Chapter 9

1946 Words
"Mabuti naman kahit papaano tumigil na ang ulan," puna si Sol habang nagbubukas ng bintana ng bahay. Kitang-kita nila ang epekto ng halos magdamag na pag-ulan. Kahit ang malawak na hardin at ang makapal at pantay-pantay nito na damo ay halos mahawi ng pag-agos ng tubig. "Mukhang umapaw ang ilog," puna naman ni Ale na nag-aalis ng tubig sa may balkonahe. Sa lakas na rin ng ulan ay nagkatubig doon. "Kaya nga. Mabuti na lang at ulan lang iyon. Mahirap na kung naging bagyo. Kawawa naman ang mga hayop at pananim. Siguradong hindi na naman magpapahinga ang senyorito kung nagkataon." "Tama ka Sol. Kaya kahit umapaw ang ilog ay hindi ganoong kalala. Tulad noong una. Kaya ipinaayos nina Don Alponce iyong tulay sa bungad ng hacienda. Nakakapanghinayang lang at hindi kaag---." "Ang aga-aga kung anong pinag-uusapan ninyong dalawa," sabat ni Merly na ikinangiti naman ni Sol at Ale. "Nagkukwentuhan lang. Tapos na rin naman kami sa ginagawa namin," sagot ni Sol. "Mabuti kung ganoon. Nakapagtimpla na ako ng kape, magkape muna kayong dalawa." Sabay-sabay na silang nagtungo sa kusina. Sumalubong sa kanila ang mabangong aroma ng kapeng barako at pritong kamote. "Ang sarap naman nito," puri pa ni Ale. "Ate Merly, anong niluluto mong agahan? Kumain naman si senyorito at si Ms. Aloha. Hinugasan na rin ang pinagkainan nila. Pero sure akong si senyorito ang nangialam dito sa kusina," pahayag ni Sol habang napapangiwi naman si Ale. Parang nakikini-kinita na niya ang itsura ng kusina kung si Facu ang mamamahala doon. "Ikaw nga pala ang nauna dito sa kusina. Kumusta?" natatawang tanong ni Merly na ikinaguso lang ni Sol. "Hugas naman iyong mangkok, baso, kutsara pati mga baso at iyong tumbler. Alam ba ninyo kung saan nakalagay?" pambibitin pa ni Sol na halos mapailing. "Nakataob din naman. Sa isang planginita. Dyan sa ibabaw ng gas stove." Pareho namang napangiwi si Ale at Merly. "Bakit naroon?" tanong pa ni Ale. "Aba'y malay ko. Baka trip ni senyorito na doon ilagay. Pero naayos ko na naman kanina. Bago kayo pumasok dito. Noong nakaraan nga inilagay ang asukalan sa lalagyan ng asinan. Buti napansin ko. Di sana ay minatamisang nilaga ulam natin," nakangiwing wika ni Sol na ikinatawa nilang tatlo. Nagpatuloy lang sila sa kwentuhan hanggang sa makatapos silang magkape. Si Merly naman ay nagsimula ng magluto ng para sa umagahan. Sopas naman ang lulutuin niya para sa dalawang pasyente nila. Pero magluluto din siya ng sinangag at tocino para kung ayaw ng mga ito ng may sabaw. Katatapos lang magluto ni Merly ng mapatingin siya sa bungad ng pintuan. Hinihingal na pumasok doon si Ale. "Anong nangyari sa iyo?" "Ate Merly, nawawala si Ms. Aloha sa kwarto niya." "Sigurado ka?" "Wala sa kwarto niya eh." "Okay bago tayo magpanic ay alamin na muna natin kung talagang nawawala. Baka mamaya makagising pa tayo ng natutulog. Nakatatlong katok na sina Merly sa pintuan ng kwarto ni Facu ngunit wala man lang sumasagot. "Baka tulog pa," ani Ale na napatingin sa orasan na naroon. Alas syete y media pa lang. Pero malamig pa rin ang paligid at medyo makulimlim pa rin. Gawa ng magdamag na pagbuhos ng ulan. Walang lock ang pintuan ng simulan nilang pihitin ang doorknob. "Walang maingay ha. Mayayari talaga tayo sa ginagawa nating ito." "Hindi naman kami mag-iingay," bulong pa ni Sol. Pagbukas nila sa pintuan ay nakita nilang magkatabi sa kama sina Facu at Aloha. Hindi man kasing sweet ng nadatnan nila kagabi sa kwarto ni Aloha. Pero masasabi nilang kinikilig pa rin sila sa dalawa. Ang babaeng habol nang habol at ang lalaking pahabol nang pahabol. Nakatalikod si Facu kay Aloha. Pero ang isang kamay ni Facu ay nakapwesto sa likuran nito habang hawak ang isang kamay ni Aloha. Habang si Aloha ay nakatihaya at nakapatong sa may tiyan nito ang braso nitong may suporta at ang isang kamay ay iyong hawak-hawak nga ni Facu. "Labas na tayo," aya pa ni Merly sa dalawa. Dahan-dahan naman niyang isinara ang pintuan. Para na rin hindi maabala ang tulog ng dalawa. Naalimpungatan si Aloha ng marinig niya ang paglapat ng pintuan. Kaya pinilit niyang maimulat ang mga mata. Napangiti siya ng tumambad sa kanya ang kwartong kinalalagyan. Kwarto iyon ni Facu. Doon lang niya napansin na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Facu ang kamay niya, kahit nakatalikod na ito sa kanya. "Good morning hon," bulong ni Aloha ng bitawan ni Facu ang kamay niya. Napahugot tuloy siya ng hininga. Hawak na ni Facu ang kamay niya binitiwan pa. Magrereklamo na sana siya ng bigla itong humarap sa kanya. Doon lang niya napagtantong tulog pa rin si Facu. Iyong tampo niya napalitan ng ngiti. "Ang gwapo mo talaga. Kahit tulog. Sabagay kahit ang sungit mo sa akin. Ikaw pa rin ang pinakagwapo sa paningin ko. Sana lang makita mo rin ang halaga ko. Nakakalungkot lang talaga ang kaalamang hindi mo ako gusto. Pero clueless naman ako sa dahilan mo." Gusto lang naman ni Aloha na maglabas ng sama ng loob. Pero kahit ayaw sa kanya ni Facu mahal talaga niya ito. Gaano na bang katagal mula ng makilala niya ito sa party ng mga magulang niya. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa pitong taon na rin mula noon. Gusto man niyang kalimutan ang araw bago niya makilala si Facu at ang araw na nakilala niya ito. Hindi man niya magawa. Paano niya makakalimutan kong noon din siya nagkaroon ng pag-asa ng makilala si Facu. "Mahalin mo naman ako," pakiusap pa ni Aloha kahit alam niyang hindi iyon namamalayan ng natutulog na si Facu. Pinilit ni Aloha na makabangon. Ayaw naman niyang gisingin si Facu sa pagkakatulog nito. Lalo na at ng mahawakan niya ang noo nito ay mainit pa rin. Siya man ay medyo masama pa rin ang pakiramdam. Pero hindi naman siya iyong prinsisita na kaunting sakit ay dapat magpaalaga ng sobra. Kahit isang kamay lang ang naiigalaw ni Aloha ay pinilit niyang maayos ang pagkakakumot kay Facu. Hinalikan muna niya ito sa noo bago siya tuluyang bumaba ng kama. Tumuloy na muna siya sa sariling silid. Doon na siya gumamit ng banyo. Pero hindi na muna siya naligo. Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin sa kamay niya. Dahil noong nailagay iyon sa kanya alam niyang tulog siya. "Good morning," masayang bati ni Aloha sa tatlo. Mabilis namang napatayo ang mga ito para salubungin si Aloha. "Ayos ka lang Ms. Aloha?" tanong ni Merly na may bahid ng pag-aalala. "Bakit parang ang saya mo Ms. Aloha," tukso naman ni Sol. "Pero hindi kita nakita Ms. Aloha sa kwarto mo ng puntahan kita." Halos mamula naman ang pisngi ni Aloha sa sinabing iyon ni Ale. Paano nga ba siya makikita ng mga ito sa kwarto niya? Syempre alam at sure na siya ngayon kung bakit narinig niya ang paglapat ng pintuan ni Facu kanina. "Kayong dalawa. Huwag nga ninyong tuksuhin si Ms. Aloha," sita pa ni Merly sa dalawa na ikinatahik ng mga ito. Muli namang binalingan ni Merly si Aloha. "Ms. Aloha huwag kang mag-alala hindi namin nakita na magkatabi kayo ni senyorito na natulog sa kwarto niya," ani Merly kaya napaungol sina Sol at Ale. "Kaya love na love kita Ate Merly eh." "Ay oo nga sang-ayon ako dyan sa iyo Ale," ani Sol na lalong ikinapula ng pisngi ni Aloha. "Ate Merly talaga. Akala ko ay kakampi na kita. Kakampi ka pala nitong dalawa," reklamo ni Aloha na ikinatawa lang nilang apat. "Biro lang talaga Ms. Aloha. Pero boto talaga kaming tatlo sa iyo para kay Senyorito." "Pero ayaw naman sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit," malungkot pa niyang saad. "Pasasaan ba at magugustuhan ka rin ni senyorito Ms. Aloha. Huwag kang mawalan ng pag-asa." "Salamat Ate Merly. Pero hindi naman ako susuko hanggat wala akong matinding dahilan." "Ganyan nga Ms. Aloha. Nakabuo na nga kaming tatlo ng fans club," pagmamalaki pa si Sol. "Anong fans club?" "The Pako and Pinya Fans Club," dagdag ni Ale na ikinatawa ni Aloha. "Kayo po talaga. Parang bet na bet ninyo ang tawag sa akin ng sungit na iyon." "Sa iyo din naman namin narinig ang Pako. Bagay naman," natatawang wika ni Sol. "Sige na tama na iyan. Ms. Aloha kumain ka muna para makainom ka na ng mga gamot mo." "Paano si Facu?" "Hayaan mo muna si senyorito. Alam mo namang saka lang yan nakakatulog ng maayos pag may sakit o pag nasobrahan sa puyat. Kaya hayaan na nating makatulog muna," paliwanag ni Merly. "Ay kayo? Hahayaan ninyo akong kumain ng mag-isa?" "Syempre sasabayan ka namin," sabay-sabay pang sagot ng tatlo. "Talaga?" aniya na ikinatango ng tatlo. "Mabuti naman. Masarap pa ring kumain ng may kasabay talaga." "Tama ka dyan Ms. Aloha. Pero hindi ba natin gigisingin si senyorito? Wala iyong kasabay mamaya," sabat ni Ale. "Huwag kayong mag-alala. Magtitira ako ng space. Para pagkain ni Facu masabayan ko ulit siya," ani Aloha kaya naman mas lalong umingay ang kusina. Iyon ang isang bagay na hindi niya ipagpapalit. Habang nasa bahay siya ni Facu sa probinsya. Nakakaramdam talaga siya ng labis na kasiyahan. Masarap pala talagang magkaroon ng masasabi niyang tunay na mga kaibigan. Mula pagkabata ang yaya lang niya sa bahay nila ang masasabi niyang malapit sa kanya. Pati na rin ang dalawang may edad pang katulong sa bahay nila. Pero ngayon lang siya nagkaroon ng mga kaibigan na halos hindi nalalayo ang edad sa kanya, at iyon ay ang tatlong babaeng kasabay niya ngayon sa pagkain. Nakakatalong subo pa lang ng sopas si Aloha ng mapabaling silang lahat sa may bungad ng kusina. "Good morning," bati ni Facu, kahit medyo namumutla. "Hon ayos ka lang?" ani Aloha na hindi naman pinansin ni Facu ang tawag nito sa kanya. "Hindi mo ako ginising? Nagulat ako ng mag-isa na lang ako sa kama. Baka kung ano ang mangyari sa iyo. Nakahinga lang ako ng maluwag ng marinig ko ang boses mo dito kausap sina Ate Merly," sermon ni Facu na sa halip na mainis ay natuwa pa siya. "Ayos lang naman ako. Salamat sa pag-aalala. Kumain ka na rin. Sabayan mo na kami. Kailangan mo ring uminom ng gamot." Siguro nga ay medyo masama pa rin ang pakiramdam ni Facu. Hindi na ito kumontra at naupo na lang sa kabisera sa hapag na iyon. Nagtulong naman ang tatlo sa paghahayin ng pagkain ni Facu. "Ate Merly pahingi pa ng isang pinggan, kutsara at tinidor," nagtaka man ay binigyan pa nila si Facu ng extra na hinihingi nito. Para namang nagliwanag ang mga mata ni Facu ng makita ang tocino na nakahayin sa kanyang harapan. "Recipe mo?" tanong ni Facu habang nakatingin kay Aloha. Malungkot namang umiling ang dalaga. "Nabili ko lang yan kahapon senyorito," napatango na lang si Facu at tinuloy na ang pagkain. "Pagmagaling na ako, dadamihan ko na ang gawa. Para anytime pwede mong ipaluto." "Okay," tipid na sagot ni Facu at nagpatuloy lang ito sa pagkain. Pero nagkatinginan silang apat sa pagkaing nasa isang pinggan na hiningi ni Facu. Napatulala na lang si Aloha ng ang kinuhang pagkain doon ni Facu ay nasa harap na ngayon ng bibig niya. "Bakit?" nagtataka niyang tanong. "Sopas lang ang kakainin mo? Kumain ka ng sinangag. Alam kong hirap kang kumain ng isang kamay lang ang gamit. Sabi ko nga sa iyo ako na muna ang mag-aalaga sa iyo dahil matigas ang ulo mo. Subo na." Wala namang nagawa si Aloha kundi ang kainin ang sinangag at tocino na isinubo sa kanya ni Facu. Parang mas lalong naging masarap at masaya ang umagahan nilang iyon. Paano ba ang hindi ma in love kay Facu? Kung sa simpleng gesture nito na ganoon ay bumibilis na kaagad ang pintig ng puso niya, para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD