Chapter 6

1861 Words
Halos hindi na malaman ni Facu ang gagawin niya sa sarili niya kaya naman minadali niya ang pagbabalanlaw sa buhok ni Aloha. Tuloy-tuloy lang naman ang pagbagsak ng maligamgam na tubig ng shower kaya naman basta na lang niya minasahe ang buhok ni Aloha para mawala ang shampoo nito. "Tangna!" mura niya sa isipan. Talagang may masamang elementong gusto siyang magkasala. Napatingin pa siya sa hubad niyang katawan. Para tuloy gusto niyang ilapat ang kanyang dibdib sa maputing likod ng dalaga. Mabuti na lang at nakatalikod ito sa kanya at hindi nito napapansin ang paglunok niya. Napailing na lang siya. "Facundo Agunsilio, nasaan ang Anghel dela Guardia mo? Inaagiw ang utak mong tangna ka!" giit ng maliit na tinig para iligaw ang itinatakbo ng kanyang isipan. Muli siyang nagseryoso sa ginagawa. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng babaeng halos may perpektong katawan. Bukod doon ang napakakinis nitong balat ay nakahayin sa kanyang harapan. Napapikit siya. Si Aloha lang ang dumudungis sa inosente niyang mga mata at pagkatao. "Hindi ko talaga patatawarin ang Pinyang ito pagnakagawa ako ng malaking kasalanan ng dahil sa kanya. Langya," bulong pa niya habang parang nais na niyang yakapin ang babaeng mukhang nais ng matulog kahit naliligo. Napapansin niyang gusto ng pumikit ng mga mata nito. "Hay, Pinya," aniya sa isipan. Nang sa tingin niya ay wala ng sabon ang katawan ni Aloha at wala na ring shampoo ang buhok nito. Ay muli siyang napahugot ng hininga. Ngunit pinagsisihan din niyang siya pa ang nag-alis ng pagkakakawit ng bra nito. Kaya naman bigla niya itong tinakluban ng roba. Naramdaman ng kanyang mga daliri ang mainit nitong katawan. Alam naman niyang gawa iyon ng inaapoy na nga ito ng lagnat. Pero ibang init ang lumulukob sa kanya. Lalo lang niyang pinaseryoso ang mukha. Matapos ang ilan pa niyang sinabi ay iniwan na lang niya basta si Aloha sa loob ng banyo. Halos maibagsak pa niya ang pintuan dahil sa bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Napatingin pa siya sa kanyang katawan. Partikular sa tapat ng dibdib niya. Mabilis ang pagtaas-baba noon. Daig pa niyang tumakbo ng ilang kilometro sa kanyang nararamdaman. "Nakakapanghinang nakakapag-init," aniya at mabilis lumabas sa kwarto ni Aloha at hinayon ang sariling silid. Walang inaksayang minuto si Facu. Pagkapasok niya ng sariling kwatro at pumasok kaagad siya sa loob ng banyo. Ang maligamgam na tubig na gustong-gusto niyang pumapatak sa kanyang katawan ay hindi na niya nagawa sa mga oras na iyon. Bagkus ay tinimpla niya ang tubig na pumapatak sa shower sa pinakamalamig na pwedeng ilabas nito. "Fvck!" mura ni Facu ng sa loob ng sampung minutong pagbababad sa malamig na tubig ng shower ay hindi pa rin nawawala ang init ng katawan na nararamdaman niya. Kaya naman napapikit siya na agad ding pinagsisihan. "Langyang Pinyang iyon, may sa mangkukulam yata. Mangkukulam na lumaking spoiled brat," singhal ni Facu na habang pinipilit kalmahin ang sarili. "Dinudungisan ng Pinya na iyon ang buo kong pagkatao, pati ang inosente kong mga mata," reklamo pa niya. Napahilot na lang ng noo si Facu ng muli na namang sumagi sa kanyang isipan ang makinis at maputing likuran ni Aloha. "Tangna!" sigaw niya at muling kinalma ang sarili. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng pagkatok. Sandali niyang hininaan ang shower. "Senyorito ayos ka lang?" tanong ng nasa labas ng pintuan ng banyo niya. "Oo, Ale. Bakit?" "Narito na po ang doktor. Papuntahin na po ba namin sa kwarto ni Ms. Aloha. Masyado na pong umiinit si Ms. Aloha. Mataas na po ang kanyang lagnat." "Sige kayo na muna ang bahala. Pagkatapos ko dito at pupuntahan ko kayo sa kwarto niya. Huwag ninyong iiwan si Pinya." "Sige po senyorito. Naghanda po si Ate Merly ng salabat at hot chocolate. Sa kwarto lang po kami ni Ms. Aloha." "Sige na Ale. Salamat." Wala ng narinig na sagot si Facu kay Ale. Ang narinig lang niya ay ang yabag ng mga paa nito papalayo sa pintuan ng banyo at ang pagsara ng pintuan ng kanyang kwarto. Kaya naman muli niyang binuksan ng malakas ang shower habang patuloy sa pagpatak ang napakalamig na tubig dito. Habang kinakalma niya ang sariling katawan. Literal na katawan, at sinisisi niya ang magandang mangkukulam sa kabilang silid. Matapos ang ilang minuto pang pagbababad sa malamig na shower ay nagawa ding ikalma ni Facu ang sarili. Itinuloy na rin niya ang kanyang pagligo. Pagdating niya sa kwarto ni Aloha ay nagulat siyang nakahawak dito ang tatlong babae habang ang doktor ay katataas lang ng kamay na may hawak na syringe. "Anong nangyari?" tanong niya habang isa-isang umaalis ang mga nakapaligid kay Aloha. "Hindi namin alam senyorito. Noong makapagbihis siya ay inalalayan ko siyang makahiga sa kama hanggang sa makatulog siya. Tapos ay habang sinusuri ni dok ang kamay niya ay bigla na lang siyang nagising at nagwala. Mukhang takot na takot," paliwanag ni Merly. "Isa pa pa senyorito sabi niya mayroon daw sawa," dagdga pa ni Sol. "Iyan din ang sinasabi niya sa akin kanina sa may bangin at takot na takot siya." "Maaaring may nangyari," sabat ng doktor. "Kung tulad ng kwento ninyo ay sa may bangin siya natagpuan. Hindi imposibleng naka encounter nga siya ng sawa. Siguro iniisip niyang baka masaktan pa rin siya nito," paliwanag ng doktor na inaayos ang ginamit nitong hiringilya kay Aloha. "Kaya tinurukan ko siya ng pampakalma. Kung magwawala siya ay maaaring lumala ang bali sa kamay niya. Kailangang malagyan ng cast ang braso niya. Dapat sa mga oras na ito ay nadadala na siya sa ospital. Pero sobrang ulan ay mahihirapan kayong ibiyahe siya. Isa pa ay sobrang taas rin ng lagnat niya. At base sa katawan niya halos nasa dalawang oras rin siyang nababad ng tubig ulan. Mabuti na lang din at may mga gamit akong dala. Kaya pwede ko nang gawin dito, ang mga bagay na dapat ay sa ospital," paliwanag ng doktor na ikinahinga ng maluwag ni Facu. Nakatingin lang sina Facu habang ginagawa ng doktor na lagyan ng cast ang braso ni Aloha. Hindi naman iyon tulad ng talagang sinisemento. Para lang iyong matigas na bagay para lang hindi gumalaw ang braso nito. Matapos ma-secure na hindi na iyon gagalaw ay nilagyan naman iyon ng arm sling support ng doktor para hindi gaanong mahirapan sa paggalaw si Aloha. "Dok magiging maayos ba ang braso siya? Hindi ba mahihirapan ang kamay niya?" tanong ni Facu habang nakikinig lang ang tatlo. "Huwag kang mag-alala. Magiging ayos lang ulit ang braso niya na parang hindi nagkaroon ng problema. Basta inumin niyang lahat ang gamot na ibibigay ko. Isa pa ay titingnan ko yan kada isang linggo babalik ulit ako dito. Ipainom din ninyo ang mga gamot niya sa lagnat na irereseta ko. May dala din naman akong gamot dito kaya hindi na ninyo kailangang lumabas pa at sumugod sa ulan," ani ng doktor habang isinusulat sa resita ang mga gamot na dapat inumin ni Aloha. Tapos ay inilabas na nito ang mga gamot at ipinaliwanag kay Facu. Matapos uminom ng mainit na salabat ang doktor ay nagpaalam na rin ito. Medyo tumitila na rin ang ulan. Si Merly na ang naghatid sa doktor sa baba, hanggang sa makasakay ito sa sasakyan nito. "Kumusta ang pakiramdam ninyong tatlo?" tanong ni Facu habang hindi inaalis ang tingin sa natutulog na si Aloha. Nakaramdam talaga siya ng awa sa dalaga habang nakatingin sa braso nitong nabalian. "Maayos lang kami senyorito. Hindi naman kami gaanong nabasa gawa ng nakasuot kami ng kapote. Ay ikaw po?" sagot ni Merly. "Parang hindi ikaw ang ayos senyorito. Ito po, salabat." Iniabot naman ni Ale ang umuusok na salabat sa kanya. Hindi na siya tumanggi. Pakiramdam niya ay bumibigat din ang katawan niya. "Ayos lang ako, wag ninyo akong alalahanin." "Senyorito, bigay ni dok." Napakunot noo si Facu ng mapansin niya ang nakalagay sa maliit na plastic na inibigay ni Ate Merly sa kanya. "Para saan ito?" "May lagnat ka rin kung hindi mo napapansin. Namumula na ang balat mo. At pumupungay ang iyong mga mata." "Oo nga senyorito, ang init mo ng iabot ko sa iyo ang salabat," ani Sol na tumatango pa. Hindi naman nakatiis si Sol kaya iniabot nito kay Facu ang thermometer. "Lagay mo senyorito sa kilikili mo. Para malaman natin ang body temperature mo." Hindi na naman kinontra ni Facu ang tatlo kaya sumunod na lang siya. Walang isang minuto at tumunog na nga iyon at ibinalik niya kay Sol. "May sakit ka nga senyorito. Pareho na kayo ni Ms. Aloha. Ang taas, 38⁰ oh. Kanina si Ms. Aloha halos mag-39⁰. Magpahinga muna kayo sa kwarto ninyo, ani Sol na ikinailing ni Facu. "I stay here. Ako ng magbabantay sa kanya. Magluto na lang muna kayo at kumain kayong tatlo. Pakidalahan na lang po kami ng pagkain dito pagnakaluto kayo. Salamat aa inyong tatlo." "Sigurado kayo?" sabay-sabay pang tanong ng tatlo. "Oo naman. Basta sabihin din niyo pagbiglang sumama ang pakiramdam ninyo ha. Salamat ulit sa pagtulong sa akin para maligtas si Aloha." Napangiti naman ang tatlo. Sa isip-isip nila ay napakaswerte nila sa binatang amo. Hindi lang ito basta mabait. Napaka maalalahanin pa. "Wala iyon senyorito. Basta para sa inyo ni Ms. Aloha," ani Sol na ikinakunot ng noo niya. "Oo naman senyorito. Ikaw pa. Sana lang ay may kahinatnang maganda ang love story ninyo ni Ms. Aloha," sabat naman ni Ale na ikinatikhim ni Facu. "Sol! Ale! Walang ganoon. Inaanak siya ng mommy at daddy kaya siya narito. Nasa poder ko siya ngayon kaya ako ang guardian niya. Kaya dapat alagaan ko siya. Hanggang doon lang at hindi lalampas doon ang relasyon na mayroon kaming dalawa ni Pinya," seryosong wika ni Facu. Kaya naman napakamot na lang sa ulo ang dalawa. "Wag nang high blood senyorito. Nagbabakasakali lang eh. Kung walang pag-asa, ay wala. Kayo naman po. Hindi na mabiro," ani Ale na labis na kinakabahan. "Bibig kasi ninyong dalawa," saway ni Ate Merly na ikinailing na lang ni Facu. "Sige na. Hindi naman ako galit nagpapaliwanag lang ako." "Alam naman namin senyorito. Ikaw pa ang bait mo kaya. Isa pa masama ang pakiramdam mo. Magpahinga ka rin po muna. Lalabas na muna kami at magluluto na si Ate Merly. Tutulong kami ni Sol," sabat ni Ale habang naka peace sign pa. Napailing na lang si Facu habang ng sunod-sunod na lumabas ang tatlo. Muli niyang ibinaling ang tingin sa natutulog na si Aloha. Pinatay niya ang ilaw at binuksan na lang ang bedside lamp na naroroon. May kung anong damdamin ang nag-udyok sa kanya para maupo sa tabi ni Aloha. Habang nakasandal siya sa headboard ng kama ay hinahaplos niya ang buhok ng dalaga. "Magpagaling ka na. Tulad ng pangako ko aalagaan kita hanggang sa gumaling ka," ani Facu at dinampian ng halik ang noo ni Aloha. Napangiti pa siya at pumantay kay Aloha sa pagkakahiga nito. Pinagmasdan lang niya ang mukha ni Aloha. "Gusto mang----," nahinto si Facu sa gusto niyang sabihin. Napabuntonghininga siya. Habang inaalala kung saan niya ito unang nakita at paano niya nakilala ang dalaga. Ilang beses pa niyang hinaplos ang noo ni Aloha hanggang sa hindi na niya napigilang ipikit ang kanyang mga mata. At nakatulog siyang nakayakap kay Aloha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD