Malalim na ang gabi ngunit mabagal lang ang pag-usad ng sasakyang minamaneho ni Aloha. Wala pa ring tigil ang kanyang paghikbi. Pakiramdam niya ay talong-talo siya sa isang labanan. Iyong tipong siya lang ang patuloy na lumaban pero siya pa rin ang natalo.
Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Minahal naman niya ng totoo si Facu. Pero hindi sapat ang mahal lang niya ito. Dahil sa bandang huli, tulad ngayon. Siya pa rin ang nag-iisa, siya lang din ang talo.
Iginilid niya sa tabing kalsada ang kotseng minamaneho niya. Nag-aalala siyang baka maaksidente siya gawa ng labis na pag-iyak. Kahit nasasaktan siya, ayaw naman niyang mapahamak. Bago niya nakilala si Facu, nasa tabi na niya ang kinagisnang mga magulang.
Sanggol pa lang ng ampunin siya ng mga ito. Anak daw siya ng isang kakilala ng mommy niya. Nagtatrabaho ang kanyang ina sa isang club at nabuntis ng customer nitong amerikano. Sa kasamaang palad hindi ito pinanagutan. Bagkus ay bumalik sa bansa nito ang kanya daw ama.
Isang linggo matapos siyang ipanganak ay ipinaampon siya ng kanyang ina sa mommy at daddy niya. Tapos ay nabalitaan na lang ng mommy at daddy niya na pumanaw ang tunay niyang ina dahil sa depresyon.
Lalo lang napahagulhol si Aloha. "Ang sakit-sakit hon. Sobrang sakit!" sigaw pa niya habang hinahampas niya ang dibdib sa tapat ng kanyang puso. "Kasalanan ko din naman talaga eh. Bakit ko ba ipinagsiksikan ang sarili ko sa iyo!" dagdag pa niya.
Patuloy lang sa pagluha si Aloha. Gusto niyang ubusin lahat ng luha niya bago siya umuwi. Alam niyang mag-aalala ang mga magulang niya kung darating siyang luhaan. Mas maayos pa rin wala ng luha sa kanyang mga mata. Kahit alam niyang mahahalata pa rin ng mga ito ang mga pag-iyak niya.
Matapos ang matagal na pag-iyak ay natamaan ng kanyang mata ang nalalanta ng red dahlia. Hinawakan niya ito at muli na namang humagulhol. "Akala ko talaga magiging matibay ako. Pero parang lalo akong nanghihina. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Should I let him go?" tanong pa niya. "Pero wala na namang paraan para mag-stay di ba? Hindi kami at hindi naman naging kami. He has his own family to built na with Dia. At ako? Simula pa lang pala, out of the picture na." malungkot pa niyang saad.
Binuksan niya ang pintuan ng driver seat at lumabas siyang saglit. Gusto lang niyang lumanghap ng hangin. Parang nasasakal siya sa loob ng sasakyan.
Doon lang niya napansin na malapit pala sa tulay ang nahintuan niyang lugar. Naglakad siya malapit doon. Wala namang gaanong dumadaang sasakyan kaya naman lumapit siya sa gitna ng tulay.
Umiyak lang siya ng umiyak. Umaasa siyang aanurin ng agos ng tubig sa ilog ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.
"Paalam hon," aniya.
Patuloy lang siya sa pagluha. Sobrang sakit ng nararamdaman niyang panghuhusga mula kay Facu. Pero hindi naman niya ito masisi, mas sinisisi pa rin niya ang sarili niya.
"Ang tanga mo naman kasi talagang puso ka. Hinusgahan ka na nga't lahat mahal mo pa rin," sita niya sa sarili habang patuloy lang na umiiyak. "Hindi naman kasi siya alam," pagtatanggol pa rin ng kabilang parte ng utak niya.
Pinalipas niya ang mahabang oras para lang kalmahin ang sarili. Hindi niya alam kung paano haharap sa mga magulang. Paano niya sasabihing hindi na naman pala talaga mangyayari na magustuhan siya ng lalaking mahal niya. Isa pa paano niya sasabihin ang biglaan niyang pag-uwi. Gayong ang paalam niya ay magtatagal siya ng probinsya. Ayaw niyang mapasama si Facu sa kabila ng sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kaya naman mas pinili na lang niyang magtagal sa lugar na iyon.
Kung noon, natatakot siya pag sobrang dilim na at wala pa siya sa bahay. Ngayon parang wala na siyang pakialam sa dilim. Mas madilim ang nararamdaman ng puso niya. Iyong liwanag na nakikita niya, nawala na. Pero kahit madilim sa lugar na iyon. Naroon pa rin ang kanyang pag-iingat. Hawak niya ngayon ang susi ng kotse niya na naroon ang key knife niya. Higit sa lahat, hindi man siya mahal ni Facu mahal naman siya ng pinakamamahal niyang na mga magulang.
Ilang sandali pa at may dumaraan na ilang sasakyan sa lugar na iyon. Muli siyang tumalikod at humarap sa tulay. Doon lang niya napansin na hawak pa pala niya ang halos tuyot na red dahlia.
"Pipilitin kong maging matatag kahit hindi dahil sa iyo hon. Kundi dahil sa mga taong totoong nagmamahal sa akin," aniya. Itatapon na sana niya ang bulaklak sa tulay ng may dalawang bisig na yumakap sa kanya at sabay silang napaupo sa gilid ng tulay.
"Magpapakamatay ka ba? Kung magpapakamatay ka dapat kanina ka pa tumalon noong oras na hindi pa ako dumaraan! Hindi iyong kung kailan kitang-kita ng mga mata ko na tatalon ka!" singhal ng isang baritong tinig sa kanya.
Naguguluhan napaharap si Aloha sa mukha ng lalaking nakahawak sa katawan niya. Nasamyo pa niya ang mabango at natural nitong na amoy na nanunuot sa ilong niya. Gawa na rin liwanag ng sasakyan nitong hindi man lang niya napansin kanina ay napagmasdan niya ang mukha ng lalaki. Sa madaling salita na pwedeng deskripsiyon sa isang lalaki ay masasabi niyang napakagwapo nito.
"Ano hindi ka na makapagsalita! Kung magpapakamatay ka please lang paalisin mo muna ako," naiinis nitong saad na ikinailing niya.
"I'm not desperate to die. Binuhay nga ako, tapos magpapakamatay naman ako. Hindi iyon mangyayari kahit pakiramdam ko, daig ko pa rin ang pinapatay. I'm not ready to die. But I am broken hearted. Sobrang sakit dito oh," ani Aloha habang itinuturo ang puso niya. "Pero hindi naman talaga ako magpapakamatay. Sabi kasi ng nabilhan ko ng bulaklak, this red dahlia means power and strength," ipinakita ni Aloha ang hawak niyang halos wala na palang talutot ang dahlia. "Basta red dahlia yan, natuyot lang. Gusto ko sanang itapon sa ilog. Para dalahin niya lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Ang hirap sa pakiramdam eh. Pagkatapos noon, uuwi na ako. Pero hindi ako magpapakamatay," mahabang paliwanag ni Aloha. Sa tingin naman niya ay nakahinga ng maluwag ang lalaki sa sinabi niya.
"Sure kang hindi ka magpapakamatay?"
"Ang kulit, hindi nga po. Broken hearted nga lang ako. Ayon ang kotse ko oh. Nagpapakamatay may dala pang kotse. Di sana binangga ko na lang yan para naman sure na mabuhay man ako mamamatay din ako. Itayo mo naman ako please," ani Aloha ng itayo siya ng lalaki.
Muli ay bumalik sa Aloha sa pwesto niya kanina. Hindi naman umalis ang lalaki sa tabi niya.
"Maging masaya ka sana Facu. Alam kong magiging masaya ka sa iba. Kaya nga hindi ako ang pinili mo di ba? Masakit, pero pipilitin kong makalimutan na kita. Hanggang sa huli, mahal na mahal kita Facu. Pero paalam na." Binitawan ni Aloha ang tuyong red dahlia sa ilog at hinayaan niya iyong tangayin ito ng agos.
Nakatitig lang ang lalaki kay Aloha. Nakaramdam siya ng habag dito. Kitang-kita niya ang sakit na nararamdaman ng babae sa harapan niya sa bawat pagpatak ng mga luha nito sa mga mata. Pinagmasdan lang niya ang dalaga hanggang sa tuluyan na itong tumahan.
"Ayos ka na?"
Nagulat naman si Aloha ng may magsalita sa tabi niya.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka narito?" may kabang tanong ni Aloha. Bigla niyang naalala ang key knife niya. "Huwag kang magkakamali, hindi ka sasantohin nitong hawak ko!" Buong tapang na saad ni Aloha ng bigla na lang tumawa ang lalaking nasa harapan niya.
"Para ka namang biglang nagka-amnesia miss. Akala ko kanina tatalon ka ng tulay. Hanggang sa sinabi mong broken hearted ka. Tapos mula ng may kinausap ka dyan sa tulay hindi na ako umalis dito sa tabi mo. Although hindi mo nga ako kilala. Pero grabe ka naman para matakot pa sa akin. Aruhan la ako ng key knife. Mukha ba akong multo? O mukha akong masamang tao?" sagot ng lalaki na ngayon ay nakangiti sa kanya. Napailing pa ito ng ibaba niya ang key knife niya.
Doon lang naalala ni Aloha ang nangyari lang kanina. "I'm sorry. Para kasi akong nasa blank space ngayon. Kulang na lang higupin ako ng black hole sa nararamdaman ko."
"Don't worry naiintindihan ko. Kahit hindi pa naman ako nabobroken hearted tulad mo. Kasi hindi pa naman ako nagmamahal ay naiintindihan kita. By the way I'm Harlan Watson. From Watson Group of Companies. Napadaan lang dito kasi galing kaming probinsya para magtingin ng mga prospects lands na pwedeng pagtayuan ng mga kung anu-anong negosyo na makakatulong sa mga taong nakatira sa lugar na iyon. And by the way, can I know your name crying baby?"
Hindi man sinasadya pero napangiti si Aloha sa pagtatanong ni Harlan ng pangalan niya. Totoo naman kasing umiiyak siya. Pero hindi naman baby. Mula ng umiyak siya nang umiyak kanina. Ngayon lang siya napangiti.
"Mas maganda ka naman pala pag nakangiti eh. So what's your name?"
"Aloha Zoraida Montecillo," tipid niyang sagot.
"Related to Montecillo Trade?"
"My family business."
"Ow, I know your father. Malaking company ang meron kayo kaya kilala ko siya. Ganoon din ang mommy mo. Pero hindi sa personal. Sa pangalan lang. Alam mo na business," ani Harlan sa kanya.
"Ah, ibig sabihin pwedeng nakikilala rin nina mommy at daddy ang pangalan mo? Ganoon ba?"
"I think so. Hindi naman sa pagmamayabang malaki na rin ang naiunlad ng Watson's Group nang ako na ang humawak ng kompanya. Nahirapan akong pagsabayin ang dalawang kompanya. Kaya iniwan ko ang nasa ibang bansa. At pinalago ang narito. Napabayaan ni daddy ng magkaroon sila ng problema ni mommy. Hanggang sa till death do they part. Ayon sabay akong iniwan."
Napatango na lang si Aloha sa kwento ni Harlan. Kung tutuusin ay estranghero sila sa isa't isa. Pero nabigyan ng daan para makilala nila ang bawat isa sa simpleng tanong at sagot lang.
"By the way again. Okay ka na ba? Ihahatid na kita, baka mamaya magbago pa isip mo. Tumalon ka ng talaga sa tulay. Mauna ka susundan ko na lang ang sasakyan mo. Para masigurado kong makakauwi ka ng ligtas sa bahay ninyo."
"Hindi ba nakakaabala sa iyo?"
"Sa akin? Nope. Kung abala ka sana pinabayaan na lang kita. Pero natakot talaga ako kanina ng akala ko tatalon ka."
"Pero tulad ng na saksihan mo. Ganoon lang talaga ang gagawin ko. Kahit mahirap tanggapin. Kailangan kong simulan ang palayain siya."
"Ang swerte na niya sa iyo hindi ko man siya kilala. Pero ang malas mo sa kanya. Sa ganda mong iyan, iniwan ka pa."
"Hindi niya ako iniwan, pero hindi rin naman minahal. Assuming lang talaga ako."
"Hay, hayaan mo na siya. Marami pa dyang iba."
"Siguro nga hindi kami meant to be. Marami naman siguro sa tabi-tabi," sabay pa silang natawa sa sagot niyang iyon. "Pero ito talaga, sure ka bang hindi ako makakaabala sa iyo?"
"Promise hindi. Ihahatid kita. Mahaba pa ang gabi, maglalagi lang ako sa bar. Oi wait. Baka maisipan mo minsang sumama. To chill and to relax. Doon marami kang makikilala. Baka doon mo pa makilala ang iyong so called meant to be. Here is my card. I'm one call away, lang naman," anito at inabot niya ang card na binibigay nito.
Tinago na lang niya iyon sa bulsa ng damit na suot niya.
"Salamat."
"So tara na. Baka magkasakit ka pa. Lumalamig na dito."
Hindi na rin nagpatumpik-tumpik pa si Aloha ng igaya siya ni Harlan sa kotse niya. Hinintay lang din niya itong makasakay sa kotse nito.
Dalawang busina ang narinig ni Aloha. Bago niya pinaandar ang kotse niya. Sa rare view mirror kitang-kita niya ang pag-alalay ni Harlan sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay niya.
"Dito na ang bahay namin. Salamat ha. Ingat ka."
"No problem. Payo lang. Umiyak ka lang nang umiyak. Mawawala din ang sakit. Maghihilom din ang lahat sugat sa paglipas ng panahon. Just call or text me if you need a shoulder to cry on. Lalong lalo na pag nakamove-on ka na. Marami ka pang makikilala," anito at tuluyan ng nagpaalam na sa kanya.
Nasundan lang ng tingin ni Aloha ang papalayong sasakyan. Sa tingin niya kahit papaano nakahanap siya ng isang kaibigan. Kahit lalaki ito parang ang gaan ng pakiramdam niya habang kausap ito.
"Thank you." Hindi man iyon maririnig na ng bagong kakilala na si Harlan ay lubos talaga siyang nagpapasalamat dito. Kahit papaano ay nakalimutan na niyang umiyak sa mga oras na iyon.
Sa ngayon wala na siyang ibang nais kundi ang mahiga na lang muna sa kanyang kama at ipahinga ang pagal niyang katawan, ang puso pati na rin ang isipan.