NAINTINDIHAN rin ni Claire kung bakit ganito kanerbyos ang tatlongpu’t anim na taon gulang na pinuno ng finance department. Kahit si Claire ay ilang beses rin na nakatikim ng sermon ng amo nito noong bago palang siya pumasok bilang kalihim ni Valerie.
Matalino at matiyagang tao si Claire. Madali lang nito nakukuha ang ugali ng batang amo kaya kalaunan ay lubos na nitong naintindihan ang ugali ng boss nito.
“It seems so, what else would she call you here in her office for? Kung wala kang maling nagawa sa report mo ay hindi mo kailangan mag-alala. Pumunta ka na rito ngayong alas tres ng hapon at huwag kang mahuhuli.” Pagkatapos niyon ay binaba na ni Claire ang telepono. Bago nito ipagpatuloy ang naiwang trabaho ay sinulyapan nito ang pintuan ng pribadong silid ng amo nito.
“MR. MANALANG, can you explain to me where’s this unnecessary expenditure come from?” wika ni Valerie sa head ng finance department pagpasok palang niya sa loob ng opisina. Medyo natagalan na natapos ang meeting niya sa mga board of members kanina, kaya kaysa matapos iyon ng isang oras ay lumagpas ng higit pa sa inaasahan niya. She was in a foul mood. Hindi lang dahil kulang siya sa tulog kundi pati na rin nakaka-drain ang pag kaharap niya sa mga old geezer na iyon.
Kaya naman nang pagpasok niya sa loob ng opisina ay tinanong niya agad ang head ng finance department.
“H-ha?” Napatunganga si Mr. Manalang. Nakasunod ito sa dalaga na pumasok sa loob ng opisina kasama ang kalihim na si Claire.
Nang makitang hindi tumitingin ang dalaga sa kanila ay biglang siniko ni Claire ang head ng finance department bago iniwan ito para bumalik sa working station nito.
Nang makitang hindi agad na nakasagot ito ay malalim na humugot siya ng hininga. Lumapit siya sa kanyang lamesa at kinuha mula roon ang report paper nito. Pinasa niya iyon rito.
“What’s up with this hiring an ice-cream truck, ha?”
Agad naman natauhan si Paulo Manalang sa sunod na tanong ni Valerie. Tila do’n lang nito naintindihan ang tinutukoy niya.
“Ah, iyon po ba? Iyon po kasi ang request ni Ms. Castillo bago siya pumirma ng kontrata para maging endorser ng ating—”
“Wait, what? Who’s this Castillo girl you are talking about?”
“Si Geavonna Castillo ho. Iyong bagong sikat na aktres ngayon. Isa kasi iyon sa request niya na dapat magpadala tayo ng ice cream truck during sa pag-shooting ng ads ng brand natin hangang sa matapos.”
“Ano? So, pumayag rin kayo sa gusto niya? Unbelievable! Pakitawagan nga kung sinong naghandle sa paggawa ng ads ng brand natin.” Parang puputok ang ugat niya sa sentido sa pagkarinig niya sa paliwanag nito. Sa tingin ba ng mga ito ay parang gripo na kapag bubuksan ay aagos ang maraming pera?
Mabilis na tumalima si Claire at agad na tinawagan ang marketing department. Pagkatapos nitong impormahin ang mga tao sa marketing department ay agad na binaba na nito ang telepono.
“Boss, naimporma ko na sila at papunta na sila rito.” Kalmado pa rin na sabi ni Claire kay Valerie.
Samantalang si Paulo ay parang maiihi sa takot. Hindi rin nito mapigilan na magreklamo sa mga tao na nagtatrabaho sa marketing department. Kung hind isa kanila, paano siya mapapagalitan ito ng kanilang presidente?
“Sinong responsibilidad sa proyektong `to?”
Naputol ang pagmumuni ni Paulo nang marinig nito ang tanong ni Valerie. Nang makita nito ang malamig na ekspresyon ni Valerie ay hindi nito maiwasan na pagpawisan. Gayunman, mabilis na sinagot nito ang tanong niya.
“Si Christian Murcia po ang naghandle nitong proyekto na `to.”
“Mr. Murcia? Siya ba ang nag-iisang anak na lalaki ni Director Murcia?”
“Gano’n na nga po.”
“Ah, kaya pala.” Uyam na sabi niya. Mas lalong sumama ang ekspresyon niya matapos niyang malaman iyon. Kanina lang ay parating pinupuna ng director na iyon ang bawat kilos niya na kinainisan niya.
Sa lahat ng board of members ay isa ito sa mga taong malakas ang loob na kalabanin siya. Por que mas matanda ito sa kanya at matagal ng nagtatrabaho rito sa kompanya. Isa rin itong shareholders.
“Sa pagkaalam ko ay dalawang buwan lang siya nagsimulang nagtatrabaho rito? Paano siya ang nag-handle ng proyektong `to?”
Nang marinig ni Paulo ang sunod-sunod na tanong ng dalaga ay hindi ito agad na nakapagsalita. “Nagkasakit kasi ang dating nag-asikaso ng proyektong ito.”
“So dahil do’n ay pinasa niya ang proyektong ito sa baguhan?”
Hindi sa minamaliit ni Valerie ang anak ng director pero minsan na niyang narinig na palakero ito at bulakbol sa eskuwelahan. Nagtataka nga si Valerie kung bakit naka-graduate pa ito ng kolihiyo gayung hindi maganda ang records at grado nito.
Isipin palang na nakapasok ito ng walang kahirap-hirap rito sa kompanya niya dahil sa tulong ng ama nito ay muling sumakit ang sentido niya. Valerie thought she could give him a bit of chance to prove his worth, but she was wrong. She had heard before that Director Murcia's son is such a playboy. He likes to nurture beautiful women and then abandon them once he grows tired of them.
Probably this new actress is one of them.
This actress is also not a good thing too. How else this woman climbs so fast to where she is now? Hindi sa judgemental si Valerie pero sa ugali palang ng babaeng iyon ay alam niya na hindi ito simpleng babae lang. May sarili itong diskarte para marating nito ang kung anong meron ito ngayon. And this exactly kind of woman is what they not needed as an endorser.
Iniangat niya ang isang kamay at pinisil ang sentido niya, habang ang isang kamay niya ay kinumpas niya. “Nevermind. Huwag niyo na papuntahin rito ang taong iyon dito sa opisina. Sabihin mo sa kanya na hindi na siya ang maghandle ng proyektong ito dahil tanggal na siya sa kanyang trabahong `to.”
“Pero boss, sa tingin mo ba ayos lang `tong gagawin mo? Anak siya ni Director Murcia.”
“His father only has two percent of share in this company. Wala rin silbi ang pagiging senior niya rito sa kompanya. Ang ganitong klaseng tao na ginagamit sa personal nitong interes ang trabaho nito ay hindi kailangan ng kompanya natin.” Habang hindi pa lumalaki ang tumor na `to dito sa kumpanya, mas makakabuti na tanggalin agad para hindi lumaki ang problema nila. “Kung may problema ang ama niya sa pagsibak ko sa kanyang unico hijo, papuntahin mo siya rito sa opisina ko para kausapin ako.”