NAPADAKO ang mga mga mata ni Valerie sa babaeng nakasuot ng isang khaki spaghetti strap backless dress na nakatayo malapit sa pillar. Nakatalikod ang babae na tinutukoy ni Audrey pero gayon pa man ay nakilala pa rin niya ito.
Imposible na magkamali si Valerie lalo na’t mayroon itong maliit na ahas na nakapulupot sa pulang rosas tattoo sa batok nito.
Nagkasalubong ang mga kilay niya nang makita si Erica dito. She hadn’t seen her younger sister for a long time at dito pa talaga sa dinner party niya ito makikita.
“Anong ginagawa ng kapatid mo rito sa dinner party?” wika ni Audrey.
“I don’t know,” she said. “But I better talk to her first, maiiwan muna kita rito, Audrey.”
“Sure, gurl. Go ahead and give your li’l brat a spank on her butt.”
Sandali na napatingin siya sa kaibigan nang marinig niya ang tawag nito sa kanyang kapatid. Subalit, hindi ito nakaramdam ng guilt ng tawagin nitong ‘brat’ ang kapatid niya. “What? I’m just saying a fact, Bessie. Masyadong namimihasa na ang kapatid mo dahil ini-spoil mo siya. Alam mo ba…” sandali na napahinto ito sa pagsasalita. Audrey sneaky look around na para bang takot ito na may makarinig sa kanilang usapan. Lumapit ito sa kanya at mahinang sinabi, “by just looking at your face, I bet you haven’t heard a news yet.”
“Ano ba kasi iyon?” She frowned. For now, pansamantala muna niyang isinantabi ang pag-alis para puntahan ang kanyang kapatid para kausapin ito.
“Mukhang pilit na itinago ito ng kapatid mo, ha. Oh well, since Bessie kita, sasabihin ko sa`yo, narinig ko kasi ito mula sa ex-buddy ko na nahuli raw ang kapatid mo at mga kaibigan niya na nag-pot session sa loob ng unit. Nagkatoon na do’n rin nakatira sa apartment building ang ex-buddy ko kaya alam niya ang pangyayari.”
Mas lalong nagkasalubong ang kilay ni Valerie nang marinig niya ang balitang `yon. Hindi niya alam na may ganito palang nangyari.
“Pero kunsabay, masyado kang busy sa work nitong nakaraang buwan at normal lang din na hindi mo malaman dahilan balita ko, isa sa kaibigan ng kapatid mo ay nag-iisang anak na lalaki ng mayor. Sa takot ng mayor na `yon na madumihan ang reputasyon niya ay hindi siya nangimi na magbayad ng salapi para lang patahimikin ang mga medya at pulis.”
Anak ng mayor? Inaalala ni Valerie kung sino sa limang kaibigan na parating dinadala ni Erica sa bahay ang anak ng mayor pero natandaan niya puro mga babae ang mga iyon.
“Ano nga ulit ang pangalan ng mayor na iyon? Pan…no…peny—”
“Pañero?” sandali na dumako ulit ang paningin niya sa direksyon ni Erice pero sandali na natigilan siya nang makitang wala na roon ang kapatid niya.
“Ah, ayun, yes, Mayor Pañero yata iyong nabanggit na pangalan ng ex-buddy ko.”
“Audrey.”
“Huh?”
“Aalis na talaga ako, kailangan kong kausapin ang batang `yon.”
“Ay oo nga `no? Sorry `bout that, go na, baka mawala….ay nawala na talaga ang kapatid mo roon.”
Matapos niyang magpaalam rito ay naglakad na siya patungo sa lugar kung saan niya huling nakita ang kapatid. Huminto siya at nagsimulang hagilapin si Erica.
Hindi rin nagtagal ay napahinto ang paningin niya sa timog-silangang bahagi ng bulwagan nang mahagip niya ang pigura ng kanyang kapatid. Agad na naglakad siya patungo roon pero kahit na bilisan niya ang paglalakad ay hindi niya naabutan si Erica. Nakita na lang niya ang papalayong pigura nito.
Gayunman, hindi siya nag-alala na tuluyan na mawala ito sa paningin niya.
Nakita kasi niya itong tumungo sa balcony at sinara ang pintuan niyon.
Nagpapahangin ba ito sa labas? Nagtaka man si Valerie pero agad rin na pinalis sa isipan iyon at nagsimulang maglakad patungo roon para puntahan ang kapatid pero bago pa siya makarating doon ay biglang humarang ang dalawang tao para kausapin siya pero dahil sa pagnanais niyang puntahan ang kanyang kapatid ay tinanggihan niya ang mga ito sa imbitasyon at nagpatuloy sa paglalakad.
Hinawakan agad ni Valerie ang busol para buksan ang pintuan ngunit napagtanto niya na naka-lock iyon. Sira ba ang lock rito sa pintuan gn balkonahe?
Napapailing na lang siya habang walang kahirap-hirap na ini-unlock niya ang lock sa pintuan. Bago niya ulit pihitin ang busol ng pintuan para buksan ay biglang bumukas iyon at bumungad sa paningin niya ang kapatid.
Kitang kita ni Valerie na hindi maipinta ang mukha ni Erica at nang makita siya nito ay biglang naningkit ang mga mata nito.
“Ate, what are you doing here?” tanong nito. Hindi nito itinago na hindi ito masaya na makita si Valerie.
Gayunman, walang pakialam si Valerie sa inasta ni Erica sa kanya lalo na’t naalala niya ang sinabi sa kanya ni Audrey tungkol sa scandal na ginawa nito.
“I heard you smoke weed.”
“F*ck. Of all the place, dito mo pa talaga sasabihin iyan?!” nangangalaiting tanong nito sa kanya, halatang pinipigilan lang nito na pagtaasan siya ng boses.
Pero gayon man, hindi nakaligtas sa paningin niya na napalinga ito sa likuran. Napasulyap si Valerie sa labas ng balkonahe para tingnan kung sino ang taong tiningnan nito ngunit dahil panget ang angulo kung saan siya ngayon nakatayo ay hindi niya makita kung sino ang kasama ni Erica sa balkonahe.
Saglit lang na nanatili ang paningin niya sa labas bago ibinalik ulit ang atensyon sa kapatid.
Mas lalong naging malamig ang ekspresyon niya.
“Umuwi na tayo sa bahay.”
“What?”
“Don’t let me repeat it again, Erica Careño. Bumalik na tayo sa bahay, may importante tayong dapat na pag-usapan,” naging malamig ang boses ni Valerie nang sabihin niya iyon sa kanyang kapatid.
Nang marinig ni Erica iyon ay biglang nahimasmasan ito at nang luminga ito sa kanya ay biglang naglaho ang katapangan nito nang mapansin nito na seryoso si Valerie at nagsimulang nakaramdam ng alarma.
Laki sa layaw si Erica simula palang pagkabata, lahat ng gusto nito ay nakukuha at ni minsan ay hindi ito nakaranas ng paghihirap kahit na namatay ang mga magulang nila at nahaharap sa krisis ang kanilang kompanya.
She pursed her lips into thin line at matiim na tiningnan ang nakakatandang kapatid. Naduduwag man si Erica but at the same time, ayaw rin nito na magpakita ng kahinaan. Walang salita, umalis na ito.
Sinundan niya ito ng tingin at nakitang humalo ito sa mataong lugar sa bulwagan ngunit hindi siya nag-alala na tatakas ito lalo na’t napansin niya na ang daan na tinatahak nito ay patungo sa exit.
Napabuntong-hininga siya at akmang sumunod sa kapatid ngunit napahinto siya nang may naalala siya. Saglit na napasulyap siya sa pintuan ng balkonahe na naiwang maliit na siwang, pero agad rin an inalis niya ang mga mata roon at nagsimulang maglakad palayo sa lugar na iyon.
Hindi na siya nag-abalang isara iyon sa pangamba na baka sira ang lock at hindi makaalis ang tao na nasa balkonahe.
Not long after Valerie leave, lumabas ang isang lalaki mula sa balkonahe. Luminga ito sa direksyon ni Valerie. Ang itim nitong mga mata ay matiim na nakatitig sa papalayong pigura ng dalaga at ilang sandali lang ang nakalipas ay biglang kumislap ang mga mata nito.