NAKAILANG subo pa lang si Everlee nang makitang sinusubuan ni Alice si DK. Ang cheesy nila pero nakakainis tingnan. Dapat sa private na lang. Paano naman ang mga kagaya niyang single?
“Miss Alice.” Sabay silang napatingin na tatlo kay Mildred nang magsalita ito.
Napabalik si Alice sa kinauupuan nito. Halata ang iritasyon sa mukha nito pero tinaasan lang ng kilay ni Mildred.
Malapit na niyang sabihing ampon si DK ng Tita Kristen niya, at si Mildred ang totoong ina nito. Kung makaprotekta dito ay higit pa.
Tumingin siya kay DK. Sumesenyas ito sa nobya nito na later daw. Kaya napaikot na lang siya ng mata.
Nagmadali na lang siyang kumain para hindi makita ang ka-OA’han ng mga ito. Nagpaalam siya kay Mildred na rin, sinabi niyang pinapatawag siya ng parents niya ng ganoong oras. Kahit na imposible, pero sinabi niya pa rin. Busy ang parents niya kapag ganitong oras.
Naglakad-lakad si Everlee sa malawak na garden imbes na bumalik sa silid niya. Magpapababa lang siya ng kinain.
Mahigit isang oras ding tumambay si Everlee sa labas bago umakyat. Pero habang nasa daan siya ay tumunog ang telepono niya. Agad niyang sinagot nang makitang numero iyon ng Kuya Callen niya.
“Kuya! Napatawag ka?”
“Hey, Everlee! It's Ian. Can I talk to Duke? Hindi siya sumasagot sa tawag ko, e.”
“Talagang hindi iyon sasagot dahil nandito ang girlfriend niya,” isasagot niya sana kay Ian, pero sinarili na lang niya.
“Oh. Wait lang po.”
Nagmadaling dumaan siya may Mildred. Sinabi niyang may importanteng tawag si DK mula sa Pilipinas.
Tatlong beses siyang kumatok bago nagsalita si DK na pumasok siya. Pero napatigil siya sa pagtulak ng pintuan nang makita ang suot ni DK. Naka-boxer shorts lang ito!
“Oh my God!” sigaw niya. Pero imbes na tumalikod, hindi man lang siya kumilos! Nanlaki din ang mata niya dahil bakat na bakat ang alaga nito.
“Oh, sh*t! Ikaw pala ‘yan, Everlee!” biglang sambit ni DK. Kasunod din niyon ang pagtakip nito ng baba nito gamit ang unan.
“Everlee!” sigaw nito na ikinapitlag niya.
“Ay, malaki!” biglang nailabas din ng bibig niya. Tinakpan na lang din niya iyon dahil sa pagkapahiya.
“Ano bang ginagawa mo dito?” anito.
Lumunok muna siya ng laway bago tinaas ang telepono. Pero bigla siyang napamura nang may mapagtanto. Nasa kabilang linya pa si Ian!
“S-si Kuya Ian, nasa kabilang line,” aniya.
“Oh.” Kinuha nito ang kumot ang roba na nasa kama at binalot nito sa sarili, at lumapit sa kanya.
Inabot niya rito ang cellphone niya, pero nabitawan niya rin dahil sa naramdamang spark. Kahit ito rin ay nabigla at binawi ang kamay.
“S-sorry.”
Malas nilang dalawa, nagkasabay pa silang pumulot ng cellphone at muling napabitaw dahil sa biglang pagdikit ng kanilang balat.
“Ano bang meron sa kamay mo?” ani ni DK sa kanya.
“I don’t know.” Tiningnan niya iyon. Medyo basa na pala. Sa tingin niya namawis. Baka dahil doon kaya nagkaroon ng spark.
Magsasalita sana siya nang mapako ang tingin niya sa matipunong dibdib ni DK. Hindi niya inaasahan ang paggalaw niyon kaya napaawang siya ng labi.
Wala sa sariling inilapit niya ang daliri at dinama iyon. Matigas nga.
Hindi napansin ni Everlee na natigilan si DK sa ginawa nito. Hindi nito maintindihan ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Pero isa lang ang naiintindihan niya sa sarili ng mga sandaling iyon, he likes it.
Akmang uulitin ni Everlee nang hawakan ni DK ang kamay niya nang mahigpit.
“Stop what you’re doing, Everlee.” Binitawan ni DK ang kamay niya. “You, kid!”
“Ouch!” Napasapo siya sa noo nang bigla na lang pinitik nito.
“Sa susunod, ‘wag kang basta-basta pumapasok sa kuwarto ko. Alright?” Sabay sara din nito ng roba. Nahirapan din itong lumunok.
“Loko ka pala, e. Sabi mo, pumasok ako, kaya ko tinulak ang pintuan!”
Natigilan si DK. Bumuntonghininga na lang din ito nang maaalalang sinabi nga niya iyon.
“Sabi ko, sa susunod. Bata ka pa para makakita—”
“Anong bata? 22 na ako!”
Napapikit si DK. “Damn it! Bata ka pa nga! Kaya nga bawal kang mag-boyfriend, ‘di ba? And oh, iwasan mo ang pagtitig nang deretso. Baka mamaya isipin ng iba, gusto mo ang nakikita mo.”
“Nagulat ako kaya hindi ako nakakilos. Gets mo, Kuya? At, um, triny ko lang naman hawakan kung matigas ’yan.” Sabay turo niya sa dibdib nito. “Kaya anong—”
“Hey! Tumigil nga kayong dalawa! I’m here! Damn it!”
Sabay na napatingin si DK at Everlee sa cellphone. Bigla na lang may sumigaw doon, at boses iyon ng Kuya niya.
“Are you flirting with my sister, Davey Kristoff? Damn you!” sigaw ng Kuya Callen niya sa kabilang linya. Narinig din ni Everlee ang pamilyar na tawa ni Ian.
Imbes na harapin ang kapatid, tumayo siya at iniwan na lang si DK. Ayaw niyang harapin ang Kuya niya. Ang OA pa naman no’n. Siguradong papagalitan siya nito ng malupit.
Hindi niya sinasadya ang mga nakita ngayon. Saka malay ba niyang magiging curious siya. Nakita niya kasi kaninang hinahaplos iyon ni Alice nang dumating sila ni Mildred.
Dahil sa mabilis na paglalakad niya papunta sa silid niya, hiningal siya. Kaya nagpatihulog siya sa kama nita. Pero hindi pa man nag-iinit ang likuran niya sa kama nang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si DK.
“Fine!” Iyon lang ang narinug niya rito sa kausap bago nito pinatay ang tawag. “Your phone.”
Akmang ihahagis nito sa kanya nang sigawan niya ito.
“Don’t!”
“Then get this.”
Haissttt. Bakit ba ayaw nitong pumasok?
“C’mon, pwede ka namang pumasok. Napagod ako kakalakad sa malaking bahay mo. Malapit na nga yata ako magka-muscle.” Sabay kapa ng legs.
Napatingin si DK sa hinawakan niya.
That’s good. As in tamad na siyang maglakad. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod talaga.
Inayos ni DK ang suot na roba bago humakbang palapit sa kanya.
“Stay away from now on, huh?” Tinapon ni DK ang cellphone niya. Pero wala doon ang atensyon niya.
“Did heard it right? Gusto mo akong lumayo sa ‘yo, Kuya? Ibig bang sabihin niyan papayagan mo na akong tumira sa apartment?”
“Hindi ’yan ang ibig kong sabihin. Para maiwasan ang nangyari kanina. Baka magulat na lang ako nakaratay na ako. Your brothers wants me dead kung alam mo lang.”
Napalabi siya sa narinig. Ganyan nga mga lumalabas sa bibig ng Kuya niya kapag tungkol na sa mga kapatid nitong babae.
“O-okay. I’m sorry, Kuya.”
Bumuntonghininga si DK bago tumango.
Tatalikod sana ito nang muli siyang balingan.
“D-don’t do that again.”
“Ang alin?” kunot noong tanong niya.
“’Y-yong— ah, nevermind!” Napamura pa si DK kapagkuwan.
Tumalikod na si DK at dali-daling iniwan siya. Bago nito sinara ang pintuan ay narinig niya ang boses Mildred at Alice. Hindi na niya narinig ang iba pang sinasabi ng mga ito dahil sarado na ang pintuan.
NAGING abala si Everlee nang magsimula na ang pasok niya sa cooking school. Sa una, nahirapan siyang mag-ajust dahil iba-ibang lahi ang mga kaklase niya, pero kalaunan ay nasanay siya.
“Everlee!”
Napalingon si Everlee nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Kung hindi siya nagkakamali, ang Israeli niyang kaklase.
“Oh, hi, Aharon!” Kumaway siya rito.
“Are you going home?”
“Yeah. Why?”
Tumingin ito sa bisig nitong may relo.
“Would you like to go to dinner with me? It’s my birthday today.”
“Oh. Have a wonderful birthday, then,” nakangiting sabi niya.
“Thank you. So?” Hinihintay nito ang sagot niya. Tumingin siya sa relo niya. Masyadong maaga pa naman kaya pumayag na lang siya.
Sasakyan nito ang ginamit nila. Iniwan niya ang kanya. Pero nagpaalam siya sa guard na babalikan niya rin.
NAPAHILOT si DK sa batok matapos ang apat na oras na meeting. Kanina pa niya gustong i-dismiss iyon, pero mahalaga ang pinag-uusapan nila. Ang daming poproblemahin, ang pagiging single niya talaga ang kinukuwestiyon sa kanya. Kahit ang mga nakaraan niya ay naungkat din. Kesyo wala raw siyang sine-seryoso, baka ganoon din daw siya kinauupuang posisyon.
Hindi ba nakikita ng mga ito kung gaano siya kaabala sa mga affairs? Ibig sabihin, seryoso siya sa inakong posisyon. Mahirap pero kailangan niya dahil nangako siya sa Uncle niya.
Ilang buwan pa lang siyang nakaupong Duke ng Bedfordshire, pero pakirdamdam niya matagal na siya sa posisyon. Malapit na nga siyang mapanot. Ang daming ganap. Pero ang tanong niya, makakaapekto ba talaga ang pagiging single niya?
Hindi pa sila official ni Alice. Ka-fling niya lang ito talaga. Kaya lang niya sinabing girlfriend para makasama niya. Ang boring kaya after ng affairs niya. Wala siyang makausap.
Mabait naman si Alice. Sweet. At nabibigay nito sa kanya ang sekswal na pangangailangan niya. Kahit papaano, nakakawala ng pagod ang s3x. Nailalabas niya ang init niya.
Marami namang babae rito pero wala siyang tiwala. At least si Alice, kilala na niya ever since. Saka mula rin ito maalwang pamilya. At siya ang nakauna rito kaya ganoon siya ka-sigurado.
“You said you have a girlfriend. Why don’t you ask her to marry you, His Grace? This will resolve your problem.” Naningkit ang mata niya nang marinig ang sinabi ni Angus.
Siya magpapakasal?
“No way! I can’t! It doesn't matter whether I am single or married; as long as I do my duties and responsibilities, I can still be a Duke of Bedford!”
Silang tatlo na lang nila Mildred ang tao doon. Talagang pinatabi niya si Mildred sa kanya dahil matagal itong nanilbihan dito. Alam nito kung paano pinalakad ng mga nakaraang Duke ang Bedford.
“His Grace—we knew that, of course. However, if you don't address this issue, you'll have to face it every day. Lord Sonny will not give up. He is obsessed with your position. You're aware of that.
Lalong sumakit ang batok ni DK. Sagrado ang kasal. Alam niya ’yan. Hindi basta-basta sinusubo ’yan.
“I really agree with Angus, His Grace. In order to maintain the trust of the people, you must marry. A good woman. A noble. On the other hand, I disagree with Angus when it comes to your girlfriend.” Sumulyap si Mildred dito bago muling nagpatuloy, “Pardon, His Grace, but Alice is not suitable for you. She is arrogant. We, your people, don’t like that kind of attitude, and most of the servants complained about that recently.” Hindi niya inaalis ang tingin dito.
“I would rather choose Young Miss Moore. She's noble and courageous. Her parents raised her well. She’s still young, but she knows how to take responsibility. And every person she meets has a good comment on her. She’s really good at pleasing people.”
Napatitig siya kay Mildred. Nakangiti ito habang sinasabi iyon. Pero kapag nasa harap naman ni Everlee, ang sungit nito. Subalit dyan magaling si Mildred, ang magbasa ng tao.
“But she’s like a dear sister to me.” Napahawak siya sa lalamunan niya dahil parang may bumara. Wala naman siyang kinakain ng mga sandaling iyon. Nakita iyon ni Mildred kaya inabot nito sa kanya ang tubig na inihanda nito.
“Thank you,” mahinang sabi niya.
“It seems your body disagrees with your mouth, His Grace.” Tiningnan ni DK nang masama si Angus. Tinanong lang naman niya ito isang beses kung normal bang mag-react ang alaga sa mas bata sa kanya? Mukhang dahil doon kaya nito nasabi.
“I'm not asking for your opinion,” asik niya kay Angus, tinaasan niya rin ito ng noo.
Napatingin siya kay Mildred. May kumawalang hagikhik dito kasi.
“Actually, when I saw her for the first time, I thought she was your girlfriend. You two look good, His Grace. Right, Angus?” Dinig ni DK ang pag-agree ng butler kaya napailing siya.
“Are you telling me this to convince me not to marry Alice?” Nakataas ang kilay niya ng mga sandaling iyon kay Mildred. “Are you aware that if I marry her, her parents will murder me?”
Matagal bago nakaimik si Mildred.
“Well, this is just my opinion,” anito na lang sa huli.
Para mabawasan ang sakit sa ulo ni DK, nagpasya siyang lumabas ng mag-isa. Gusto niyang mag-isip nang tama. Kung ang pagpapakasal ang solusyon, sige, magpapakasal siya. Pero hindi kay Everlee. Aminado siyang nagagandahan siya rito noon pa man. Naaaliw din sa kakulitan nito kapag dumadalaw siya a kaibigan noon. Pero, God, gusto pa niyang mabuhay!
Sa malapit na pub siya dinala ng mga paa. Kaswal lang ang suot niya ng mga sandaling iyon kaya walang nakakilala sa kanya.
Akmang bubuksan ni DK ang pintuan nang makita sa salaming pintuan ang dalawang taong nagto-toast.
Nagsalubong ang kilay niya.
“Who told you na makipag-inuman ka sa kung sino?” tanong niya, as if nasa harap niya si Everlee.