Chapter 21

3033 Words
Bukas na ang ilaw sa kabahayan ng dumating si Aloha doon. Napatingin pa siya sa kwarto ni Facu. Bukas ang ilaw kaya naman, inaasahan niyang hindi niya makikita si Facu at ang babaeng kasama nito pagpasok niya sa loob. Ngunit laking gulat niya ng hindi pa niya nabubuksan ang pintuan ay kusa na itong bumukas. Ang mukha ng babaeng kasama ni Facu ang bumungad sa kanya. "Hi," bati nito. "Ako nga pala si Dia," pakilala nito. Inilahad pa nito ang kamay sa kanya. Inabangan pa ni Aloha ang kasunod nitong sasabihin pero hanggang doon na lang sa pagsasabi nito na Dia ang pangalan nito. Gusto niyang itanong kung ano ang relasyon nito kay Facu pero pinanghihinaan siya ng loob. Sa halip ay inabot na lang niya ang kamay nito. "Aloha," tipid niyang sagot. "Tamang-tama ang dating mo. Nagluluto si Facu ng dinner natin. Halika na sa kusina." Hindi na nakatanggi pa si Aloha ng higitin siya ni Dia papasok sa kusina. Halos mapasinghap naman si Aloha ng makita ang kawawang kusina. Kung gaano kaayos at kalinis ang kusina ng iwan ni Ate Merly ay daig pang binagyo ito sa mga oras na iyon. Parang siya ang nahihilo sa mga nakasalanlan na mga gamit. Kung saan-saan iyon nakapatong. Gayong ang nakikita pa lang naman niya ay karne ng manok, nabalatang papaya, at dahon ng sili. Hindi pa niya mawari kung anong ginawa ni Facu sa kaawa-awang luya. Para itong pinatay sa hampas. Pero hindi pa nahuhugasan. Parang siyang mawawalan ng malay sa nakikita niya. "Hon," tawag ni Aloha ng mapatingin sa kanya si Facu. Napalunok naman si Aloha ng makita niyang nakatingin sa kanya si Dia. "I'm sorry, hindi ko sinasadya." "Tulad ng sinabi ko sa iyo, don't call me that endearment. Nakakahiya sa girlfriend ko," may diing wika ni Facu. Bigla namang natigilan si Aloha. Hindi tuloy malaman ni Aloha kung paano tatanggpin ang narinig. Parang may libo-libong kutsilyo na humihiwa sa puso niya. Kasabay ng pagbuhos sa kanya ng malamig na tubig na punong-puno ng yelo. "G-girlfriend ka ni F-Facu?" nauutal pa niyang tanong kay Dia. Isang ngiti ang ibinigay nito sa kanya na lalong nagpadurog sa kanyang puso. Hindi mo kakikitaan ng pagkainis sa kanya si Dia. Nararamdaman niyang napakabait nito sa kabila ng pagtawag niya ng hon kay Facu ay hindi man lang ito nagalit sa kanya. "Yes may problema ba?" sagot nito na hindi man lang nawawala ang ngiti. Napailing siya. "W-wala naman." "Aloha, gusto mo ba akong samahan sa labas magkwentuhan naman tayo. Namimiss ko ding may kakwentuhan. Hayaan na natin dyan si Facu siya daw ang magluluto eh. Nagcrave kasi ako sa tinola," ani Claudia sabay hawak sa sinapupunan nito. Iyong panlalamig at sakit na nararamdaman niya kanina ay parang mas lumala pa sa mga oras na iyon. Ilang beses pa niyang ipinagbalik-balik ang tingin kay Facu at Dia. Gusto niyang magtanong ngunit pagkabuka ng bibig niya ay wala man lang ni isang salita na lumabas doon. Pati yata ang mga luha niya ay bigla na lang nahinto sa pagpatak. Nararamdaman niyang gusto na niyang umiyak. Pero ang mga luha niya, parang na freeze sa kanyang mga mata. "F-Facu," kahit papaano ay nabanggit niya ang pangalan nito. Nakatitig naman si Facu sa kanya. Nang wala naman siyang masabi ay ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Doon niya napansin na ang lahat ng sangkap sa tinola ay nakaready na. Ang kawawang luya ay nahugasan na rin nito. Pagkasalang pa lang ni Facu ng kawali sa kalan at pagkalagay nito ng mantika ay nabaling ang tingin niya kay Dia. Bigla na lang itong naduwal ng mailagay ni Facu ang bawang doon. Nasundan na lang niya ng tingin si Facu ng mabilis nitong pinatay ang kalan at mabilis na inalalayan si Dia patungo sa may sink. Wala naman itong isinusuka pero patuloy lang ito sa pagduduwal. Masakit sa kanyang mata ang nakikita niya. Ang sobrang pag-aalala ni Facu sa ibang babae ay ang labis na sumusugat sa puso niya. Ang paghangod nito sa likod ni Dia, ang mga tanong na puno ng pag-aalala. Naiinggit siya. Hinihiling niyang sana ay siya na lang. "Okay ka lang Dia?" nag-aalalang tanong ni Facu na ikinatango lang nito. Matapos mabigyan ng tubig ay binuhat na ni Facu si Dia. Nasundan na lang ng tingin ni Aloha ang dalawa na palabas ng kusina. Paakyat na sa may hagdanan ang mga ito. Doon na bumagsak si Aloha sa sahig. Sa sobrang sakit ng nararamdaman at nakikita niyang ka sweet-an ni Facu kay Dia ay sobrang-sobra sakit at selos ang nararamdaman niya. Bumigay din ang mga luha sa kanyang mga mata. Hinayaan muna niyang maubos ang mga luha niya bago niya napagpasyahang sumunod sa dalawa. Gusto niyang itanong muli kung ano ba talaga ang relasyon ni Facu at Dia. Gusto niyang sabihin nito na biro lang ang lahat. Nasasaktan siya. Gusto niya muling umiyak. Pero mas tinatagan niya ang kalooban. Kakatok sana siya sa pintuan ng kwarto ni Facu ng mapansin niyang bukas iyon. Nakahiga si Dia sa kama habang nakatingin sa kisame. Nakakumot ito. Habang sa kabilang side doon ay nakaupo si Facu at nakasandal sa headboard ng kama. "Ayos ka lang ba talaga? Hindi ba makakasama ang pagsusuka mo sa pagbubuntis mo?" tanong ni Facu ng lalong nagbigay sakit sa puso niya. Tama ang hinala niya kanina. Nagdadalangtao ito. Pero kailan pa? Bakit hindi niya nakilala si Dia. Tapos ngayon ay narito ito sa kwarto ni Facu. At sinasabi ni Facu na girlfriend nito ito at buntis pa ngayon. Halos magdilim ang paningin ni Aloha sa sakit na kanyang nararamdaman. Mabilis siyang pumasok sa kwarto ni Facu. Sinugod niya si Dia. Nahagip niya ang buhok nito, kasabay ng isang malakas na sampal na lumapat sa pisngi ni Dia. "Aloha!" malakas na sigaw ni Facu, hanggang sa maramdaman na lang niya ang paghablot ni Facu sa kamay niyang nakasabunot sa buhok ni Dia at ang mabilis nitong pagtulak sa kanya. Napaigik na lang si Aloha ng tumama ang likuran niya sa nakabukas na panara ng pintuan. Lalo lang siyang naiyak. Kasabay ng sakit na nararanasan ng puso niya ay sumabay pa ang sakit ng katawan niya sa pagkakatama sa may pintuan. Nahihilo siya. "Tang *na Aloha! Anong karapatan mong saktan si Dia? Bakit? Sasabihin mong nagseselos ka! Wala akong pakialam sa nararamdaman mo kung ano pa man iyan! Wala kang karapatang saktan si Dia. Wala tayong relasyon at palagi kong sinasabi sa iyong wala akong gusto sa iyo. Kailanman ay hindi ko magagawang mahalin ang isang spoiled brat, maldita at mababang uri ng babaeng katulad mo! Lumayas ka na Aloha! Hindi kita kailangan!" sigaw ni Facu habang inaalo si Dia. Sa sakit ng pagkakasabunot at sampal ni Aloha ay napaiyak talaga ito. Natigilan naman si Aloha. Iyong sakit ng katawan na gawa ng pagkakahampas niya sa pintuan ay hindi na niya halos maramdaman ng marinig ang huling sinabi ni Facu tungkol sa kanya. "A-anong sabi mo? Facu! Ulitin mo ang sinabi mo!" Hindi na niya mapigilan ang mga luhang nag-uunahan na naman sa pagpatak sa mga mata niya. Parang nakakapagod na ang sakit na nararamdaman niya sa araw na iyon. Mula pa ng bumalik siya doon. "Gusto mo ulit marinig?" ani Facu na halata na ang inis sa kanya. "Tandaan mong mabuti itong sasabihin ko Aloha! Itanim mo sa