Chapter 3

1867 Words
Masayang nakikipagkwentuhan si Aloha sa mga tauhan ng hacienda. Wala ring arte sa pag-upo sa malaking batong nasa tabi ng lamesa na siyang pinagbabagsakan ng pipiliing mga magagandang uri ng talong. Hindi man lang niya nakitaang ngumiwi ito sa amoy ng mga kababaihang katabi nito. Alam niya ang amoy ng mga nagtatrabaho sa farm. Amoy araw dahil na rin sa pawis. Kahit naman siya ay ganoon rin pag sobrang napapagpawisan. Pero ang spoiled brat na si Aloha, para normal lang dito ang ganoon. Bagay na hindi niya mapaniwalaan. Napailing na lang si Facu. "Malamang wala siya sa lugar nila kaya kailangan niyang makisama," ani Facu sa isipan. "Hon, sandali," pigil sa kanya ni Aloha na hindi rin naman niya malaman sa sarili kung bakit itinigil niya ang pagtalikod at paghakbang. "May dala akong pamalit mo. Hindi ka naman nagdala kanina ng umalis ka pawisan ka na oh," malambing na saad ni Aloha ng kunin na lang niya ang pamalit na dala nito. Bago niya pinitik sa noo ang dalaga. "Aray namang Pako ka! Ang sakit ha," reklamo ni Aloha, pero tinawanan lang ni Facu. "Kung nababansiwan ka na pala sa amoy ko ay huwag kang lapit nang lapit sa akin. Hindi iyong amoy ko ang mag-aadjust para sa iyo. Salamat sa pamalit," ani Facu at tinalikuran na si Aloha. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Kahit amoy paksiw ka pa ay palagi kitang aamuyin. Huwag ka lang matuyuan ng pawis. Baka magkasakit ka pa," paliwanag naman ni Aloha. "Oo na lang Pinya. Thanks. Happy?" "Yup! Basta ikaw hon," sagot ni Aloha kaya napailing na lang si Facu. Dinala naman muna saglit ni Facu ang damit na bigay ni Aloha sa pick-up truck, bago siya muling pumasok sa taniman ng talong para tumulong sa pamumuti ng mga ito. Hindi pa nakakalayo si Facu ng ilang sandali pa ay nakarinig siya ng dagundong ng biglang bumagsak sa kanyang likuran. Doon niya nakita si Aloha na nakasubsob sa maputik na lupa ng talongan. Napahilot na lang ng noo si Facu bago nilapitan ang dalaga. Mabuti na lang at akma ang suot nito sa kung saan ito naroroon. Nakasuot ito ng medyo makapal na jogging pants para hindi mangati. Matataas ang damo sa paligid ng farm at makati pa ang dahon ng talong lalo na at medyo may hamog pa ito. Tapos ay nakasuot ito ng race long sleeve na siyang malimit isuot ng mga tauhan niya sa farm. Hindi malaman ni Facu kung maaawa ba siya sa itsura ni Aloha o matatawa. "Anong ginagawa mo dyan Pinya?" tanong ni Facu na hindi na napigilan ang pagtawa. Maawa man siya kay Aloha pero sa itsura nitong nababalutan ng putik ang mukha ay hindi niya mapigilan ang totoong nararamdaman niya. "Pinagtatawanan mo ako hon," ani Aloha na maiiyak na. Sa totoo lang nasaktan siya sa pagkakabagsak niya. Gusto lang naman niyang tumulong sa pangunguha ng talong kaya lang sa pagsunod niya kay Facu ay hindi niya napansin ang nakausling bato. Kaya ayon, bigla na lang siyang natalapid at hindi na kinaya ng kamay niya na mapigilan ang katawan niyang bumagsak sa lupa. Kaya tuloy pati mukha niya sumubsob sa putik. "Hindi. Umiiyak nga ako kasi nakita kita sa ganyang kalagayan. Nasaktan ka ba?" sagot ni Facu habang pinipigilan na ang sariling pagtawanan si Aloha. "Hindi. Feel na feel ko nga ang lupa. Kita mo ba ang mukha ko? Ang sarap nga. Parang ngang rejuvenating cream itong putik. Bagay na bagay sa mukha ko," may pagkasarkastikong saad ni Aloha at pinipilit na ignorahin ang sakit sa palad at tuhod niya. Tutulungan sana ni Facu na makabangon si Aloha ng tabigin ni Aloha ang kamay niyang ihahawak sana niya sa braso nito. Natigilan naman si Facu. Hindi naman niya intensyon na masaktan ang damdamin ni Aloha. Hindi rin naman niya sinasadya na pagtawanan niya ito. "P-Pinya," ani Facu ng pilitin ni Aloha na makatayo ng mag-isa. "A-ayos ka lang?" nag-aalangan pang tanong ni Facu na ikinatango ni Aloha. "Ayos lang ako. Promise," sagot na lang ni Aloha para pagtakpan ang pagkapahiya. Gamit ang manggas ng damit ay pinunasan ni Aloha ang mukha. Bago walang imik na tinalikuran si Facu. "Aloha," tawag muli ni Facu pero hindi na iyon sinagot ni Aloha. "Ms. Aloha!" narinig pang tawag ng mga kababaihan kay Aloha. Susundan sana niya si Aloha ng sumagot ito sa mga tumawag dito. "Nadumihan ako. Uuwi muna ako sa bahay," mahinahong sagot ni Aloha kaya naman kahit papaano ay napanatag si Facu. "Siguro ay talaga lang nagtampo," bulong ni Facu sa sarili na ipinagkibit balikat din niya. Isang beses pa niyang tinawag ang papalayong bulto ni Aloha. Pero hindi na ito lumingon o sumagot man lang. Kaya tuluyan na siyang bumalik sa loob ng talongan. Para ituloy ang naudlot na dapat ay kanyang gagawin. Alas dos na ng hapon ng matapos sila sa pagpapake ng lahat ng mga maputing talong. Naroon na rin ang truck na siyang magdadala ng talong patungong Maynila. Ang ibang talong na may kaunting sira pero mapapakinabangan pang talaga ay pinaghati-hatian ng mga naroroon. "Senyorito magdala po kami ng talong magluluto po ako nito mamaya. Bumili akong alamang," paalam ni Merly na ikinatango lang ni Facu. "Hindi na bumalik si Ms. Aloha," puna ni Sol na sinang-ayunan ng dalawa. "Baka napagod na rin. Hindi naman kami sumakay kanina papunta rito at walang dumaang tricycle. Kaya naglakad lang kaming dalawa," pahayag ni Merly. Nakaramdam tuloy ng guilt si Facu sa narinig. Pinagtawanan pa niya si Aloha kanina ng sumubsob ito sa putikan. Hindi naman niya intensyon na pagtawanan ito. Kaya lang hindi niya mapigilang matawa. For the first time mula ng makilala niya si Aloha, doon lang talaga niya napansin ang ka-cute-an ni Aloha. Ang maganda nitong mukha na nabalutan ng putik. Naglakad na lang siya patungong pick-up, at nauna na sa tatlong kukuha daw ng talong. Pagbukas niya ng pintuan ng driver seat ay nakita niya ang damit na dinala ni Aloha sa kanya. Basang-basa na rin naman siya ng pawis kaya naman nagpalit na rin siya ng damit. Sa likod na rin ng truck sumakay sina Merly, Ale at Sol. Habang nagmamaneho pauwi ng bahay-hacienda ay hindi maiwasang isipin ni Facu kung paanong hihingi ng paumanhin kay Aloha. Alam naman niyang may kasalanan siya sa dalaga. Malapit na sila sa bahay ng bigla na namang umulan. Lalo tuloy magpuputik ang daan kung ganoon. Pasalamat na lang at nakatapos sila sa pamumuti ng talong. "Ate Merly may payong dyan sa gilid sa parteng kanan. Gamitin ninyo pagbaba ng hindi kayo mabasa." "Sige po senyorito, ay paano ka?" "Ayos lang ako Ate Merly, kayo na ang gumamit niyan," ani Facu at mabilis na tinakbo ang bungad ng bahay. Nanggilid ng tabihan si Facu para makapunta sa may kusina. Sa likod bahay naroon ang sekretong taguan ng susi sa pintuan ng kusina. Siya na rin ang nagbukas ng pinto. Puro lang katahimikan at patak lang ng ulan ang kanyang naririnig ng makapasok siya. Halos kasunod na rin niyang pumasok ng bahay ang tatlong babae. "Senyorito sopas gusto mo?" "Masarap yan Ate Merly. Aakyat lang ako at maliligo na rin muna. Pero mukhang masarap matulog." "Sige po senyorito, magluluto na lang muna ako. Pagtulog ka mamaya hindi na lang namin gigisingin." "Okay," sagot ni Facu at tumuloy na sa pag-akyat sa ikalawanag palapag sa kwarto niya. Papasok na sana si Facu sa sariling silid ng maalala niyang kumustahin si Aloha. Pagpihit niya sa doorknob ng kwarto nito ay nakahinga siya ng maluwag ng hindi naman iyon naka lock. Ngunit wala ang dalaga sa loob. Hindi na rin naman siya nangahas na katukin ito sa banyo kaya sa halip ay isinara na lang niyang muli ang kwarto nito. Nakaligo at nakapagpalit na rin ng damit si Facu. Siguro ay gawa na rin ng malamig na panahon ay nakatulog siya kaagad ng mailapat niya ang katawan sa malambot niyang kama. Pakiramdam ni Facu ay kulang na kulang ang tulog niya. Mula sa bubog na bintana ay kitang-kita pa rin niya ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kitang-kita rin niya ang madilim na kalangitan kahit alas kwatro pa lang ng hapon. Gusto pa rin sana niyang bumalik sa pagtulog ngunit hindi naman siya patulugin ng ilang sunod-sunod na pagkatok at pagtawag sa pangalan niya. Gusto man niyang mainis sa tumatawag sa kanya ay pinilit niyang kalmahin ang sarili. Siya lang ang lalaki sa bahay na iyon at nasa kung saang panig ng mundo ang mga magulang at lolo niya. Kaya kailangan niyang pakisamahan ang tatlong katulong na naiwan sa kanya. Pagbukas niya ng pintuan ay mukha nga ng tatlong babae ang nakita niya. "Ate Merly akala ko ba hindi ninyo ako gigisingin kung tulog pa ako? Pwede rin po kayong magpahinga at malakas ang ulan. Ang sarap pong matulog," maktol ni Facu pero iniiwasang mairita. "Iyon na ng po senyorito, malakas ang ulan. Kaya lang ng puntahan namin si Ms. Aloha sa kwarto niya ay wala ito doon. Tatawagin lang sana namin para magmeryenda at nakaluto na ako ng sopas. Pero wala talaga sa kwarto niya kahit sa banyo," paliwanag ni Merly. Natigilan naman si Facu at pinipilit ang kombinsihin ang sariling nasa loob lang ng bahay si Aloha. "Sa ibang kwarto. Baka po naroon." "Senyorito wala po sa lahat ng guestroom sa ibaba. Kahit po sa library ay wala," ani Ale na sumabat na. "Ganoon rin po dito sa taas. Itong kwarto po ninyo ang last na pinuntahan namin," paliwanag naman ni Sol. Bigla namang hindi maipaliwanag ni Facu ang kabang nararamdaman. Wala namang masama kung palagi silang nagbabangayan ni Aloha. At ilang beses na nga niyang itinaboy ito. Ngunit sa lahat ng pagtataboy niya ay nagpapaalam ito, at magsasabing babalik muli. Pero ngayong totoong nawawala ito at alam ng lahat na nasa pangangalaga niya ito ay bigla na lang siyang binalot ng kaba. "Ang sasakyan niya?" "Nasa garahe senyorito, ang susi po ay naroon pa rin po sa mga sabitan," ani Merly na mas lalong nagpadagdag kaba kay Facu. Halos nasa apat na oras ng nawawala si Aloha mula ng umalis ito sa talongan. Hindi tuloy malaman ni Facu kung saan ito hahanapin lalo na at wala naman itong ibang napupuntahan maliban sa farm at sa paligid lang ng bahay-hacienda. "Fvck!" napamura na lang si Facu ng tawagan niya ang cellphone ni Aloha. Tumunog nga ito ngunit nakapatong naman ito bedside table sa kwartong ginagamit nito. "Ate Merly kayo na muna ang bahala dito. Hahanapin ko si Aloha. Tawagan ninyo ako pag-umuwi na siya dito." "Senyorito sasama ako," ani Sol na tinanggihan ni Facu. "Malakas pa ang ulan senyorito. Kami man ay nag-aalala kay Ms. Aloha. Kaya hayaan mo na kaming sumama ni Sol," sabat naman ni Ale. "Ate Merly, Sol, Ale, ako na lang ang hahanap kay Aloha. Basta pag dumating siya tawagan ninyo ako. Ako ng bahala." Gusto mang sumama nina Sol at Ale ay wala na rin silang nagawa ng hindi sila pinayagan ni Facu. Sunod-sunod naman ang panalangin nilang sana ay nasa mabuting kalagayan si Aloha. Nagsuot na lang si Facu ng kapote para mas madaling kumilos sa paghahanap sa dalaga. "Napakapasaway talaga ng Pinyang iyon," ani Facu. Pero sa kaloob-looban niya ay pinangungunahan siya ng takot at kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD