NAPAMULAT si Everlee nang marinig ang anunsyo ng piloto. Tumingin siya kay DK, tulog na tulog ito. Nakalapag na pala sila. Kaya naman nagpasyang gisingin na lang ni Everlee ang binata.
“Kuya DK.” Niyugyog niya ito.
“Hmm…” Mabilis namang nagmulat ang binata at tiningnan siyang nakasimangot.
“Kakalapag lang natin,”
“Oh.” Napaayos nang upo si DK at luminga. Kasabay din niyon ang pagtanggal nito ng seatbelt.
May naghihintay na sa kanila dito sa airport kaya agad na tinungo nila ang kinaroroonan ng mga ito. Hindi naman crowded ang nadaanan nila dahil naka-VIP si DK.
Akmang sasakay si DK sa sasakyang naghihintay dito nang lingunin siya nito.
“Hindi ka ba talaga magpapahatid?”
“Hindi na, Kuya. May sundo rin ako. Hanapin ko na lang.”
“Okay. Call me if you need anything.”
Tumango siya rito at nginitian. Seryoso na ito dahil maraming tao. Unlike sa eroplano, parang bata itong naglalaro lang doon. Iniisip niya nga kung magagampanan ba nito ang posisyon nito bilang Duke. Wala kasi sa mukha nito.
“Bye!” Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang pumasok sa sasakyan.
Hinanap na rin ni Everlee ang susundo sa kanya. Pero natigilan siya nang may mapagtanto. Wala siyang bagahe na katabi! Ang mga pinasok kanina ng mga nagsundo kay DK sa sasakyan na dala ng mga ito ay pag-aari nito. So, nasaan ang bagahe niya?
Sh*t!
Una niyang pinahanap ang tauhan nila na kasama nila sa private jet. Bigla siyang nanlumo nang sabihin ng mga ito na wala nga ang bagahe niya!
Akmang tatawag ang mga ito sa Pilipinas para itanong kung tamang eroplano ba ang kinargahan ng mga ito ng bagahe niya nang pigilan niya. Siguradong makakarating ito sa magulang niya. At oras na malaman ng mga ito, pababalikin siya ng mga ito. Tapos pipigilan na naman sa pag-alis.
Kinausap na lang niya ang mga tauhan nila na kontakin siya kapag may balita na. Kabilin-bilinan niya, ’wag iparating sa magulang niya. Nagbayad pa siya para hindi magsalita ang mga ito.
Mahigit walong oras pang naghintay si Everlee para hintayin ang commercial airplane na galing ng Pilipinas. Magbabakasakali siya. Pero nadismaya lang siya nang sabihin ng mga ito na wala roon ang bagahe niya. Pagod na siya ng mga sandaling iyon kaya napapipit siya sa kinauupuan. Ramdam na rin niya ang pagod ng mga sandaling iyon. Mabuti na lang at natulog siya nang natulog sa biyahe.
Napapitlag siya nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Natigilan siya nang makita ang pangalan ni DK. Hindi niya sana sasagutin pero baga magsumbong ito sa magulang niya na unattended lagi ang phone niya.
Nagpakawala muna si Everlee nang buntong hininga bago iyon sinagot.
“Hey, hindi ka pa raw naka-check in sa hotel? Tumawag ako—”
“I’m still at the airport.” Pumikit pa siya matapos iyong sabihin.
“What?!” Nailayo ni Everlee ang cellphone sa tainga nang marinig ang pasigaw nito sa kabilang linya. Iniimagine niya ang mukha nito ngayon, mukhang galit na galit. “Where are you now? I mean saan banda dyan? Papunta na ako.”
Mahigit isang oras pang naghintay si Everlee sa airport.
Napanatag si Everlee nang matanaw si DK. Hingal na hingal ito dahil sa patakbong gawa nito. Tumayo siya para harapin ito. Pero nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito mang mahigpit.
“Thank God. You’re safe,” anas nito, na parang nabunutan nang tinik sa lalamunan. Nasa bisig siya nito tapos ang bilis ng pagtaas-baba ng dibdib nito. Marahil dahil sa ginawang lakad-takbo nito.
Naramdaman niya mayamaya na natigilan ito kaya napa-angat siya nang tingin dito. Saktong inilalayo nito ang sarili sa kanya. Hindi na ito makatingin sa kanya.
“K-kumain ka na ba?” Umatras ito para bigyan nang espasyo ang pagitan nila. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paglunok nito.
“Um, kanina pa. Bumili lang ako ng cookies and coffee.” Tinuro pa niya ang shop na malapit.
“Kanina pa? Anong oras naman ’yon? Huh?!” At muling tumaas ang boses nito.
Napatingin si Everlee sa kamay niya nang bigla iyong kunin ni DK. At first, pinagsiklop nito ang kamay nila. Pero mayamaya ay bumitaw ito, sa pulsuhan na niya ito humawak. Hinila siya nito palayo doon at iginiya sa sasakyan nito. Doon lang nito binitawan ang kamay niya kaya doon lang din siya parang kumalma.
Ang weird ng pakiramdam niya kanina. Ayaw niyang entertain sa isipan niya ang bagay na iyon. Parang Kuya na niya ito, hello?!
Pinilig ni Everlee ang ulo. Baka stress lang ito dahil sa bagahe niya.
As usual, may convoy si DK. Ikaw ba naman maging Duke? Pero masaya siya, feeling protected siya. Nandyan ang sense of security.
Napangiwi siya. In a relationships yarn?
Napapayag na lang si Everlee kay DK nang sabihin nitong iuuei siya nito sa tinitirhan nito. Naikuwento na niya rito ang totoong nangyari. Hindi na siya nito pinayagan na tumuloy sa hotel niya. Ito raw ang mananagot sa magulang niya oras na may mangyari sa kanya doon. Ito raw ang masusunod ngayon. Mag-isa at wala siyang kakilala umano doon. Paano kung may manamantala raw sa kanya?
Nalaman na rin nitong nailagay niya sa maleta niya ang dalawang debit cards niya. Meron pa naman siyang natitira, ‘yong sa savings niya. May cash din siya pero sa tingin niya, hindi sasapat. ‘Yon lang ang nasa bag na gamit niya ngayon. Hindi niya alam kung kasya ba iyon ng isang taon. Kaya talagang kailangan niya nang tulong ni DK. Nangakong hindi ito magsasalita basta sumunod siya sa gusto nitong sa bahay nito siya tumira.
“Hindi ka pa pala handa sa mga ganitong bagay, ang lakas ng loob mong bumiyahe rito. Alam mo namang napakahalaga ng pera tapos kung saan-saan lang nilalagay? Apaka burara naman. Para kang bata.”
“Hindi handa? Excuse me, DK! Hindi ko nga napansin na naisama ko pati ang wallet na iyon!” Ayan, first name lang nito tuloy ang naitawag niya. “At hindi ako burara! Hindi rin ako bata!”
“Oh, c’mon, Everlee. Napakahalaga ng debit card tapos nilagay mo lang doon?”
“Ang kulit! Hindi ko nga sinasadya na mapunta doon!” Mabuti na lang at nasa sasakyan sila noon.
Umiling-iling na lang si DK. Nasa tapat na sila noon ng restaurant kaya hindi na ito nakipagdiskusyon.
“Baba,” pautos na sabi nito. Hindi naman halatang nainis niya ito.
Buti nga sa kanya! Sana ma-HB nang makag4nti man lang.
Wala siyang imik habang kumakain. Nakamasid lang si DK sa kanya dahil kumain na raw ito. Panaka-naka, nilalagyan nito ng ulam ang plato niya. Asian cuisine ang inihahanda sa kainang ito kaya feeling niya nasa Pilipinas lang siya.
Pagkatapos niyang kumain ay dinala siya nito sa isang nakasaradong boutique. Late na malamang kaya talagang sarado na iyon.
“A-anong gagawin natin dito?” tanong niya. Sinulyapan lang siya ni DK bago ito dumayal. Nanlaki ang mata niyang marinig sinabi nito sa kausap. Pinapabuksan nito ang boutique na iyon! No, pinapaalam nito sa may-ari na sisirain nito ang pintuan dahil mamimili ito ng damit para sa kanya!
“God. Talagang sisirain mo?” aniya rito.
“Aayusin naman nila mamaya ’yan.” Lumabas na si DK. May nagbukas na rin ng pintuan sa side niya kaya lumabas na rin siya. Lunapit sa kanya si DK at hinawakan na naman nito ang pulsuhan niya. At sunod niyang namalayan hila-hila siya nito hanggang sa tapat ng shop na iyon.
Nilingon ni DK ang isang lakaki na medyo may edad na.
“Angus,” tawag nito.
Lumapit naman ang lakaki. May binulong si DK dito na ikinatango ni Angus. Mayamaya lang ay pwersahan nang binuksan ang pintuan ng shop. Nakatanga lang siya habang ginagawa ng mga ito ang bawal.
Seriously?
Nagbaba na naman nang tingin si Everlee sa kamay niya nang basta na lang hilahin nito iyon para pumasok sa boutique.
“Pumili ka ng mga gusto mo. It’s up to you kung ubusin mo ang laman ng shop na ‘to. Pero kung hindi mo bet ang iba, bukas pwede ka namang mamili ng mga gusto mo. Pero dapat akma sa titirhan mo.”
Okay na sana, e. Pero ano ‘yang titirhan niya?
“May dress code sa titirhan mo. You know. I’m a Duke. At hindi naman pwedeng isama kita na hindi fit ang outfit mo.”
Napatingin si Everlee sa paligid. Saka lang niya napagtantong kaparehas ng mga sinusuot ng mga royal sa palabas ang mga naka-display.
“Oh, sh*t!”
“What? Minura mo ako?”
“N-no… no.. Shocked lang ako. Kasi naman bisita lang ako tapos kailangan—”
“Well, kung ayaw mo. Pwede ko nang tawagan ang Kuya mo na sunduin ka. Ayoko namang payagan kang mag-rent ng apartment tapos lahat ng gamit mo, mawawala lang. Hindi ako mapapanatag knowing na ang shunga mo pagdating sa pag-keep ng mga gamit. Ano ang ire-report ko sa Papa at Mama mo? Huh?”
Napaikot na lang ng mata si Everlee. Minabuting sinimulan niyang magpili ng mga susuotin kesa makipag-usap kay DK. Akala pa naman niya okay na ang pag-alis niya. Wala nga si Kate, may DK naman na dinaig pa ang Kuya Callen niya.
“Um, Everlee!” Napatigil sa paghakbang ang dalaga nang marinig ang tawag ni DK. Nilingon niya ito.
“Baliktarin mo ang damit mo.” Kasabay niyon ang ngiti.
“What?” Hindi niya ito maintindihan. Bakit naman niya babaliktarin ang damit? For what?
Sinilip pa ni Everlee ang suot. Iniisip niyang baka baliktad iyon. Pero hindi naman.
Tumingin siya kay DK. Ang lapad na ng ngiti nito. Nahulaan nitong hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin.
“I said, baliktarin mo ang suot mong damit. Para… para hindi ka mawala.” Nang marinig ang pang-asar na boses nito ay sinamaan niya ito nang tingin. Ano siya bagay? May isip siya, uy!