Hindi nila namalayan ang oras at mahimbing pa rin ang pagtulog nilang dalawa. Ilang katok mula sa labas ng pintuan ang maririnig sa loob ng kwarto, ngunit walang nakakarinig sino man sa kanila.
Nagkatinginan ang tatlong nasa labas ng kwarto.
"May problema kaya?" tanong ni Ale habang hawak ang tray na may lamang pitchel ng tubig at dalawang baso.
"Hindi ko din alam. Ate Merly papasok na ba tayo?" nag-aalangang saad ni Sol. Ito ang may dala ng tray na kinalalagyan ng mga mangkok at kutsara.
"Ako na lang ang bahala. Sige na," sagot ni Merly. Siya ang may dala ng lugaw na nakalagay sa vacuum tumbler. Para kung hindi kaagad makakain sina Facu at Aloha ay hindi iyon kaagad lalamig.
Pagkabukas ni Merly ay ng pintuan ay napansin nilang patay na ang ilaw. Ang nabibigay liwanag na lang doon ay ang lampshade na nasa gilid ng kama.
Hanggang sa dumako ang tingin nila sa kama at sabay-sabay pa silang napasighap sa nadatnan.
"Huwag kayong maingay," saway pa niya sa dalawa. Napangiti pa silang tatlo sa magandang eksenang kanilang nadatnan.
Parehong natutulog sina Aloha at Facu. Habang nakayakap si Facu kay Aloha na wari mo ay nakaalalay sa braso nitong may cast.
"Ipatong na lang ninyo iyang mga dala ninyo dyan sa table at lumabas na tayo," utos ni Merly habang hindi mawala ang ngiti sa dalawang kasama.
"Bagay sila," hindi mapigilang saad ni Sol.
"Tama ka," pagsang-ayon ni Ale.
"Pero huwag nating pangunahan si Senyorito Facu. Hindi natin alam ang dahilan kung bakit ayaw niya kay Ms. Aloha. Pero halata naman ang palaging pag-aalala dito. Kaya kunwari wala tayong nakita sa mga oras na ito. Baka magalit pa iyang si senyorito. Hayaan ninyo, kung ipag-aadya talaga ng tadhana na maging sila," humugot muna si Merly ng hangin habang naghihintay ang dalawa ng kasunod niyang sasabihin. "Tayong tatlo ang magiging founder ng Pako and Pinya fans club," ani Merly na ikinahagikhik pa ng dalawa.
"Sabi ko na nga ba eh. Si Ate Merly talaga. May itinatagong lihim," ani Ale na pinipigilang mapalakas ang boses.
"Tara na sa labas. Magpahinga na rin kayong dalawa. Para pag kinailangan tayo ni senyorito ay mapuntahan natin agad sila ni Ms. Aloha," aya pa ni Merly at sabay-sabay na silang lumabas ng kwartong iyon.
Biglang naalimpungatan si Facu ng marinig niyang may tumatawag sa kanya. Kahit medyo nahihilo ay mabilis niyang napansin ang natutulog na si Aloha. Habang nagbubutil-butil ang pawis sa noo.
"N-natatakot ako F-Facu. F-Facu nasaan ka na?" paulit-ulit na tawag ni Aloha sa kanya. Pati ang gilid ng mga mata nito ay napapansin na niya ang paglabas ng mga luha.
"Aloha," ani Facu sa pangalan ni Aloha habang ginigising niya ang dalaga.
"Facu," ulit pa ni Aloha at tuluyan na itong umiyak.
"Fvck! Aloha, narito lang ako!" Hindi malaman ni Facu kung paano gigisingin ang dalaga. Hindi niya malaman ang gagawin.
Tatawagan sana niya sina Ate Merly ng bigla siyang mapatingin sa digital clock na nasa tabi ng lampshade. It's 11:30 in the evening. Hindi niya kayang mang-abala sa ganoong oras.
Nahiga siyang muli para maingat na yakapin si Aloha ng hindi nasasanggi ang may bali nitong braso.
"Aloha, don't cry. I'm here. Narito ka na sa kwarto mo at wala sa may gubat," alo pa rin ni Facu habang ginigising pa rin si Aloha.
Masyado ng mataas ng body temperature ni Aloha. Sa tingin niya ay nagdedeliryo ito. Kung hindi talaga niya ito magigising wala siyang ibang pagpipiliian kundi ang abalain ang mga kasama niya sa bahay na nasa ibaba.
"Pinya," sambit ni Facu sa pangalan ni Aloha bago hinalikan ang labi ng dalaga. Iyon lang ang naisip ni Facu para gisingin si Aloha. Iyon lang din ang ginawa niya kanina sa may bangin para magkamalay ito.
Halos nasa ilang minuto na ring hinahalikan ni Facu si Aloha ng saglit niyang ilayo ang labi sa dalaga. Naramdaman na naman niya ang panginginig ni Aloha. Sa tingin niya ay nakakaramdam na naman ito ng takot sa kung saan.
"Fvck Aloha, pag hindi ka pa magigising, mababaliw na ako sa iyo. Alam mo bang pareho tayong may sakit! Masama din ang pakiramdam kong Pinya ka! Pero nag-iinit akong tangna ko talaga. Mukhang ibang sakit ang makukuha ko sa 'yo! Wake up Aloha!" may diin saad ni Facu at muli niyang hinalikan si Aloha.
Naramdaman niyang nagnormal ang katawam nito. Nawala ang panginginig ng katawan. Ilang sandali pa at naramdaman niya ang pagtugon ni Aloha sa halik niya. Ilalayo sana niya ang labi sa labi ng dalaga ng maramdaman niya ang isang kamay nitong walang cast na humawak sa batok niya para pigilan siya sa pag-alis.
"Stay," utos ni Aloha sa pagitan ng pagtugon nito sa halik niya. Siya naman ay biglang tumigil ng tumugon ito. "Why?" nagtatakang tanong ni Aloha ng unti-unti siya nitong bitawan kaya naman nailayo niya ang mukha kay Aloha na puno ng pagtataka.
"Okay Pinya it's not what you think. You have a nightmare. Sinubukan kong gisingin ka, pero patuloy ka lang umiiyak at tinatawag mo ang pangalan ko. Tapos bigla ka na lang nanginig sa takot. Mataas ang lagnat mo. But I know that, you're shaking not because of high fever. But because of you're scared. So I don't know what to do. I kiss you. Iyon lang ang naisip kong paraan para gisingin ka. Pero nagkakamali ka ng iniisip."
"You don't like me so much?"
"Hindi naman sa ganoon. Why I don't like you. You're my sister by chance right? Inaanak ka ng mga magulang ko. Napakasama ko namang tao para hindi ka magustuhan."
"Pero alam mo kung ano talaga ang gusto ko. Hindi iyong kinakapatid mo lang ako. Gusto kita. Mahal kita Facu. Bakit ba ayaw mo sa akin? Pangit ba ako? Naaartehan ka sa akin? Ano? Babaguhin ko ang lahat ng ayaw mo. Babaguhin ko ang lifestyle ko. To fit what you want to a woman. I want to be a woman of your dreams. I'm not perfect but I want to be perfectly fit for you. Only you. I love you so much Facu," pag-amin ni Aloha na ikinabuntonghininga lang ni Facu.
Nawalan ng sasabihin si Facu sa pag-aming iyon ni Aloha. Oo nga at nakakaramdam siya ng kakaiba pagnagkakalapit sila ni Aloha in not so nice scene. Pero hindi ibig sabihin noon ay magiging sila ni Aloha. Hindi si Aloha ang babaeng pinangarap niya para sa kanya. Mas gusto pa rin niya sa isang babae iyong hindi hantaran kung maghayag ng damdamin sa isang lalaki. At hindi si Aloha iyon.
"Kumain ka muna at ng makainom ka ng gamot para bumaba na rin ang lagnat mo." Pag-iiba ni Facu sa usapan nang makita niya ang pagkaing nakapatong sa lamesa. Mukhang nakalimutan na nilang pag-usapan amg tungkol sa kung ano mang kinatatakutan ni Aloha. Natuon na lang sa bagay na mukhang hindi na naman nila pagkakasunduan.
"I'm fine. Hindi ako nagugutom. Matutulog na lang ulit ako," pagtanggi niya.
"Huwag ka ng pasaway Pinya."
"Ayos nga lang ako di ba!" hindi na napigilan ni Aloha ang magtaas ng boses kay Facu. Pakiramdam niya parang sasabog ang puso niya sa hindi man lang ito nagbigay ng komento sa pag-amin niya. Pakiramdam niya katumbas din iyon ng kahit kailan hindi siya nito kayang magustuhan.
"Aloha."
"Huwag ka na ngang maging mabait. Huwag mong iparamdam sa akin na importante ako kung hindi naman talaga." Tuluyan ng napaiyak si Aloha. Ang hikbing kanina pa niya pinipigilan ay bigla na lang kumawala.
Ayaw man niyang umiyak pero wala eh. Napahugot na lang siya ng hininga. "Pasensya na na sa inasal ko. Hindi ko sinasadya," mahinahong saad ni Aloha at tinalikuran na lang niya ng dahan-dahan si Facu. Kahit naiinis at nagtatampo siya ay kailangan niyang ingatan ang kamay niya.
Sa totoo lang kanina ay nagulat siyang may suporta na ang kamay niya. Hindi niya iyon alam. Naramdaman na lang niya ng yayakapin sana niya si Facu ay isang kamay lang niya ang nagawa niyang itaas at ng magbitaw sila sa halik na iyon ay saka lang niya napansing may suporta na ang isang braso niya.
Napatitig lang si Facu sa likuran ni Aloha. Sa halip na mapakain niya ito para gumaling ay lalo na lang hindi niya mapakain. Nagtatalo pa sila.
"Pinya."
"Leave me alone!" may diing sagot ni Aloha ngunit hindi naman patitinag si Facu.
Ayaw man niyang gamitan ng pangbablackmail si Aloha. Pero mukhang magagamit niya ngayon ang alas niya dito. Lalo na at kailangan niyang mapakain si Aloha at mapainom ng gamot.
"Look Pinya I'm sorry. I try my best not to hurt you. Pero kung hindi ka kakain itatawag ko sa mga magulang mo ang nangyari sa iyo para makauwi ka na sa bahay ninyo. Dahil sa bali mo sa braso, siguradong ilang buwan ka ring mag-stay sa inyo. Ewan ko lang kung gusto mo. Pero pag nangyari iyon. The favor is for me. Matatahimik ang mundo ko kasi wala ka dito," nakangising wika ni Facu na ikinanguso ni Aloha kahit hindi nakikita ni Facu ang mukha niya. Ang pag-iinarte niyang pagtatampo ay bumalik rin bigla sa kanya. Pero hindi naman lahat arte iyon. Nasaktan lang talaga siya.
"Seriously?" aniya kahit nakatalikod pa rin siya kay Facu.
"Seriously," seryosong sagot ni Facu, kaya naman dahan-dahang bumangon si Aloha.
"Napakadaya! Nagdadrama lang iyong tao."
"Pero hindi ako nagdadrama."
"Oo na po. Pakakainin mo ako?" malambing na tanong ni Aloha na kahit papaano ay tipid na ikinangiti ni Facu. "Okay sige. Kakain ako. Minsan ka lang mawala bigla ang nakatagong kasungitan. Lubusin ko na nga," masiglang sagot ni Aloha. Kahit alam niya sa sarili niyang masungit pa rin ito.
Natawa na lang si Facu. Tumayo naman rin siya para tingnan kung ano ang inihandang pagkain ni Ate Merly. Wala namang problema sa kanya kung ano man iyon. Pero napangiti siyang vacuum tumbler ang naroon.
Nagsalin siya ng lugaw sa isang mangkok. Dinala niya iyon kay Aloha.
Natigilan naman si Aloha ng itapat ni Facu ang hinipan nitong lugaw sa kutsara sa bibig niya.
"Bakit?"
"Susubuan na kita."
"Ang sweet mo ngayon. Sana palagi na lang akong may sakit."
"Para sa ngayon lang itong ginagawa ko sa iyo. Huwag kang abuso."
"Oo na lang. Pero salamat pa rin," ani Aloha at masayang kumakain kahit puputok na sa pula ang pisngi niya. Hindi naman niya inaasahan na matapos nilang magtalo ni Facu, ay magiging ganito itong ka sweet sa kanya. Hindi pa rin naman siya nito gusto. Pero kahit papaano pinapasaya ni Facu ang puso niya.
Naubos niya ang lugaw na inihanda ni Facu sa kanya. Saka lang niya naalalang tanungin ito. Masyado kasi siyang naging masaya sa mga oras na iyon.
"Ikaw kumain ka na ba? Ako lang ang pinakain mo e. Sorry. Hindi kita natanong."
"Ayos lang. Kakain na rin ako. Uminom ka rin muna ng gamot."
Kumuha ng tubig sa pitchel si Facu at ang mga gamot na dapat inumin ni Aloha.
"Salamat," ani Aloha kukunin na sana niya ang gamot sa kamay ni Facu ng maramdaman niya ang init na nagmumula sa kamay nito. Doon lang din niya napansing namumutla ito. "Are you alright?"
"Yeah," tipid niyang sagot.
"Pero may sakit ka rin. Bakit hindi mo sinabi? I'm sorry sa mga reklamo ko. Sorry talaga."
"It's okay. Take your medicine and make some rest. Kakain din ako ng lugaw at iinom ng gamot," ani Facu na ikinatango lang ni Aloha.
Hindi na siya nag-aksaya pang magsalita at inimom na lang ang mga gamot na ibinigay ni Facu sa kanya. Pagkatapos noon ay ilang minuto din siyang naupo sa kama.
"Higa ka na. Aalalayan kita." Sumunod na lang si Aloha sa nais ni Facu. Ayaw naman niyang madagdagan pa ang isipin nito ng dahil sa kanya. Matapos siyang kumutan nito ay bumaba na ito sa kama.
Pinagmasdan na lang ni Aloha si Facu habang nagsasalin ng lugaw nito sa mangkok. Doon na rin ito kumain sa may table na kinapapatungan ng mga tray. Napansin din niyang ng matapos itong kumain ay uminom na rin ito ng gamot.
"Magpahinga ka na rin."
"Yeah."
"Dito ka ba matutulog sa tabi ko?" masaya pa niyang tanong.
"As you wish."
Napanguso na lang si Aloha at nasundan ng tingin ang papalabas na si Facu. Dala nito ang tray ng pinagkainan nila. Iniwan lang nito ang pitchel ng tubig.
"Sungit!" ani Aloha at ipinakit na lang ang mga mata. Kahit papaano magaan na ang pakiramdam niya. Halos mawawalan na siya ng malay ng bumukas muli ang pintuan at pumasok si Facu.
"Dito ka na matutulog? Na miss mo ako?" masaya ulit niyang tanong ng itaas nito ang hawak na baso.
"Asa ka. Matulog ka na para gumaling ka. Good night," ani Facu at muli ng lumabas ng kwarto niya.
Kahit masungit pa rin si Facu sa kanya. Nararamdaman naman niya ang care nito sa kanya. Kahit papaano umaasa siyang darating ang panahon na magkakaroon ng katugon ang kanyang pagtangi sa binata.
Muli niyang ipinikit ang mga mata at hinayaang tangayin ng antok ang kanyang kamalayan.