Chapter 5

2029 Words
Hindi malaman ni Facu kung ano ang gagawin niya. Ilang beses ninyang sinubukang bumaba ng bangin ngunit nag-aalangan siyang baka pag dumulas din siya. At sa halip na mailigtas niya si Aloha ay pareho pa silang madisgrasya. Iniisip din niya kung paano siya makakaakyat pag nasa baba na siya. Gayong napakadulas ng damuhan na nasa gilid ng bangin na siyang kinadulasan ni Aloha. "Aloha," sigaw niya habang sinisipat ang pwesto ng dalaga. Nakadapa ito at hindi gumagalaw na lalong nagbigay kaba sa kanya. "Aloha, please hold on! Babalik ako. Please wait for me. Pilitin mong huwag mawalan ng malay. Pinya! Mabilis lang ako," sigaw ni Facu at mabilis na umalis sa lugar. Dahil doon naman siya lumaki ay alam na alam ni Facu ang pasikot-sikot na daan. Lakad takbo ang kanyang ginawa ng wala pang sampung minuto ay narating niya ang likurang bahagi ng bahay-hacienda. "Ate Merly!" sigaw ni Facu na mabilis namang narinig ng kasambahay. "Nakita mo na si Ms. Aloha, senyorito?" tanong ni Merly ng lumapit din ang dalawa pa. "Sol, pakikuha ng lubid sa bodega. Iyong malaki na pinakamahaba. Bilisan mo," utos ni Facu na hindi na nagawang magtanong ni Sol at basta na lang sumunod. "Ate Merly, pakihanda ng makapal na jacket ko. Pakikuha sa damitan ko. Ale, tumawag ka ng doktor. Sabihin mo pumunta dito sa bahay ngayon na." Walang sino man sa tatlo ang nangahas na magtanong. Mabilis na lang silang sumunod. "Ate Merly, suotin mo iyong kapote samahan mo ako. Nakita ko na si Aloha, nahulog siya sa may bangin," ani Facu na ikinasinghap ng tatlo. "Senyorito, ayos lang ako. Ikaw na ang magsuot niyan." "Huwag ng matigas ang ulo. Isuot mo na," walang nagawa si Merly kundi ang sumunod. "Sasama kami ni Ale, senyorito," sabat ni Sol na nakasuot na ng sumbrero at parehong nakasuot na rin ng kapote. Hindi na siya nakipagtalo pa. Mabilis nilang hinayon ang pick-up truck at doon sila sumakay. Kahit naman pangit ang daan at maputik ay makakaya ng truck na makadaan. Nasa limang minuto lang ang kanilang biniyahe ng marating nila ang bangin kung saan nakita ni Facu si Aloha. Hindi naman nagawang makapagsalita ng tatlo sa kalagayan ng dalaga. Ang ipinagpapasalamat na lang nila ay hindi mabato ang bangin na iyon, at hindi rin naman kalaliman. Doon ipinapastol ang mga baka. Ngunit pag ganoong maulan ay napakadulas ng parteng iyon. At hindi maaaring puntahan. Dahil dudulas kang talaga paibaba. Pagkababa ng pick-up up truck ay mabilis na bumaba si Facu at hinagip ang lubid na dala nila. Itinali niya iyon sa isang malaki at matibay na puno sa gilid ng bangin. "Ate Merly, susubukan kong bumaba," ani Facu habang ang isang dulo ng lubid ay itinatali niya sa kanyang baywang. "Pagtulong-tulungan ninyong hilahin ang lubig pag nakuha ko na si Aloha," utos ni Facu na ikinatango na ng tatlo. Mabilis na nagpadulas si Facu pababa sa bangin. Nakatingin at nakaabang naman ang tatlong babae sa itaas. Kahit malakas ang ulan ay wala ng pakialam ang mga ito. Ang nasa isip lang nila, ay ang kalagayan ni Aloha na sana ay ligtas ito. "Pinya," ani Facu ng maitihaya si Aloha. Pinagmasdan niya mukha nito. Wala naman siyang nakita sugat ko kung ano mang gasgas. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Siguradong poproblemahin pa ni Aloha ang mukha nito kung magkakaroon iyon ng gasgas. "Wake up, Aloha," tawag niya sa pangalan ng dalaga, pero wala pa ring respose si Aloha. Doon na pinulsuhan ni Facu ang dalaga. Halos mabagal ang pagtibok ng puso nito. "Aloha, wake up," paulit-ulit na saad ni Facu na hindi malaman ang gagawin. Niyakap niya ng mahigpit si Aloha para maiparamdam sa dalaga na nasa tabi lang siya nito. "Aloha wake up. Don't scared me to death." Hindi na malaman ni Facu ang gagawin. Hanggang sa ilapat ni Facu ang labi niya sa labi ni Aloha. Ilang beses niyang hinalikan ang labi ni Aloha. Wala siyang pakialam kung ano man ang isipin ng dalaga. Ang kailangan lang ay magkamalay ito bago sila makaakyat sa itaas ng bangin. "Pinya. Huwag mo naman akong takutin ng ganito. Oo nga at palagi kitang pinapalayas, tuwing narito ka. Pero huwag namang ganito. Gumising ka na. Pangako ako ang magbabantay sa iyo. Ako ang mag-aalaga sa 'yo habang hindi pa maayos ang pakiramdam mo. Gumising ka lang," ani Facu na hindi na talaga niya alam ang gagawin. Nakahiga sa kandungan niya si Aloha habang yakap-yakap niya at patuloy na hinahalikan sa labi. Halos maiyak na rin si Facu ng maramdaman niya ang pagtugon ni Aloha sa mga halik niya. "Pinya," ani Facu ng ilayo niya ang labi niya sa labi ni Aloha. "F-Facu, natatakot ako. M-may s-sawa, b-baka maabutan niya ako." Bigla na lang umiyak si Aloha na ipinagtaka ni Facu. Ramdam na ramdam din niya ang panginginig ng katawan ng dalaga. Totoong natatakot ito. "Walang sawa Pinya." "M-meron F-Facu. Nakadagan iyon sa p-paa ko kanina. W-wag mo akong iiwan. N-natatakot ako," umiiyak pang sumbong ni Aloha. Halos madurog naman ang puso ni Facu sa nararamdaman niyang panginginig sa takot ni Aloha. Isama pa ang kanina pa itong nababad ng ulan. "Narito na ako ha. Tahan na. Huwag ka ng matakot. Hmm. Kailangan nating makaakyat dito. Alam kong nilalamig ka na. Kaya naman iuuwi na kita sa bahay ha." "H-hindi mo ako iiwan?" tanong ni Aloha na kahit umuulan nakita ni Facu ang pagbagsak ng luha ng dalaga sa mga mata. "Hindi kita iiwan. Pangako. Pero kailangan ko ang lakas mo. Hindi tayo mahihila nina Ate Merly, Sol at Ale kung buhat kita. Kaya mo bang ilakad ang mga paa mo?" "I think so. Kanina noong marinig ko ang boses mo ay sinubukan kong makatayo pero wala ka na. Tapos ang isang kamay ko lang ang hindi ko maigalaw. Kaya dumulas ulit ako at nasubsob dito tapos siguro nawalan ulit ng malay," paliwanag ni Aloha na kahit papaano ay mas mabuting hindi napinsala ang paa ng dalaga. Inalalayan niyang makatayo si Aloha. Nakayakap siya sa baywang nito ng paakyat na sila ay ipinahila na nila sa tatlong babae sa itaas ang tali. Habang hinihila ng mga ito ang taling nakapulupot sa baywang ni Facu ay pinipilit naman nilang makahakbang ng paunti-unti para hindi maging mabigat sa naghihila sa kanila. Hanggang sa makarating sila sa itaas. Naiyak naman ang tatlong babae at mabilis na niyakap si Aloha ng makarating sila sa itaas. Kinalas naman ni Facu ang pagkakatali ng lubid sa baywang niya. Tapos ay kinalas din sa puno at dinala sa loob ng truck. Doon niya nakita ang payong at ang jacket na ipinakuha niya. Mabilis niyang nilapitan sina Aloha. "Ate Merly, hubadan ninyo ng damit si Pinya. Pakiingatan lang ang braso niya. Sa tingin ko ay nagkaproblema siya doon," utos ni Facu habang nakatapat sa apat ang payong at nakatalikod siya sa mga ito. Mang mahubad ang damit ni Aloha ay isinuot ng mga ito ang jacket ni Facu sa dalaga. Malaki naman iyon at umabot hanggang sa hita ni Aloha. Naghubad din ng damit si Facu na ikinagulat nila. "Mababasa ka," bulong ni Facu at mabilis na pinangko si Aloha. Dinala niya ito sa may pick-up truck at idineposito sa passenger seat. "Ate Merly sa likod na ulit kayong tatlo ng truck," utos ni Facu. Noon lang nakahuma ang tatlo sa pagkabigla. Pagkasakay ng tatlo ay sumakay na rin si Facu sa driver seat. "Nakita ninyo iyon?" ani Sol ng makatikim ng pangungurot mula sa dalawa. "Ang sakit ha," reklamo ni Sol na ikinatawa lang ng dalawa. "Tama na. Dapat ay nag-aalala tayo kay Ms. Aloha. Pero kayo pa ang kinikilig," sita ni Merly sa dalawa. "Oi sa ate nagmamalinis. Ay isa ka rin sa kinikilig sa dalawang iyon," puna naman ni Ale. "Sus! Magsitigil kayong dalawa." "Opo naman. Ayiii," sabay pang wika ni Sol at Ale bago nagsign na nagzipper ng bibig ang dalawa na ikinailing na lang si Merly. Habang nasa loob ng sasakyan ay ilang beses pang pingmasdan ni Facu si Aloha. Sa tingin niya ay babagsak talaga ito. Kitang-kita naman niya ang panghihina sa katawan ng dalaga. Kahit sabihin hindi na nito suot ang nabasang damit at nanginginig pa rin ang katawan nito sa lamig. "Pinya lapit ka." "Huh?" Nabaling naman kay Facu ang tingin ni Aloha ng tawagin niya ito. Hindi naman sumagot si Aloha at umisod lang ng kaunti sa tabihan ni Facu. "Sumandal ka sa akin ng kahit papaano ay mainitan ka." Doon pinagmasdan ni Aloha si Facu. Nag-aalala siyang baka mali siya ng pagkakaunawaan sa sinabi nito. "Hindi kita mayayakap at nagmamaneho ako. Hindi ako magagalit. Sumandal ka sa katawan ko. Para kahit papaano ay hindi ka lamigin. Isandal mo lang sa katawan ko ang likuran mo," utos ni Facu na dahan-dahang sinunod ni Aloha. Kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam. Malamig pa rin pero iba ng konte ng makaramdam siya ng kaunting init. Pagkarating nila sa bahay ay inutusan kaagad ni Facu ang tatlo na maligo kaagad para hindi magkasakit. Si Aloha naman ay binuhat na lang ni Facu papasok sa sarili nitong silid. "Kaya mo bang maligo? Mamaya ay darating na ang doktor na ipinatawag ko." "Hindi ko alam. Magpapalit na lang ako ng damit," ani Aloha na hindi naman mapayagan ni Facu. Lalo lang itong magkakasakit kung hahayaan niya si Aloha na basta na lang magpalit ng damit. Lalo na sa mga oras na iyon ay nararamdaman na niyang nagsisimula ng tumaas ang body temperature nito. "Walang malisya ako ang magpapaligo sa iyo," maawtoridad na wika ni Facu ng hindi magawang makapagsalita si Aloha ng pangkuhin siya ni Facu papasok sa sarili nitong banyo sa loob ng kwarto. "Facu." "Huwag ka ng kumontra. Pinaliligo ko na rin sina Ate Merly, Sol at Ale. Mahirap na kung sabay-sabay kayong magkakasakit. "Pero----." Walang nagawa si Aloha ng itapat siya ni Facu sa maligamgam na tubig na pumapatak mula sa shower. Inalis ni Facu ang jacket niyang nakabalot sa katawan ni Aloha at ang natira na lang ay ang dalawa nitong saplot. Napalunok naman si Aloha. Pero ang mukha ni Facu ay seryoso sa ginagawa. Pinaupo ni Facu si Aloha sa plastic na upunan na nakuha nito sa labas ng kwarto. Sumunod na lang si Aloha habang nilalagyan ng shampoo ni Facu ang buhok niya. Ang katawan niya ay nilagyan ni Facu ng liquid soap. "Mukhang isang kamay mo lang naman ang may problema. Kuskusin mo na iyang katawan mo," utos ni Facu na halos pumutok na sa pamumula ang pisngi ni Aloha. Walang nagawa si Aloha kundi ang sumunod sa utos ni Facu. Sinong hindi susunod, sobrang seryoso ng mukha nito. Kahit kaunti ay walang kangiti-ngiti. Napalunok na lang ng laway si Aloha. Kahit nanghihina ang katawan siya at bumibigat ang kanyang mga mata ay pinilit niyang maging malakas sa harapan ni Facu. Kung kay Facu ay wala lang dito ang ginagawang pagpapaligo sa kanya. Para kay Aloha ay pag-usbong ng kakaibang damdamin na kay Facu lang niya naramdaman. Matapos makapagbanlaw ay si Facu pa ang nag-alis ng kawit ng bra ni Aloha. "Siguro naman ay kaya mo na iyan," ani Facu at ibinalot na si Aloha sa roba nito. "Alisin mo na iyang basang suot mo at ilagay mo na lang dyan sa labahin mo. Tapos ay dahan-dahan kang lumabas. Siguro naman ay tapos ng maligo ang isa sa tatlo. Magpatulong ka na lang magbihis. Maliligo lang ako at babalikan kita dito." Napatitig na lang si Aloha sa pinto ng banyo na nilabasan ni Facu. Sa tanang buhay niya mula ng magkaisip siya ay wala ng ibang nagpaligo sa kanya kundi ang sarili niya. At ngayon kung kailan nagdalaga at nakaramdam ng sabi nga ng iba ay pagmamahal para sa isang lalaki ay saka pa niya naranasang paliguan. Hindi lang basta pinaliguan. Dahil ang lalaking nangahas na paliguan siya. Ay ang lalaking masasabi niyang minamahal niya. "Parang gusto ko na lang himatayin ulit. Pero hindi sa kahihiyan, kundi sa kilig," ani Aloha at dahan-dahang naglakad palabas ng banyo matapos mahubad ang basa niyang suot. Sakto namang pagpasok ni Ate Merly. "Tulungan na kitang magbihis," anito na ikinatango na lang niya. Inalalayan pa siya ni Ate Merly hanggang sa makarating sila sa kanyang kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD