Chapter 17

2274 Words
Napahawak si Facu sa barandilya ng hagdanan ng makaramdam siya ng hilo. Dahan-dahan siyang humakbang pababa hanggang sa makarating siya may sa kusina. Naabutan niya doon ang tatlo nilang kasama sa bahay at abala sa pagluluto. "Ate Merly, " tawag niya. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Merly ng mapansing hawak niya ang noo. "Senyorito, bakit naman po hindi ka na lang tumawag? Maririnig ka naman namin. Paano kung nahulog ka pa sa hagdanan. Lalo lang mag-aalala ang senyora at ang senyor. Pati ang don ay tumawag din pagkaalis ng doktor. Sorry din po, dapat mas alam namin na hindi pwede sa iyo ang mga bulaklak na iyon. Muntik ka pang mapahamak," paliwanag ni Merly. "Kalimutan na natin iyon Ate Merly, walang may gusto na mangyari ang bagay na iyon. Alam ko rin na kahit palagi akong penepeste ng Pinya na iyon ay wala namang intensyon si Pinya na ipahamak ako. Matanong ko lang anong nangyari sa binti ng isang iyon. Umabot pa talaga sa paa ang benda. Ang gasa ay punong-puno na ng dugo," ani Facu kaya pati sina Ale at Sol ay saglit na tumigil sa ginagawa. Ipinaliwanag nina Merly kay Facu hanggang sa makita na nga ng mga ito na wala siyang malay at hawak ni Aloha. "Eh ang sugat niya?" "Sabi ni dok nakatusok daw sa binti ni Ms. Aloha. Nakita nga namin kung gaano kahaba ang hinugot doong bubog ni dok. Baka sa takot niya ng makita ka niyang nahihirapan ay hindi na pinansin ang sinalampakan niya. Nakita na lang namin siyang nakaupo sa tabi mo hawak ka, sa tabi ng basag na salamin. Kanino po ba iyong salamin? Antique ba iyon?" usisa pa ni Merly. "Hindi naman, project ko lang iyon noong college. Ako ang nag-ukit ng kahoy noon. Kaya ayos lang kahit masira. Ang inaalala ko ay ang sugat ng Pinya na iyon." "Pero kumusta na ang pakiramdam mo senyorito?" "Huwag na ninyo akong alalahaning tatlo. Ayos lang ako. Iyong sugat ni Pinya?" "May gamot na ibinigay si dok, pati iyong para sa allergies mo. Magpahinga ka na muna senyorito. Magluluto lang kami ng para sa hapunan at dadalahan na lang namin kayo sa kwarto ninyo. Ay si Ms. Aloha." "Dalahan na lang ninyo kami ng pagkain na dalawa. Pasensya na hindi na kami makakasabay sa inyo ng pagkain." "Ayos lang senyorito. Mahalaga ay gumaling ka na. Pati si Ms. Aloha." "Salamat." Nagpaalam na rin si Facu sa tatlo at muling bumalik sa kwarto niya. Doon naabutan niya si Aloha, na mahimbing na natutulog. Hindi na niya inabala ang dalaga. Medyo nanghihina pa rin ang pakiramdam niya kaya naman sa halip na gisingin si Aloha ay nahiga na lang siya sa sofa na nasa loob ng kwarto niya. Matapos makapaghapunan ay hinintay na lang ni Facu na makatapos ding kumain sina Merly para balikan si Aloha. "Hon, ayaw mo talaga ako dito sa kwarto mo?" Masamang tingin naman ang ipinukol ni Facu kay Aloha. Kaya naman napanguso ito. "Bibe ka ba? Nguso mo ang haba." "Ang sungit mo talaga. Cute kaya ako pag naka-pout." "Cute my as*." "Hon, dito na lang ako matutulog sa kwarto mo. Please." "Hindi pwede. Parang feel na feel mo ang nasusugatan at napapahamak para dito matulog sa kwarto ko ah. Last na iyong noong nakaraan. Hindi na pwede ngayon." "Bakit nga noon pumayag ka." "Noon lang iyon. Ngayon ay hindi na. Ikaw pa nga itong may malaking kasalanan sa akin. Doon ka na. Isa pa don't call me that endearment. Naiirita ako." "Akala ko ba okay lang naman. Dati naman hindi mo ako pinupuna. Bakit ngayon?" "Basta! Tama na at ayaw ko. Bumalik ka na sa kwarto mo." Sakto namang pagkatok ni Ate Merly at pumasok sa kwarto niya. "Ate Merly pakisamahan si Pinya sa kwarto niya. Kung maaari ay isa sa inyo ang matulog sa kwarto niya para may kasama siya. Pakipalitan na rin ng gasa ang sugat niya." "Paano ang sugat mo hon?" nag-aalalang tanong ni Aloha. "Kaya ko ang sarili ko. Sige na." Wala ng nagawa si Aloha kundi ang sumama kay Merly. Hindi niya maunawaan si Facu. Minsan sobrang maalaga at nakakainlove. Minsan naman nakakainis na ang sarap dikdikin ng pino. "Pero mahal ko," anas pa ng isipan niya. Tinanaw pa ni Aloha si Facu na nakatayo sa gilid ng kama habang isinasara niya ang pintuan. Nagtuloy na si Facu sa sariling banyo para maligo ng makaalis si Aloha. Doon lang niya napansin ang maliliit na hiwa sa braso niya. Pero kumpara kay Aloha ay ito ang may mas pinakamalaking natamong sugat. Gusto niyang ipakita ang inis sa dalaga. Lalo na at nasugatan ito dahil sa pag-aalala sa kanya. Hindi naman niya alam na baby's breath iyon at carnation. Sa tagal na niyang hindi nakakakita ng ganoong bulaklak nakalimutan na niya ang itsura noon. Dahil sa mga bagay na hindi na nagawa ni Facu sa araw na iyon ay pinili na lang niya muling ibabad ang sarili sa ilalim ng maligamgam na shower. Tuwing may iniisip siya o may kung anong bagay na tumatakbo sa isipan niya ay pinipili pa rin niyang ang maligamgam na tubig ng shower ang maging pamparelax niya. Nasa isang oras din siyang nagbabad sa ilalim ng shower hanggang sa makaramdam siya ng antok. Kaya mas pinili na lang niyang ituloy na ang binalak na pagligo. Matapos matuyo ang buhok ay nahiga na siya sa kama. "Amoy ng Pinyang iyon ang kama ko," bulong niya. Hindi tuloy niya makuha sa sarili kung reklamo ba iyon o natutuwa siya. Pero mula ng lumapat ang katawan niya sa kama. Habang humahalimuyak ang bango ni Aloha ay mas lalo lang gumanda ang pakiramdam niya at mabilis na hinatak ng antok. Kinaumagahan kamumulat pa lang ni Facu ng mga mata ng makarinig siya ng pagkatok. "Senyorito tumatawag po ang Don Fernando," tinig ni Ate Merly ang nasa labas ng pintuan. "Pasok ka Ate Merly." Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Merly. Pagkaabot sa kanya ng telepono ay nagpaalam na rin naman ito na lalabas muna. "Hi, Lolo Fern kumusta? Nag-eenjoy naman po ba kayo kasama ng mga kaibigan ninyo?" tanong niya ng marinig niya ang pagbuntonghininga ng lolo niya. "May problema po ba?" "Apo hindi naman ibig sabihin na matanda ka na ay pababayaan mo na ang sarili mo. Gusto mo na bang magstay na lang ako dyan para samahan ka sa pamamahala ng hacienda?" "Lo, ano po ba iyang pinagsasasabi mo? Maayos lang po ako lolo. Sa totoo ay pupunta na ako mamaya sa farm. At makikipitas ng gulay. Hindi naman po ako mahina lolo. Medyo nawala lang sa akin ang pag-iingat kahapon. Na curious lang talaga ako." "And curiosity kills the cat apo." Napailing na lang si Facu. "Thank you po sa pag-aalala. Alam kong ganoon din si mommy at daddy. Kaya salamat po sa pagmamahal ninyo." "Ganoon talaga. Kaya naman apo palagi mong uunahing isipin ang sarili mo. Paano kung napahamak ka ng malayo kami sa tabi mo? Hindi mo alam ang mararamdaman namin ng mga magulang mo." "Lolo Fern relax. Hindi ko naman kasalanan na may dalang bulalak iyong paborito ninyong apo," napaismid pa si Facu ng sabihin niya ang katagang paboritong apo. Narinig din niya ang paghalakhak ng lolo niya. Sa halip na magalit ay nailing na lang siya. Sino ba ang magagalit na lang sa isang matanda na napakabait sa iyo. Sa tingin niya ay wala. "Apo hindi naman sa ganoon. Mabait si Aloha. Alam ko iyon. Napakalambing pa ng batang iyon. Ikaw kasi apo hindi ka sumasama tuwing nag-iimbita ang mga magulang ni Aloha noon. Kaya hindi mo alam na bagay na bagay kayo." "Lolo babalik na naman po ba tayo sa simula." "Bakit ba ayaw mo sa kanya apo?" "Lo hindi naman po sa ayaw ko sa kanya. Gusto ko pa rin iyong simpleng probinsyana na hindi spoiled brat. Iyong hindi---, basta lolo." "Hay naku apo. Sige ka pag-iyang si Aloha ay nakahanap ng iba." "Whatever lolo." Dinig na dinig niya ang tawa ng lolo niya. "Apo bago tayo magkalimutan. Nakapagdala ka na ba ng mga gulay sa kabilang hacienda?" Natigilan namang bigla si Facu. Sa dami niyang trabaho nitong nagdaan ay hindi na niya nagawang dalahan si Lolo Ponce. "Sorry lo, ang dami po kasing trabaho sa farm. Nakalimutan ko na po. Pero mamaya pong hapon aagahang ko ang awas. Pasensya na ulit lo, nakalimutan ko talaga. Palagi pa namang may padalang prutas si Lolo Ponce sa akin. Palagi kasi kayong wala, kaya kami na lang ang nakikinabang." "Ayos lang apo. Sige na, mahaba-haba na naman ang umaga mo. Palagi mong ingatan ang sarili mo. Ako na lang ang nakatawag sa iyo, at ang mga magulang mo ay may lakad. May date daw sila. Naku apo, mabuti pa ang mga magulang mo nagagawa nilang mag-enjoy. Dapat ikaw din." "Masaya ako lolo dito sa hacienda. Promise. Love you lo." Ilang paalaman pa ang nangyari bago nila ibinaba ang tawag. Tumuloy na si Facu sa banyo para naman makaligo na. Pagbaba na lang niya binitbit ang telepono. Pagpasok niya ng kusina ay naroon na si Aloha habang kasama ng tatlo. "Good morning," bati niya sa mga ito. "Good morning senyorito," bati ng tatlo habang ipinagpapatuloy ang mga ginagawang pagluluto ng breakfast nila. Nilapitan naman siya ni Aloha. "Good morning Facu," anito at hinalikan siya kaagad sa labi. Natigilan siya. "Anong ginagawa mo?" "Galit ka? Sabi mo ayaw mong tawagin kitang hon. Di Facu na lang," inosenteng sagot ni Aloha. Pero sa isipan niya ay nagdidiwang siya sa epekto ng halik niya kay Facu. "Ewan ko sa iyo." Iniwan na lang ni Facu si Aloha sa pwesto nito. Naupo na siya sa silyang laan para sa kanya. Hindi na lang niya pinansin si Aloha. Ilang sandali pa ay tapos na ring magluto sina Ate Merly. Naghahayin na ang mga ito ng magbaba ng kape si Aloha sa tabi niya. Hindi naman niya iyon kaagad pinansin. Hanggang sa dahan-dahan niya iyong ininom. Halos magliwanag ang paligid niya ng matikman ang kape na matagal din niyang hindi natitikman. Halos dalawang linggo na noong huli. Pero hindi niya ipinahalata na namiss niya ang timpla nito ng kape. Siguradong lalaki lang ang ulo nito. At iyon ang ayaw niya. Natuloy ang kanilang umagahan ng tahimik. Wala ni isang nagsalita sa kanila. "Ate Merly, ipagdala na lang po ninyo kami ng tanghalian mamaya ha," bilin pa ni Facu. "Opo senyorito kami na ang bahala." "Facu hindi ba talaga ako pwedeng sumama? Gumising pa naman ako ng maagap para lang makasabay ng breakfast at makasama sa iyo sa taniman." "Magpagaling ka muna." Dumako ang tingin ni Facu sa may gasa nitong sugat. "Ayos na ako at nakakalakad na ako ng maayos." "Makikinig ka o makikinig ka?" "Ang daya. Sige na wala naman akong choice di makikinig na lang," sagot ni Aloha at inisang hakbang ang pwesto nila ni Facu bago siya naglambitin sa batok nito para mahalikan sa labi ang binata. "Ingat ka sa pagtungo sa farm. I love you hon," malambing na wika ni Aloha na nagpatulalang muli kay Facu. Ginamit naman ni Aloha ang pagkakataong iyon. Para mabilis na makapasok sa loob ng bahay at iwan si Facu sa pwesto nito. Napailing na lang si Facu sa mga pasimpleng kilos ni Aloha. Hindi niya gustong saktan ito. Kaya lang hindi naman pwedeng ganoon ito palagi. Kailangan talaga niyang makaisip ng paraan para tigilan na siya ni Aloha. Naging mabilis ang araw na iyon para kay Facu. Nagpapili siya ng magagandang gulay na dadalahin niya kay Lolo Ponce. Maaga din siyang umawas tulad ng sinabi niya sa kanyang Lolo Fernando. Pagdating niya sa bahay-hacienda ni Lolo Ponce ay nagulat na lang siya ng biglang lumabas ang asawa ng pinsan niya. Nabati naman niya ito. Pero hindi na nito nagawang bumati pabalik. Nasundan na lang niya ito ng tingin ng magtungo ito sa daan patungong ilog. Na alam niyang iyon ang daan sa bahay ng mga ito. Nagkibit balikat na lang siya at ipinagpatuloy ang dapat niyang gagawin ang pagbababa ng mga tikels ng gulay sa likod ng pick-up truck. Pagpasok niya ng loob ng bahay ay nagulat pa siya ng makitang umiiyak ang ina ng pinsan niya. Si Don Ponce na bagong labas ng silid at ang pinsan na may buhat na bata. May kasunod itong babae na hindi niya kilala. Ang katulong at ang nurse ay kasunod din nito. Pati ang lalaking alam niyang driver ni Lolo Ponce. Gumilid na lang siya sa may pintuan at hindi na nagawang makapagsalita. Nagkatitigan na lang sila ni Rico, bago siya nito nilampasan. Matapos maibigay ang mga gulay na ipinabibigay ng Lolo Fernando niya ay nagpaalam na rin si Facu kay Don Ponce. Napabuntonghininga siya ng makarating siya sa loob ng sasakyan niya. Wala siyang masabi, pero muli niyang binalingan ang daan na tinahak ng asawa ni Rico. "Ano bang nangyayari? Kahit magtanong ako wala namang makakasagot." Natawa pa siya sa sarili. "Tsismoso lang," dagdag pa ni Facu at tuluyan ng umalis sa lugar. Malapit na siya bahay nila ng hindi napansin ni Facu ang malaking bato sa gilid ng daan kaya naman saglit na gumewang ang pick-up na dala niya. Natigilan pa siya ng makarinig ng tili ng isang babae. Bigla tuloy siyang napahinto at iginilid ang pick-up truck. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para silipin kung ano ang nangyari. Nilibot niya ang buong pick-up. Wala siyang nakita na kung ano hanggang sa mapansin niyang may tao sa likod ng pick-up truck niya. "Sino ka!?" buong tapang niyang tanong sa kabila ng gulat niya. Wala namang tao kanina doon ng magbaba siya ng mga tikles gulay. Hanggang sa tumambad sa kanya ngayon ang mukha ng unwanted passenger niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD