NAKANGITING tiningnan niya ang sarili sa harap ng salamin. Bagay naman pala sa kanya ang mga dress dito. Papasa na siyang maging princess.
“What do you think?” aniya kay DK. Lumabas siya para lang ipakita dito.
Matagal na tumitig ito sa kanya.
“Pwede na,” tipid nitong sabi, pero hindi nito inalis ang tingin sa kanya.
“Ang tipid mo namang magkomento, Kuya.”
Napataas ng kilay si DK. “Ano naman ang gusto mong marinig from me? Na ang ganda-ganda mo? Kahit sino mapapatingin sa ‘yo. Parang hindi ka bata? Na dalaga ka na? Na pwede ka na ligawan?” May sasabihin pa sana si DK nang may mapagtanto. Dapat iinisin niya ang dalaga. Pero bakit iba ang nailabas ng bibig niya?
Nameywang si Everlee dahil sa narinig. Ngumiti siya pero may pagkasarkastiko.
“Wow. Grabe. Ang galing mo magpuri, Kuya. Okay na sana, e. Panira ‘yang term mo na bata. Hmp!”
“Bakit, ilang taon ka na ba? 25? 30? 35? Huh? For me, 24 pababa ay bata pa. So, saang age bracket ka belong?”
Mukhang kailangan niyang magbaon lagi nang pasensya kapag kausap si DK. Hindi matino kausap, e. Gusto lang naman niya nang matinong komento nito, tapos ang dami nang sinabi? Ang layo kaya ng sinagot nito.
Kapag teenager o mga dalagang 24 pababa ay parang hindi pwedeng purihin? Ganoon yata ang ibig nito.
Bumalik na lang si Everlee sa loob at isa-isang sinukat iyon, ayon sa gusto niya.
Bago sila umalis ay may nag-aayos ng pintuan. Dumating din ang manager niyon at binayaran ni DK gamit ang card nito. Dinig niya na pag-aari iyon ng pinsan nito, kaya naman pala ang lakas ng loob na ipasira iyon.
Hindi namalayan ni Everlee kung ilang oras silang bumiyahe papunta sa palasyong tinitirhan nito, basta ginising siya nito nang makarating sa malawak na lawn na iyon. Kita niya ang ilang servants na nakapila doon. Nasa bungad niyon ang babaeng sa tingin niya ay nasa edad na 50’s. Kung pagbabasehan ang tayo at uniporme nito ay ito ang mayordoma.
Tumingin si Everlee sa relong pambisig nito.
“Late na, gising pa sila?”
Hindi pa sila lumalabas ng sasakyan noon kahit na bukas na ang pintuan.
“Alam nilang darating ka kaya gising pa sila. Ayoko namang makarating kila Tito na hindi ako warm sa mga guest.”
“Ano ‘to pakitang tao lang?”
“Of course not!” Mabilis ang kilos nito na lumabas. Naglahad ito ng kamay kaya tinanggap niya iyon. Ang ganda pa naman ng ngiti ng mga sumalubong sa kanila tapos sisirain niya lang?
“You must be the young Miss Moore? I’m Mildred, by the way.”
Matamis na ngumiti siya rito at nakipagkamay.
“I've heard a lot from His Grace about you.” May mga sinabi pa ito na ikinatingin niya kay DK. Maganda naman ang pagkakakuwento nito sa matanda. Pero ang nakakainis, pati kung gaano sila kayaman sinabi nito?
“I’m glad magaganda ang naikuwento mo,” aniya kay DK. Nagkibit-balikat lang ito.
“Thank you for taking the time to meet with me, Mildred. My name is Everlee. Some of my friends used to call me Lee.” Sumasabay pa ang kamay niya. “It’s up to you—”
“Young Miss is okay with me,” putol nito sa sasabihin niya. Hindi na rin siya nito tiningnan, kay DK na ang atensyon nito.
“Ayaw niya ng madaldal kaya limitahan mo lang ang sarili mo sa pagkuwento. Kung ano lang ang tanong or topic, ’yong specific na sagot lang din okay?” Nakangiti si DK sa kanya.
“Ano? Eh, siya nga ang daming sinabi, may reklamo ba ako?”
“Ssshhh.” Nasa labi pa nito ang hintuturo.
“Ay, ambot!”
“Anong sabi mo?”
“Tanong mo si Tito Grecco kung anong ibig sabihin niyan.” Iningusan niya nito. Frustrated na siya ngayon, dumagdag pa ang mga ito.
Dinala siya ni Mildred sa sarili niyang silid. Bago ito umalis ay pinaliwanag nito ang mga bawal at pwedeng gawin niya habang dito siya nakatira. Isa na roon ang hindi basta-basta paglapit kay DK dahil sa katungkulan nito dito.
DALAWANG araw pang nagpahinga si Everlee bago siya nagpunta sa school. Monday pa ang first day niya kaya inaral niya muna kung paano pumunta doon ng mag-isa. May sasakyan namang pinahiram sa kanya si DK kaya madali lang kapag papasok. Nga lang, nalilito pa rin siya dahil hindi siya pamilyar dito.
Nagpasyang mamasyal na lang muna si Everlee nang araw na iyon. Wala rin naman siyang makausap sa palasyong tinitirhan niya. Laging busy naman si DK. Ni hindi niya nga ito nakikita kahit na iisa lang sila ng titirhan. Sabagay, nasa kabilang side pa ang silid nito. Nakakatamad umikot para puntahan ito. Ah, bawal din pumunta basta-basta sa room nito. Isa ‘yon sa mahigpit na pinagbabawal ni Mildred.
Naupo si Everlee sa bench na iyon. Pinanood niya ang iilang bata na naglalaro. Meron ding mga naglalakad para maghanap ng mapupuwestuhan. Mahigit isang oras din doon bago nagpasyang umuwi.
Hindi pa man siya nakakababa nang makita ang ilang servants na papalapit sa kanya, nasa unahan ng mga iyon si Mildred. Bumati siya rito nang makalapit.
“Young Miss, the Duke is waiting for you to eat dinner with him.”
Napangiti siya. “Really?”
Ah, hindi naman kasi sila nagsasabay kumain ni DK. Hindi niya alam kung bakit. Hindi pa sila nga-uusap ni DK ng personal after ng gabing iyon. Sa text or call lang siya nag-update ng mga gagawin dito.
“Yes, Young Miss. Shall we?” Tumago siya rito.
Ngumiti sa kanya si Mildred bago siya nito hinayon papunta sa dining area.
Bago talaga marating ang dining area dito ay gutom na gutom ka na. Sa layo ba naman nito sa silid niya. Mabuti na lang at bumili siya kanina ng tinapay.
“Um, Young Miss.” Lumingon si Mildred sa kanya. “Your seamstress appointment is at 7 in the morning. It would be great if you could get up early.” Hinagod pa nito ang suot niya kaya napasunod din siya.
Anong problema sa suot niya? Doon na nga ito nabili sa shop na pinagdalhan sa kanya ni DK, tapos kailangan pang magpagawa?
“May I know why, Mildred?” Napaangat ng kilay si Everlee kaya bahagyang naningkit ang kilay ni Mildred. Lumabi na lang siya. Nakalimutan niyang bawal palang kontrahin itong si Mildred.
“Some of your clothing is inappropriate for me. And you can’t face the important guest with your choices. That's why I've decided to call myself a seamstress. And the Duke agrees with it. So, there is no problem.”
Nakangiwing tumingin siya rito.
“I-I’m sorry,” sambit na lang niya. Hindi nga pala siya mananalo rito. Kahit si DK ay walang say basta mga ganitong bagay.
“I thought you knew this.” Marahan siyang tumango.
Hindi na sumagot si Mildred, tumalikod na ito at nagpatuloy.
Ang buong akala ni Everlee, siya lang ang makakasabay ni DK kumain. Hindi niya inaasahang makita ang pamilyar na babaeng nakaupo sa kandungan ni DK. Si Alice.
Kita ni Everlee ang pagtaas ng noo ni Mildred bago tumikhim. Napatigil sa harutan ang dalawa.
“Oh, Everlee! Nandito ka na pala. Sit down,” masayang sabi ni DK sa kanya. “Remember, Alice? Naipakilala ko na siya nang dumalo ako sa party ni Callen.”
Yeah, naalala niya. Hindi naman siya makalimutin.
“Hi,” tipid na bati sa kanya ni Alice.
“Hello,” aniya rin sa matipid.
“Do you mind if you sit here, Miss Alice?” Malakas na boses ni Mildred ang nakapagpapalis ng magandang ngiti ni Alice. Hinila nito ang pang-apat na upuan.
Para kay Alice ‘yon?
“Honey—”
“His Grace. Call our Duke His Grace,” pagtatama ni Mildred dito. “He’s the Duke of Bedfordshire now. You should respect him in front of us, even though you have a special relationship with the Duke. I hope you understand my point here, Miss Alice.”
“I-I’m sorry.”
Hindi maiwasang mapangiti sa loob-loob ni Everlee ng mga sandaling iyon. Napaka-bold talaga ni Mildred. Parang hindi siya masaya sa naabutan siguro. Saka tama naman si Mildred. Siya nga His Grace tawag niya rito kapag may ibang tao. Kahit na girlfriend ito, hindi pa rin pwede kay Mildred ang inasal nto dahil may rules dito. Unless kasal ang mga ito.
“It’s time to serve dinner.” Matamis na ngumiti si Mildred, saka tumingin sa isang katulong.
Napakamot na lang si DK nang tingnan niya. Hindi yata nito na-briefing girlfriend nito. Ayan tuloy nasermonan ni Mildred.