HINDI nakakilos si Everlee nang makita kung paano bum4ngga ang minamaneho ni DK sa pader. Hindi siya nakakilos dahil sa shock. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Pero ang paligid noon ay nagkagulo na.
“Duchess!”
“Is that Duke’s car?”
“It’s the Duke!”
“That's Duke's car!”
Ilan lamang ‘yan sa pumukaw kay Everlee, na ikinabalik niya sa kasalukuyan.
“D-DK,” anas niya nang makitang pinagtutulungan ng mga tao ang asawa.
“Your Grace, we need to hurry! I think the Duke is badly hurt!” Hinila na ni Daisy ang kamay niya palapit sa sasakyan na kinalulunanan ni DK. Nasapo lang niya ang labi nang makitang duguan ang ulo ni DK habang inilalabas sa sasakyan.
“Oh, God…” tanging sambit niya. Parang binabalot ng takot ang paligid niya noon. Ang kaba ng dibdib niya ay sobra. Kitang-kita naman kung paano tumaas-baba ang dibdib niya.
“W-wait. C-can I see him?” Pigil ni Everlee sa lalaking may hawak kay DK. Nanginginig pa siya noon dahil sa mas nakitang kalagayan ni DK sa malapitan.
Tumingin sa kanya ang lalaki at bahagyang nagulat nang makita ang mukha niya. Nakilala siya nito marahil.
“Pardon, Your Grace, but his state is not good. Indeed.” Tumingin pa ito sa duguang ulo ni DK pagkuwa’y ibinalik sa kanya ang tingin. “He needs to be taken to the South Wing now.”
“Yes, Your Grace. I need you to calm down. Thomas is right. The Duke must be transported to the hospital now or else—” Sadyang binitin siya ni Daisy. Minsan pa naman, exaggerated ito.
“A-alright… Go..” nanginginig niyang sabi na lang.
Yumuko muna nang bahagya ang tinawag ni Daisy na Thomas bago nito isinakay sa sasakyang naghihintay.
Pilit na pinapaklma si Everlee ni Daisy habang nasa sasakyan sila. Naka-convoy sila noon.
Ang surprise date niya para kay DK ay nauwi lang sa aksidente. Busy ito sa opisina pero sadyang iniwan nito ang ginagawa dahil sa pagyaya niya rito na kumain sa labas, na silang dalawa lang. Hindi niya akalaing ganito lang ang mangyayari. Dahil sa kanya kaya nasa ganoong kondisyon ito.
Mabilis ang mga nurses at Doctor na inasikaso nang makilala si DK. Nasa tabi na nito noon ang butler nito na siyang umasiko sa Duke dahil medyo natagalan sila sa biyahe. Nagkaroon din ng road accident.
“How is the Duke?” tanong ni Everlee kay Angus — ang personal butler ni DK.
“The doctors are still busy inside, Your Grace.” Malungkot ang mukha nito. Pero biglang binawi din nito. Ngumiti ito. Alam ni Everlee na pilit lang iyon. Para lang i-comfort siya. Malamang. “He’ll be fine, Your Grace. Let’s believe in miracles. Alright?”
Bumigat lang lalo ang dibdib ni Everlee ng mga sandaling iyon. Lumipas ang isang oras pero walang lumabas. Naging dalawa hanggang sa umabot ng apat na oras. May lumabas na doctor pero hindi pa nila masabi dahil kinailangan pang magatwag ng iba pang doctor. Urgent matter ito dahil si DK ang kasalukuyang Duke ng Bedford.
Yes. Isang Duke si DK ngayon dito sa Bedford. Hindi alam ni Everlee ang buong kwento kung bakit ito naging Duke dito. Pero walang imposible dahil miyembro ng royal family ang pamilya ng mga ito dito sa England.
Pero ang dinig niya kay Daisy, ang dating Duke ng Bedford– na may malubhang sakit ay nakiusap kay DK na tanggapin ang posisyon. Pamangkin nito si DK dahil magpinsang buo ito at ang ina ni DK na si Kristen. Dahil close ang binata dito ay tinanggap nito ang posisyon bilang Duke ng Bedford. Sa pagkakaalam niya, dalawang taon lang ang usapan dahil kakasilang lang ng asawa ng dating Duke noon. Kaedad lang ni DK kasi ang sunod na napangasawa kasi nito. At nag-iisang heir iyon ng dating Duke. Ayaw naman ni Duke Franky na ipagkatiwala ang posisyon sa step sister nito dahil isa itong sakim at gahaman.
Dahil kinuwestyon ang kredibilidad ni DK. Naging isyu ang pagiging single nito at pagiging playboy umano nito. Naglabasan ang mga pictures nito na kasama ang iba’t-ibang babae. Dahil hindi naman makakapayag na mawala sa kanya ang posisyon ay humingi ito ng tulong sa kanya. Ang magkaroon ng Duchess sa tabi nito ang nakitang solusyon ng advisor.para maibalik ang tiwala ng mga nasasakupan.
Malaki ang utang na loob ni Everlee kay DK kaya napapayag siya nito at sa isang kondisyon. Hindi makakarating sa magulang niya at kailangan nilang maghiwalay din after two years. Hindi niya alam kung anong paraan ang ginawa ni DK pero walang nakarating sa magulang niya. Hindi siya tinatawagan ng mga ito para tanungin.
Suma total, walong oras ang itinagal ni DK sa operating table. Saka lang sila naghulasan sa kinauupuan nang lumabas na ang hospital bed ni DK. Ililipat na itosa private room nito para sa recovery. Natanggap naman na ni Everlee ang good news kanina pero hindi pa rin siya nakakahinga nang maluwag hangga’t hindi ito nakikita.
Sumunod siya sa private room ni DK at naupo sa upuan, bandang uluhan nito. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan iyon.
“I’m sorry,” anas niya habang nasa mukha niya ang palad nito.
Walang malay si DK noon pero ligtas na ayon sa doctor. Baka bukas pa raw ito magigising dahil sa mga gamot na naiturok dito.
Hindi umalis si Everlee sa tabi ni DK ng m-ga sumunod na ora. Ni hindi nga niya magawang matulog. Hindi pa kasi nabubunot ang tinik sa dibdib niya. Gusto niyang makitang mulat ang mata nito.
Hindi namalayan ni Everlee na nakatulog siya habang hawak ang kamay ni DK. Pero nagising siya kinabukasan sa yugyog ni DK.
“Hey… Everlee,” dinig niya sa namamaos na boses ni DK.
“Oh, DK! Kumusta ka na? Ang pakiramdam mo? Natingnan ka na ba ng doctor?”
Ngumiti si DK sa kanya. “Yeah. Kakaalis lang nila.”
Tumango-tango si Everlee sa asawa. “Anong sabi?”
“Ligtas na raw ako. Kaya makakabalik ka na sa bahay. Okay? Baka naka-istorbo na ako sa schooling mo.”
“N-no. Of course not. Asawa mo ako. Dapat lagi akong nasa tabi mo.”
Napakunot ng noo si DK sa narinig. “A-asawa? What do you mean?”
Si Everlee naman ang napakunot ng noo. “H-hindi mo maalala? We got married. Remember?” Kinakabahan na si Everlee ng mga sandaling.
“We did?”
Tumango si Everlee kay DK nang marahan.
“No.” Umiling si DK. “I promised Alice, I’ll marry her. Not you, Everlee. Hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal sa ‘yo.”
Natigilan si Everlee nang marinig ang pamilyar na pangalan. Pero mas ikinatigil niya ang mga huling mga sinabi nito. Not you, Everlee… Na hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal sa ‘yo… It hurts.
“Hindi ko magagawang lokohin ang magulang at ang kapatid mo. I promised them na aalagaan kita rito while you’re studying. I know myself. Kaya mali kung ikinasal tayo.”
“D-DK…”
Tumingin si DK kay Angus na parang hinihingi nito ang tulong para maliwanagan ito.
“Y-your Grace, Duchess Everlee is telling the truth. You too got married—”
“Oh no! Hindi maari, Everlee! How did this happen? Kailangang nating ayusin ito bago pa man makarating sa magulang mo. They’ll kill me! Damn! Lalo na ang Papa mo! Sh*t! Sh*!” histerikal na sambit nito.
Pero wala na ang atensyon doon ni Everlee. She was in pain. Hindi gusto ni DK na ikasal sa kanya. Kaya wala siyang ginawa kung hindi ang manahimik lang sa kinauupuan ng mga sandaling iyon.
“Angus, please prepare the divorce paper. We need to sign it now!”
“But, Your Grace—”
“Angus!” malakas na sigaw ni DK sa butler. Napatalima agad ito at malungkot na tumingin kay Everlee.
Tumayo si Everlee. “K-kailangan kong bumalik. M-may exam pala kami mamaya. P-paki-deliver na lang sa a-apartment ko ang papers.”
Damn! Wala siyang apartment dahil nakatira siya sa malaking bahay nito! Pero wala siyang choice kung hindi ang maghanap ng matitirhan ngayon din. Hindi na kaya ni Everlee na marinig ang mga sasabihin nito…