kokote mo. Kailanman ay hindi ko hahayaan ang sarili kong mahulog sa isang tulad mo na spoiled brat, maldita at mababang uri ng babae. Nasabihan kang may kaya ang pamilya pero daig mo pang isang bayaran kung umasta para sumama sa kung kani-kaninong mga lalaki!" Kulang ang salitang gulat para maintindihan ang mga sinasabi ni Facu. Hindi talaga niya alam kung ano ang ibinibintang nito sa kanya. "Huwag mo akong pagbintangan ng ganyan Facu. Pero sumusobra ka naman para husgahan ako ng ganyan. Wala akong alam na ginawang masama sa iyo. Para sabihan ako ng ganyan. Masyado ng below the belt ang mga paratang mo. Gayong ang mahalin ka lang naman ang kasalanan ko! Sobrang sakit na eh. Nagtitiis ako kahit masungit ka sa akin. Kasi mahal kita. Pero ang sabihan ako ng ganyan na walang katotohanan." Napahugot ng hangin si Aloha. Napakasakit ng mga salitang binibitawan ni Facu sa kanya. Tahimik lang na nakikinig si Claudia sa palitan ng masasakit na salita ng dalawa. Naaawa siya kay Aloha. Kaya lang nakikita niya ang kapursigiduhan ni Facu na mapaalis na si Aloha, para tigilan na nito ang pantasya nito kay Facu. Kaya naman wala talaga siyang maikomento. Kaya nanahimik at nakikinig na lang siya. "Bakit? Nasasaktan ka sa katotohanan. Bakit hindi ka pa umalis!? Matagal na akong naiirita sa iyo, alam mo ba iyon? Palagi mo na lang penepeste ang buhay ko! Hindi ako natutuwa na kung kumilos ka ay parang kasintahan kita kahit hindi naman. Okay gusto mong malaman ang mga sinasabi ko? Hindi naman ako magsasalita kung wala akong matibay na basehan." Napahugot ng hangin si Facu. Pero wala ng atrasan. Dapat ay masabi na niya kay Aloha ang nais niyang masabi para tigilan na siya nito. Wala siyang pakialam kung mag-iyak man ito ang mahalaga ay tumigil na ito sa kakahabol sa kanya. "Anong basehan mo para maging isang babaeng pariwara at mababang uri ang tingin mo sa akin. Ha! Facu!" "Listen carefully Aloha. Sana naman pagnalaman mo ang nalalaman ko tungkol sa iyo ay tigilan mo na ako. Ayaw ko sa iyo. Hindi ikaw ang babaeng pinapangarap ko. Two days bago ang anniversary ng mga magulang mo kung naaalala mo. Noong panahon na ako ang dumalo sa wedding anniversary nila. Doon sa hotel kung saan ako nagstay. Kitang-kita ko kung gaano ka kalasing para sumama sa mga lalaking iyon. Doon pa talaga kayo sa katabing hotel room ko. Kaya hindi mo maiitanggi sa akin. Nag-eenjoy ka pa sa hawak ng lalaking iyon habang papasok kayo sa hotel room na iyon. And that night, noong araw ng anniversary ng mga magulang mo. Nakita kita sa isang sulok, habang naghihintay sa lalaki mo. Kitang-kita ko kung paano ka niya hinalikan at sumama sa lalaking iyon ng gabing iyon sa madilim na parte ng pamamahay ninyo ng walang pag-aalinlangan. Nag-enjoy ka ba? Ngayon sabihin ko sa akin kung karapat-dapat ka bang mahalin! May pinag-aralan ka pero hindi mo ginagamit ng tama. Mas masaya bang sumama sa kung kani-kaninong mga lalaki ha!" Nagpabaling-baling ang tingin ni Claudia kay Facu at Aloha. Naaawa siya sa dalagang nakasalampak sa sahig at patuloy na umiiyak. Habang si Facu naman ay namumula sa sidhi ng damdamin na nararamdaman nito. Lalo siyang nawalan ng sasabihin sa mga narinig niya kay Facu. "Iyon lang ba ang dahilan kaya ayaw mo sa akin? Sana naman inalam mo muna ang lahat bago mo ako hinusgahan," ani Aloha sa mababang tinig. Nakayuko ito kanina, pero ng magsalita na ito ay bigla itong tumingin sa kanila. Halos panlamigan ng pakiramdam si Facu sa lamig ng tinging ipinukol ni Aloha sa kanila ni Claudia. "Total naman parang ito na ang huli nating pagkikita, gusto ko lang linawin ang lahat sa iyo Facundo. Kahit ang linisin man lang ang pagkatao ko sa iyo ay magawa ko. Pero sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang ikaw ang minahal ko." Natigilan si Facu. Pakiramdam niya ay may bumalot na yelo sa puso niya. Parang biglang nanlamig ang puso niya at buong katawan sa paraan ng pagsasalita ni Aloha. Lalo na huli nitong sinabi. Hindi niya akalain ang biglang pagyakap sa kanya ng sakit. Parang tinamaan ng punyal ang puso niya. Hindi naman niya gustong sabihin ang lahat ng sinabi niya kay Aloha. Pero sa bugso ng damdamin nang sampalin nito si Dia ay nagdilim ang paningin niya. "I was in high school ng maranasan kong mabully. You know why? Kasi ampon lang ako. Hindi naman talaga nagkaroon ng anak sina mommy at daddy. Pero minahal nila ako ng higit pa sa isang tunay na anak. Iyon ang dahilan kaya naman palagi akong nabubully sa school. One time hindi ako nakauwi ng bahay, kasi ikinulong ako ng mga classmates ko sa banyo. Kinuha nila ang cellphone ko. At ipinagpaalam ako kina mommy na hindi makakauwi kasi may gagawin ako. Alam mo iyong pakiramdam na nagugutom ka, nag-iisa ka pero wala kang mahingan ng tulong. Ang dilim-dilim sa loob ng banyo. Pero nagtiis ako magdamag. Umaga ng makalabas ako ng banyo, kung hindi pa dumating ang janitor ng school. Umuwi ako noon sa bahay ay sinabi ko lang kay mommy at daddy na gumawa ako ng projects kasama ng mga kaibigan ko. Kaibigan? Pangarap ko lang iyon kasi wala ako noon. Kahit isa wala ako. Sina Ate Merly, Sol at Ale lang. Sila lang ang naging kaibigan ko." Patuloy lang sa pagkukwento si Aloha. Wala ring tigil ang mga luha niya sa pag-agos. Kahit si Claudia ay hindi napigilan ang pagluha. Nakaramdam siya ng guilt para sang-ayunan si Facu sa kalokohan nito. Naaawa siya kay Aloha. Gusto niya itong lapitan. Kaya lang hindi niya kayang salubungin ang sama ng loob nito. "At iyong nakita mo sa hotel? Paano ko makakimutan? Hindi nga iyon mawala sa isipan ko. Pero ngayon nagiging sariwa na naman. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nasa isang café lang ako noon habang kumakain ng cake at umiinom ng iced tea ng may lumapit sa aking mga lalaki. Makikiupo lang daw. Hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari. They drugged me. Mabuti na lang naiwang bukas ang pintuan ng hotel room na iyon. At may roomboy na nagmagandang loob na iligtas ako sa kamay ng mga hayop na iyon. Muntik na akong marape Facu. Alam mo iyong takot ko noon. Hindi basta-basta. Iyon ang nagbigay trauma sa akin. Alam mo ba iyon!" sigaw ni Aloha na hindi nagawang makapagsalita si Facu. Kulang ang salitang nagulat siya sa nalalaman kay Aloha. "At noong gabing iyon alalahanin mo ang suot ko! Alalahanin mo!" Halos magwala si Aloha sa mga oras na iyon. Mabilis naman itong nilapitan ni Facu. Parang lahat ng sinabi niya kay Aloha ay nagbackfire din sa kanya ngayon. "Tama na Aloha, tama na," pakiusap ni Facu sa mahinahong tinig pero ayaw makinig ni Aloha. Ilang beses pang sinuntok ni Aloha si Facu sa dibdib. "Alalahanin mo ang suot ko nun Facu! Alalahanin mo! Ganoon ang suot ko kasi itinatago ko ang mga pasang ibinigay sa akin ng mga lalaking sinasabi mong sinamahan ko! At noong nag-iisa ako, gusto ko lang namang mapag-isa kasi natatakot akong makisalamuha sa mga tao. Sa iyo lang naging magaan ang kalooban ko. Kaya naman noong hinalikan kita, naramdaman kong safe ako sa iyo. Pero noong nag-iisa na ako, may humigit sa akin na hindi ko kilala. Pero tinutukan niya ako ng patalim kaya wala akong nagawa. Sumama na lang ako. Pasalamat na lang ako na bago pa niya ako nakuha, nakita na ako ng guwardiya namin. Nailigatas niya ako. Hanggang sa natapos ang party walang balitang lumabas dahil inilihim iyon nina mommy at daddy. Alam nila ang pinagdaanan ko. Ipinagamot nila ako sa psychiatrist kasi nababaliw na ako. Siguro nga baliw na ako. Nang medyo ayos na ang pakiramdam ko, hiniling ko sa mga magulang ko at kina ninang, ninong at Lolo Fernando na dito muna ako para makasama kita. Pero sa tinangal ng panahon, ganoon pa lang kababa ang tingin mo sa akin. Sorry sa pagiging assuming ko. This is the last time. Suko na ako Facu. Ayaw ko na sa iyo. Isinusuko ko na ang pagmamahal ko sa iyo. Sana maging masaya kayo ni Dia. Congratulations sa baby ninyo." "A-Aloha," bulong ni Facu na hindi na pinansin ni Aloha. Walang pag-aatubiling tumayo si Aloha at iniwan ang nakatulalang si Facu. Sobra talaga siyang nasaktan sa mga sinabi nito sa kanya. Hinugasan siya nito ng walang sapat na dahilan. Bagay na ngayon pinagsisisihan niya kung bakit ba niya minahal ng sobra-sobra si Facu. "Facu, hindi mo ba hahabulin!" sigaw ni Claudia ng biglang matauhan si Facu. Mabilis siyang tumayo para habulin si Aloha. Naabutan niya ito sa labas ng bahay sa may garahe sa tapat ng kotse nito. Mabilis niyang ikinulong ang dalaga sa mga bisig niya. "Pinya mag-usap tayo. I'm sorry sa lahat ng mga nasabi ko. Alam kong mali na nahusgahan kita. Huwag kang umalis, kausapin mo mo ako," pakiusap ni Facu habang pilit naman inaalis ni Aloha ang pagkakayakap niya dito. "Bitawan mo ako Facundo Agunsilio Alonzo! Ito ang gusto mo di ba, ang umalis na ako. Ito na iyon, aalis na ako at wala ng manggugulo sa iyo. Wala ng mamemeste pa sa iyo. Sorry kong minahal kita. At pinagsisisihan ko ang mga panahong isiniksik ko ang sarili ko, at ibinuhos ko ang buong pagmamahal ko sa taong hindi kailanman ako kayang mahalin. Pasensya na. Huli na ito. Sana ito na talaga ang huli nating pagkikita. Malamang ayaw mo nga akong makita," may pagkasarkastikong tinig pa ni Aloha habang sinasabi ang bagay na iyon. Pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap ni Facu sa kanya. "Huwag kang umalis, mag-usap tayo," anito na ikinailing niya. Biglang itinaas ni Aloha ang susi ng kotse niya. Nakasabit doon ang isang key knife at itinapat sa leeg niiya. "Bibitawan mo ako Facu isasaksak ko ito sa sarili ko!" may diing saad ni Aloha kaya naman bigla siyang nabitawan ni Facu. "Pinya," pagsusumamo pa ni Facu. "Magiging masaya ka na Facu kasi mawawala na ako sa paningin mo, lalong-lalo na sa buhay mo. Pasensya na sa abalang naidulot ng spoiled brat, maldita at mababang uri na babae na tulad ko. Maging masaya ka sana sa pag-alis ko. Wala ng balikan ito pangako. Para na rin hindi mo na ako makita pang muli." Huling salitang sinabi ni Aloha bago siya mabilis na sumakay ng kotse niya at sinuong ang daan paalis sa kadiliman ng gabi. Tulala lang si Facu habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Aloha. Hindi niya alam kung bakit siya umabot sa puntong iyon. Nasaktan niya si Aloha. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan. Parang kay sakit sa pakiramdam ng pamamaalam na iyon ni Aloha sa kanya. Nag-iinit ang gilid ng kanyang mga mata. Hanggang sa tuluyan na niyang hindi mapigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha ng hindi na niya matanaw ang sasakyan ng dalaga. "Aloha," bulong pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD