Chapter 1

1835 Words
Kapapasok lang ni Facu ng banyo ng marinig niyang may nagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto. Napailing na lang siya sa isiping pinasok na naman siya ng makulit na intruder sa mga oras na iyon. Sa halip na magmadali sa pagligo ay ibinabad niya ang sarili sa ilalim ng dutsa. Gustong-gusto niya ang magbabad sa ilalim ng shower habang may maligamgam na tubig na pumapatak sa kanyang katawan. Namimiss niya ang kanyang kabataan. Habang tumatakbo sa ilalim ng malakas na ulan at naririnig ang sigaw ng kanyang Lolo Fernando na pinapapasok na siya sa loob ng bahay at baka magkasakit pa siya. Pero sa halip na maligo kaagad ay nagtutungo siya sa banyo at doon nagtatampisaw sa ilalim ng shower. Nakabantay pa noon sa kanya ang kanyang yaya. Na ngayon kahit kailanman ay hindi na niya makikita. Limang taon na rin ang nakalilipas ng pumanaw ito. Ang naiwan na lang nito sa bahay nila ay ang kanyang si Ate Merly na nag-iisang anak ng yaya niya. Hindi namalayan ni Facu na ang pag-upo niya sa ilalim ng maligamgam na tubig ng shower ay makakapagpaidlip sa kanya. Nagising na lang siya sa isang tawag at malakas na pagkatok. "Hon, ano bang ginagawa ko pa dyan sa banyo natutulog? Halos lumamig na itong dala kong pagkain sa iyo eh. Gumising pa naman ako ng maagap para lang dalahan ka ng isang breakfast in bed," ani ng malambing na tinig na ikinailing niya. "Speaking of nakatulog. Literal talaga. Nagising lang ako sa pagkatok mo. Sinabi ko bang dalahan mo ako ng pagkain sa kwarto ko? Kaya kong bumaba ng mag-isa sa kusina at kumain. Hindi ko kailangan niyang ginagawa mo," pabalik na sagot na sigaw ni Facu bago tuluyang ipinagpatuloy ang pagligo. Napanguso naman si Aloha sa narinig na sigaw ni Facu. "Kailan kaya siya sasagot ng may halong paglalambing. Ang talas magsalita. Hindi man lang namana ang lambing ni Ninang Celina at Ninong Gabriel," reklamo ni Aloha na hindi napansing nakalabas na si Facu sa banyo. "Naririnig kita," anito na ikinapitlag niya. "Bakit ka ba nanggugulat?" "For your information Pinya, you're the invader in my room. Tapos ako pa ngayon ang nanggugulat. Get out magbibihis ako," taboy ni Facu. Saka lang napansin ni Aloha na nakatapis lang ng towel ang ibabang bahagi ni Facu habang ang dalawang kamay nito ay may hawak din towel na ipinantutuyo nito ng buhok. "Nakatatlong lunok ka na. Kahit pa maubos ang laway mo hindi malalaglag yang towel sa baywang ko. Labas na isama mo na iyang mga pagkaing inihanda mo," walang prenong saad ni Facu na ikinatingin ni Aloha sa dala niyang pagkain para sa breakfast ni Facu. "A-ayaw mo talagang tikman? A-ako ang nagluto ng lahat ng iyan." Kahit gusto na niyang maiyak ay pinasigla pa rin ni Aloha ang tinig niya. Huwag lang siyang masabihan pa ng kung anu-ano ni Facu. "Simpleng sinangag, lang iyang niluto mo. Bacon, hotdog at itlog, ready to cook at hindi mahirap lutuin. Normal na pagkain sa umaga. Kaya wag ako Pinya. Kahit ako ay kaya kong lutuin iyan," pangmamaliit pa ni Facu na ikinahugot ni Aloha ng paghinga. Tumawa siya ng tipid bago nagsalita. "B-baka l-lang m-makakalusot. I-kaw n-naman ang harsh mo t-talaga." Halos mabasag ang boses ni Aloha, pero pinigilan pa rin niyang huwag umiyak. Mahal niya si Facu eh. "B-bahala ka na nga. Ilalabas ko na nga ito. Sungit!" ani Aloha na hagya ng nabawi ang mga hikbi. Akmang lalabas na si Aloha ng pintun ng hawakan ni Facu ang kamay niya. "Leave the coffee," ani Facu at mabilis na dinampot ang kape na nakapatong din sa tray na dala ni Aloha. Iyong pinipigilan niyang pag-iyak ay biglang naglaho at napalitan ng malawak na ngiti. "Enjoy the coffee hon," ani Aloha at mabilis na ninakawan ng halik sa labi si Facu. Hindi naman kaagad nakapagreact si Facu sa naging mabilis na kilos ng dalaga. Natauhan lang siya ng biglang sumara ang pintuan. "Pinya!" malakas niyang sigaw hanggang sa marinig niya ang malakas na paghagikhik nito. Nailing na lang si Facu at hinigop na lang ang kape na hindi na ganoong kainit sa mga oras na iyon. "Hay mabuti na lang masarap," puri niya sa kape bago muling ipinagpatuloy ang naudlot na pagbibihis. Pagkababa ni Facu sa kusina ay mabilis niyang hinanap si Ate Merly. Ngunit hindi niya ito nakita. Bagkus ay ang nakita niya ay si Aloha na nasa harap ng kalan at may kung anong niluluto na naman. "Nasaan si Ate Merly?" tanong ni Facu na muling ikinapitlag ni Aloha. "Kanina ka pang nanggugulat. Gusto mo ba talaga akong magkasakit sa puso?" reklamo ni Aloha habang ngingitingiti lang si Facu. "That's good! Para naman tigilan mo na iyang kalokohan mong panliligaw. Panliligaw my a*s," ani Facu na ipinagkibit balikat lang ni Aloha. "Napakasungit mo na nga. Napakareklamador mo pa. Hindi naman ikaw ang nahihirapan at hindi naman ikaw ang nagmumukhang tanga. Kaya huwag mo ng pansinin ang mga paghihirap ko para lang sa iyo. Tumatanggap na nga ako ng insulto mo. Nilulunok kong lahat iyon. Kung ang ibinibigay mo na lang sa akin ay oo mo. Di mas mabuti, hindi iyong mga lait mo." "So inamin mong katangahan lang talaga iyang mga ginagawa mo? Alam mo namang walang magiging katugon?" "Iyang bibig mo talaga parang labahang bagong hasa. Ang talas-talas ang talim-talim nakakasugat. Kumain ka na nga lang. Ang arte-arte mo pa eh. Dinalahan ka na nga ng breakfast in bed. Breakfast in the kitchen pala ang gusto mo," sagot ni Aloha at hindi na lang pinansin ang mga sinasabi ni Facu. "Nasaan ba si Ate Merly? Sina Ale at Sol? Kakain lang ako kung luto nila," may diing saad ni Facu. "Okay, di maghintay ka hanggang sa dumating sila. Si Ale at at Sol nasa farm. Nakikiharvest ng mga gulay. Nasa palengke si Ate Merly at namimili ng mga karne at iba pang sangkap. Kung ayaw mo ng luto ko, huwag kang magbreakfast ang arte nito," padabog na saad ni Aloha na sa halip ilagay sa plato ang nilutong tocino ay inilagay niya iyon sa isang airtight container at mabilis na lumabas ng kusina. Nahabol na lang ni Facu ng tingin ang dalaga. Sa tingin niya ay nasobrahan din siya sa pagsasalita dito. Bigla tuloy siyang natakam sa tocino. Sabi ni Ate Merly ay wala itong nabiling tocino at longganisa sa palengke. Sa totoo lang iyon talaga ang paborito niyang ulam sa sinangag sa umaga. Pero ng makita niyang tocino ang inilagay ni Aloha sa airtight container ay parang gusto niya itong pigilan at sabihing saluhan siya sa pagkain. Hindi tuloy malaman ni Facu kung paano lalapitan si Aloha. Nasa labas ito sa may garden. Nakita pa niya ang pagtaas at pagbaba ng balikat nito. Sa tingin niya ay umiiyak ang dalaga. Bigla tuloy nanghina si Facu. Isa talaga sa ayaw niya ay ang makakita siya ng babaeng umiiyak. Kahit pa gaano siya kainis sa dalaga. Ayaw naman niyang makita itong umiiyak. Mas gusto pa rin niya itong makita na palaging sumasagot at galit. Napabuntonghininga siya bago kinuha ang atensyon ni Aloha. "Anong ginagawa mo dyan Pinya," aniya kahit alam naman niya sa sarili niyang umiiyak ito. "Kumain ka na ba? Hindi ka ba nagugutom. Isa pa hindi mo naman sinabing tocino pala ang niluluto mo di sana kahit hindi luto ni Ate Merly ay kumain ako. Gusto ko rin sana ulit ng kape. Pero kung ayaw mo ay di---," hindi natapos ni Facu ang sasabihin ng walang ilang segundo ay nasa harapan na niya si Aloha at malawak na nakangiti sa kanya. "Walang problema hon. Wait me here. Dito ka na magbreakfast para maaliwalas. Hindi pa rin ako kumakain. Sabi ni Ate Merly ay magtutungo ka ngayon sa farm kaya maaga akong nagluto. Pero hindi bali. Sandali lang kukunin ko lang ang tocino at iyong inihanda ko sa iyo kanina. Iinitin ko lang ng mabilis na mabilis. Habang ipinagtitimpla kita ng kape." Wala ng naimik si Facu at nasundan na lang niya ng tingin ang masiglang-masiglang si Aloha. "Parang panahon lang. Ang bilis magbago," napailing na lang si Facu. Iyong kanina lang ay babaeng umiiyak ngayon naman ay babaeng walang mapagsidlan ng kaligayahan. Hindi maipaliwanag ni Aloha ang saya ng maubos ni Facu ang mga pagkaing inihayin niya dito lalo na iyong tocino. Hindi niya akalaing magugustuhan nito iyon. "Ayos lang ba ang kain mo?" tanong ni Aloha kahit alam naman niya ang sagot. "Nagtanong ka pa talaga. Alam mo naman ang sagot," pabalang na sagot ni Facu. Napaismid na lang si Aloha. "Para nagtanong lang naman. Ang sungit mo talagang Pako ka. Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo. Pako matulis, nakakasugat." "It's Facu not Pako." "Ay bakit ako? It's Aloha hindi Pinya. Ano ako burger?" mataray niyang sagot. "Whatever," baliwalang sagot ni Facu na ikinairap lang ni Aloha. "Pag ako pwedeng laitin ang pangalan pag siya hindi. Napaka unfair talaga ng sungit na ito," bulong pa ni Aloha. "By the way, akala ko ba walang nabiling tocino si Ate Merly noong nakaraan. Bakit may naluto kang tocino? Isa pa bakit mas masarap iyon sa pangkaraniwan kong nakakain?" Halos mamula naman ang pisngi ni Aloha sa sinabing iyon ni Facu. Hindi niya akalaing mapapansin iyon ng binata. "A-ano kasi. Recipe ko iyon. A-ako ang gumawa. Pinag-aralan ko iyon bago ako nagtungo dito. Mula ng malaman kong gusto mo ang tocino at longganisa pinag-aralan ko ng lutuin iyon. Pero kanina ko lang sinubukan kasi ayaw mo ng bacon at hotdog kaya naman sinubukan ko. Salamat at nagustuhan mo," nahihiyang pag-amin ni Aloha kaya napayuko na lang siya. "Sige hahayaan kitang magluto at kakain ako ng niluluto mo. Pero huwag mo akong gaanong pestehin. Maliwanag? Salamat sa breakfast," ani Facu at tumayo na. Napatunghay naman si Aloha at hindi makapaniwala sa narinig. "Talaga?" aniya na ikinatango ni Facu. "Basta bawasan mo ang pamemeste mo." "Okay bawasan lang naman eh," ani Aloha na abot tainga ang ngiti. Nailing na lang si Facu. Natitigan na lang ni Aloha si Facu ng ubusin nito ang kape nitong nasa tasa. Hindi naman napigilan ni Aloha ang sariling lapitan si Facu. At sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay nagawa niyang nakawan ng halik si Facu. "Sige na alis na. Tanghali ka na. Ingat ka, love you my Facu," taboy ni Aloha sa natigilang si Facu. Naglalakad na papalayo ay nakailang tingin pa si Facu sa kanya na parang naguguluhan. Mabuti na lang at naglakad na ito ng tulot-tuloy paalis. Nakahinga naman ng maluwag si Aloha. "Mabuti good mood. Hindi napansin ang sinabi ko," napahagikhik pa siya. "Kung hindi lagot ka na namang Aloha ka sa sungit na iyon," aniya habang naroon ang ngiting tagumpay sa kanyang labi. Nasundan na lang ng tingin ni Aloha ang papalayong binata. Hindi talaga mawala ang ngiti sa labi niya. "Ang pakipot mo, pero pagkain lang talaga ang makakapagpaamo sa iyo. Habang ang isang halik ko, napapatigil ko ang mundo mo. Sa tingin ko," ani Aloha na kinikilig pa. Habang masayang nililigpit ang pinagkainan nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD