“VALERIE!”
Katatapos lang kausapin ni Velarie ang kasosyo niya at nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumatawag sa kanya sa `di kalayuan ay agad na lumingon siya sa direksyon ng pinanggalingan ng boses.
Nakita niya ang isang magandang morenang babae na nakasuot ng napaka-sexy at revealing na dress. Napakalalim ng neckline na dahilan para halos lumantad ang masagana nitong dibdib habang sa baba naman ay laki rin ng slit sa kaliwang bahagi ng palda nito na dahilan para makita ang mahubog at mahaba nitong binti.
Habang naglalakad ito palapit sa kanya ay hindi mapigilan ng mga kalalakihan na mapatingin sa direksyon ng magandang morenang babae. Hindi man lang ito nakaramdam ng pag-alinlangan sa mga titig ng mga kalalakihan rito.
“Audrey,” tawag niya rito sa kanyang kaibigan na si Audrey L. Marcelo.
Napakipag beso pa si Audrey kay Valerie nang makalapit ito sa kanya. “Kamusta ka na? Ang tagal na natin hindi nagkita, ha.” Kamusta nito sa kanya matapos nilang makipag beso sa kanya. “Oh my gosh, you look stunning tonight!” Tiningnan siya nito mula ulo at paa.
She was currently wearing burgundy off-shoulder neckline mermaid evening dress. Ang bestida na iyon ay hakab sa kanyang katawan na dahilan makita ang maganda at mahubog niyang katawan.
“Nambola ka naman.” Pigil na paikutan ni Valerie si Audrey. “At kung magsalita ka ay parang kay tagal na nating hindi nagkita.”
“That was two weeks ago at hindi rin kita makausap.”
“Hectic ang schedule ko ngayon.” Simpleng sagot niya rito, saka kumuha ng wine glass mula sa waiter na naglilibot para mag-alok ng maiinom sa mga guest. “Ano pala ang ginagawa mo rito, Audrey?”
“Nandito ang sugar daddy ko.” She said without batting her eyelashes.
Pagkarinig palang niya sa tugon ng kaibigan ay napahinto siya ang kamay niya sa paglapit ng rim ng wine glass sa mapupula niyang labi. Nakahinga siya ng maluwag. Mabuti na lang talaga at hindi pa siya nakainom ng wine dahil kung hindi ay nangangamba siya baka maibuga niya ang nainom na wine sa mukha ng kaibigan.
“Nando’n siya, oh.” Tinuro pa ni Audrey kung saan ang kasama nito. Nang sinundan niya ng tingin kung saan tinuro ng kaibigan ang kasama nito ay biglang kumibot ang gilid ng labi niya.
“Seryoso?” Hindi makapaniwalang tiningnan niya si Audrey na kumaway pa sa matandang lalaki na nasa fifties na yata. Although Valerie knew that Audrey was a promiscuous woman, this was beyond her expectation. They had known each other since they were in college. Parehong business management ang kursong kinuha nila.
At the time, the two of them were not friends and have their circle of friends. Their personality was mismatched; one was serious in studying whilst the other was not. Kahit na hindi sila close ng dalawa pero dahil kablockmate niya ito ay hindi maiiwasan na magkikita silang dalawa. It was also inevitable she will hear some bad rumors about her like; she’s hanging out with different guys and someone saw her going in and out. Umabot nga sa punto na inisip ng iba na nagbebenta ito ng laman. Although Valerie did not know much about Audrey at that time; however, she could tell that it was a baseless rumor about her selling her fleshes in exchange for money.
Because she knew Audrey had never lacked money since her parent was rich. Bakit alam niya ang tungkol doon? Noong nabubuhay pa ang magulang niya ay minsan dinala siya sa isang dinner party. Nagkataon naman nakita niya si Audrey kasama ang mga magulang nito pero dahil hindi naman sila malapit sa isa’t isa ay hindi siya lumapit rito at kausapin.
As for why Audrey didn’t refute those rumors. There’s only one simple reason and, that is, she did not care about the rumors circulating. Liberated kasi ito at kung papatulan nito ang mga taong iyon ay mas lalo lang lumala.
It was brave and bold of Audrey to do so, but this kind of woman was totally different from her who grew up conservative. Sa tingin ni Velarie ay hindi siguro sila magkakasundo at alam rin niyang gano’n din ang tingin nito sa kanya. Kaya naman hindi inaasahan ni Valerie na magiging matalik silang kaibigan.
Nagsimula iyon noong naghihirap siya matapos mamatay ang kanyang magulang sa isang airplane crash patungong New York para dumalo sa isang business conference.
Dahil sa pagkawala niyon ay nagsimulang hindi naging stable ang family business nila at may posibilidad rin na malugi ang kompanya at mabaon sa utang ang kanilang pamilya.
Dalawa na lang silang magkapatid ang natira at dahil siya ang nakakatanda ay pasanin niya.
Pumunta siya sa mga kaibigan ng magulang niya o kamag-anak para humingi ng tulong, subalit nang malaman ng mga ito ang sitwasyon na kinakaharap ng pamilya niya ay hindi nagdalawang isip na lumayo ang mga ito.
Nang mga panahon na iyon ay tila gumuho ang buhay niya matapos malaman niya ang totoong ugali ng mga ito. Sa mga oras na iyon ay sobrang tindi ng emosyon niya dahil sa matinding pagtaksil at pagkapahiya niya. Paano nila nagawa ito sa kanila? Malaki rin ang itinulong ng pamilya sa mga ito pero ngayon sila ang nangangailangan ay kahit kunti lang tulong ay hindi magawa ng mga ito.
Sa sobrang lungkot at malaking problema ay minsan na niyang pinagtangkaan na magpakamatay pero hindi natuloy iyon nang makita siya ni Audrey na nagtangkang tumalon mula sa tulay. Ang eksenang iyon ay hindi nakakaantig kagaya ng napapanood ni Valerie sa mga pelikula na kung saan sinusubukan ng bidang babae na pigilan ang isang tao na gustong magpatiwakal sa pamamagitan ng magaganda at encouragement na salita.
Walang gano’n sa kanila ni Audrey.
Hinatak lang siya nito palayo sa barandilya at walang anuman na sinabunutan siya na ikinagulat niya. Hindi pa ito nakuntinto sa pagsabunot ay pinagalitan pa siya nito.
“Pak you! Hindi ko alam kung ano ang problema mo pero kung gusto mo magpakamatay—hala, doon ka sa ibang lugar at huwag rito sa harap pa mismo ko na magpatiwakal baka mapagbintangan pa ako niyan na ako ang pumatay sa`yo.”
Rather than stopping her from killing herself, she even actually suggested she kill herself somewhere else! It was funny yet for some reason, it helps Valerie to snaps back to her senses.
Since then, the two of them slowly became friends. Audrey was not only just a friend of hers, but also her savior who not only stop her from committing suicide but also her family help her problem.
Sa sobrang `laki ng utang na loob niya rito ay hindi niya alam kung paano niya ito mababayaran.
“Oo, seryoso ako. Ang lalaking iyan ang bagong sugar daddy ko.” Binigyan pa nito ng flying kiss ang bagong nobyo nito bago bumaling sa kanya.
“Kailan pa nagbago ang taste mo sa lalaki, Audrey? Kumakailan lang ay may nobyo kang indiano, eh.”
“Duh, break na kami ni Ari. Masyadong boring ang lalaking iyon.”
“Ngayon mo lang nalaman?”
Sa totoo lang, unang kita palang niya sa dati nitong nobyo ay alam niyang hindi ito magtatagal dahil sa personalidad ng lalaki. Hindi kasi ito ang usual na dinidate ng kaibigan niya.
“Matagal ko ng alam iyon.”
“Kung alam mo naman pala, eh, bakit ka nakipagrelasyon kung alam mong wala naman pala patutunguhan ang relasyon niyo? Kawawa rin naman iyong lalaki na `yon, patay na patay yata iyon sa`yo,” aniya saka sumimsim ng wine.
Umismid si Audrey pagkarinig nito sa komento ni Valerie. “Isa rin `yan sa problema niya. Dahil patay na patay siya sa alindog ko ay gusto na rin niyang kontrolin ang buhay ko. Kung hindi lang talaga Ari Henki Djosan ang pangalan niya, sa tingin ba niya ay papatulan ko siya?”
“Ano?!” Muntik na siyang masamid sa ininom niyang wine matapos niyang marinig ang sinabi ng kaibigan niya.
“Natatawa kasi ako sa name niya.” Bumungisngis ito. “Ari kasi. Kuryos din ako kung anong hitsura ng hot dog niya. Buti na lang at jumbo size siya dahil kung hindi, hindi siya aabot ng isang linggo sa akin.”
“Oh my god, Audrey L. Marcelo, ang baboy mo. Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Nandito tayo sa publikong lugar.” Saway niya rito. Kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi niya matapos niyang marinig ang dirty joke ng kaibigan.
“Sus, pakialam ba nila.” Lumabi ito.
“Whatever. So, what’s up with an old man? He’s enough to be your father, Audrey. Kailan pa nagbago ang taste mo sa lalaki?”
“Kahapon lang at…gurl. Hindi ko alam na masarap pala ang old bacon.” Dinilaan nito ang ibabang labi para basain iyon bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Akala ko noon na hindi masarap at makunat sila kaya hindi ko naisipan na subukang tumikim pero nang aksidente ko natikman ay hindi ko inaasahan na mali ako ng iniisip. Sinong mag-aakala na hindi rin pala magpapatalo ang old bacon sa mga tender juicy hot dog.” Again, bumungisngis na naman ito.
Pigil na itirik niya ang kanyang mga mata sa kalandian ng kaibigan.
“Enough, Audrey. Kung hindi lang talaga kita kaibigan ay siguro ipinatapon na kita sa Mount Everest para maibsan `yang kalibugan mo.”
“Asus, ang killjoy mo talaga. No wonder, you’re still a virgin.”
Hindi umimik si Valerie tungkol doon.
Nais rin niyang sabihin rito na kahit wala siyang karanasan sa kama sa totoong buhay, pero alam pa rin niya ang pakiramdam niyon kahit sa panaginip lang iyon. That dream was surreal yet vivid in her mind. She can’t forget about it. Even if it’s just an illusory dream, the feeling of lovemaking is so real. Sometimes she would mistake it was real kung hindi lang dahil parati siyang nagigising mula sa panaginip na iyon.
Pero gayon pa man ay nilunok na lamang ni Valerie ang sasabihin at piniling hindi sabihin iyon sa kanyang kaibigan sa ngayon.
Kahit na siguro nais niyang sabihin iyon sa kaibigan ay wala siyang lakas na loob na kagaya nito na sasabihin ang kung anong pumasok sa isipan nito at walang pakialam kung may nakarinig man o hindi.
“Teka, hindi ba’t kapatid mo iyon, Valerie?”