan ko siyang protektahan sa mga taong gustong manakit sakanya at sa mga anak niya. Handa akong iaalay ang aking sarili maprotektahan lamang sila. Kung kailangang ilayo ko sila ng paulit ulit hindi lamang sila makita ni chase gagawin ko.
Maubos man ang pera ko gagawin ko ang lahat mailayo lamang sila sa kapahamakan.