Kahit maraming piraso ng basag na salamin sa tabihan niya ay hindi napigilan ni Aloha na lapitan at yakapin ang walang malay na si Facu. Hindi na rin niya mapigilan ang pag-iyak.
"Ms. Aloha," tawag ni Merly na hindi na rin malaman kung ano ang gagawin. "Ano bang nangyari?"
"Hindi ko alam Ate Merly. Nagulat na lang ako ng may mabasag. Tapos nakita ko na si Facu na parang nahihirapang huminga. Tapos nawalan na siya ng malay. Ate Merly, tumawag po kayo ng doktor," utos ni Claudia saka lang, akala mo ay nagbalik sila sa kamalayan.
Dahil sa labis na pag-aalala ay nakalimutan na nila ang dapat na tamang gawin. Mabilis na tinungo ni Merly ang telepono para tumawag ng doktor. Pero bago pa niya mahawakan ang telepono ay nagring na ito.
"Hello," aniya ng masagot ang tawag.
"Merly? Oh! Magandang hapon. Kumusta naman kayo dyan?" boses ni Celina ang nasa kabilang linya. Bigla namang binalot ng kaba ni Merly. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa magulang ng senyorito nila.
"S-senyora."
"May problema ba? Sabihin mo kumusta naman si Aloha at Facu. Nasabi sa akin ni Zenny na umuwi daw si Aloha sa kanila pero nariyan na ulit. Kumusta naman ang dalawa?"
"S-senyora patawad po. Hindi ko talaga alam ang buong pangyayari. Dumating nga po si Ms. Aloha. Tapos may pasalubong pa siyang bulaklak na palagi niyang ginagawa kay senyorito at biko. Tapos basta po ano---. Bigla na lang pong----. Hindi po ako sigurado basta nawalan po ng malay si senyorito. Tatawag po ako ng doktor sakto naman po ang pagtawag ninyo. Senyora, ano pong gagawin namin?" nag-aalala at natatakot na tanong ni Merly. Wala talaga siyang idea kung bakit nagkaganoon si Facu.
"Kung palagi namang may dalang bulaklak si Aloha. Ayaw kong isipin, baka mali ako. Isa lang naman ang dahilan para magkaganyan si Facu kung tama ang naiisip ko."
"Ano po senyora? Palagi pong roses ang bitbit ni Ms. Aloha. Ngayon lang po siya nag-ibang dala. Pero napakaganda po ng bulaklak na dala niya."
"Oh my God! Anong klaseng bulaklak?"
"Sandali lang senyora." Dahil wireless phone naman iyon ay mabilis na dinala ni Merly ang telepono kay Aloha.
"Ms. Aloha," ani Merly at iniabot ang telepono sa kanya. Umiiyak pa rin si Aloha sa labis na pag-aalala. "Si senyora." Lalo namang bumuhos ang mga luha ni Aloha.
"N-ninang, hindi ko po alam kung ano ang nangyayari kay Facu. A-ano pong gagawin ko?" hindi niya mapigilang saad.
"Look hija, may dinala ka daw bulaklak kay Facu? Rose daw dati? Ano ang dinala mong bulaklak ngayon?"
Patuloy lang naman sa pag-aalis ng mga nabasag na salamin sina Ale at Sol. Kanina ay napagtulungan na nilang iisod si Facu malayo sa mga basag na salamin. Hindi naman nila ito mabuhat sa laki nito.
"Ninang baby's breath po kasama ng white carnation," pag-amin niya. Narinig niya ang pagsinghap ng ninang niya sa kabilang linya at ang biglang pagbagsak ng aparatong hawak nito. Ilang segundo ding hinintay ni Aloha. Hanggang sa tingin nito ay muli nitong nahawakan ang telepono, at narinig niya ang paghinga ng kausap sa telepono.
"Listen hija. Hindi ako galit, at hindi ko minamasama ang pagdadala mo ng bulaklak. But please, take away the flowers. Facu has an allergy to that kind of flowers. Baby's breath and carnation, any kind of carnation. After I'll end this call. Call a doctor immediately. Call our family doctor please."
Hindi na nagawang sumagot ni Aloha ng ibaba ni Celina ang tawag. Muli niyang binalingan si Merly.
"Ate Merly, pakitawag ng doktor nila bilisan mo. Sabihin mo nagkaroon ng allergy si Facu sa bulaklak." Mabilis namang sinunod ni Merly ang utos ni Aloha.
"Sol, Ale itigil na muna ninyo ang ginagawa ninyo. P-pakitapon ng bulaklak na dala ko."
"Ms. Aloha," wika pa ng dalawa.
"May allergy si Facu sa mga bulaklak na iyan. Itapon na ninyo. Ilabas na ninyo sa bahay sa pinakamalayong lugar." Lalo lang naiyak si Aloha. Sumunod naman kaagad ang dalawa.
"Hon, I'm sorry hindi ko alam. Sorry talaga," pagsusumamo pa ni Aloha.
"Ms. Aloha on the way na po si dok." Tango lang ang naging sagot ni Aloha. Lalo lang siyang naiyak sa kalagayan ni Facu. Wala pa rin itong malay at naghahabol pa rin ng paghinga.
Ilang minuto lang ay dumating na rin ang doktor. Dahil malaking tao si Facu ay hindi naman nila ito nabuhat kaagad para maihiga sa kama. Kaya naman doon na muna ito binigyan ng gamot ng doktor sa pagkakahiga nito sa sahig. It was a nasal spray. Pagkatapos noon ay may itinurok ito kay Facu.
Matapos ma-spray iyon sa ilong ni Facu ay nagnormal ang paghinga nito. Wala pa rin itong malay. Doon napansin ng doktor ang maliliit na hiwa nito sa braso.
"He's stable. Huwag na kayong mag-alala. Siguro kung nagtagal ay baka mapahamak siya. Mabuti at nasa malapit lang ako ng tumawag kayo. Hindi sa lahat ng bulaklak allergy si Facu. May particular lang talaga, tulad ng baby's breath, carnation, sage, white wax, dianthus, pincushion. Iyan ang mga bulaklak na dapat ninyong iwasan na mapalapit sa kanya. The rest is safe for him. Bago ko gamutin ang mga sugat niya. Ililipat ko na muna siya sa kama niya."
Inalalayang makatayo ni Merly si Aloha. Si Facu naman ay nagawang buhatin ng doktor kahit mas malaki ito sa kanya.
Pinanood lang nila ang doktor habang ginagamot ang mga maliliit na hiwa ni Facu sa braso. Bumalik na rin si Sol at Ale galing sa pagtatapon ng mga bulaklak.
Matapos magamot ang mga sugat ni Facu ay humarap na ito sa kanila. Napakunot noo itong nakatingin sa mga paa ni Aloha. Nakasuot kasi ng dress si Aloha sa mga oras na iyon na lampas tuhod. Kaya kitang-kita ang binti nito.
"Hija, hindi mo nararamdaman ang sugat mo?" kunot noong tanong ng doktor.
Sabay-sabay namang napatingin sa paa ni Aloha si Merly. Ganoon din sina Ale at Sol. Napasinghap pa ang tatlo.
Maputi si Aloha kaya kitang-kita ang umaagos na dugo sa binti nito. Wala ring nakapansin kanina na ang laylayan ng suot ni Aloha ay puro na rin dugo. Lalo na at kulay mint green iyon.
"Hindi ko na po napansin," sagot niya. Sa katunayan ay wala siyang nararamdaman na kahit na anong sakit. Maliban sa labis na pag-aalala kay Facu.
"Halika sa sofa doon ko gagamutin ang sugat mo."
Sumunod naman si Aloha. Binalingan pa niya ng tingin ang wala pa ring malay na si Facu sa kama nito.
Pagkaupo ni Aloha ay itinaas ng doktor ang binti niya. Nasa tabi lang naman niya ang tatlo.
"Nakikita ninyo ito?" Itinaas ng doktor ang isang may dalawang pulgada ng bubog na hinugot sa binti ni Aloha. Napangiwi pa ang tatlo. Malaki iyon, pero hindi man lang naramdaman ni Aloha na nakabaon iyon sa binti niya. "Kung hindi ko napansin ang dugo sa mga paa mo kanina. Iisipin mong simpleng hiwa lang ang nasa binti mo. Oo gagaling pero itong bubog nakabaon pa rin sa binti mo. Paglalamnan na ito at maaaring sa pagtanda mo ay maging dahilan ng ilang problema at doon mo lang maaalala ang araw na ito. Be careful hija. Mas malala ang sugat na nakuha mo. Kaysa sa nakuha ni Facu," paliwanag pa nito sa kanya.
"Salamat dok. Talaga lang nag-alala ako kay Facu. Wala akong ibang naisip kanina ng daluhan ko siya at ng mawalan siya ng malay. Lalo na ng malaman kong kasalanan ko pala talaga ang nangyari sa kanya."
"Hindi na natin maiiwala sa atin ang minsang mataranta, matakot, kabahan at magkamali. Pero dapat naroon pa rin ang labis na pag-iingat."
"Opo dok. Salamat ulit at pasensyana po talaga."
"Sige na, ito na ang mga gamot ni Facu. Sabihin ninyong inumin niya ito ng isang linggo. Isang beses kada araw. At itong nasal spray para sa allergies niya. Three times a day for one week din. Isa pa in case na may mangyari ulit na ganito na hindi inaasahan, pwede ninyong gamitin ang nasal spray at itong gamot na ito. For emergency purposes," paliwanag pa ng doktor sa kanila.
"Salamat ulit dok."
"Wala iyon, isa pa ay pagkatapos ng tawag ninyo kanina, nakatanggap din ako ng tawag kay Gabriel. Siya ang mismong nagpaliwanag ng allergies ni Facu. Kaya naman mas madali ko siyang nalapatan ng pangunang lunas kanina. Ito pa hija," ibinaling naman ng doktor ang atensyon kay Aloha. "Inumin mo itong antibiotics. Good for seven days na iyan. Kailangan mo yan para mas mapabilis ang paggaling ng sugat mo. Ito pa, panlinis ng sugat mo at ni Facu. Twice a day, morning and night. Pagaling kayo. Sige aalis na ako."
Matapos ang mahabang paliwanag ay nagpaalam na rin ang doktor sa kanila. Sina Ate Merly, Sol at Ale ang naghatid sa doktor. Naiwan siya sa kwarto ni Facu para samahan ito.
Lumapit siya sa kama, at naupo sa tabi ni Facu. Naroon na naman ang mumunting mga luha na nagbabadyang pumatak sa kanyang mga mata.
"Hon, I'm sorry. Hindi ko naman talaga alam akala ko ay magugustuhan mo ang mga bulaklak na iyon. Kaya lang iyon pa ang naging dahilan para ikapahamak mo. Sorry ng dahil sa akin muntik ka ng mapahamak. I'm sorry hon," umiiyak na saad ni Aloha.
Nahiga siya sa tabi ni Facu habang patuloy sa pagnguyngoy. Hindi talaga niya matanggap sa sarili niya ang kasalanan niya. Hiyang-hiya siya kay Facu. Hindi tuloy niya malaman kung paano hihingi ng tawad pag nagising ito.
"Hindi ko naman sinasadya, pero sana ay mapatawad mo ako. Hindi man ako naging maingat pero promise babawi ako sa iyo," pagkausap pa ni Aloha sa natutulog na binata.
Ilang sandali pa ay biglang gumalaw si Facu kaya naman bumangon siya ng dahan-dahan at naupong muli sa tabi nito.
"Hon," ani Aloha ng tuluyan ng magising si Facu. "I'm sorry ulit. Hindi ko naman alam," nahihiya pa niyang saad.
"Iyan kasi ang sa iyo. Lahat ng gusto mo, gusto mo. Wala kang pakialam sa paligid mo. Hindi mo alam na ang ginagawa mo maaaring ikapahamak ng isang tao. Sigurado akong sa iyo galing ang bulaklak na iyon. Sa unang pagkakataon noon lang ako nakakita ng ganoong bulaklak kaya na curious ako. Until I realize it was a baby's breath and carnation. Pero huli na ang lahat. Nangyari na."
"Kaya nga humihingi ako ng sorry."
"Ano bang nangyari? Ang huli kong natatandaan ay nasa tabi na kita kanina at nagising ka na."
"Nawalan ka ng malay hon. Doon talaga ako natakot. Tapos saktong tatawag ng doktor ni Ate Merly ng tumawag si ninang. Ayon nalaman niya ang nangyari dito. Tapos sinabi nga niya ang allergies mo. Sorry talaga. Gusto kong bumawi sa iyo. Pagbigyan mo naman ako. Hindi na mauulit."
"Lumabas ka na ng kwarto ko. Hayaan mo akong magpahinga. Tatawagan ko na rin sina mommy para ipaalam na ayos lang ako. Sa ngayon lumabas ka muna dito sa kwarto ko."
Walang nagawa si Aloha kundi dahan-dahang bumaba sa kama ni Facu. Nasundan na lang ni Facu ng tingin ang papalayong si Aloha. Hanggang sa mapansin niya ang maraming dugo suot nitong damit at ang paika-ika nitong lakad. Pati na rin ang binti nitong may benda.
"Anong nangyari sa iyo?" hindi mapigilang tanong ni Facu.
"Ah, wala yan. Sorry ulit sana ay mapatawad mo ako hon. Huwag mo naman sanang sabihin na umalis na ako dito para lang mapatawad mo. Kahit katulad pa rin ng dati. Basta makasama kita," malungkot na sagot ni Aloha ng magulat na lang siya ng bigla na lang siyang umangat sa ere.
Napahawak siya sa balikat ng salarin kung bakit nawala ang mga paa niya sa sahig. Bigla din siyang napahawak sa may batok nito sa takot na baka mahulog sa pagkakabuhat nito.
"H-hon."
"Just shut up! Stay here! Ako ang bababa at kakausapin sina Ate Merly kung ano ang nangyari sa iyo. Mukhang malalim ang sugat mo. Tumatagos sa gasa ang dugo oh," ani Facu at ibinaba siya sa kama nito.
Doon lang din napansin ni Aloha na halos mapuno na nga ng dugo ang gasa. Pero hindi pa naman iyon lalalin sa kumot o kobre kama.
Matapos siya nitong kumutan ay umalis ito sa kanyang tabi.
"Saan ka pupunta?"
"Sabi ko, di ba manahimik kang Pinya ka. Sinabi ko bang magsalita ka!" pagbabanta ni Facu.
"Pero ikaw itong, masama ang lagay kanina. Gawa ng allergies mo na kasalanan ko naman."
"Just shut up Pinya! Or sabihin mo sa akin ang nangyari dyan sa binti mo!"
"Wala nga lang ito."
"Okay manahimik ka dyan, pupuntahan ko lang si Ate Merly. Magsalita ka pa palalayasin na talaga kita!" banta ni Facu na ikina-zip pa ni Aloha ng bibig tanda ng pagtahimik.
Nasundan na lang ni Aloha ng tingin ang pagsarado ng pintuan. Hindi niya malaman kung relief ba ang nararamdaman niya o kiniligin siya.
"Grabe naman kasi ang Facu na iyon. Mamamatay na ako sa nerbyos kanina kung paano ako magsosorry. Pero parang baliktad pa ang nangyari. Bakit ba ang sweet niya? Nakapasok na ba ako sa puso niya," aniya habang ang puso niya ay patuloy na umaasa na napasok na niya ang puso ng lalaking kanyang sinisinta.