Chapter 7: Unhappy (1)

2005 Words
HALOS hindi makatingin sa isa’t-isa si DK at Everlee dahil sa tagpong iyon. Nang ihatid ang dinner nila sa windmill tower ay matagal na bumaba ang dalawa nang tawagin ng servant. Nakahanda na ang pagkain noon at lumalamig na ang sabaw. Pero nagkasabay din ang mga ito na ikinatingin nila sa isa’t-isa. Si Everlee ay naiwan sa silid ni DK habang ang huli ay sa opisina nito. Wala namang ginawa doon si DK kung hindi an mg murahin ang sarili. Parang bunsong kapatid na niya ito pero nagawa niyang halikan pa rin. “A-after you,” “Ladies first,” Halos sabay na sambit ng dalawa. Tinuro din ng mga ito ang hagdan. Saktong baba kasi ni Everlee sa huling baytang nang lumapit din ang binata para bumaba din. “O-okay.” Si Everlee. Binilisan ng dalaga ang hakbang para makawala sa paningin nito. Tinampal niya ang bibig niya dahil hanggang ngayon ramdam niya na parang nakadikit na doon ang labi nito. Right after na bitawan ni DK ang labi nito kanina, nakaramdam siya nang panghihinayang. Kaya wala siyang ginawa sa higaan nito kung hindi ang alalahanin ang kapangahasan nito. Ang resulta, hindi tuloy mawala sa isipan at sa lab niya. Paano ba naman niya kasi makakalimutan? Sa tantiya niya kasi, umabot ng tatlong minuto ang nangyaring halikan nila ni DK. Normal pa ba ‘yon? Tumugon siya of course, kaya tumagal. Walang naganap na pag-uusap hanggang sa matapos ang kainan. Nasa magkabilaang dulo pa sila. Kaya ang nangyari kanina, ang servant ang taga-abot ng mga pagkaing malalayo sa kanila. Though normal na iyon dito, pero ayaw ni DK noon. Kaya nakakapagtaka rin na wala itong sinasabi. Pinahatid din siya ni DK nang gabing iyon. Saka na lang daw sila mag-usap dahil may gagawin ito. Tinalikuran nga lang siya nito agad matapos iyong sabihin. Kaya ang nangyari, kung ano lang nadatnan niya noon sa pag-uusap nito kay Alice, ‘yon lang ang nasabi niya kay Mildred, na nakaabang pala talaga sa pag-uwi niya. Maliban pala doon sa medyo off na sinabi ni Alice. Nang mga sumunod na araw ay hindi siya kinausap ni DK. Umiiwas na rin talaga ito. Kung nitong mga nakaraan, every 2 days niya lang ito nakikita, pero ngayon, hindi na. Alam ni Everlee na iniiwasan siya nito dahil sa nangyari sa kanila. Kahit sino naman talaga. Saka kaibigan ito ng Kuya niya, maging ang magulang nila. Good news, nawala na rin si Declan kaya nakakasama na siya sa gala ng mga kaklase niya. Hindi na rin siya tinatanong ni Mildred. Kaya nagpasya na rin siyang bago umuwi, kailangang nakakain na siya. Maliban siyempre sa araw na wala siyang pasok. Pero sa kabilang banda, parang hindi siya masaya. Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili. Noon, gusto niyang makawala kay DK, sa pagiging istrikto nito, pero ngayon, parang nami-miss niya. Nagkayayaan sila ng araw na iyon na pupunta ng club kaya nagdala siyang extra na damit. Walo silang lahat. Apat na tagarito lang din sa Bedford, at apat na dayo, kasama na siya. As usual, katabi niya si Aharon noon. Naiwan silang dalawa. Wala naman kasi siyang hilig sumayaw. “Shall we?” yakag nito sa kanya at nginuso ang dance floor. Lalong umingay noon dahil sinasabayan ng mga nasa gitna ang DJ. Wine lang ang ininom ni Everlee kaya nahihiya pa siya. Ang mga kaklase niya ang lasing na lasing kaya ganoon na lang ka-hyper ang mga ito. Talagang sumasabay sa tugtog ng DJ. Pero nadagdagan ang confidence niya rin kalaunan dahil sa sayang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Pero ang kasayahang iyon ay napalitan din ng kahungkagan nang madagdagan ang wine na nainom niya. Si Lissy ang naghatid sa kanya pag-uwi. Nakisakay lang siya rito dahil malapit ito sa tinitirhan niya. Nagulat ito nang sabihin niya ang address. Nang tanungin siya nito kung sino ang kamag-anak niya roon, matagal suya nakasagot. Naalala niya na naman ang namagitang halik sa kanila ni DK. “Right! Our Duke has Filipino blood, as I recall. Is he your relative?” Umiling siya rito. “His parents and I are friends.” “Wow! So, you’re the luckiest girl in Bedford. Huh?” Saglit itong natigilan nang may maalala. “However, you two have a significant age gap.” Sinuyod din siya nito. “There is no way he could like you. Right?” Umangat ang kilay ni Everlee. Ano naman kung malaki ang agwat nila? At anong ibig sabihin nito na hindi siya pwedeng gustuhin ni DK? Bakit nakipaghalikan si DK sa kanya. “Um, I saw him in the picture. Damn it! He's so hot and yummy. He’s handsome too. And there's something about him that makes me want to swoon.” God! Hindi niya alam na ganito pala si Lissy ka-OA. “I'll tell you what. He is popular among women, and they'd like to date him.” Baka dala lang ito ng kalasingan siguro ni Lissy. Kaya pinalis niya sa isipan. “Do you have a picture of him? I mean, you and the Duke. Can I see it?” Napaikot siya ng mata. Grabe naman kung maka-express. Yes, gwapo naman ang binata, pero para sa kanya, hindi naman dapat ganoon pagkaguluhan. Sawa na kaya sa pagmumukha nito. Paano lagi niyang nakikita ito noon sa bahay nila. Nakikipaglaro sa Kuya Adam at Kuya Callen niya. Minsan sa Ate Celestine niya. Bahagyang sumimangot ito nang sabihin niyang wala siyang litrato kasama si DK. “That’s bad. By the way, does he have someone in mind for the title of Duchess? I heard he's looking for someone who will fit.” “I’m sorry, Lissy. I have no idea. Alright?” Wala naman talaga dahil hindi na nga niya ito nakikita. Saka hindi na siya nakikiusyuso sa mga kasambahay. Mas pinili niyang maging abala rin nitong nakaraan. “Tell him I am willing to throw myself at him.” Hindi niya alam kung biro ni Lissy, pero nakaramdam siya ng inis. Bago pa man uminit ang ulo niya ay nagpasalamat na siya rito at bumaba. Nagkunwaring antok na rin siya. Kanina lang ay nakikipaghalikan ito sa kung sino-sino, tapos sasabihin nito ang bagay na iyon? Kay Mildred pa lang bagsak na ito. Kahit sa kanya bagsak na rin ito. “See yah on Wednesday, Everlee! I’ll fetch you!” Akmang papaandarin nito ang sasakyan nito nang magpahabol si Lissy. “It would be great if I could meet him. Can I?” Gusto niya sanang umiling pero pinigilan niya ang sarili. Wala namang masama kung hangaan nito si DK. Karapatan nito iyon. Sa bench, sa may garden siya dinala ng paa niya. Naupo siya doon na yakap ang sarili. Malamig na doon pero feel pa niyang tumambay. Iniiwasan niyang makita si Mildred. Alam niyang gising pa ito ngayon. Baka malaman nitong nakainom siya. Kung hindi mag-star gazing, mag-hum ang ginawa niya para libangin ang sarili. Pero hindi maiwasan ng isipan niya na isingit si DK. Kumusta na kaya ito? Na-akwardan din kaya ito sa nangyari sa kanila? Napailing siya. Sino ba naman siya. Sabi nga nito sa kanya, parang kapatid na siya nito. At ang magkapatid bawal— wait! Bakit nito iyon ginawa? Bakit siya nito hinalikan? Huh? “Explain, Kuya DK,” anas niya kapagkuwan. Mayamaya lang ay nakaidlip si Everlee doon. Nagising siya nang maramdaman ang paglapat ng likuran niya sa pamilyar na lambot ng kama. Imbes na magmulat, hindi niya ginawa dahil pamilyar din sa kanya ang scent ng may hawak sa kanya. Ayaw niyang maipit sa awkwardness. Saka gusto niya ang init na hatid ng kamay nito sa kanya. Hindi alam ni Everlee kung paano magkunwari na tulog matapos siyang mailapag nito. Hindi kasi ito kumikilos. Nakaupo lang ito sa gilid niya. Sa isiping nakatitig ito sa kanya ay bumilis ang tahip ng dibdib niya. Saan kaya ito nakatingin? Saang parte ng katawan niya? Sa mukha? Sa mata niya? O sa labi? Saan? “Ah!!!” sigaw ni Everlee sa isipan. Gusto niyang malaman. Pero hindi siya pwedeng magmulat! “Habang maaga pa, itigil mo ‘yang pag-inom, Everlee. Yari ka sa Mama at Papa mo kapag nakarating sa kanila. Siguradong mapapabalik ka ng Pilipinas nang wala sa oras.” At napamulat na siya doon. Alam pala nitong gising na siya. Nakataas ang kilay nito habang nakatunghay sa kanya. “I knew it. Gising ka,” pabulong na sabi nito. “Isusumbong mo ba ako?” Napaupo pa siya para harapin ito. “What do you think? Ang dami ko pa namang isusumbong sa kanila. Malapit nang mo na kayang maabot ang pinakadulo ng pasensya ko.” “Gaya ng?” Natigilan ito saglit. “Gaya ng nawala ang bagahe mo noon. Ang paglalabas-labas mo kasama ang Aharon na ‘yon. Ang pag-clubbing mo. Marami akong ebidensya. Alam mo ‘yan.” Napalunok ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito sabay sabing, “please, ‘wag mong sabihin, Kuya DK! From now on, magiging masunurin na ako. Uuwi na rin ako sa tamang oras. Tutulong din ako dito kung gusto mo.” Tumaas lang ang kilay nito kaya kinabahan si Everlee. Wala ring lumabas sa bibig nito. “Lahat gagawin ko, ‘wag mo lang sabihin, Kuya. Please…” Niyugyog pa niya ito pero napatitig lang sa kanya, kaya ganoon din ang ginawa niya. Umalingawngaw kapagkuwan ang sinabi ni Lissy sa kanya na hot at gwapo ito. Parang ganoon nga ang nakikita niya rito ngayon. Sa labi nito siya nagtagal nang tingin. Kung hindi pa ito nagsalita ay hindi pa siya mapapabalik sa kamalayan. “Really? Lahat gagawin mo ‘wag lang mapauwi?” Sinundan niya iyon nang tango. “Yes, Kuya DK.” “Parang ang ibig sabihin mo dyan ay lahat ng sasabihin at ipapagawa ko ay susundin mo? Magiging masunurin na si Everlee Moore sa akin?” “Damn right! Kaya please, palipasin mo na ang ginawa ko ngayon. Okay?” May pa-peace sign pa siya. Imbes na sagutin siya tumayo ito. “Alright, matulog ka na.” Tumingin ito sa relo nito. “Past 12 na.” Sinuksok nito ang dalawang kamay nito sa magkabilaang bulsa. Tumalikod na rin ito kapagkuwan. Hindi pa man nito nararating ang pintuan nang tawagin niya. Huminto ito pero hindi siya nilingon. “Gusto ko lang malaman, isusumbong mo ba ako o hindi? Pakisagot naman, o.” Hindi ito umimik kaya napatayo na siya. Inilang hakbang lang niya ang kama at ang kinaroroonan nito. Niyakap niya ito mula sa likuran. “Sorry na, please? Kuya naman, o. Pangarap ko talagang maging chef. At pangarap ko ring libutin ang iba’t-ibang lugar dito. Kaya ayoko munang umuwi. Please… Maniwala ka naman na hindi ko na uulitin ang ginawa ko ngayon.” Lalong hindi umimik si DK. Walang galawan din ito sa pagkakatayo kaya hinigpitan ni Everlee ang pagkakayakap dito. “I-isa. B-bitawan mo ako,” anito sa wakas. Umiling-iling siya. Nakadikit amg mukha niya sa likuran nito. “Ayoko. Sagutin mo muna ako. Gusto ko lang naman malaman, e!” Hinawakan ni DK ang kamay niyang nasa harapan nito, pilit nitong tinatanggal pero hindi niya bininitawan iyon. “Why are you so stubborn, Everlee! Alam mo ba ang ginagawa sa akin ngayon, huh?! Papatayin mo ba ako?” Natigilan si Everlee sa boses nito. Ayan na nga. Galit na naman ito. Ayaw man ng dalaga, binitawan niya pa rin ito. Baka lalong magalit ito kung makipagmatigasan siya. Baka biglang i-send nito ang mga ebidensya nito. Hahakbang sana siya pabalik nang bigla siyang pangkuin siya ni DK. Nakasimangot pa rin siya noon. Hinihilot niya rin ang noo. Masuyo siyang inihiga nito sa kama at kinumutan. Ramdam na niya ang alak noon. Baka dahil sa ginawa niyang pagtayo rin at biglang pagpangko ni DK sa kanya.. “Hell night, Everlee,” sabi lang nito. Hindi niya pinansin kung bakit nito iyon sinabi. Nakapokus ang isipan niya sa sinabi nitong mayayari siya sa magulang niya. Hinatid na lang niya ito nang tanaw. Napatakip na lang siya ng mukha ng kumot nang isara nito ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD