Chapter 8: Picture

2262 Words
KUNOT ang noong tinuro ni Mildred kay DK ang mukha niya. “Did you not sleep well?” tanong nito sa kanya na ikinahilot niya sa noo. Obvious naman yata. Bakit kailangan pang tanungin? Mabuti na lang at hindi nagtanong si Mildred kung bakit hindi siya makatulog. Ano ba isasagot niya? Na magdamag niyang binantayan ang kaibigan na kumalma? Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon lagi ang epekto sa t’wing magkadikit ang katawan nila ni Everlee. Is he desiring her? Damn! Lust na siguro itong nararamdaman niya. Nakakatakot kapag nagkataon. Kagabi, naisip niyang ilipat sa isang apartment si Everlee na lang. payagan na lang niya ito. Kilala niya ang sarili niya. Yes, he loves s3x. Actually lahat naman silang magkakaibigan. Dito lang sila nabubuhay. Nagiging masigla pero recently, nawawalan siya ng gana. At si Everlee lang ang nakapagpadama sa kanya ng ganoon. May demonyong bumubulong sa kanya pero mas nananaig ang respeto niya rito. Ano na lang ang sasabihin ng magulang nito sa kanya. Akmang sasagot siya nang tawagin nito ang servant. Sinabi nitong ipaghanda siya ng camomile tea. Mas gusto niyang kape sana. “Um, Mildred,” “Is there anything you need, His Grace?” “Can you call Everlee for me?” Kita niya ang pag-angat ng kilay nito, pero tumango din kapagkuwan at iniwan siya. Ilang sandali lang siyang naghintay noon. Natanaw na niya si Mildred at Everlee sa kabila na naglalakad. At habang naglalakad ang dalaga ay naalala na naman niya ang nangyari kagabi. “Damn it!” “Pardon, His Grace!” biglang sambit ng isang servant. Nagulat niya ito nang magmura siya, kay ang tea na inihanda nito ay nabitawan nito. Minuwestra na lang niya ang dito na nilinisin, na agad nitong ginawa. “G-good morning, His Grace,” anito. Tinanguhan lang niya ang dalaga at ibinalik ang tingin sa binabasang newspaper, na hiningi niya kay Mildred kanina. Wala naman siyang naiintindihan sa binabasa dahil nakatingin sa kanya ang dalaga. Alam niyang magtatanong ito kung bakit pinatawag niya. “Eat your breakfast first.” Sabay turo ng pagkaing nakahain para sa kanya. “P-pero para sa ‘yo—” “I said, eat first.” Tumaas ang boses niya kaya napasunod ito. Lately, bukod na itong kumain dahil naiilang siya. Kaya pinatanong niya kay Mildred kung saan at sino ang gusto nitong kasabay sa pagkain. Nang sabihin nitong ang mga servant na laging kausap nito ay pumayag siya. Hindi dahil sa kinakawawa niya ang dalaga, ginugulo kasi nito ang isipan niya. “O-okay.” Tumingin ito kay Mildred, na parang hinihingi din ang permiso nito. Wala naman itong magawa dahil siya ang may sabi kaya tinanguhan lang nito. Saka talagang gusto ni Mildred na sumabay ang dalaga umano sa breakfast niya, dahil nakakahiya raw sa pamilya nito. Kaso, nabigyan na nga nang kalayaan ang dalaga kaya wala rin itong magawa. Nang makitang ganado ang dalaga kumain ay ginanahan din siya bigla. Halos maubos nila ang nakahain. Napahawak pa ito sa tiyan nito na nakangiti. Tumaas lang ang sulok ng labi niya dahil sa magandang ngiti nito. “Follow me.” Sabay tayo. Sumunod naman ito sa kanya. Sa opisina niya ito dinala. Silang dalawa lang ang naroon dahil tinaboy niya si Mildred. Hindi naman lahat ng oras ay nasa paligid niya ito. HINDI pa man nakakaupo si Everlee sa couch nang magsalita si DK. “Gusto mo na bang lumipat sa apartment mo?” “Huh?” Parang nabibingi si Everlee ng mga oras na iyon. Kailangan niya bang paulitin ang sinabi nito? “C’mon, Everlee. Alam kong atat ka nang bumukod. Right? Pinapayagan na kita.” Doon na umawang ang labi ni Everlee. Hindi nga nagkamali ang tainga. “Is this some kind of joke or prank?” “Tingin mo nagbibiro ako? Nakita mo naman sigurong seryoso ako.” Alanganing ngumiti siya sa Duke. “S-sorry. A-akala ko kasi biro mo lang. Alam mo namang sanay ako sa pang-aasar mo sa akin. Saka lagi mong pinaggigiitan sa akin paano kung may mangyari sa akin. Kaya hindi mo naman ako masisi.” Napakamot ito. “I’m serious. So, ano? Gusto mo ba?” Lumapad ang ngiti niya, pero biglang binawi niya. Baka kasi isipin nitong excited siya. “Yes. Kung ‘yan ang desisyon mo, okay lang,” kunwa’y seryoso siya, pero deep inside, nagpi-piyesta ang loob niya. Sa wakas ay magagawa niya na rin ang lahat. “Sa isang kundisyon.” Biglang palis ang sayang nararamdaman niya sa kundisyon na salita. “Ano ‘yon?” “Magsama ka ng isang servant.” “‘Yon lang?” hindi makapaniwalang sambit niya. “Yes.” Sa puntong ito, lumapad na ang ngiti ni Everlee. Talagang seryoso nga ito sa desisyon nito na pagbukurin siya. Okay lang naman na sa kanya ngayon magsama ng servant. Malapit na nga niya sanang tawagan ang magulang na papuntahin si Kate dito para makawala dito sa palasyong ito. Pero dahil nagbago ang isip ni DK. Hindi na niya tatawagan ang magulang. Masaya na siya na ito ang mismong sumuko. “Happy, huh?” “Super, Kuya DK! Finally, nagising ka rin.” Tumayo siya. “Anything else? Pwede na ba akong mag-empake?” Nakataas ang kilay nito. “Seriously…” pabulong nitong sabi. “Wala nang bawian ‘to, huh?” Tumango ito kaya muli niyang nginitian ito nang matamis. Yumuko pa siya dito bilang paggalang bago tumalikod. NAPAPIKIT si DK habang tinatanaw ito palabas. Halata ang kasiyahan sa mukha ng dalaga maging sa mga gestures nito. Akala ni DK umalis na ito, hindi pa pala. Biglang sumilip ito sa pintuan. “Love you na talaga, Kuya DK! The best!” May pa-thumbs up pa ito. Pero wala doon ang atensyon niya, kung hindi sa sinabi nitong Love You. “I’ll give you 80 manok!” Ang tono nito ay parang bisaya. Kung ano-ano na lang talaga ang natutunan ng batang ito. Hindi man niya naiintindihan pero parang biro lang yata iyon. “Sh*t! Umalis ka na nga sa harapan ko, Everlee!” aniya rito. “Akala ko ba wala nang bawian?” Sumimangot tuloy ito. Ang haba ng nguso nito kaya napalunok siya. “Wala nga! Kaso parang magbabago yata ang isip ko sa mga pinagsasabi mo!” “Peace!” Kasabay niyon ang peace sign nito. “Pagbilang ko ng tatlo, tapos nasa pintuan ka pa, babawi—” “Ayan na! Tatakbo na ako Duke! Sungit! Pero mabait!” sigaw nito. “Ano daw?” Napailing na lang siya. Wala na si Everlee sa harap niya kaya napasandal siya sa kinauupuan. Ngayon pa lang nakakaramdam na siya nang kahungkagan. Pero ito ang nararapat. Ang malayo sa kanya. Sisiguruhin na lang niya na bantay sarado ito. SI Daisy ang napili ni Everlee na isama. Ito lang naman kasi ang bata sa mga servant, na siyang kasundo niya rin. Bale hanggang bahay lang ito kapag nasa school siya. Pero kapag gagala ay kasama ito. Iyon daw ang habilin ni DK dito. Okay lang naman sa kanya. Paran naman may mag-tour sa kanya parati. Naging masaya si Everlee ng mga sumunod na araw. Hindi na niya naiisp ang nangyari sa kanila ni DK. Nalibang siya kakagala kasama si Daisy. Tatlong araw kasi silang walang pasok dahil manganganak na ang chef na siyang nagtuturo sa kanila. Hinihintay din nila ang substitute nito mula pa sa London. Pauwi na sila ni Daisy noon nang matanaw ang classic noble car na ginagamit ni DK kapag naglilibot ng Bedford. Hindi niya maiwasang mapatingin sa mga nagkukumpulang mga babae makita lang ang binata. Ibang-iba talaga ang buhay nito dito kesa sa Manila. Low key nito roon, pero dito, puro pangalan nito ang halos na bukambibig dito. Hindi niya makita ang binata dahil maraming nakapalibot dito. Mga babae kaya napasimangot na siya. Ang OA naman ng mga ito. “I think they want to throw themselves at Duke.” Sinundan iyon nang hagikhik ni Daisy. “Seriously?” hindi niya maiwasang sabihin. Napaangat siya ng kilay nang sagutin siya ni Daisy na talagang mabenta si DK sa mga kababaihan dito. Hindi lang daw dahil sa Duke ito, kung hindi dahil sa angking kakisigan umano nito. “Thank God,” anas niya nang paandarin na ng driver ang sasakyan. Nagsialisan na ang mga taong nakaharang. Pagdating sa apartment ay humarap agad si Everlee sa laptop niya. Tumawag siya sa magulang, ganoon din sa mga kapatid. SAMANTALA, napatingin si DK sa sasakyang tinuro ni Angus. Pangalan kasi ni Everlee ang binanggit nito. Ilang araw na rin niyang hindi ito nakikita dahil tinitikis niya. Pero ang totoo niyan, gustong-gusto niyang masilayan ito. Nakabukas ang bintana ng sasakyan kaya kita ang naka-side-view na si Everlee. Kinapa niya ang dibdib niya dahil sa mabilis na pagtibok nito. Hindi naman halatang nami-miss niya ito. “I’ll give Young Miss a ring, His Grace.” Si Angus iyon. “Don’t.” Bakit naman kailangang tawagan si Everlee? Baka mamaya ma-misunderstood nito. Pero sa kabilang banda, gusto niyang makausap ito. Hindi na rin niya kasi naririnig ang tawag nito. Sa text na lang sila nag-uusap. Sabi niya sa sarili, titiisin niya ang dalaga na hindi ito makita. Pero namalayan na lang niyang inutusan na pala niya si Angus na dalhin siya sa tinutuluyang apartment ni Everlee. Parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan nang makita ang kakaibang ngiti ni Angus. Kanina lang pinigilan niya ito. Tapos heto, naiutos niya pala na pumunta rito. Wala siyang imik kaya ganoon din ito. Tumingin siya sa secondfloor kung saan naroon ang silid ni Everlee. Alam na niya dahil kay Declan. Lahat kasi ng galaw ng dalaga ay nire-report sa kanya. Pati kung saan banda ang silid nito. Sinamaan ni DK nang tingin si Angus nang sabihin nitong kumatok kaya siya. Mas okay pa si Mildred kasama, walang ngiti-ngiti kung titingnan siya. Pero itong si Angus, ang lakas ng pang-asar. Ang ibig niyang sabihin, ang mga ngiti nito ang nakakainis. Nagpasyang bumaba na lang si DK kesa mainis sa mga tingin ni Angus. Pinaiwan niya si Angus dahil naiinis nga siya. Kakabukas lang niya noon ng pintuan ng sasakyan nang marinig ang pagtawag ng pamilyar na boses. “Kuya DK! Ginagawa mo rito? Halika pasok ka!” sigaw nito mula sa bintana. Akmang sasagot siya nang umalis ito sa kinatatayuan. Mukhang baba yata ito para pagbuksan siya. No choice tuloy si DK, humakbang na lang siya papunta sa pintuan. Sakto lang ang pagdating niya doon nang bumukas ang pintuan. Iniluwa no’n si Everlee na humahangos. “Talagang tinakbo mo mula taas? Paano kung nadapa ka, huh?” “Uy, concern,” biro nito. “Malamang!” inis niyang sagot. Tinitigan niya ang magandang mukha nito, pero napako din sa mapupulang labi nito. Damn! “Tuloy ka. Para makita mo ang kalagayan ko. Siguraduhin mong gandahan mo ang report kila Mama, huh.” “Ewan ko sa ‘yo, Everlee.” Nilagpasan niya ito. Tinungo niya ang kusina nito para kumuha ng mineral water. Uhaw na uhaw na siya talaga. Imbes na mineral bubungad sa kanya, alak at juice lang ang naroon. Inis na pinaglalabas niya ang alak at tinawag ito. “Everlee!” “Yes, Kuya?” Napaawang ng labi ang dalaga nang makita ang mga bote na nasa harapan nito. Nakatukod ang magkabilaang kamay nito sa mesa habang nakatingin sa kanya. “Kaya ba gusto mong bumukod para magawa mo rin ito? Sino-sino ang iniimbitahan mo rito, huh? Tell me.” Sunod-sunod ang lunok nito kaya alam niyang guilty ito. “Everlee!” sigaw nito na ikinapitlag niya. “S-sa amin ‘yan ni Daisy. B-birthday niya kasi bukas kaya bumili kami pag-uwi.” Tinawag niya si Daisy para itanong dito kung totoo ang sinabi ng dalaga na birthday nito bukas. Totoo nga ang sinabi ni Everlee. Pero kinumpiska niya pa rin. Sinabi niyang magpapadala na lang siya ng pagkain ng mga ito. Umalis na rin siya noon at bumalik na. At kaya siya nagmamadali na umuwi, iyon ay dahil nagsisimula na namang magkagulo sa loob niya. Late na nakatulog si DK nang gabing iyon kakaisip kay Everlee. Ayaw talaga paawat ng dalaga sa isipan niya. Nag-jogging pa nga siya para palisin ito sa isipan niya pero wala pa rin. Lalo lang siyang hindi nakatulog. Wala siyang appointment noon sa umaga kaya sinadya niyang magpatanghali ng gising. Walang umistorbo sa kanya dahil binalaan na niya si Mildred at Angus bago pumikit kanina. Nasa dining area siya noon nang maisipang buksan ang cellphone. Nakalimutan niyang tumingin ng messages kagabi sa gc nila. Ang dami nang ganap sa Pilipinas na nami-miss niya. Napakunot siya ng noo nang makita ang sinend ni Callen na picture ni Everlee at ni Aharon. Nakapatong ang kamay ng lalaki sa balikat ng dalaga noon. Imbes na sagutin ang tanong ni Callen sa kanya kanina kung nanliligaw ba sa kapatid nito si Aharon, napatanong siya. Tinanong niya kung kailan iyon kuha. At nang sagutin ni Asia na ngayon lang ay naningkit ang mata niya. Akala ba niya magce-celebrate ito ng birthday ni Daisy ngayon? Bakit magkasama ito at si Aharon? Akmang idadayal niya ang numero ni Daisy nang unahan siya nito. “Y-your Grace,” nauutal na bungad nito sa kanya. Biglang kabog ng dibdib niya kaya tinanong niya ito nang diretso. “Is there something wrong with Everlee?” Napatayo si DK nang marinig ang sinabi nitong muntik nang malunod si Everlee sa lake. Agad niyang pinahanda kay Angus ang helicopter para mapuntahan ang dalaga. Ligtas naman na raw ito pero hindi siya mapakali. Kailangan niyang makita ito nang personal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD