Chapter 6: First Kiss

2256 Words
HINIGIT ni DK ang cellphone na nakapatong sa papel na nilapag ng assistant niya. Kakaupo lang niya actually. Malapit nang pumuti ang buhok niya rito sa Bedford. Sana pala hindi na niya tinanggap ang posisyon dito. Ang bigat ng responsibilidad niya. Mas okay pa na mag-manage ng hotel ng ama niya kesa pamunuan ang lugar na ito. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Everlee. Ngayon lang ulit ito nag-text sa kanay after nilang mag-away nang gabing iyon. Pero imbes na nakakatuwang mensahe, pamba-blackmail mula rito ang natanggap niya. “Damn it, Everlee! Sige, dagdagan mo pa ang stress ko!” naisatinig niya. Akala niya ‘yon lang ang madadagdag sa isipin niya, meron pa pala! Napatayo si DK. Kinuha niya ang long coat at sinuot iyon. Paglabas niya, nakasalubong niya si Mildred. Sinabi nitong handa na ang gamit ni Alice para sa pag-alis nito. Mabuti na lang at napapayag niyang pabalikin ito ng Pilipinas. Kaya ayaw niyang pakasalan sa ngayon si Alice dahil mukhang seryoso ito sa kanya. Siya, hindi pa. Really. Hindi pa siya sure na ito nga ang babaeng para sa kanya. Marami pang bumabagabag sa kanya. If ever ito nga ang babaeng para sa kanya, e, ‘di maganda. Pero kailangan niya ng sign pa. Saka mukhang hindi rin nito matatanggap na kailangan din nilang maghiwalay after two years. Kaya tama lang na pauwiin niya ngayon. Business marriage ang mangyayari kasi sa kanya ngayon. Alam na ng magulang niya ito. Hindi rin payag ang mga ito pero kailangan. Gusto nilang mag-asawa siya dahil sa love, hindi dahil sa arrange marriage. Pagdating sa tapat ng building ng school nila Everlee ay agad siyang lumabas ng sasakyan. Pero nang mapagtantong may klase ito ng tatlong oras ng araw na iyon ay napabalik siya ng sasakyan. Anong ginagawa niya rito? Hindi ba dapat kasama niya si Alice dahil mamayang gabi na ang alis nito? Marami pang oras para kumprontahin ito. Tumingin siya ulit sa entrance bago pinaandar ang sasakyan pabalik. Dumiretso siya sa silid ni Alice. Nakahanda na nga ang mga gamit nito. Pagkakita sa kanya ng dalaga ay napangiti ito. Pumulupot ang kamay nito sa leeg niya. Akmang ilalapit nito ang mukha sa kanya nang tumunog ang cellphone niya. Bumitaw siya rito at dismayadong mukha na naman ni Alice ang nakita niya pagtingin niya rito. Ngunit binalewala niya iyon at lumabas nang makitang pangalan iyon ni Mildred. Sinabi nitong may bisita siya. Napabalik siya ng opisina at hinarap ang adoptive brother ng dating Duke, na Uncle niya. Ini-expect na niya ang magiging topic nito. Kung hindi tagapagmana umano ng posisyon, mapapangasawa ang hahanapin nito sa kanya. Gaya nang ini-expect niya, iyon nga ang napag-usapan nilang dalawa. Walang katapusang pagtatalo hanggang sa nauwi sa bangayan. Malakas ang loob nito dahil sa Prinsipe. Sino ba kasing nagsabi na walang tagapagmana? Meron. Ang anak ng dating Uncle niya na apat na buwang gulang pa lang, na nasa poder ng dating duchess. Kahit na abala si DK nang araw na iyon, hindi niya nakalimutan si Everlee. Si Declan na ang bahala sa dalaga habang tinatapos niya ang mga gawain. Hinatid niya rin si Alice sa airport bago hinarap ang dalaga. EXCITED na hinigit ni Everlee ang bag para umuwi. Excited siya dahil makukuha na niya ang kalayaan niya kay DK. “Everlee!” Nilingon niya si Aharon nang marinig ang pagtawag nito. “You have time for dinner?” tanong nito nang makalapit. “Why?” Nang banggitin nito ang assignment nila ay napatampal siya sa ulo. Oo nga pala. Kailangan nilang planuhin ang mga recipe na ihahanda para sa Friday. Sa isang chinese restaurant sila pumunta para mag-dinner. Doon ang pinili nila para makita at matikman rin ni Aharon ang inihahain ng mga Chinese. Sanay siya kumain sa mga ganoong kainan pero si Aharon ay hindi. Nakatikim na rin ito ng ibang Filipino dishes kaya ibang bansa naman daw. Tapos na silang kumain noon kaya may time na sila para pag-usapan ang preparasyon nila. Dahil naiwan niy ang bag niya sa sasakyan ay lumabas siya para pabalikon iyon. Inalalayan pa siya pumasok ni Declan noon. “Hey, I need to go back!” aniya rito nang isara nito ang pintuan ng sasakyan. Kita niya ang pagmamadali nitong makapasok rin sa driver’s seat. “What’s the matter with you, Declan? You didn't hear me, did you?” Ngumiti lang ito sa kanya. “I need to go— ” “It’s Duke order, Young Miss.” Sabay paandar nito ng sasakyan. Sinubukan niyang buksan pero naka-lock na kaya napahilot na lang siya ng ulo. Talagang iniinis siya ni DK. Dinayal niya ang numero nito para pagalitan pero walang sumasagot. Duma-direct sa voice mail. “Ang pangit ng boses mo! Kainis ka!” sigaw niya matapos marinig ang paulit-ulit na boses nito sa voice mail. Natigilan siya saglit. Napangiti siya nang may maisip. Dinayal niya ulit ang numero nito at nag-leave ng message. “Yari ka kay Mildred, DK. Akala mo, huh? Sasabihin ko sa kanya na si Alice ang gusto mong pakasalan.” Nakita na ni Everlee ang candidates maaring makasama mapangasawa nito. Narinig niya sa isang servant na ayaw ni Mildred kay Alice. “At sasabihin ko ring naiinis ka kay Mildred dahil nakikialam ka sa lovelife mo!” Sabay end niyon. Sumilay din ang magandang ngiti sa labi niya. “What?” aniya kay Declan nang makitang nakatitig ito sa kanya. “Nothing, Miss.” Magandang ngiti lang ang kasunod niyon. “Oh.” Sabay sapo sa ulo niya. Wala ring pakialam si Declan. Parang si DK lang din. Pare-parehas ng ugali ang mga ito. Mahigit isang oras din ang tinagal ng biyahe nila bago marating ang nag-iisang bahay sa bahaging iyon. Isang windmill tower at isang manor house ang binabaan niya. Ang manor house ay nakapagitna sa lake kaya napakagandang tingnan. “This place is Lady Kristen's property here in Bedford. It’s one of the gifts given to her by Earl,” kwento ni Declan. Yes, alam niyang may mga property ang Mommy ni DK dito sa England. Hindi lang niya alam kung saan. Low profile kasi talaga ito simula nang tumira ang mga ito sa Pilipinas. Mas minahal nito ang Pilipinas kaya balewala dito ang mga properties nito rito. “Wow.” Para siyang nasa Disneyland talaga. “There is a sense of peace and tranquility about the place and the house,” ani pa niya. Nawala bigla ang inis na nararamdaman niya. Ang sarap din sa pakiramdam dahil sa preskong hangin. “Yeah. Duke loves to work and stays here at night for that reason.” Napatingin siya kay Declan. “Really?” hindi makapaniwalang sabi niya rito. “What do you mean? Is he not sleeping at home?” “No,” mabilis na sagot nito. “I mean, recently.” Napangiwi siya. Kaya naman pala narinig niyang nagrereklamo si Alice kay DK na wala itong time. Dahil laging wala ito doon. Baka after dinner ito nagpupunta dito. May tinuro ito sa kanang bahagi. “That windmill tower? Duke converted it into his own house.” “Wow! Is that Rapunzel’s tower?” bulalas niya. “No. That’s Duke House.” Umiling pa si Declan sa kanya. “Oh.” Hindi niya narinig ang sinabi nito kanina dahil na-amaze na siya sa structure. At tower agad ni Rapunzel ang naalala niya. “Rapunzel’s tower is in Germany. Have you been there, Young Miss?” tanong nito sa kanya kapagkuwan. “Not yet.” “You can ask Duke to bring you there. He loves to go to places like that.” “No way!” anas niya. As if naman ipapasyal siya nito doon. Kapag natapos na lang siya rito sa pag-aaral. May plano naman talaga siyang magliwaliw. Imbes na sa Manor siya nito dalhin, sa windmill tower siya nito dinala. Bumungad sa kanya ang cozy interior kaya lalo siyang napa-wow. May mga bakas pa na dating windmill tower ito kaya nakakatuwang tingnan. Iniwan siya ni Declan mayamaya kaya inabala niya ang sarili doon. Ang unang floor ay nagsisilbing sala. Pero ang ikinamangha ay niya ay ang groundfloor nito. Isa iyong kitchen at may labasan din. Saglit lang siya doon ay umakyat na. Nagpasya siyang umakyat. Dalawang guestroom ang nasa secondfloor at opisina naman sa thirdfloor. Nasa pang-apat naman ang master’s bedroom. At mula doon, tanaw niya ang ganda ng paligid nang pumuwesto siya sa balcony. Maliwanag pa noon dahil alas-sais pa lang. At ayon sa sun graph, mamayang 8pm ang paglubog ng araw dito ngayon. Hindi namalayan ni Everlee na makakatulog siya sa bench na naroon. At nagising lang siya nang lumapat ang likuran niya sa malambot na kama. At saktong nasa ibabaw niya noon si DK na siyang pumangko pala sa kanya mula sa balcony. “Bastos ka, Kuya!” Sinundan niya iyon nang pagpalo sa mukha nito gamit ang kamay niya. “Aray ko naman, Everlee!” angil ni DK sa kanya na sapo ang mukha. Napalunok siya nang tingnan siya nito nang masama. “A-ano ba kasi ang ginagawa mo sa ibabaw ko, huh?” Hindi pa rin pala ito umaalis. At may nararamdaman siyang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito. Kaya lumunok siya nang mapagtanto kung ano iyon. “Pinangko lang naman kita mula balcony hanggang dito dahil muntik ka nang mahulog sa bench!” Napaawang siya ng labi nang maalala. “Oo nga pala. Nasa balcony ako kanina,” aniya. “So? Ano na ngayon? Babawiin mo ba ang sinabo mong bastos ako, o hindi?” Napangiwi siya. Nagbaba rin siya nang tingin. “I think bastos ka talaga, Kuya DK. Hindi mo ba nararamdaman? Tinitigasan ka dahil magkadikit ang katawan natin.” Si DK naman ang napalunok. Awkward nga ang posisyon nilang dalawa ng mga sandaling iyon. Mabilis na umalis si DK sa ibabaw ni Everlee. Tumikhim pa siya. “I’m not bastos. Okay?” Hindi makatingin si DK sa dalaga. Kasi kahit siya, hindi niya maintindihan ang sarili sa t’wing dumidikit ang katawan nila. “Eh, bakit ka nga tinitigasan? ‘Di ba, parang magkapatid tayo? Hindi naman dapat ganyan ang mararamdaman mo.” “Pero hindi kita kapatid, Everlee,” biglang sagot ni DK. Pero natigilan din ito kapagkuwan. Kita ni Everlee ang pagpikit ng mata ni DK pagkasabi niyon. Tinampal din nito ang noo. Bago pa man magsalita si Everlee ay inunahan ito ng binata. “Alright. That’s enough. Nandito tayo para mag-usap.” Nakatayo ito at nakapameywang na parang walang awkward na nangyari sa kanila. “Explain yourself.” Tinapon ni DK ang cellphone nito sa kama at nakita ni Everlee ang picture nila ni Ahron. Kinuha niya iyon na nakakunot ang noo. Nakayakap siya kay Ahron at halata ang malapad na ngiti sa labi niya. Yes, masaya siya niyan kanina kasi akala niya mawawala na ang asungot niya. Pero sa tingin niya hindi na mangyayari dahil sa mga litrato nito. It seems iba-blackmail din siya ni DK. Nag-scroll pa siya dahil mukhang meron pang picture nila ni Aharon. Sunod-sunod ang click yata ni Declan kanina. Meron pang ibang anggulo mula sa isang asungot niya malamang. Magkadikit ang mukha nila ni Aharon sa tatlong litrato na parang naghahalikan na. “Good kisser talaga si Aharon,” aniya. Walang halikang naganap. Naiinis lang siya dahil pati privacy niya nawala na. “What did you say? So, it’s true?” Salubong ang kilay ni DK. Inilapit pa nito ang sarili sa kanya kaya binalingan niya ito na nakangisi. “Yeah, Kuya. Oh, pakiramdam ko nasa labi ko pa ang labi ni Aharon. Alam mo ‘yong ungol niya right after?” Kinagat pa niya ang labi para bitinin ito. Nanginginig na ang labi nito kay napangiti siya sa loob-loob. Mukhang paniwalang-paniwala. “Damn you, Aharon!” Pumikit pa siya at dinama ang labi. At kunawa’y nasa harapan niya ito. Talagang sinarapan niya ang pag-acting. “Stop it, Everlee! How could you?!” sigaw nito. Napatigil siya at hinarap ito. Lumuhod din siya. “Gusto mo bang i-demo ko sa ‘yo ang ginawa namin?” pang-aasar niya rito. “Lapit mo pa ang mukha mo, Kuya DK. Dali de-demo ko nga, e. Para alam mo ‘yong isusumbong kila Papa at Mama.” Sinabayan niya ng muwestra ng kamay. Lalong hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Ayaw lumapit ni DK, kaya si Everlee na ang kumilos. Mabilis na pinulupot niya ang braso sa leeg nito at nagpatihulog sa kama. “Sh*t, Everlee! Anong ginagawa mo?!” bulyaw nito sa kanya, pero tinawanan lang ng dalaga. “Kinukuwento ko na nga sa ‘yo ang totoong nangyari.” Inilapat niy Everlee ang hintuturo sa namumulang labi ni DK. Pero napapitlag siya nang makaramdam siya ng kakaibang init mula sa hiningang naibuga ni DK. “E-Everlee…” “K-Kuya DK,” Halos magkasabay na sambit nilang dalawa. Matagal din nag-usap ang mga mata nila. At doon lang nagising si Everlee sa ginawa. As if pino-provoke niya pala ito. Akmang itutulak ni Everlee si DK nang mabilis na lumanding ang labi ng binata sa kanya. Saglit siyang natigilan. Pero nang mapagtantong unang halik niya ito ay nanlaki pa lalo ang bilugang mata niya. Dahil din sa pagkagulat, ang kamay niya ay nakapigil sa dibdib nito para hindi dumikit sa kanya. Subalit parang nawala na sa sarili ang binata dahil patuloy lang ito sa paglasap sa mapupula at malambot na labi ng dalaga. Kung alam lang ng dalaga, hindi pa ito naranasan ni DK— ang ganoon ka sarap na labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD