Chapter 5: Message Sent

1926 Words
NAKANGITING tinaas ni Everlee ang hawak na baso kay Aharon para makipag-toast. Isang baso na lang sabi niya dito at uuwi na sila. Hindi siya pwedeng magtagal sa labas. Kilala niya si Mildred, mabunganga. Sasabihin na naman nito, masisira ang inaalagaang pangalan ni DK, kaya sumunod siya sa rules. Saka respeto na rin. Akmang iinumin niya ang laman ng baso nang may pumigil sa kamay niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang nakabusangot na si DK. “What are you doing here, kid? Why are you drinking? You are aware that you cannot do so!” singhal nito sa kanya. “K-Kuya...” Nang mga oras na ‘yon, ang Kuya Callen niya ang nakikita. Napatayo siya nang higitin nito ang kamay niya. “Hey, mate!” ani Ahron dito. Pero tiningnan lang nito nang masama ni DK. “I-I think I have to go home, Ahron. See you on Monday, I guess,” alanganin siya noon. “Do you know him?” anito, imbes na sagutin siya. “Y-yes. He’s my guardi— I mean, my brother!” aniya kay Ahron. Hindi niya napansin na naningkit ang mata ni DK. Really? Brother! “No! I’m not his brother, jackass” parang gustong isigaw ni DK ng mga sandaling iyon. Singhap ang sunod na lumabas kay Everlee nang hilahin siya nito palabas. Walang nagawa si Ahron kung hindi ang tanawin na lang sila. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng seatbelt nang magsalita ito. “Simula bukas, hindi ka na pwedeng umalis na walang kasama.” “What? Bakit?” Binalingan siya nito na salubong ang kilay. “Para protektahan ka. Damn it! Hindi mo ba naiintindihan.” Of course naiintindihan ni Everlee. Pero isa nga ‘yan sa inayawan niya sa magulang. Kaya nga hindi niya naisama si Kate. Pero heto, nagsariling desisyon si DK kaya naiinis siya. Walang pinagkaiba. Parang nasa Pilipinas pa rin siya. “Hindi ka na rin sasama sa kung sino-sino, Everlee! What if may mangyaring masama sa ‘yo, huh? Sino ang mayayari sa magulang mo? Ako, ‘di ba?!” bulyaw nito sa kanya na ikinaawang niya ng labi. Matagal siya bago nakahuma. “T-talagang sinigawan mo ako?” hindi pa rin siya makapaniwala. “You’re not deaf naman yata.” “No. I’m not,” wala sa sariling sagot niya. Pero nang mapagtantong sinigawan siya nito ay nagsimulang kumulo ang dugo niya. Sanay siya sa asaran nila na pasigaw, pero ang sigaw na ganoon ka-lakas ay hindi. Yeah, galit nga ito pero wala itong karapatan dahil hindi naman niya ito kaano-ano. “I hate you!” bulalas niya rito na ikinatigil nito. “I hate you!” ulit niya. “For what?” kunot ang noong tanong ni DK. Seryoso? Wala lang dito na sinigawan siya nito? “Sinigawan mo ako, malamang.” “Hey, Everlee! You know it’s not the first time I shouted at you.” “Yes, it is! And I hated you for that, DK!” Matagal itong tumingin sa kanya. “Alright, I’m sorry. Okay na tayo?” “No! I’m still in pain!” Binaling ni Everlee ang sarili sa labas na nakasimangot. “Wow. In pain, huh? Talagang pain ang naramdaman mo?” May pagkasarkastiko para kay Everlee kaya lalong nadagdagan ang inis niya rito. Magkasalubong ang kilay niya noon. “Palibhasa wala kang alam sa pakiramdam ko. Hindi ka babae!” “So, ganyan kayong mga babae? Sobrang sensitive? Huh?” “Not all the time. I-It’s just… hindi ko nagustuhan ang tono mo kanina. I know dahil nag-alala ka. Pero hindi ko nagustuhan. Okay? Ang sakit for me na sigawan mo ako.” Tinampal pa ni Everlee ang dibdib kaya napatitig doon si DK. “Y-you must be in shock. I’m sorry,” mahinang nitong sabi. “Yes.” Actually, hindi niya maintindihan ang sarili. Baka dahil sa nakainom siya? Hindi na lang umimik si DK. Ganoon din si Everlee. At hanggang makarating iyon sa malaking bahay nito. Nasa labas si Mildred kaya napalunok siya. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni DK kaya nagpaliwanag agad siya bago pa bumuka ang labi nito. Nakita niyang ngumisi si DK na nasa tabi niya kaya siniko niya ito. Nakahinga siya nang maluwag nang magpaalam na si Mildred sa kanila. “Oh, na-stress talaga ako sa kaistriktuhan ni Mildred,” anas niya, sabay sapo sa ulo. Tumawa lang si DK sa kanya kaya napatingin siya rito. Hindi na ba ito galit? Hindi na siya nito bibigyan ng asungot bukas? “Hindi ka na galit?” aniya rito. “How about you?” balik-tanong nito sa kanya. Napaisip siya kapagkuwan. “Mawawala ang galit ko kapag hindi mo na itutuloy ang pagbibigay ng sa akin asungot bukas.” Napalitan ang ekspresyon ng mukha ni DK nang marinig ang sinabi ni Everlee. Napabuga ito ng hangin at nameywang sa kanya. “Nice one, kid.” Sabay tampal ni DK sa noo niya, kaya napapikit siya. “In your dreams.” Napapikit si Everlee nang talikuran siya nito. “Kuya DK!” tawag niya rito. Pero minuwestra lang nito ang kamay paturo sa side kung saan naroon ang kuwarto niya. “Sleep well, Everlee!” “I hate you na talaga!” Nilingon siya nito kaya napangiti siya. Parang ayaw naman yata nito na nagagalit siya. Kaya malakas ang pakiramdam niyang mapapapayag niya ito. “Well… Hate me to death. It’s up to you. Ayos lang sa akin, Everlee. As long as safe ka. You hear me?” seryosong sabi nito na ikinatahimik niya. Saglit lang siya nitong hinagod nang tongin at tinalikuran na. Napailing siya. Ang strict talaga nito. Dinaig pa pala nito ang Kuya niya. SIMULA nang gabing iyon, hindi na sila nag-uusap ni DK. Madalas ang meeting nito sa opisina nito kaya minsan lang magkrus ang landas nila. Tango lang din ito kapag nakikita siya. Tinotoo nito ang sabi nitong magbibigay ng security personnel para ihatid sundo siya. “Look, honey. I missed you. Okay? It’s been 2 weeks since we had s*x. Don’t you miss me? Hindi ba pwedeng magkaroon ka naman ng time sa akin?” “Lower your voice, Alice! And please, speak Tagalog. Naiintindihan ka ni Mildred! Damn it!” “Damn that servant!” hiyaw ng babae. “Alice!” sigaw ni DK sa nobya nito. Napatigil sa paglakakad si Everlee nang marinig ang boses ni Alice at DK. Sa tingin niya, nasa kanto mismo ito ng dulo ng hallway papunta sa silid niya. Kaya kailangang hintayin niyang umalis ang mga ito. “Bakit? Totoo naman, ah! Ang mean niya! Sobra! Akala mo tagapagmana ng trono!” “Enough, Alice!” malakas na sigaw nito sa nobya nito. “Sana hindi ako pumayag na pumunta ka rito, DK! Sana hindi mo na lang pala tinanggap ang pagiging Duke! Mawawalan ka lang din naman pala ng time sa akin!” sigaw din ng babae. Sinundan nito iyon nang hagulhol napasapo siya sa bibig. Hindi naman ganoon ka-bad si Alice. Medyo bold lang talaga. Pero kita naman ni Everlee ang pagiging sincere nito sa relasyon nito kay DK. Sinusubukan din nitong makisama kay Mildred at sa ibang narito, pati sa kanya. “I’m sorry, Alice. Pangako, babawi ako sa ‘yo right after ng problem namin ngayon.” “Sa totoo lang, madali lang ang problema niyo. Pero ayaw mong sabihin sa akin! Madali lang ang solusyon, DK!” Napasilip na si Everlee mula sa pinagsasandalan. Na-curious din siya sa kinakaharap na problema ni DK. Recently, ang daming bisita dito. Mga noble at may mataas na rank dito sa Bedford. Lagi ring aligaga si Mildred kapag galing sa opisina ni DK. “Narinig kong pinipiga ka ng Prince Oliver na magpakasal na para hindi ka na maging usap-usapan. Bakit hindi mo ako kinokonsidera, DK, huh? Bakit ayaw mo akong yayaing magpakasal para matapos na ito. Para bumalik na tayo sa dati. Hindi mo ba ako mahal?” “A-Alice…” “May iba ka bang gustong mapangasawa, huh?” “N-no. Wala, honey. Okay?” Kita ni Everlee ang paraan nang paghaplos ni DK sa pisngi ni Alice na basang-basa na. Masuyong-masuyo ito. “Pakakasalan kita. Alright? Pero hindi dito, Alice. Kapag pinakasalan kita rito, maghihiwalay din tayo. May kontrata kang pipirmahan. Naiintindihan mo ba? Two years lang tayong magsasama if ever. Gusto mo ba ‘yon? Huh? Ayaw mo ba ng lifetime?” “S-so, kailangang magpakasal ka talaga sa iba?” “Yes. For the show. I mean, para tumigil na ang isyu na ito.” “P-pero paano ako?” “Wait for me. Gusto ko sa Pilipinas ikasal, Alice. Para walang takas sa akin ang babaeng mahal ko. Dahil wala namang divorce doon. Unlike dito, meron. Gusto mo ba rito? Huh? Kailangan din nating mag-devorce after 2 years?” “Oh. That sad. Pero gusto mo talaga sa Pilipinas tayo ikasal?” “Yes, honey.” “Okay.” “Settled na?” “Yes, honey.” Matamis na ngiti ang iginawad nito sa Duke. “I love you, DK.” Niyakap nang mahigpit ni Alice ang binata. Ganoon din ang huli. “Okay lang ba sa ‘yo na kailangang umuwi ka muna ng Pilipinas? Don’t worry, after ng problema ko, uuwi ako para bisitahin ka. What do you think, honey?” “Well, okay lang. Basta sa akin din ang bagsak mo, Davey Kristoff Collin,” malanding sambit ni Alice, kasunod din niyon ang pagpulupot ng kamay nito leeg ni DK. Akmang kakabigin ni DK si Alice nang mapatingin sa gawi niya. Kaya napalaki siya ng mata at binalik ang sarili sa pagkakatago. Pero hindi napalis ang panlalaki ng mata niya nang makita Mildred na nakasimangot at nakapameywang. “Tell me, Young Miss. What did Duke and that lady talk about? Is it bad? I hear my name.” Awang ng labi ang nagawa ni Everlee. Mukhang narinig nito ang pinag-usapan ng dalawa. Ang problema, hindi nito maintindihan. Kaya heto, mukhang magiging translator siya. Tinaas nito kasi ang cellphone nito na naglalaman ng usapan ng dalawa. Madali lang daw i-translate ang audio na iyon gamit ang app, pero mas gusto ni Mildred na marinig ang pinaka-eksaktong usapan ng dalawa. “S-sorry, but I have to go to school today, Mildred. Maybe we can talk about it later.” “Sure, Young Miss.” Matamis ang ngiti ni Mildred. “But don’t dare to tell this to Duke. Alright? You know me.” Kasunod na niyon ang pagtalikod nito sa kanya. Kaya naiwan siyang sapo-sapo ang ulo. Anong gagawin niya? Napaayos siya nang tayo nang may maisip. Inilabas niya ang telepono niya at nagtipa ng mensahe kay DK. Pagka-send niya ay iginiya niya na lang ang sarili papunta kay Mildred para kausapin ito. Hindi pa naman niya sasagutin ito, may prinopose lang siya rito. Hindi mapalis-palis ang ngiti niya hanggang sa tapat ng school nila. Napansin iyon ng bodyguard niya kaya napatanong ito. Sinagot na lang niyang baka last day na nitong magbabantay sa kanya. “Bye, Declan!” nakangiting paalam niya sa bodyguard niya. Talagang last day na nitong magbabantay sa kanya. Dahil pag-uwi niya mamaya, papipiliin niya si DK. Tatanggalin nito ang asungot niya? O ita-translate niya ng mali ang hawak ni Mildred? Sa isiping iyon, lalong nadagdagan ang tuwa sa kanya. Napayakap pa siya kay Aharon sa sobrang tuwa nang makita ito. Makakagala na rin siya ng mag-isa. Makakasama na rin siya sa get-together nilang magkaka klase. At hindi napansin ni Everlee na kinuhaan sila ng litrato ni Declan at sinend sa Duke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD