Chapter 20

1760 Words
Kahit nahihirapang ngumiti ay pinilit ni Aloha ang sarili na maging magaan ang pakiramdam pagkapasok nila ni Ale ng kusina. Nasa tabi ni Ate Merly si Sol at nakikialam sa ginagawa nito. "Dumating na pala si senyorito?" tanong ni Merly habang patuloy sa ginagawa. "Si Ate Merly talaga hindi maniwala sa akin? Hindi ba ako kapani-paniwala Ms. Aloha," reklamo ni Sol kaya kahit papaano ay napangiti siya. "Oo Ate Merly. May kasamang natutulog na babae. Dinala na niya sa kwarto niya," sagot naman ni Ale. Tahimik lang si Aloha at hindi na sumali sa usapan ng mga ito. "Ganoon ba? Siguro ay iyon ang sinabi niyang susunduin niya," komento na lang ni Merly. Habang naglalagay ng mantika sa kawali. "Ate Merly ako na lang magpiprito ng meryenda natin. Gusto ko ring ipagluto si Facu." Napatingin naman silang lahat kay Aloha. Sa bandang huli ay pinagbigyan niya ito. "Sige lang Ms. Aloha, ingat lang ha at mainit yan," paalala pa nila. "Opo Ate Merly, ako ng bahala," nakangiting saad ni Aloha. Pero kitang-kita ang kalungkutan sa mga mata nito. Nakatingin lang sila kay Aloha habang nagpiprito ito ng camote fritters. Iyon ang meryenda nila sa hapon na iyon. Kahit mainit masarap pa rin iyon na kapartner ng kape. Naaawa man sila sa dalaga sa kaalamang nagdala ng ibang babae ang amo nila. Pero ano bang magagawa nila? Hanggang awa lang sila. Si Facu pa rin ang masusunod sa kung sino ang gusto nito at nais nitong makasama hanggang sa huli. Ilang sandali pa at biglang tumunog ang cellphone ni Merly. Napatingin silang lahat dito. "Hello tiyang, napatawag po kayo?" anito sa kabilang linya. Hindi naman madalas mangumusta ang tiyahin nila. Pero masaya silang mangumusta ito sa kanilang tatlo. "Sino yan Ate Merly?" bulong pa ng dalawa. "Si Tiya Mayla," sagot ni Merly. Bigla namang natigilan si Merly sa sinabing iyon ng tiyahin. Nalungkot siyang bigla sa ibinalita nito. Hanggang sa ibinaba niya ang tawag ay hindi na siya gaanong nakapagsalita. "Ano daw sabi? Ate Merly ako ay kinakabahan sa iyo. Bakit daw tumawag ang tiya?" usisa pa ni Sol. "Wala na daw ang Tiyo Caloy. Di gat may sakit iyon sa bato. Hindi na daw kinaya ng katawan kaya bumigay na. Kagabi lang. Sigurado daw na wala pang nakakapagbalita sa atin kaya ang mismong tiya ang tumawag," nanghihinang saad ni Merly na ipinanlumo ng dalawa. Silang tatlo ay magpipinsan. Mula ng mawala ang inay ni Merly na yaya ni Facu ay kinuha din ni Facu ang dalawa niyang pinsan na sina Sol at Ale, para may makasama siyang magtrabaho doon. Pero ngayon mukhang sabay-sabay silang magdi-day-off sa kaalamang pumanaw na ang isa nilang tiyuhin. Naging mabait sa kanila ang mag-asawa. Kaya naman hindi nila kayang hindi pupuntahan ang mga ito. Dahil sa pag-uusap-usap nilang tatlo ay hindi nila napansin na natapos na ni Aloha ang pagpiprito ng camote fritters. Hanggang sa napansin nila ang paso nito sa may braso. "Ms. Aloha ang laki niyan. May sugat ka na nga sa binti may paso ka pa," ani Merly at inilayo na siya sa may kalan. Si Merly na rin ang nag-ahon sa huling niluluto niya. "Hindi na naman masakit ang sugat ko sa paa. Naiikilos ko na rin ng maayos. Itong paso ko, paso lang yan. Mas masakit pa rin ito." Itinuro ni Aloha ang puso niya. Napabuntonghininga ang tatlo. Alam nilang nasasaktan ngayon si Aloha sa kaalamang may ibang babae sa bahay na iyon. Tapos ngayon nagbabalak pa silang iwan muna ito ng ilang araw. Para magtungo sa bahay ng tiyahin. "Ms. Aloha naman eh. Maiiwan ka pa dito na mag-isa," ani Sol na lumapit sa kanila. "Ayos lang. Narinig ko ang pinag-uusapan ninyo. Huwag ninyo akong alalahanin. Kaya ko naman ang sarili ko. Isa pa baka mamaya malay ninyo marealize ni Facu ang halaga ko. Kasi ako lang maiiwan dito at mag-iintindi sa kanya." Kahit nasasaktan siya ay nagawa pang magbiro ni Aloha. Nag-uumpukan silang apat ng magulat sila sa isang tikhim. Napatayo sila kaagad at humarap sa taong iyon. "Senyorito," wika pa ng tatlo. "May ipag-uutos ka senyorito?" tanong ni Ale. Pero ang atensyon ni Facu ay na kay Aloha. Napakunot noo pa si Facu ng mapansin ang mata ni Aloha na mukhang galing pa sa pag-iyak. "Hon, gusto mong kape?" tanong ni Aloha. Siya na ang pumutol sa pagtitig ni Facu sa kanya. Hindi naman niya alam kung bakit ito nakatingin sa kanya. Pero naiilang siya sa titig na iyon na parang sinusuri siya. "Sige," maikling sagot nito bago naupo sa silyang naroroon. Kumuha ng limang tasa si Aloha at nagsimula ng maglagay ng kape sa bawat tasa. Nasa ikalima na siyang tasa ng maalala ang babaeng nasa kwarto ni Facu. "I-iyon kasama mo? I-ipagtitimpla ko din ba ng kape?" kahit ayaw niyang gawin ay nagawa pa rin niyang magtanong. "Huwag na, natutulog pa rin si Dia," simpleng sagot ni Facu na nagbigay kirot sa puso niya. Itinuloy na lang niya ang pagtitimpla. Si Merly naman ay naghayin na ng mga niluto ni Aloha. "Senyorito si Ms. Aloha ang nagluto niyan," ani Merly. Napaismid lang si Facu. Pero sinimulan na ring kainin ang meryendang nakahayin sa harapan niya. Matapos matimpla ang kape ay inilapag na iyon ni Aloha sa harapan ng mga ito. Pinagmasdan pa niya ang kilos ni Facu ng higupin nito ang kapeng timpla niya. Kahit sinasaktan nito ang damdamin niya. Masaya pa rin siyang napapasaya ito kahit sa simpleng bagay lang. Tulad ng kape. Naging tahimik lang sila habang nagmemeryenda ng basagin ni Merly ang katahimikan. Nagpaalam ang tatlo na pupuntahan ang tiyahin, para makiramay sa pagkawala ng tiyuhin nila. "Gaano kayong katagal na mawawala Ate Merly?" iyon kaagad ang tanong ni Facu. "Kailan kayo aalis?" dagdag pa nito. "Mamaya din sana senyorito. Liligpitin pa namin itong kusina bago kami umalis. Tapos ay siguro kahit hanggang sampung araw sana kung ayos lang naman. Para naroon pa rin kami hanggang sa siyaman." "Naiintindihan ko Ate Merly. Siya ba iyong sinasabi ni yaya na kahit wala na ang iyong ama ay ito tumulong sa inyo?" Isang tango ang naging sagot ni Merly. Kahit noong nangangailagan sina Sol at Ale ay hindi mahirap lapitan ang mag-asawa. "Oo senyorito. Sila na nga po iyon." Tumayo si Facu ng walang paalam sa kanila. Nasundan na lang nila ito ng tingin. Nakagatinginan na lang silang apat at walang idea kung bakit umalis si Facu. Ngunit ilang saglit lang at bumalik din ito sa kusina. At naupong muli sa iniwang silya. " Ate Merly," anito at iniabot sa kanila ang envelope na hawak nito. "Ingat kayong tatlo sa byahe, at tanggapin ninyo iyan," dagdag pa ni Facu. Nagkatinginan pa ang tatlo. Bago sabay-sabay na umiling. "Naku senyorito naman. Ayos na po sa aming tatlo ang payagan mo kaming umalis ng ilang araw. Huwag na po ito. May pera naman kaming tatlo," pagtanggi pa ni Merly. "Oo nga senyorito. May pera pa naman kami kaya hindi na kailangan," ani Sol na sinang-ayunan pa ni Ale. Tahimik lang naman si Aloha. Wala naman siyang masasabi. Lalo lang niyang minamahal si Facu sa mga ipinapakitang kabaitan nito. Hindi man ito aware sa ginagawa nito pero iyon talaga ang nakikita niya. Na sana ay sa kanya rin ito magpakita ng labis na concern, pag-aalala, lalo na ang pagmamahal. "Tanggapin na ninyo ito. Maliit na halaga lang iyan. Kumpara sa kabutihan ninyo sa akin. Sa mga tulong ninyo." "Pero senyorito, trabaho naman namin ang lahat ng iyon. Normal na samahan at tulungan ka namin." "Magtatampo ako sa inyo o magtatampo ako pag tinanggihan ninyo iyan. Hatiin na lang ninyo iyan sa apat. Para may pamasahe kayo at ang iba gastusin ninyo. Ang sa ikaapat ay ibigay po ninyo sa tiyahin ninyo Ate Merly. Tulong ko po sa kanila," ani Facu na hindi na nila magawang tanggihan ang bigay nito. "Salamat senyorito. Ayaw man naming tanggapin, kaya lang may pa blackmail ka naman. Salamat po. Babawi po kami pagbalik naming tatlo. At mas pagbubutihan pa namin ang trabaho," ani Merly at ipinagpatuloy na nila ang pagmemeryenda. Pagkatapos nila ay nagsimula na silang tatlo na ayusin ang kusina. Si Aloha naman ay lumabas na lang ng bahay ng mapansin nitong muling umakyat ng bahay si Facu at muling tumuloy sa kwarto nito. Tahimik lang na nakatanaw si Aloha sa malawak na hardin. Napakagandang pagmasdan ng bermuda grass na nakalatag doon. Walang naliligaw na damo doon, gawa ng bermuda grass. Isa pa sa gilid lang may mangilan-ngilan na bulaklak. Tulad ng rose cosmo at mga daisy. Ang ibang bulaklak ay hindi niya alam ang pangalan. "Siguro kaya kayo lang ang narito dahil sa allergies ni Facu ano?" aniya na wari mo ay sasagutin siya ng mga bulaklak. "Pero kahit ganoon, napakaganda ng hardin." Halos nasa isang oras din siyang nasa labas ng bahay. Ilang beses din niyang tinanaw ang kwarto ji Facu. Nalulungkot lang talaga siya. Parang mas gusto pa niyang palagi siyang nasasaktan para alagaan siya ni Facu. At patulugin siya nito sa kwarto nito. Ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas sina Ate Merly ng bahay. "Ms. Aloha aalis na kami. Nakapagpaalam na rin kami kay senyorito," ani Merly habang bitbit ang may kalakihang bag nito. "Ihahatid ko na kayo. Mahihirapan pa kayo na maghintay ng tricycle dyan. Kaysa maghintay kayo ng tricycle, mas mabilis pa kayong makakarating sa terminal paghinatid ko kayo.." "Naku Ms. Aloha, kaya na namin ito. Maagap pa naman," kontra pa ni Ale. "Oo nga magaan lang naman pati itong mga bag namin. Magpahinga ka na lang Ms. Aloha, at magpagaling," ani Ale na nagsisimula ng maglakad. "Ihahatid ko na kayo. Ayos lang ako. Para pag-uwi ko mamaya madilim na, hindi na malungkot. Sa terminal lang naman eh. Sige na," pakiusap pa ni Aloha. Ayaw naman sana nilang magpahatid ng terminal, ngunit wala rin silang nagawa sa pamimilit ni Aloha. "Sige na Ms. Aloha. Ingat ka sa pag-uwi ha. Sasakay na rin kami ng bus," paalam nina Merly sa kanya. "Ingat kayo." Hinintay lang ni Aloha na makasakay sina Ate Merly, Sol at Ale. Nang makaalis ang bus na sinasakyan ng mga ito ay bumalik na rin siya sa sasakyan niya. Mabagal lang ang andar ng sasakyan niya. Parang sinusulit niyang mapagmasdan ang kagandahan ng paligid. Pakiramdam niya ay mamimiss niya ang lugar na iyon. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit sa sa pakiramdam niya ay parang hindi na niya muling makikita pa iyon. Tumigil muna siya sa bungad ng hacienda. Doon niya pinagmasdan ang kagandahan ng lugar hanggang sa lamunin ng kadiliman ang paligid. Doon nagpasya na siyang bumalik sa bahay nina Facu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD