“ARE you sure hindi mo isasama si Kate, baby?” tanong ulit ng ama ni Everlee na si Caleb Moore. Puno nang pag-alala ang gwapong mukha nito.
Si Kate nga pala ang personal assistant ni Everlee. Ilang taon lang ang agwat nila. Anak ito ng isa nilang kasambahay, kaya lagi silang magkasama.
“Nakailang tanong na ako sa kanya niyan, pero ayaw niya.” Ang ina niya na si Dominique ang sumingit. Kakagising lang nito.
Lalong hindi nawala ang pag-alala ni Caleb sa anak dahil sa pagmamatigas nito. Hindi naman siya nag-aalala kapag lalaking anak niya. Pero kapag babaeng anak na niya, halos itali niya ang mga ito sa bahay.
“Baby, malayo ang England. Kailangan—”
“Papa, matagal ko nang pangarap na makapag-travel abroad without, uh—” Umikot pa ang bilugan at magandang mata ni Everlee. “you know. Kasama? I’m too old na para magkaroon ng yaya.”
“She's not your yaya, baby. Companion.”
“Whatever, Papa. Please…” sa nagmamakaawa niyang tono.
Tumingin si Caleb sa asawang si Dominique. Ngumunguya na ito ng pagkain habang nakatingin sa papel na binigay ng secretary nito.
Matagal nang hindi nagpupunta sa opisina ang ina ni Everlee dahil tuluyan nang nag-take over ang Kuya Callen niya sa business. Pero tumutulong pa rin ito sa abot nang makakaya nito. Kaya kadalasan, nakaharap ito sa papeles o ‘di kaya sa computer. Pinagsasabay din nito ang pag-aalaga sa kanila.
Nang mapansin ni Dominique na sa kanya ang tingin ng mag-ama, binaba niya ang report na hawak.
“What?” Nakataas ang kilay ng ina.
Pumayag na ang ina ni Everlee last week pa, pero naging distant ito sa kanya dahil ayaw niyang pumayag na may kasama nga na pumunta ng England.
One year lang naman siya doon tapos magsasama pa? Kailan niya kaya mararanasan ang pumunta ng ibang bansa na mag-isa? O ‘di kaya ang mamasyal sa ibang lugar na walang kasama?
Nakapag-enroll na si Everlee sa cooking school sa England. Next spot niya after ng England, sa Australia naman. Kaya hindi naman talaga 1 year ang balak niya. Mas gusto niyang mag-travel at mag-aral talaga. Ang ibig niyang sabihin, maraming matutunan na technique mula sa mga famous chef. Gusto niya nga ring sumali sa mga cooking show right after ng study niya.
“What do you think, sweetheart?” masuyong tanong ni Caleb sa asawang si Dominique.
“Payag naman ako, a. Basta kasama si Kate.” Sumulyap pa ang ina niya pero saglit ding winaksi nito, binalik ang tingin sa papeles.
After ng usapan na iyon sa hapag, walang kasiguruhan pa rin kung papayag ang mga ito. May natitirang isang linggo pa bago magsimula ang klase niya.
“You should work on Mama. Siya lang naman ang may final say pagdating sa mga ganyang desisyon.” Napatingin si Everlee sa Ate Celestine niya. “Kapag napapayag mo si Mama, go na yan si Papa.”
Napaisip si Everlee. Oo nga, ano? Iisa lang naman talaga nagdedesisyon sa bahay nila. Ang Mama!
“Right!” papalatak niya. Tumayo siya sa kinauupuan. “Thanks for reminding me, Ate Tine!” Ngumiti siya rito nang matamis.
“Oy! Ang sumbrero ko, Lee! Madumihan ‘yan!” biglang tawag sa kanya ng Ate niya.
Kinapa niya ang ulo. Naisukat nga pala niya ang bagong collection nitong sumbrero sa ulo.
“Oh. I almost forgot! Catch!” Sabay tapon sa Ate na agad nitong sinalo. Talagang ayaw nitong madumihan kaya pati katawan nito, ginawang panalo nito.
“Fvck you, Everlee!” Gigil na sigaw ng Ate Celestine Marie niya. Nakahiga ito sa sahig na yakap ang sumbrero nito. Kita niya rin ang mukha nitong nakahinga nang maluwag. Pero napalis din at tumingin sa kanya nang masama.
Ini-expect na ni Everlee na ganoon ang ire-react nito kaya mabilis ang takbo niya paakyat.
“Sorry!”
Dahil sa ginawang pagtakbo, hingal na hingal siya nang makarating sa master’s bedroom.
Tumingin siya sa orasang pambisig si Everlee bago tinaas ang kamay. Gising pa ang magulang niya siguro. Alas nuebe pa lang naman ng gabi.
Akmang kakatok si Everlee nang mapansing bukas ang pintuan. Walang sabi-sabing tinulak niya iyon. Nanlaki ang mata niya nang makitang nasa ibabaw ng Mama niya ang Papa niya. At naghuhubad ito ng damit.
“Papa!” malakas na sigaw ni Everlee na ikinatingin nito sa pintuan.
“Damn! Don’t you know how to knock, Everlee?” Halata ang iritasyon ng ama. Ang ina niya ay nakangiti.
“Good timing, Lee. Marami pa akong gagawin. Makulit lang ’tong Papa mo.” Sabay tulak ni Dominique sa asawa.
“God! Ang tatanda niyo na Papa.” Mali pa yatang sinabi niya iyon, naningkit ang mata ng Papa niya.
“Kung nandito ka para magpaalam ulit. Hindi pa rin nagbago ang isip ko, baby. Good night!”
Napataas ang kilay ng kilay si Everlee dahil sa inasta ng Papa. Natawa lang ang Mama niya nang tumingin siya rito. Palapit na ito sa kanya.
“Magbabago rin isip niyan bukas kapag kumalma na,” pabulong na sabi ng ina niya, bago siya nito nilagpasan.
Napasunod siya sa ina. “So, pumapayag ka na, Mama?”
Nilingon siya ng ina. Sa gawi ng library ito papunta. Mukhang may tatrabahuhin nga.
“Tinext ko pa si Kristen. Tinatanong ko kung malayo ba ’yong school mo sa kanila. Kapag malapit. Pwede.”
Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Everlee. Sana lang malapit talaga. Pero natigilan siya saglit at tumingin sa ina kapagkuwan.
“Don’t tell me na sa kanila po ako titira, Mama?”
“No! Gusto ko lang may titingin sa ’yo. Sa pagkakaalam ko babalik si DK doon. Ibibilin sana kita if ever.”
“Oh. Tinanggap na ni Kuya DK ang inaalok sa kanya?”
“Yata? I don’t know. Babalik daw kasi next week.”
Tumango-tango si Everlee sa ina. Nagpaalam na ito na may tatapusing trabaho.
Masayang natulog si Everlee nang gabing iyon. Bukas siguro may good news ang ina niya. At hindi nga siya nabigo, nag-aalmusal sila noon nang tumawag ang Tita Kristen niya. Binalita nitong babalik si DK dahil sa commitment daw nito sa Uncle nito sa Bedford.
“Mama, sa Bedford po ’yong school ko!” singit ni Everlee.
“Ayon naman pala, sweetheart. Mababantayan pa siya ni DK,” ang Papa niya.
Hindi na mainit ang ulo nito dahil nakikipag-usap na ito sa kanya. Sweet ulit. Sino pa ba ang paborito nito? Siya lang naman. Si Everlee!
Dahil sa good news na hatid ng Tita Kristen niya, tuluyang pinayagan siya ng magulang niya. May titingin-tingin daw sa kanya palagi. Kaya naman excited na nag-empake siya kahit na may isang linggo pa siya rito. Kaya pagdating mismo ng araw nang kanyang pag-alis ay wala na siyang problema.
Kumpleto ang pamilya niya nang ihatid siya ng mga ito sa airport. Kabig-kabig siya ng Papa niya. Parang ayaw yata siyang paalisin.
“Ang mga bilin ko, baby, huh?” ulit ng ama sa kanya.
Kasing haba yata ng resibong nakita niya sa bahay nila ang habilin ng ama. At ang isa sa habilin nito, bawal mag-boyfriend. Aral lang daw. Bawal gumimik na mag-isa lang. Kailangang alam ng mga ito. At lagi rin daw tumawag sa kanila.
Pero kung kailangan niya raw ng bodyguard, may nakahandang sumama sa kanya. Nasa Madrid. Mga tauhan ng Lolo niya, na ngayon ay tauhan na ng Mama niya.
Isa sa powerful na pamilya sa Madrid Spain ang pamilya ng Mama niya. Mga Narvaez. Ayaw man aminin ng Mama niya, pero parang gaya sa mga napapanood niya, miyembro ng Mafia?
Hanggang ngayon hindi malinaw sa kanya ang katungkulan ng Lolo niya noon. Tikom din naman ang Mama niya pagdating sa ganitong usapin.
At kaya niya nasabi ang lahat ng ‘yan, dahil sa t’wing nagbabakasyon sila sa Madrid, dinaig pa nila anak ng hari. Para silang VIP. Maraming convoy tapos malalaking tao. At lahat yan mga naka-black. Sobrang higpit rin ng security.
Dito sa Pilipinas kasi, hindi niya nakikita ang bantay sa kanila. Pero alam niya, meron. Marami. Patunay na ang personal butler ng Kuya Callen niya na madalas may kausap na mga naka-black din. Hindi naman sila mga Pinoy.
Ang Kuya Callen at ang Kuya Adam niya, maraming alam iyon. Ilag lang ang pamilya niya magkuwento sa kanila ng Ate Tine niya. Hindi nga raw para sa kanila. Pero ang Ate niya, makulit at puno ng kuryosidad kaya marami na rin itong alam. Siya lang walang pakialam. Puno na ang isipan niya ng mga gustong gawin. Ayaw niya nang bigyang pansin ang mga iyon. Pero sabi sa kanya ng Ate niya, lahat daw sila may bantay, nasa malayo. Ewan lang kung totoo.
“Opo. Na-memorize ko na nga, e,” aniya sa ama na ikinatawa nito. Kinabig siya nito at hinalikan sa noo.
“Mami-miss ka namin ng Mama mo, baby.” Sabay yakap sa kan’ya nang mahigpit.
Lumapit na rin ang ina niya at nakiyakap. Kanina pa pala nito pinipigilang umiyak. Kaya nang nakisama ito sa kanila ng Papa niya ay hagulhol na nga ang ginawa nito.
“Mama naman. Sabi ko po walang iyakan.”
“Eh, kasi, first time na mawawalay ka sa amin nang matagal. Tapos malayo pa. Hindi ako sanay.”
“Anytime naman pwede niyo akong bisitahin, Mama. May private jet naman tayo. Right?”
“Everlee is right, sweetheart. Kapag na-miss natin si bunso, pwede natin siyang puntahan.”
“Alam ko. Pero hindi nga ako sanay na wala sila sa paningin ko. Tapos matagal pa, sweetheart.” Sinundan na naman iyon nang hikbi kaya kinabig ito ng ama niya.
Lalong lumakas ang hikbi ng ina niya kaya natawa na lang siya. Kanina pa siya nito hindi tinatapunan nang tingin, dahil siguro baka mapaiyak lang. Pero ang mata nito ay namumula na talaga.
“Don’t worry, lilibangin na lang kita. Alright?” Bumitaw ang ina niyang si Dominique at tiningnan ang ama niya nang masama. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagsilay ng nakakalokong ngiti ng Papa niya. Kaya napaikot na lang siya ng mata.
Niyakap rin siya nang mahigpit ng dalawa niyang kapatid na si Adam at Ate Celestine niya nang magpaalam siya sa mga ito. Ang Kuya Callen niya ay hinalikan lang siya sa noo dahil may kausap sa telepono.
“Nasa loob na ng plane si DK, Everlee. Hinihintay ka na,” ani ni Callen sa kanya nang ilayo nito ang telepono sa tainga nito.
“Pa, sabi ko, hindi ako sasabay sa kanya.” Alam niyang private jet nila ang gamit ni DK.
“Gusto mo bang hindi na lang matuloy, baby? Huh? Gusto lang naman namin na safe ang pag-alis mo,” anang ama.
Hindi na siya nakapagsalita dahil may dumating at kailangan na raw niyang sumakay. Nauna na rin daw ang mga bagahe niya.
Walang nang nagawa si Everlee kung hindi sumunod na lang. Pina-reserve pa naman niya sa secretary ng Kuya niya ang first class sa commercial plane nila. Pero hindi na niya mararanasan sumakay doon dahil private jet nila ang sasakyan.
“’Wag ho kayong mag-alala, Tita, Tito. Ako na ho ang bahala sa kanya,” dinig niyang sambit ni DK nang kausapin ito ng magulang niya.
Pabalyang naupo na siya noon at hinarap ang telepono para asikasuhin na rin ang apartment na titirhan. May dalawa siyang pinagpipilian. Pero pagdating doon, sa hotel muna siya saka lilipat ng apartment. Gusto niyang bisitahin ang apartment kasi bago siya mag-decide. Isang taon din kaya niyang titirhan iyon.
Mayamaya lang ay nagpaalam sa kanya ang magulang dahil kailangan na pala nilang umalis. Naupo na rin siya kapagkuwan at sinuot ang seatbelt sa katawan. Napatigil lang siya nang mapansing nakatingin sa kanya si DK.
“May problema ba, Kuya?” tanong niyang nakataas ang kilay. Ngayon lang niya ulit ito nakita. Madalas kasing hindi siya sumama sa mga gatherings dahil busy siya sa pag-travel— local lang. Nahilig niyang tikman ang pinagmamalaki ng bawat lugar dito sa Pilipinas. Dalawang beses sa isang buwan siyang umaalis. Kapag nasa bahay naman siya, busy siya sa kusina.
“Nothing.” Tumawa ito kaya napaingos si Everlee. Meron yata kasi kakaiba ang tawa nito.
“Wala pero natatawa ka! Kuya naman, e!”
“Kasi naman si Tito, kung ibilin ka, para kang sanggol. Hindi pa rin tinanggal ni DK ang ngiti sa labi.
“Malamang, paborito niya ako. That’s why.”
“Really? I thought si Cel?” Ang Ate niya ang tinutukoy nito. “You’re a pain in the ass, aren't you?”
Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito. “Excuse me! I’m not! Ako kaya ang pinakamabait sa lahat. Hello!”
“Are you?” Hindi man lang talaga inalis ni DK ang ngiti sa labi nito.
Hindi na niya tinapunan nang tingin si DK. Inayos niya ang pagkakaupo dahil nagsalita na ang piloto. Natahimik na rin ito sa kabilang side kaya na.
Ang akala ni Everlee, hindi na bubuksan ni DK ang topic kanina. Nang nasa himpapawid na sila at pwede nang tumayo ay binalingan siya ni DK.
“May dala ka bang pacifier? Baka bigla kang umiyak pagdating doon.”
Pacifier? ‘Yong sinasalpak ba ‘yan sa bibig ng bata para tumigil sa pag-iyak? ‘Yong ginagawang libangan din?
“Seriously, Kuya? Pacifier?” aniya. Ang daming alam nito, huh. Hindi rin niya akalaing makulit at madaldal pala si DK. Ang layo kay Dave, huh. “Parang ikaw ang mas nangangailangan ng pacifier kakadaldal mo dyan. Mali pala. Parang babae ka kung dumaldal!”
“Hey– hey! I’m just trying to have a conversation with you!”
“I thought bakla ka,” pabulong niyang sabi. Pero hindi niya akalaing matalas ang pandinig nito.
“What did you say, Everlee?”
Ginaya niya ang tawa nito kanina, sabay sabing, “nothing.”
Napabalik na lang si Everlee sa kinauupuan. Hinayaan niya na si DK sa malawak na sofa ng private jet na iyon.