Nakatanaw lang si Claudia sa labas ng hotel kung saan muna sila nag stay ni Facu. Pinagmamasdan naman ni Facu si Claudia. Malungkot ito pero ayaw namang umuwi. Hindi naman niya alam kung ano ang dapat sabihin kay Claudia. Siya man ay may isipin rin.
"Bakit? Gusto mo ng umuwi? Namimiss mo na ang asawa mo?"
Nabaling ang atensyon ni Claudia kay Facu ng magsalita ito. "Hindi ko naman maiipagkaila na hindi ko siya namimiss. Mahal ko iyong Morning Seven na iyon eh."
"Morning Seven?" ani Facu na may halong pagtataka.
"Parang kung saan kang planeta galing. Agapito kaya Morning Seven," paliwanag ni Claudia. Pero sa tingin niya ay hindi talaga na gets ni Facu. "Ang slow mo Facundo. Aga it means morning. Pito means seven. Kaya Morning Seven."
Hindi naman mapigilan ni Facu ang matawa ng maintindihan niya ang ibig sabihin ni Claudia.
"Okay tatanggpin ko ang pang-iinsulto mo. Napatawa mo talaga ako Dia," ani Facu na tumatawa pa rin.
Muling ibinaling ni Claudia ang tingin sa labas. Nahiga naman si Facu sa sofa na kayang kinauupuan. Malaki naman iyon. Kaya kahit papaano ay kumportable na rin siyang matulog doon.
Nakatulala lang si Facu sa kisame. Habang hindi maintindihan kung tama bang ituloy niya ang plano niya. Oo na hindi? Nagtatalo talaga ang isipan niya.
Muli siyang bumangon at humarap kay Claudia. "Dia I have a proposal to you."
Nakataas ang kilay ni Claudia nang tumingin ito sa pwesto ni Facu? "Ano na naman iyon? Huwag mong sabihin na ibabalik mo na ako sa bahay Facu? Kung iyon din lang naman ang sasabihin mo. Sabihin mo lang ngayon at bigla na lang akong mawawala sa tabi mo. Pwede akong tumalon dito. Sa ayaw at gusto mo."
Napalunok si Facu. Mataas ang pwesto ng kwarto na kinalalagyan nila. Napansin din ni Facu ang panunubig ng mga mata ni Claudia. Nararamdaman naman niyang matapang na babae si Claudia. Pero sino nga ba naman ang hindi masasaktan sa sitwasyon nito. Na ang minamahal nito ay may anak sa iba. Napahugot siya ng hininga.
"Hindi iyon ang sasabihin ko sa iyo. At hindi ko gagawin para lang mahirapan at masaktan ka. Halika dito sa tabi ko. Baka mamaya ay makatalon ka pa nga dyan sa bintana. Maawa ka sa akin Dia, baka habang buhay na akong makulong sa bangungot na ikaw ang may gawa."
Wala namang pag-aatubiling lumapit si Claudia kay Facu. Hindi man sila close at hindi rin magkaibigan, pero napakagaan ng kalooban niya kay Facu. Siguro dahil na rin sa pinsan ito ni Rico.
Ilang minuto ding umiyak si Claudia sa tabi ni Facu, hanggang sa naubos na yata ang mga luha niya.
Muling binalingan ni Claudia si Facu. "Ano nga iyang proposal mo?"
Napalunok si Facu. Pero desidido na siya. "Okay hindi kita isusumbong sa pamilya mo na nasa poder kita. Sa isang kondisyon. Magpanggap kang girlfriend ko," lakas loob na saad ni Facu na ikinaubo ni Claudia.
Mabilis namang tumayo si Facu. Mabuti na lang at may mini ref sa hotel room na nakuha nila. May drinks na roon, tubig, kape at iba't ibang pwede mong makain.
Nang okay na matapos uminom ng tubig ay muli siyang nagsalita. "Seryoso ka? Pero bakit?"
Isinalaysay ni Facu kay Claudia ang rason niya sa plano niyang iyon. Mula ng makilala niya si Aloha. Pero hindi ang dahilan kung bakit ayaw niya sa dalaga. Basta ang sinabi lang niya ay hindi talaga niya gusto si Aloha. Period.
"Pero bakit hindi mo subukang mahalin? Minsan ka lang makakakilala ng ganyang babae. Iyong tipong sobrang tanga sa iyo. Iyong babaeng mahal na mahal ka. Huwag mong sayangin ang pagkakataon na nasa sa iyo pa ang puso niya. Baka sa bandang huli magsisi ka."
Napaismid naman si Facu. "Hindi ang tulad ng Pinya na iyon ang magugustuhan ko," may diing saad ni Facu.
"Okay sabi mo eh. Basta ako nagpaalala lang. Mahirap kasi pagpinili ng babaeng nagmamahal sa iyo na hindi ka na mahalin. Tapos doon mo marealize na mahal mo pala siya. Naku maghabol ka na sa tambol mayor. Ewan ko lang kung tanggapin ka pa niyan."
"Tss. I know my actions. Hindi naman ako basta-basta aayaw sa isang tao kung wala akong matinding dahilan."
"Pero bakit ayaw mong magshare ng reason mo?"
"Saka ko na lang i-share pag very close na tayo. At pag nalaman mo ang reasons ko, sanggang dikit na tayo."
"Deal!" natatawang wika ni Claudia na ikinatawa lang ni Facu.
"As if naman masasabi ko or malalaman mo ang dahilan."
"Trust me, ang isda nahuhuli sa sariling bunganga." Natawa na lang si Facu sa sinabing iyon ni Claudia.
"Ano payag ka na?"
"Okay, may magagawa pa ba ako. Mas mabuti na iyon kaysa naman wala akong matirahan. Kung ang pagpayag ko sa katangahan mo ay tirahan ko. Why not di ba?"
Halos manlaki naman ang mga mata ni Facu sa sinabing iyon ni Claudia. "Teacher ka di ba?"
"Oo, pero nagresign na ako. Bakit mo natanong?"
"Sinabihan mo talaga akong tanga?"
"Oi, gusto mo ulitin ko?"
"Huwag na. Baka mausog, sumampal pa."
Natawa na lang si Claudia sa sagot na iyon ni Facu. Muli siyang bumalik sa pwesto niya kanina. At muling tumanaw sa labas.
"Facu, pwede ba akong magpacheck-up bukas? Kahit naman magkakaroon na ng pamilya si Morning Seven, hindi ko naman gusto na mapahamak ang ipinagbubuntis ko. Nalaman ko lang na buntis ako. Pero wala pa akong check-up. Hindi ko alam kung ano ang mga vitamins na dapat kung inumin. Gusto ko ding makasigurado na totoo ang ipinagbubuntis ko. Baka mamaya umaasa lang pala ako sa wala."
Nilapitan naman ni Facu si Claudia at hinawakan ang kamay. "Asawa ka ni Rico kaya pinsan na rin kita. Pwede mo akong ituring na pinsan, kapatid o kuya. Bahala ka na kung anong gusto mo. Pamangkin ko iyang ipinagbubuntis mo, kaya aalagaan kita. Lahat ng ito gagawin ko dahil mahal ko si Rico. Hindi man kami palaging nagkikita pero malapit kami sa isa't isa. Basta sa bahay sa harap ni Pinya at ng mga kasama ko sa bahay girlfriend kita. Close kasi ang mga iyon kay Pinya. Sure na sasabihin ng mga iyon ang pagpapanggap na ito pag nalaman nila. Kaya dapat walang makakaalam ha."
"Oo naman. Promise at salamat Facu."
"Thank you din Dia. Pero sa ngayon matulog na tayo. Nakakaramdam na rin ako ng pagod Dia."
"Okay sige. Pero ayos ka lang ba sa sofa? Pwede namang ako ang doon."
"Naku okay na ako doon. Mas dapat ay kumportable ang higaan mo. Sige na."
Hinayon na ni Claudia ang kama, habang si Facu ay ang sofa. Gawa na rin siguro ng pagod. Mabilis na nakatulog si Facu.
Kinaumagahan matapos nilang mag-order ng breakfast ay nagpa schedule na kaagad sila ng check-up sa isang ob-gyne. Nag-suggest pa ang doktor na ipa-ultrasound si Claudia para masigurado na maayos ang pagbubuntis nito na agad nilang ikinasang-ayon.
"Daddy, halika ng makita mo rin si baby kahit maliit pa lang siya." Tawag ni doktora kay Facu na ikikamot ni Facu sa ulo.
"Doc, pinsan lang po ako. Busy po ang asawa niya."
"I'm sorry, akala ko kasi---."
"Don't worry doc. Bilang isang mabuting pinsan kaya sinasamahan ko siya." Napangiti naman si doktora kay Facu.
Habang si Claudia ay nais ng tirisin si Facu sa pagkakasambit nito ng asawa. Naalala na naman niya ang Agapito na iyon.
"Misis palagi mong iinumin ang vitamins mo ha. Dahil nakita naman natin na maayos ang pagbubuntis mo, need mo lang talaga ngayon ay buwanang check-up. Tapos huwag kang magbubuhat ng mabigat at iwas stress. Okay," paliwanag ng doktor.
"Salamat dok. Mauuna na po kami," ani Facu ng mauna ng tumayo si Claudia. Nagpaalam itong magbabawas pa ng panubigan.
Lalabas na sana si Facu ng clinic ng doktor ng ihabol nito sa kanya ang sonogram. Ang unang larawan ng anak ni Rico at Claudia. Ilang segundo din niya iyong pinagmasdan bago niya itinago sa bulsa ng pantalon niya.
Wala na rin naman silang pupuntahan kaya naman nagpasya na silang umuwi. Naging mahaba ang byahe nila kaya naman hinayaan na lang muna ni Facu na makatulog si Claudia.
Halos alas dos na rin ng hapon ng dumating sina Facu ng bahay. "Dia, we're here," ani Facu habang ginigising si Claudia. Napailing na lang si Facu sa isiping masyadong mahimbing ang tulog ni Claudia.
Bumaba siya sa driver seat at mabilis na hinayon ang passenger seat. Dahan-dahan niyang pinangko ang natutulog na si Claudia.
"Hon," masayang tawag ni Aloha kay Facu. Malawak pa ang ngiti nito ng makita niya. Ngunit unti-unti ding nawala ng mapansin nito ang babaeng natutulog sa mga bisig niya.
"S-sino s-s'ya?" nauutal pang tanong ni Aloha.
"She is Dia," sagot ni Facu at nilampasan na lang si Aloha.
Parang may punyal na tumarak sa kanyang puso ang eksenang kanyang nasaksihan. Buhat pa lang ni Facu ang natutulog na babae, pero bakit ang sakit na. Nasundan na lang niya ng tingin si Facu habang papasok sa loob ng bahay.
Nakita din niya ang pagsunod ni Ale kay Facu. Naiwan naman si Sol at sa tingin niya ay papalapit sa kanya ng humakbang ito palabas ng bahay.
Pinalis niya ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi pa naman niya alam ang relasyon ni Facu sa babaeng buhat nito kaya wala pang dapat ipangamba.
"Ms. Aloha," ani Sol na hinawakan siya sa balikat. Noon lang niya napansin na halos humahagulgol na pala siya.
"Tahan na. Wala pa namang sinasabi si senyorito kung kaano-ano niya ang babaeng natutulog na iyon. Isa pa sabi nga hanggat hindi pa asawa may pag-asa ka pa. Huwag kang susuko Ms. Aloha. Tambalang Pako at Pinya pa rin kami," pagpapalakas loob ni Sol.
"Salamat."
"Ganyan dapat, tara sa kusina ipagluto mo ng meryenda ang iyong one true love. Sigurado akong namiss noon ang iyong kape."
"Sana nga Sol. Sana ay namiss nga niya ang kapeng tinitimpla ko. At sana sa susunod hindi lang kape ang mamiss niya. Sana pati ako," malungkot na saad ni Aloha.
"Maniwala ka Ms. Aloha. Namimiss noon ang timpla mo. Pupunta na muna ako sa kusina. Sumunod ka namuna ha," paalam ni Sol na ikinatango niya.
Bago pa siya makahakbang ay napatingin siya sa taas ng bahay sa bintana ng kwarto ni Facu.
Wala man siyang ibang nakikita sa mga oras na iyon, kundi salamin ng bintana at kurtina. Pero alam niyang hindi na lang siya ang nag-iisang makakatulog sa kwartong iyon ni Facu. Dahil mayroon na itong ibang babae na dinala doon. Pero kahit ganoon hindi pa rin siya susuko kay Facu.
"Ang pagmamahal ko sa iyo hon ay hindi matitibag ng kahit na anong bagay. Huwag mo lang sana akong bigyan ng isang masakit na dahilan," bulong ni Aloha pumasok na rin sa loob ng bahay.
Nakasabay pa niya si Ale na kabababa lang ng hagdanan. Muli pa siyang tumingin sa itaas bago sila sabay ni Ale na nagtungo sa kusina.