NANGANGALUMATA na bumangon si Valerie mula sa kanyang kama nang marinig niya ang malakas na tunog ng alarm clock niya. Pagtayo palang niya ay agad na dumilim ang kanyang mukha nang naramdaman niya ang mainit-init na likidong dumadausdos sa pagitan ng hita niya.
Bumalik ulit sa kanyang isipan ang eksena nangyari sa panaginip niya.
Again. Ilang beses na nangyayari ito sa kanya. Parati na lang niyang napapanaginipan na nakikipagsiping siya sa isang estranghero at sa panaginip na `yon, pakiramdam niya ay hindi siya ang babaeng iyon.
Maalala palang niya kung paano siya nagmakaawa sa lalaking iyon na tama na sa ilalim nito, biglang nakaramdam siya ng pag-iinit sa magkabilang pisngi.
Marahang tinapik niya ang kanyang pisngi. Come on, Valerie, stop thinking about that s*x! It’s just a dream! Sita niya sa isipan.
Hindi siya iyon. She refuses to believe that woman is her! How can she, Valerie R. Cariño, who was known as a devil in human clothes by her competitors and employees softened like a little white rabbit under the man’s influence and let him do as he pleases with her body?
At first, she didn’t care much since it’s just one spring dream, and what harm can it do to her? Normal lang naman iyon, di ba? Siguro s****l frustration lang itong naramdaman niya ngayon at dala na rin siguro sa mga usupan kamunduhan ng mga kaibigan niya kaya nagkaganito siya.
Although she thinks it’s normal to dream about sexes, pero gayon pa man ay hindi pa rin niya maiwaglit sa isipan niya ang mga eksenang `yon sa piling ng karakter na nabuo niya sa kanyang panaginip. Minsan ay napapaisip siya kung kinakailangan ba niyang magpatingin sa therapist tungkol sa panaginip na `to?
Ilang sandaling pag-iisip ay agad na nakapagdesisyon si Valerie. Siguro nga’y kailangan niya talagang bigyan konsiderasyon ang magpapatingin sa isang therapist. Hindi naman maaaring magpatuloy ang ganito `no?
Maya’t maya sinipat niya ng tingin ang alarm clock niya.
Alas-sais kuwatro na nang umaga. Kapagkuwa’y inalis na niya ang tingin mula sa alarm clock at naglakad patungo sa banyo para maligo. Pagkasara niya ng pintuan ng banyo, saka lang niya sinimulan tanggalin ang nightie niya. Maikli ang suot niyang nightie kaya madali lang tanggalin niya iyon. Pinadausdos lang niya ang nightie pababa matapos niyang tanggalin ang strap.
Nang tuluyang mahulog ang nightie niya, ginamit niya ang kanyang isang paa para ihagis iyon sa basket, saka sinama na rin niya ang kanyang undy niya. Nang makitang dumiretsong pumasok ang mga iyon sa basket, nagpatuloy siya sa paglalakad sa loob ng shower room.
Binuksan niya ang dutsa at hinayaan niyang dumaloy ang tubig sa maputi at magandang hubog niyang katawan. Iniangat niya ang kanyang mukha at napapikit ng mga mata para salubungin ang tubig na umagos mula sa dutsa.
Habang tahimik siyang naliligo, sa hindi malaman ay biglang rumehistro ang mga mapusok na eksenang nangyari sa panaginip niya. Biglang naging tense ang katawan niya nang maalala ang mga eksena na iyon.
Get a grip, Valerie, it’s just a dream! Sita niya sa sarili.
Dahil sa tindi ng naramdaman niya ay nilakasan niya ang bukas ng dutsa para mas lalong lumakas ang pressure ng tubig at para na rin pawiin ang init na naramdaman niya ng katawan niya ngayon.
Halos nagtagal siya sa loob ng banyo ng kalahating oras bago lumabas ng banyo. Deretsong tumungo siya sa harap ng aparador at kinuha mula roon ang susuotin niyang puting white suit at ankle-length pants. Sinuot niya iyon at pinaresan ng white high-heeled shoes. Matapos niyang magsuot ng formal attire ay hindi niya nakalimutan na maglagay ng kunting kolorete sa mukha at itali ang buhok niya.
Nang masiyahan siyang tingnan ang sariling repleksyon sa salamin ay hindi na rin siya nagtagal na manatili sa loob ng kwarto. Dala ang briefcase at phone niya nang lumabas siya sa kwarto. Agad na tumungo si Valerie sa baba ng bahay.
Pagdating niya sa ibaba at naglakad patungo sa silid-kainan ay nakita niyang nakahanda na ang almusal niya para sa umagang iyon. Alam nang chef sa bahay na ganitong oras siya parati nagigising tuwing weekend kaya siniguro nitong nakahanda na ang lahat ng makakain.
“Magandang umaga, ma’am!” Katatapos lang nitong inilapag ang bagong lutong pagkain na niluto ng chef sa mesa nang binati siya ng mayordomong si Tavion nang makita siya nitong kakapasok lang sa loob ng silid-kainan.
“G’morning, Tavion. Nasaan si Erica?” Agad na tanong niya nang napuna ni Valerie na para sa iisang tao lang ang inihanda nitong almusal.
If she remembered correctly, Tuesday ngayon at may klase ito ngayong seven-thirty ng umaga.
Nang marinig ng mayordomo ang tanong ng amo nito ay hindi ito agad na nakasagot. However, his expression evident that something was not right, kaya hindi ito agad na nakasagot.
“Hindi siya umuwi kagabi?” wika niya bago sinipat niya ang kanyang phone at tiningnan kung may natanggap ba siyang text message, ngunit maliban sa text mula sa kanyang kalihim ay wala siyang natanggap na bagong text o tawag man lang mula sa kanyang nag-iisang kapatid na babae na si Erica.
Ang huling text nito sa kanya ay last month lang at hindi na `yon sinundan pa. Makita palang ni Valerie iyon ay hindi niya napagilan ang sarili na magpakawala ng buntong hininga bago ibinalik ang atensyon sa matandang mayordomo.
“Opo, Señorita Valerie. Sinubukan ko po siya na tawagan sa kanyang telepono pero hindi siya sumasagot. Ilang araw na po siyang hindi umuuwi.”
“Ilang araw? Manong naman, bakit hindi mo sinasabi sa akin ang importanteng bagay na `to?” aniya, saka umupo sa upuan.
“Eh, masyado ho kasi abala kayo nitong nakaraang araw at bihira po kayo umuuwi sa bahay. Hindi ko rin ho kayo makontak dahil busy raw ang linya.”
After she heard his explanation, she no longer pursues this matter. Busy nga naman talaga si Valerie nitong nakaraang buwan dahil sa bagong proyekto na isinagawa niya at kahapon lang naging maluwag ang schedule niya kaya naisipan niyang umuwi. Dala na rin siguro sa sobrang pagod, nang pinagbuksan siya ng mayordomo kagabi ng bahay ay hindi na siya nag-abalang tanungin ito tungkol kay Erica. Iniisip niya na baka tulog na ito sa mga oras na `yon.
“Manong, mamaya ay pakitawagan mo si Erica. Ilang araw na pala siyang hindi umuuwi sa bahay. Subukan mong tawagin ang mga barkada niya, baka alam nila at kapag nakontak mo. Sabihin mo sa kanya na umuwi na ako at hinahanap ko siya.”
“Masusunod, Señorita.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagkawala ulit ng buntong hininga si Valerie. Kailan ba magbabago ang kapatid niya? Beinte uno anyos na ito pero hangang ngayon ay hindi pa rin tumino, mas lumala pa ngayon. Sinamantala pa talaga nito na wala siya rito sa bahay!
“CLAIRE, can you check if I have free time this afternoon?” wika ni Valerie sa kanyang kalihim habang tinitingnan ang mga dokumento na nasa kamay niya.
Nang marinig naman ni Claire ang utos ng amo nito ay agad na kumilos ito at tiningnan ang planner notebook nito para tingnan kung may appointment ba ito ngayon gabi.
“President Cariño, you will be having a meeting with the board of members at one-thirty in the afternoon and it will end at two-thirty. You also have to attend a dinner party in the evening.”
“Nothing else aside of these two?”
“Yes, boss.”
Matapos niyang marinig ang schedule niya ngayon ay napaisip siya kung uutusan ba niya ang kanyang kalihim na gumawa ng appointment sa isang therapist ngayong hapon pero nang maalala niya na may meeting siya sa board of directors mamaya ay nagbago ang kanyang isipan. Isipin palang niya ang ang matatandang `yon na napakatalas ng pang-amoy, sigurado si Valerie na hindi palalampasin ng mga ito na usisain ang dahilan ng pagpapatingin niya sa therapist.
“Alright, then get back to work.”
Pagkasabi ni Valerie niyon ay agad na tumalima ang kanyang kalihim at hindi man lang pinagtakhan ang pagtatanong ng amo nito. Para kay Claire, hindi nab ago para rito na magtanong si Valerie tungkol sa schedule nito.
Maya’t maya ay binitiwan ni Valerie ang hawak na sign pen matapos niyang pirmahan ang dokumento at tinaas ang isang kamay para masahiin ang sentido niya nang nakaramdam siya ng pananakit ng ulo dala ng kulang sa tulog.
Damn, I really need to sleep this time, mahinang anas niya sa isipan. Kapagkuwa’y sinipat niya ang relong pambisig at nakitang malapit na mag-alas dose.
May isa’t kalahati siyang oras na break kaya sa tingin niya ay hindi rin naman masama na iidlip muna siya. Nang maisip ni Valerie `yon ay marahang tumayo siya mula sa pagkaupo sa swivel chair at nagtungo sa sariling pribadong silid. Ang silid na `yon ay pinagawa niya para do’n siya maaaring magpahinga kapag sobrang natambakan na siya ng trabaho at hindi na makauwi.
Ngayon hindi hectic ang schedule niya ay magpapahinga muna siya.
Ngunit bago siya magtungo sa kanyang pribadong silid ay biglang may naalala siya. Lumingon siya sa kalihim niya na nakatuon ang atensyon sa harap ng monitor ng computer nito.
“Claire.” Tawag niya rito. Hindi malakas ang boses niya pero dahil parating alisto ang kalihim niya ay agad na inalis nito ang paningin sa harap ng monitor at agad na bumaling sa kanya.
“Ano po `yon, boss?”
“Pagkatapos ng meeting namin ng board of members, paakyatin mo rito sa opisina ko ang head ng finance department.”
“Sige ho, tatawagin ko si Mr. Manalang ngayon mismo para paakyatin pagkatapos ng meeting niyo ho.”
Bahagyang tumango si Valerie bago nagpatuloy sa paglalakad at nang tuluyang nakapasok na siya sa loob ng pribadong silid ay agad na inalis ni Claire ang tingin sa pintuan ng silid.
Nagbaba ito ng tingin at kinuha sa tabi ng computer niya ang telepono at nagsimulang mag-dial ng number para tawagan ang head ng finance department.
Nang maka-tatlong beses na nag-ring ay narinig niyang may nag-pickup ng tawag niya.
“This is Paulo Manalang from the finance department.”
“Mr. Manalang, this is Secretary Custodio.”
“Secretary Custodio,” mas lalong naging magalang ang tono ng boses nito nang malaman nito ang taong nasa kabilang linya.
“Mr. Manalang, I would like to inform you that our president wants you to come to the office after the meeting at three in the afternoon.”
“H-ha?” Pagkarinig nito sa sinabi ni Claire ay kapansin-pansin ang pagkagulat nito. “Secretary Custodio, pwede bang matanong kung bakit ako pinapaakyat ng boss natin?” Halata sa boses nito ang kaba.
Bahagyang nagkasalubong si Claire.
“Walang sinabi si boss kung anong dahilan, pero dapat hindi ka mahuli sa pagpunta mo rito sa opisina niya. Sa tingin ko ay may kinalaman ang report na pinasa mo kanaing umaga kaya pinapaakyat ka rito sa top floor ng boss natin.”
“Sa report na pinasa ko?” Hindi makapaniwalang usal nito. Mas lalong kinabahan ang head ng finance department.
Hindi sa may ginawa itong masama pero dahil ang taong kakaharapin nito ngayon ay ang president ng kanilang kompanya.
Huwag tingnan na napaka bata pa ni Valerie R. Careño at kalmado tingnan pero ang totoo niyan ay napaka metikulosa at istrikta ni Valerie bilang pinuno. Kapag may nakita lang itong kunting mali ay hindi ito mangingiming pagalitan ang taong iyon. Isang taon palang na promote ito bilang head ng department at masasabi rin nito na sa taong ring iyon ay nakatikim rin ito ng bagsik ni Valerie.