Chapter 8

1762 Words
Pagkalabas ni Facu sa kwarto niya ay hindi na rin napigilan ni Aloha ang antok. Kaya naman mabilis talaga siyang nakatulog. Biglang napabangon si Aloha mula sa kanyang pagkakahiga ng maramdaman ang panaka-nakang patak ng ulan. "Paanong nangyari?" tanong niya ng mapansing maliwanag habang umuulan ng malakas. Ngunit ang nakakapagtaka ay nasa labas siya, at nasa tabi ng malaking puno. Inilibot niya ang paningin iyon ang lugar kung saan--. Natigil siya sa pag-iisip. "Hindi maaari." Napuno ng kaba ang kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung paanong nangyari na naroon na naman siya sa lugar na iyon. Hanggang sa maramdaman niyang may mabigat na bagay na pumupulupot sa kanyang paa. Dahan-dahan niyang tiningnan kung ano iyon. Hanggang sa tumambad sa kanyang mga mata ang nakapulupot ng sawa sa kanyang binti. Habang patuloy ito sa pagpulupot ay lalo namang hindi niya maikilos ang mga paa. Pilit man niyang inaalis ang paa sa pagkakapulupot ng sawa, ngunit mas lalo lang iyong humihigpit. "Ano bang nangyayari? tanong ni Aloha nang hindi na niya mapigilan ang maiyak. Akala niya ay nailigtas na siya ni Facu. Akala niya nasa bahay na siya. Pero bakit ganoon? Naroon pa rin siya sa gubat. Patuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa halos wala na siyang makita. Gawa ng malakas na ulan at ng mga luha niya sa mata ay nanlalabo ang kanyang paningin. "Facu, mahal na mahal kita," bulong niya sa hangin sa kawalang pag-asa na makakaligtas pa siya sa sawa na halos pakiramdam niya ay kaya ng baliin ang kanyang buto sa braso. "Hon!" sigaw ni Aloha ng akala niya ay hindi na siya makakawala pero biglang kumawala ang sawa sa kanya. "A-aray," ani Aloha ng sa pagmulat ng kanyang mga mata ay madilim ang paligid. "Ano bang totoo? Ito ang totoo? Hindi talaga ako tantanan ng alaala na iyon," nanlulumo niyang saad. Pinilit ni Aloha na makababa ng kama. Hindi siya muli makakatulog ng mag-isa. Samantala, nagising si Facu dahil sa lamig na kanyang nararamdaman. Hindi naman niya maimulat ang mga mata dahil sa labis na kaantukan. Ngunit talagang hindi niya kayanin ang lamig. Nanginginig siya. Pakiramdam ni Facu ay parang nagyeyelo ang kanyang paligid. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang lamig. Kinapa niya ang makapal na kumot na inihanda niya kanina bago siya mahiga sa sariling kama. Doon ibinalot niya ang sarili. Pero hindi pa rin nawawala ang lamig na kanyang nadarama. Sa paghahanap niya ng pwedeng mayakap. Nahawakan niya ang malambot at mainit na unan sa kanyang tabi. Isiniksik niya ang sarili sa mainit na bagay na iyon, habang mahigpit niyang yakap-yakap. Hanggang sa igupong muli siya ng antok. Nagising si Facu na wari mo ay may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang mga paa. Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata. Madilim pa sa labas. "Madaling araw pa lang," bulong niya ng maramdaman niya ang malambot na unan na kinapapatungan ng kanyang kamay. Ilang beses pa niyang pinisil iyon. "Mainit at malambot?" aniya ng itaas niya ang kanyang palad. Napakunot noo si Facu habang nakatingin sa palad niya. "May unan ba akong bilog? Bakit sakto lang iyon sa palad ko?" tanong niya sa sarili at muling ibinalik ang kamay sa malambot at mainit na bagay na iyon muli niya iyong pinisil. Napangiti pa siya. Hindi malaman ni Facu kung bakit parang ang sarap pisilin ng bagay na iyon. Pakiramdam niya ay nais niya ulit bumili ng ganoong unan. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakadama ng ganoong kalambot na unan na parang nagpapaginhawa sa kanyang pakiramdam. Parang hinehele tuloy siya at inaantok na naman. Patuloy lang si Facu sa pagpisil sa bagay na nasa kanyang tabi ng makarinig siya ng ungol. Nag-aagaw ang kamalayan niya ng lalong lumakas ang wari mo ay ungol pero hindi nasasaktan. "Ungol na nasasarapan?" aniya ng muling pinakinggan ang kanyang naririnig. Naghahalo ang tunog ng ulan at ang kanyang naririnig kaya hindi niya gaanong nauunawaan. "O-oo, h-hon m-masarap," nauutal pang wika ng isang tinig na halos maghabol sa paghinga. Napakunot noo si Facu at halos. Mabilis na binawi ang kamay sa malambot na bagay na kanyang nahahawakan. Mabilis niyang itinapon sa ibaba ng kama kumot na nakabalot sa kanya. "Pinya!" hindi mapigilang bulalas ni Facu ng makita si Aloha na nakasiksik sa tabi niya. Hanggang sa muli niyang iniharap ang kanyang kamay sa mukha niya. Hindi niya mapaniwalaang ang hinahawakan niya---. Muli siyang tumingin kay Aloha. "A-ano iyong n-nahahawakan ko?" nauutal pa niyang tanong kahit parang nahuhulaan na niya kung ano iyon. "Gusto mong malaman?" "H-huwag na lang. Hindi ko naman sinasadya. H-hindi ko alam. T-tulog ako. Pero sinamantala mo ako. Sinamantala mo kawalan ko ng malay," anas ni Facu na sa mga oras na iyon ay parang gusto niyang maglaho. Sa hinaba-haba ng panahon na naging mabuting apo at anak siya. Tapos biglang. Iyong nahawakan niya. Napapikit si Facu. "Ngayon ka lang nakahawak ng dibdib ng babae?" diretsahang tanong ni Aloha na parang nais niyang ibalot sa kumot si Aloha at ihagis sa sarili nitong silid. "Tigilan mo ako Pinya. Inosente ako. Ikaw itong pumasok sa kwarto ko ng walang pasabi. H-hindi ko alam na, na ano---," sisi pa ni Facu sa dalaga. Nakangiti namang nakatingin si Aloha sa kanya. "What!" sighal ni Facu na wari mo ay parang napapaso na umatras papalayo kay Aloha. "Ang killjoy mo, alam mo po. Para ka talagang nasa kapanahunan ni Maria Clara. Kung may lalaking katumbas ni Maria Clara ay ikaw na talaga iyon Facundo Agunsilio Alonzo. Kung lahat ng lalaki kasing conservative mo. Aba napakaswerte ng lahat ng babae sa mundo," ani Aloha na hindi niya mapaniwalaang ang lalaking minamahal niya. Lalaking version ni Maria Clara. "Anong ginagawa mo dito?" sa halip ay tanong ni Facu. "Nakikitulog." "Huwag ako Pinya." "Okay. Ginagapan ka," ani Aloha na halos panlakihan ito ni Facu ng mata. Napangiti naman si Aloha. "A-ano, y-yang," napahilamos ng palad si Facu. "Iniwan kita sa kwarto mo na halos pikit ka na. Isa pa matagal bago ako nakatulog. Kaya anong ginagawa mo dito? Bakit ka nga narito?" naguguluhang tanong ni Facu na ikinangiti lang ni Aloha. Lalo tuloy siyang naiinis sa pagngiti-ngiti ni Aloha sa kanya. "Lumapit ka na sa akin at mahiga ka sa tabi ko. Promise hindi ako gagawa ng masama. Magbabait ako. Patulugin mo lang ako dito sa tabi mo." "Ayaw ko. Labas na Pinya." "Sigurado ka?" "Oo naman. Kwarto ko ito at may karapatan akong palayasin ka. Kaya huwag ka ng matigas ang ulo. Akala ko nagkakaintindihan na tayo. Gusto mo ba talagang pauwiin kita sa inyo?" may diing wika ni Facu habang umiiling si Aloha bilang sagot. "Sorry. Sa totoo lang nakatulog na talaga ako. Kaya lang napanaginipan ko na naman iyong sawa," paliwanag ni Aloha na ikinakunot noo ni Facu. "Kanina ko pang naririnig sa iyo iyang sawa na iyan. Saan ba galing ang sawa na sinasabi mo?" pag-uusisa pa ni Facu. Napansin na lang niyang biglang nagbaba ng tingin si Aloha at hindi na tumingin sa kanya. Pero hindi rin naman umalis sa kama. "Kalalakad ko pagkaalis sa talongan ay hindi ko namalayan na napalayo na pala ako. Kaya bumalik ako sa dinaanan ko. Kaya lang tatlong magkakasangang daan ang nakita ko. Hindi ko tuloy alam kung saan ako nanggaling. Kaya sa pagod ko, naupo muna ako sa may puno. Ayon nakatulog pala ako. Tapos bago pa bumagsak ang ulan nakita ko iyong malaking sawa na nakadagan sa paa ko. Natakot talaga ako. Kaya ng biglang lumakas ang ulan pakiramdam ko kakainin ako ng sawa. Tumakbo ako sa abot ng aking makakaya hanggang sa nahulog ako doon sa bangin," mahabang paliwanag ni Aloha. Natatakot pa rin naman siya. Pero dahil gising siya sa mga oras na iyon at alam niyang ligtas siya ay nalalabanan niya ang takot. Muli niyang tinitigan si Facu. "Pasensya na ulit. Huwag mo sanang sabihin kahit kanino ang nangyari sa akin. Dito na lang muna ako. Hindi ko pa kayang bumalik ulit sa bahay," mahinang saad ni Aloha. Dahan-dahan na siyang kumilos para bumaba ng kama. Mas mabuti pa ring matulog siya sa kabilang silid kaysa naman umuwi ng bahay nila. Habang wala din naman siyang kasama sa kanila. Ang naroon lang naman ay mga katulong lang. Busy pa rin naman sa negosyo ang mga magulang niya. Mas gusto pa rin niya sa lugar na iyon. "Saan ka pupunta?" tanong ni Facu na ikinangiti lang ni Aloha kahit hindi iyon abot sa mata. "Sa kwarto ko," tipid niyang sagot. "Mahiga ka na," utos ni Facu na ikinailing lang ni Aloha. "Sa kwarto ko na lang. Mas ayaw ko pa ring umuwi sa amin. May ilang buwan pa ulit bago matapos ang pag stay ko dito. Ayaw kong umalis ng biglaan. Sorry ulit." "Pinya." Pigil ni Facu ng hawakan niya ang kamay ni Aloha. "Dito ka na. Hindi kita pauuwiin. Nabigla lang akong makita ka dito. Tapos hindi ko inaasahan na," napahugot siya ng hininga. "And I'm sorry tungkol sa nangyari kanina." "Totoo hindi mo ako palalayasin? Para saan iyong sorry?" "Hindi nga kita palalayasin. And sorry for---." Hindi magawang sabihin ni Facu kung para saan iyon. Pero nararamdaman talaga niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi habang inaalala ang pagpisil niya sa bagay na iyon. "Okay, wag mo na lang isipin. Gets ko na. Baka mapalayas mo pa ako. Pero pwede ba akong sa kabilang side ng kama? Gusto kong hawakan ang kamay mo. Sa totoo nahihilo pa rin ako at halos gumapang ako makarating lang dito. Okay lang ba?" "Sige. Basta wag kang pasaway ha. Please lang Pinya magtino ka naman." "Promise. Hindi nga ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo. Totoo na ito. Gusto ko lang ding matulog. Habang hawak ang kamay mo." Napabuntonghininga na lang si Facu. Medyo nahihilo din siya, pero bumaba siya sa kama. Inalalayan niyang makahiga ng ayos si Aloha sa kabilang gilid ng kama. Matapos niya itong kumutan ay nahiga na rin siya sa tabi nito. At nakihati sa makapal na kumot niyang nakakumot din kay Aloha. Bago kinuha ang kamay ng dalaga at ipinagsiklop ang mga kamay nila. "Thank you hon. I love you," ani Aloha na ikinaismid lang ni Facu. "Sige na tulog na. Pasaway na Pinya," sa halip ay sagot ni Facu sa kanya. Napangiti na lang si Aloha. Wala pa mang katugon ang nararamdaman niya kay Facu. Masaya na siya sa simpleng pagpaparamdam nito na may pakialam ito sa kanya. Kahit hindi siya nito mahal ay dadahan-dahanin niya si Facu. Sabi nga ng iba, habang may buhay may pag-asa. Pero para kay Aloha. Habang walang iba si Facu, nasa tabi lang siya ng lalaking minamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD