"A-aray," ungol ng unwanted passenger ni Facu sa likod ng pick-up truck. Halos magmadali siya ng pagsakay doon ng mapansing sapu nito ang noo. "Bakit naman hindi ka man lang nag-iingat nasaktan tuloy ako. Kinakalma ko ang sarili ko tapos naumpog ang noo ko. Ang sakit talaga," reklamo nito na ikinanganga niya.
Siya pa talaga ang nasisi. Hindi nga niya alam na may sakay pala siya. Ang gulat pa nga niya akala niya ay may nasabitan siya ng dahil sa pagtili nito. Pero lumalabas na sakay pala ito.
"Sa akin ka talaga nagreklamo?" turo pa ni Facu sa sarili.
"Oo, malamang. Ikaw ang nagmamaneho di ba? Kung nag-ingat ka sana di hindi sana ako masasaktan. Nagkabukol pa tuloy ako. Kanina, puso ko lang ang ang masakit. Ngayon pati noo ko pa. Kasalanan mo ito eh," reklamo nito na mas lalong ikinamangha ni Facu.
"Kasalanan ko talaga?" may pagkasarkastikong tanong ni Facu.
"Malamang. So kasalanan ko? Ako ba nagmamaneho?" balik tanong nito na ikinailing lang niya.
"Bakit ba kahit kanino na lang? Parang Masayang-masaya na apihin ako ah," bulong ni Facu na kahit gustuhin man niyang mainis sa babaeng kausap ay hindi naman niya magawa. Napabuntonghininga siya. Bago muli nagtanong.
"Bakit ka ba narito? Paano ka nakasakay?"
"Sumakay at nakisakay lang. May problema ba doon?" sagot nito.
Pero sa loob-loob niya ay mas gusto na lang pala niyang huwag ng magtanong. Sagutin ba siya ng pabalang. "Mga babae talaga," anas pa ng isipan niya.
"Nahihilo ako, pakialalayan naman ako please," anito. Kaya naman kahit papaano ay inayos ni Facu ang pwesto nito at isinandal sa kanyang balikat.
"Ano bang ginagawa mo dito sa likod ng pick-up truck ko. Nakita lang kita kaninang---." Natigil sa pagsasalita si Facu ng harangan nito ng hintuturong daliri ang bibig niya.
"Nakisakay nga ang kulit mo. Huwag mo muna akong kausapin nahihilo ako," anito na ikinakunot ng noo ni Facu.
"Sino ka para sagutin ako ng ganyan? Ikaw nga itong sakay nang sakay sa sasakyan ng may sasakyan. Paano kung napasama ang tama mo. Di problema pa kita kung napahamak ka. Isa pa ano bang problema sa bahay ninyo? Naguguluhan ako sa nakita ko kanina."
"Ang kulit nahihilo nga ako. Pero dahil makulit ka. Sasabihin ko sa isang kondisyon."
"Aba't ikaw pa ang may kondisyon? Huwag na lang. Iuuwi na kita sa inyo."
"No need. Walang uuwi, hindi na ako nababagay sa lugar na iyon. Nakita mo naman siguro di ba iyong babae doon?" anito na ikinatango niya. Gets na naman niya kaagad na ang tinutukoy nitong babae ay iyong hindi niya nakikilala. "Iyon ang babaeng ina ng anak ni Agapito."
"Anak? Di ba ikaw ang asawa? Maliban na lang kung nambabae siya habang kasal kayo."
"Aba malay ko, nagpalahi sa iba eh," ani Claudia habang animo ay maiiyak na.
"Naku Dia mag-usap kayo. Kinausap ka na ba? Kinausap mo ba?"
"At para saan? Malinaw na hindi na niya ako kailangan. May anak na siya sa iba. Isa may usapan naman kami ng Don Ponce eh." Natahimik naman si Facu ng ikuwento ni Claudia ang mga naganap mula pa noong ikasal sila ni Rico hanggang sa araw na iyon.
"So, kasalanan mo naman pala kung bakit wala pa kayong anak ngayon. Tapos ngayon mag-iiyak ka dahil may naunang magbigay ng anak sa kanya. Tapos lalayuan mo siya ng walang solidong dahilan."
"Hindi pa ba matibay na dahilan na dapat ayusin niya ang pamilya niya kasama ng anak at babaeng ina ng kanyang anak?"
"Hindi pa rin. Kausapin mo kaya ang pinsan ko. Hindi iyon tatagal sa relasyon na meron kayo kung hindi ka niya mahal."
"Paano mo nasabi? Sa tagal kong sinasabi na mahal ko siya may katugon ba? Wala naman ah. Paano mo nasabi ang bagay na iyan?" inis na saad ni Claudia habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Natigilan si Facu. Bigla niyang naalala si Aloha. Biglang pumasok sa isipan niya ang lantaran nitong pagpapahayag ng damdamin nito sa kanya. Pero agad din niyang sinuway ang sarili. Hindi mangyayaring magkakagusto siya sa Pinyang iyon.
"Anong plano mo ngayon?" sa halip ay tanong niya.
"Di ang makalayo sa poder niya. Ayaw ko na siyang makita at makikipaghiwalay na ako sa kanya." Walang pag-aalinlangang sagot ni Claudia na ikinangiwi ni Facu.
"Alam mo Dia, ang maiipayo ko lang sa iyo bago ka gumawa ng aksyon dyan sa pakikipaghiwalay na iyan ay mag-usap muna kayong dalawa. Kung wala talagang pag-asa. Di makipaghiwalay ka na. Atleast, ginawa mo ang part mo na malaman ang side niya."
"Wala na ngang dapat pag-usapan. Kaya buo na ang desisyon ko. Hindi ka ba naaawa sa bata. Lalaki iyon sa hindi buong pamilya ng dahil lang sa kasal sa akin ang kanyang ama? Hindi ko kaya," malungkot niyang saad.
"Okay anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Facu. Total naman ay maagap pa. Kahit nagsisimula ng dumilim.
"Need ko ng pera para naman may magastos kami."
"Kami?" naguguluhang tanong ni Facu. Na hindi naman pinansin ni Claudia.
"Magwiwitdraw ako ng pera sa main branch nila. Need ko iyon. Akin naman iyon. Kaya dapat lang na gastusin ko."
"Sige tara sa bayan at saka natin pag-usapan kung ano ang gagawin dyan sa paglalayas mo. Dinamay mo pa ako eh."
"Hindi sa bayan. Sa Maynila."
"Ang layo, ayaw ko," reklamo ni Facu ng bigla na lang tumayo si Claudia para sumuka nang sumuka. Bigla tuloy siyang nataranta at hindi alam gagawin.
Matapos masuka kahit wala namang mailabas ay nahimasmasan si Claudia. Kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman niya.
"Ano bang problema mo? May masakit ba sa iyo?"
"Wala, dala siguro ng pagbubuntis ko."
"What!"
"Ang exaggerated mo. Relax parang gusto kong kumain ng kakanin."
"Kakanin sa ganitong oras?" parang nawala na si Facu sa itinatanong niya kay Claudia.
"Oo."
"Isuli na lang kaya kita sa inyo."
"Sige aalis na lang ako, at huwag mo na lang ipapaalam sa kahit na kanino na nakita mo ako." Dahil sa maayos na ang pakiramdam ni Claudia ay pinilit nitong makababa ng pick-up truck.
"Parang hindi ka buntis sa lagay mo na iyan. Kung hindi ka lang asawa ni Rico. Sige na tara sasamahan na kita sa Maynila at doon tayo bibili ng gusto mo," ani Facu na siyang ikinangiti ni Claudia. "Kung hindi ka lang asawa ng Rico at hindi kita nakilala. Ay nunkang maawa ako sa iyo," bulong pa ni Facu.
"Don't whisper if I can already hear you."
"Ipinarinig ko talaga iyon."
"Oo na lang. Thank you. Ang bait mo talaga Facundo. Kanina ng makita kita hindi agad kita namukhaan. Pero ng makausap kita ng makita mo ako. Unti-unting naalala ko na ikaw si Facundo ni Don Fernando."
"Oo na. Akala mo naman ang layo ng hacienda para hindi ako makilala."
"Oo naman. Sure na hindi nga din ako kilala sa hacienda ninyo. Pwede bang doon na lang ako magtago? Uuwi din naman ako sa amin, pero hindi pa ngayon."
"Ikaw ang bahala. Kaysa kung saan ka pa magpunta. Pero hintayin mo ako. Ayaw kong magulat sila na makita ka nila kaagad ay galing lang naman ako sa inyo. Magpapalit lang ako ng sasakyan, at iyon ang gagamitin natin patungong Maynila. Saan mo ako hihintayin?"
"Dito na lang din."
"Sige huwag kang aalis ha. Promise hindi ko sasabihin na nasa akin ka. Maliwanag."
"Thank you."
Iniwan muna saglit ni Facu si Claudia sa may gilid ng daan sa tabi ng malaking puno. Pagkarating niya sa bahay ay sinalubong kaagad siya ni Aloha.
"Facu," anito at mabilis siyang hinalikan sa labi.
"Ano ba Pinya? Hindi ka ba titigil kakahalik mo! Asawa ba kita para gawin mo yan? Bago ako umalis at pagbalik ko. Nasasanay ka na ah," reklamo ni Facu. Sa halip na mainis ay nangiti na lang si Aloha.
"Bakit kasi hindi mo na lang ako pakasalan?"
"In your dreams. Hindi mangyayari ang bagay na iyan," sagot ni Facu ng maalala niya ang dapat pala niyang gawin.
Iniwan niya ng basta na lang si Aloha sa pwesto nito. Mabilis siyang nagtungo sa kwarto pra maligo. Matapos makapagbihis ay kumuha lang si Facu ng gamot na dapat niyang mainom. Sa byahe nila patungong Maynila ay hindi naman sila pwedeng magbalikan ng byahe ni Claudia lalo na sa kalagayan nito.
"Senyorito aalis ka?" tanong ni Merly ng makasalubong niya ito. Bagong pasok lang ulit ni Aloha galing sa labas.
"Hon saan ka pupunta?"
"Not in your business Pinya," sagot ni Facu na ikinanguso ni Aloha.
"Seryoso, maggagabi na Facu. Saan ka ba pupunta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Seryoso din. Maayos lang ako. May susunduin lang ako," ani Facu na parang may kung anong plano na nabubuo sa isipan niya.
"Sino hon?"
"A special someone."
Nagkatinginan naman si Aloha at Merly. Siya namang pasok ni Sol at Ale galing kusina. Wala namang nagtangkang magtanong ni isa sa kanila.
Natigilan na rin si Aloha. Parang may kung anong pinong sakit sa puso niya sa pagkakarinig niya sa special someone na sinasabi ni Facu.
"A g-guy f-friend di ba?" nauutal pang tanong ni Aloha.
"Nope," masiglang sagot ni Facu at hinayon ang lalagyan ng susi ng kotse niya.
"Ate Merly, baka bukas na kami makabalik ng kasama ko. Ikaw na ang bahala dito."
"Senyorito, may lilinisin ba akong kwarto para sa kasama mo?"
Biglang natigilan si Facu. Pero agad ding nakabawi sa tanong na iyon.
"Nope, she stay in my room. Pakipalitan na lang ng cover ng kama, at ang mga kurtina. Just make it pure white. Thank you," sagot ni Facu at tinalikuran na sila.
"She?" bulong pa ni Aloha na lalong nagbigay sakit sa puso niya.
Napahabol lang ng tingin si Aloha kay Facu. Mula ng lumabas ito ng bahay, sa pagsakay nito sa kotse at sa pag-alis ng sasakyan.
"Ms. Aloha," ani Merly ng mapansing umiiyak na ang dalaga. "Tahan na, baka nagbibiro lang si Senyorito Facu."
"Ate Merly bakit ganoon si Facu sa akin? Isa pa hindi naman siya halatang nagbibiro."
"Huwag ka munang mag-isip Ms. Aloha. Malay mo naman malayong kamag-anak lang iyon at biro nga lang ang lahat. Alam mo namang magaling ding mang-inis yang si senyorito. Baka naman maselan ang susunduin niya. Kaya sa kwarto niya mag stay. Tapos siya naman pala ay sa ibang kwarto. Huwag ka munang mag-isip. Relax."
"Ate Merly," ani Aloha at hinayaan muna ang sarili na maiyak. Nilapitan na rin naman siya ni Ale at ni Sol.
"Ms. Aloha tahan na. May nakita ba tayong picture ng babae dito? Wala naman ah. Maliban sa senyora at sa namayamang Donya Agatha. Kaya sakyan mo lang ang kapilyuhan ni Senyorito Facu. Hindi ka na nasanay," paliwanag ni Sol.
"Paano kung totoo?"
"Hindi rin ako naniniwala," pangungumbinsi pa ni Ale.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Aloha sa mga sinabi ng mga kasama niya.
"Ms. Aloha, the way to capture a man's heart is through his stomach. Kaya huwag ka ng malungkot. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Namiss nga ni senyorito ang kape mo. Kaya naman mahaba ang gabi. Madami akong nabiling karne kaya naman maaari mo siyang ipagtimpla ng special tocino mo at longganisa. Sure na kung may kasama man siya ay makakalimutan iyon noon. Specialty mo ba naman at paborito pa niya. Kaya palagi akong may nakahanda dito eh. Para naman incase na gagawa ka. Kaya huwag ka ng malungkot."
Nabuhayan ng loob si Aloha. "Sige na nga. Salamat sa inyo. Tara na nga. Pero tutulungan ba ninyo ako?"
"Ms. Aloha para kang others. Oo naman. Ikaw pa ba? Ang lakas mo sa amin eh."
Kahit pinasama ni Facu ang kalooban niya ay nagawang ngumiti ni Aloha. Inabala niya ang sarili sa paghihiwa ng karne at ng mga sangkap sa gagawin niyang tocino at longganisa para kay Facu.
"Sana naman magustuhan mo na ako. At bawiin mo ang sinabi mong nakapagpasama ng loob ko ngayon. Kainis ka talagang Pako ka," aniya sa isipan.
Kahit papaano ay nag-enjoy siya sa mga kwento nina Ate Merly, Sol at Ale. Sa halip na malungkot ay nagawa pa niyang tumawa. Naging masaya pa rin ang gabi niya kahit hindi niya kasama si Facu. Ang Pakong nagpasama sa kalooban niya.
Matapos sila sa kusina ay nagtungo na siya sa kwarto. Akala niya ay makakatulog siya kaagad dahil sa pagod. Pero hindi sila ganoong ka close ng antok. Halos madaling araw na rin ng siya ay makatulog.