Chapter 2

2178 Words
Naguguluhang hindi maipaliwanag ni Facu ang kanyang nararamdaman sa ikalawang pagkakataon na lumapat ang labi ni Aloha sa labi niya. May kung anong init na humaplos sa kanyang puso. Nakailang balik tingin pa siya sa dalaga bago napapailing na ipinagpatuloy na lang ang pag-alis. Habang sakay ng pick-up truck na siyang ginagamit niya sa pag-uuli sa farm ng hacienda ay hindi maiwasan ni Facu na mapaisip. Nakita na niya si Aloha bago pa niya ito makilala sa wedding anniversary ng mga magulang nito. Mula ng matanggap niya ang imbitasyon ng mga magulang ni Aloha sa mga magulang at lolo niya ay inutusan na siyang magtungo ng Maynila. Bagay na ayaw na ayaw niya. Ngunit wala naman siyang magawa. "Nariyan ka na ba sa hotel na tutuluyan mo," tanong ng mommy niya na kunwari nag-aalala pero hindi naman talaga. "Opo," patamad pa niyang sagot. "Anak, naku pagnakilala mo ang dalaga ng kumare ko. Sigurado akong magugustuhan mo siya." "Mommy, nagpunta ako dito bilang kapalit ng hindi ninyo pagpunta dito. Isa pa sinusunod ko kayo. Kaya huwag kayong mag-ala matchmaker. Hindi ako naghahanap ng ng babae. Mas gusto ko lang ay asikasuhin ang farm." "Naku Facundo, ako'y huwag mong pagsalitaan ng ganyan. Hindi ako magkakaapo kung farm lang din naman ang gusto mong makasama habang buhay," giit ng mommy niya. "Apo kung hindi ka magkakaroon ng asawa. Ipapamahagi ko ang buong hacienda sa ating mga trabahador. Iiwan ko sa iyo ang bahay at isang ektaryang niyugan. Iyon ay kung ayaw mo talagang mag-asawa. Ikaw din akala ko ba mahal mo ang hacienda," banta pa ng lolo niya na sa tingin ni Facu nagsisimula ng sumakit ang ulo niya. "Pwede naman po akong mabuhay ng walang asawa. Kung hindi lang din naman matinong babae ang makikita ko at makikilala ko ay huwag na lang." "Kaya nga sigurado kami ng mommy mo na magugustuhan mo ang anak ni Aleho at Zenny. Kung mayroon mang babaeng karapat-dapat sa iyo ay ang batang iyon ang gugustuhin namin," dagdag pa ng daddy niya. "Hindi ko po alam kung paano sasagot sa inyo. Gayong pinagtutulong-tulungan ninyo ako. Basta ang masasabi ko lang. Hindi ako mag-aasawa ng taga Maynila na spoiled brat," aniya at nagpaalam na rin siya sa mga magulang at sa lolo niya. Lalabas sana ng hotel room si Facu ng makarinig siya ng ingay na nagmumula sa labas. Ayaw man sana niyang silipin kung anong nangyayari, pero out of curiosity, binuksan niya ang pintuan. "Makinis na isda," wika ng isang lalaki habang hawak sa dalawang kamay ang isang babae. Sa tingin niya ay lasing ito. Nakaalalay pa sa babae ang kasama pang dalawang babae ang mga ito. Itutuloy na sana niya ang paglabas ng makita pa niya ang pagsunod pang muli ng dalawa pang lalaki na pumasok din sa loob ng hotel room na pinasukan ng mga nauna. Nailing na lang si Facu. "Ang ibang tao talaga na may kaya sa buhay. Masyadong spoiled sa magulang at hindi nila nalalaman ang consequences ng kanilang ginagawa hanggat hindi pa dumarating ang problema," hindi na napigilang komento ni Facu bago tuluyang lumabas ng hotel. Dalawang araw mula ng dumating si Facu ng Maynila, ngayon ay sakay siya ng kotse niya at tinungo niya ang bahay nina Mr. at Mrs. Montecillo. Dala ang regalong mamahaling alak na ipinabibigay ng daddy niya kay Mr. Aleho at ang set ng alahas para kay Mrs. Zenny. Kapapasok pa lang ng sasakyan niya ay sinalubong na kaagad siya ng mag-asawa. Good thing na nakilala siya kaagad ng mga ito. Matapos maibigay ang dalang regalo ay hinila kaagad siya ni Mrs. Zenny papasok sa loob ng bahay para ipakilala ang nag-iisang anak daw nito na si Aloha. Napaismid naman si Facu. "Sinasabi ko na nga ba. Iisa talaga ang likaw ng bintuka ng mga magulang ko at itong magulang ng babaeng iyon," aniya sa isipan habang inililibot ang paningin sa ayos ng bahay. Maganda iyon at halatang mamahalin ang mga kagamitan. Maganda ang pagkakayari ng bahay. Pati ang kulay noon ay nagsusumigaw ng karangyaan. Bagay na kaya din niyang makamit kung nanaisin niya. Pero hindi iyon ang gusto niya. Mas gusto pa rin niya ang bahay-hacienda ng Lolo Fernando niya at ng yumaong Lola Agatha niya. Ilang sandali pa sa kanilang paglalakad ni Mrs. Zenny ay tumigil sila sa tapat ng nakatalikod na dalaga. Nakasuot ito ng itim na may kahabaang gown na humahakab sa katawan nito. Nakalugay ang buhok nitong lampas sa balikat. Habang natatakipan ng mahabang tela ang braso nito. "Aloha, anak," tawag pansin ng ginang ng humarap ang dalaga sa tapat niya. Natigilan naman si Facu sa babaeng kaharap. Hindi siya maaaring magkamali. Ngunit itinikom na lang niya ang sariling bibig. Napailing na lang si Facu. Sa isip-isip niya ay napaismid siya. Para namang nabatubalani si Aloha ng makita ang gwapong mukha ng lalaking kaharap. Sa buong buhay niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. Ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Kinakabahan na punong-puno ng excitement. At hindi siya nakakaramdam ng takot. Parang biglang nawala sa sistema niya ang bagay na iniisip lang niya kanina. Parang sa halip na mabaon sa kumunoy ng pag-aalala sa nangyayari sa buhay niya, ay parang dinala iyon lahat ng hangin dahil sa gwapong lalaking kaharap. "Anak, ito nga pala si Facu, Facundo Agunsilio Alonzo. Ang nag-iisang anak ng Ninong Gabriel at Ninang Celina mo," pakilala ni Zenny. "At nga pala Facu, ang unica hija namin si Aloha, Aloha Zoraida Montecillo, " ani Zenny ng kahit hindi naman naglalahad ng kamay si Facu ay hinagip na kaagad ni Aloha ang kamay niya. "Ang gwapo mo. Kung anak ka talaga ng ninong napakaswerte nila. Napakagwapo ng anak nila," ani Aloha na inisang hakbang naman si Facu at pilit na inabot ang labi nito. Natigilan naman si Facu sa ginawang kapangahasang iyon ni Aloha. Kahit si Zenny ay hindi nakagawang makapagsalita ng halikan ng anak niya si Facu sa harapan niya. "Ngayon may dahilan na ako para hindi magmukmok. Ang gwapo mo talaga. Parang alam ko na kung saan ako palaging pupunta," hindi na napigilang bulalas ni Aloha bago nito iwan si Facu na natutulala sa tabi ng ina nito. Ilang sandaling katahimikan bago pa nakabawi si Facu. Napapitlag pa si Facu ng maramdaman ang tapik ni Mr. Aleho sa balikat niya. "May nangyari ba?" tanong ng ginoo na biglang ikinangiti ng asawa nito. "Meron mahal. Mukhang na love at first sight ang dalaga natin dito kay Facu. Siguradong matutuwa si Gabriel at Celina sa ibabalita ko. Lalo na kay Don Fernando na botong-boto sa anak natin para kay Facu," hindi mapigilang maexcite ng ginang. Base na rin sa boses nito. Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Mr. Aleho kay Facu. "Pagpasensyahan mo na ang asawa ko. Tulad ng mga magulang mo ay gustong-gusto ka ni Zenny para sa anak namin kahit naman ako," walang prenong pahayag ni Aleho kay Facu na ikinatango na lang niya. Hindi na lang siya nagsalita ng isama siya ng mga ito sa hapag at doon ang mag-asawa pa mismo ang nag-asikaso sa kanya. Patapos na siyang kumain ng mahagip ng kanyang mata si Aloha. Sa isang sulok, sa madilim na parte ay nakita na naman niya ang dalaga sa tagpong, ikinahugot na lang niya ng hangin at nag-iwas siya ng tingin. Ngunit nahagip pa rin ng gilid ng kanyang mga mata ang biglang paghila dito ng kung sino man. Napaungol si Facu ng hindi sinasadyang bumahura ang gulong ng pick-up truck sa malalim na hukay sa gilid ng daan. Hindi niya namalayang masyado ng malayo ang tinakbo ng isipan niya. Kaya pati tuloy ang butas sa daan ay hindi niya napansin. Kaysa naman pilitin niya ng pilitin na iahon ang pick-up truck na malabong mangyari ay bumaba na lang si Facu. Sinilip pa niya ang pwesto ng gulong. Sa tingin niya ay nahukay iyon gawa ng ilang araw na pag-ulan. "Wala talagang pag-asa ito. Dito ka muna ha. Pababalikan kita mamaya. Hihingi lang ako ng tulong para maiahon ka," ani Rico sa pick-up truck na wari mo ay sasagot sa kanya. Nang maisarado ni Facu ang sasakyan ay sinubukan na lang niyang maglakad. "Kung minamalas ka namang talaga," hindi niya mapigilang bulalas ng may bumagsak na niyog sa kanyang harapan. "Langya, muntik na ako doon ah!" habol hiningang wika ni Facu ng mapaupo pa siya sa damuhan. Bigla namang lumabas mula sa may gilid ng daan si Mang Kario. Mabilis nitong ibinaba sa lupa ang kawit at siniguradong hindi babagsak. Tinungo kaagad nito ni Facu at tinulugang makatayo. "Naku senyorito pasensya na. Hindi ko po kayo napansin kaya po nagtuloy-tuloy ako ng pangangawit," paliwanag nito na puno ng pag-aalala. "Nasaktan po ba kayo? Nasaan po ang pick-up ninyo? Bakit po kayo ay naglalakad?" anito na ikinabuntonghininga niya. "Naroon po sa may daan. Nabalaho ho, Mang Kario. Hindi ko napansin ang butas sa gilid ng daan at doon ako nabatangal." "Ganoon ba senyorito. Ay sige po at pagdumating ang mga kasamahan ko ay pagtutulong-tulungan na lang po naming iahon ang pick-up ninyo. Nakita ko na kanina ang butas na iyon senyorito. Wala lamang akong pala para makakuha ng panambak. Pero mamaya gagawan po namin ng paraan," ani Mang Kario na lubusang ipinagpasalamat ni Facu. "Salamat po Mang Kario." "Naku senyorito kami ang dapat magpasalamat sa iyo. Kahit kami ay tauhan lang dito sa hacienda ninyo ay hindi naman ninyo kami itinuring na iba." "Syempre, wala ho ang hacienda kung wala kayo. Kaya ako pa dapat ang magpasalamat. Sige po, tutuloy na muna ako. Ito po ang susi," ibinigay naman ni Facu kay Mang Kario ang susi ng pick-up truck. "Kayo na po ang bahala. Isunod na lang po ninyo sa taniman ng talong doon po ako magtutungo ngayon." "Sige po at ipapasunod ko na lang po sa anak ko," sagot ni Mang Kario at tuluyan ng nagpaalam si Facu. Pagdating sa taniman ay nakita niya ang ilang mga kababaihan na siyang namimili ng mga magagandang klase ng talong. Ang iba naman ay siyang nagpapake at ang mga kalalakihan naman ay nasa loob pa ng talungan na siyang namumuti ng mga ito. "Magandang umaga po sa inyo," bati pa niya at binati din naman siya ng mga ito. "Senyorito, hindi na kami nakapagpaalam sa iyo. Tulog ka pa kanina eh. Sabi naman ni Ms. Aloha siya na bahala sa iyo at siya na daw magluluto. Kumain ka na po?" tanong ni Ale ng makalapit si Facu sa pwesto ng mga ito. "Oo tapos na, ay kayong dalawa?" "Nagkape lang po." "Bakit? Umuwi muna kayo. Baka mamaya magkasakit pa kayong dalawa. Sige na uwi na. Sol," utos ni Facu at hindi naman natinag ang dalawa. "Mamaya na senyorito. Promise pag nagutom kami ni Ale uuwi na kami." Wala namang nagawa si Facu sa katigasan ng ulo ng dalawa kaya napatango na lang siya. Nagtungo na lang siya sa namumuti ng talong at nakitulong siya. Dahil sa kwentuhan ng mga naroroon ay nakalimutam nila ang oras. Dinala na rin ng anak ni Mang Kario ang pick-up truck niya doon. "Lunch time! Honey bunch, sugar baby ," malakas na sigaw ni Aloha kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat ng naroroon. Narinig pa ni Facu ang tuksuhan ng mga kasama nilang naroroon. Kaya napailing na lang siya. Kasunod nito si Ate Merly na may dalang katamtamang laki na water jug. Habang si Aloha ang may bitbit ng may kalakihang basket sa isang kamay at may nakasabit pang eco bag sa kabilang balikat. "Ang ginagawa mo ditong Pinya ka?" bulalas ni Facu ng makalapit ito sa kanya. "Dinalahan kita ng pagkain. Hindi lang ikaw lahat sila," nakangiting sagot ni Aloha at kinawayan pa ang ilang trabahador pati na rin si Ale at Sol. Sa ilang beses na pabalik-balik ni Aloha sa hacienda ay kilala na rin siya ng mga tauhan na taga roon. "Hindi naman ako nagpapadala ng pagkain sa iyo," may diing wika ni Facu na mahahalata ang pagkainis. "Kung ayaw mong kumain ng dala ko di wag mo," ani Aloha at nilampasan na si Facu. Nang maipatong ni Aloha ang basket na dala at eco bag sa bakanteng lamesa doon ay muling binalikan ni Aloha si Facu sa pwesto nito "Anong sinabi mo? Di ba sinabi kong huwag mo akong kapestehin." "Hindi naman kita penepeste, medyo nag-iinarte ka lang. Kung ayaw mo ng pagkaing dala ko, pwede namang ako ang kainin mo," bulong ni Aloha na halos maeskandalo si Facu sa narinig. "Kababae mong tao ang bibig mo." "Kaya ko nga binulong sa iyo ng ikaw lang ang makarinig. Kain na, lalamig ang niluto ni Ate Merly. Si Ate Merly ang nagluto kaya kumain ka na. Sumabay ka na sa kanila. Huwag iyang akala mo lumaki ka sa panahon ng Kastila ang conservative." "What!" hindi na napigilang bulalas ni Facu. "Whatever," sagot ni Aloha ng abutin nito ang labi ni Facu. Wala namang nakakita at busy na ang lahat ng naroon sa pagkaing inihahayin ni Merly. Iniwan na niya si Facu na hindi na naman nakapagreact. "Pambihira," naibulalas na lang ni Facu habang kinakalma ang sarili. "Aba't nakakarami ng talaga ang Pinyang iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD