Chapter 23

1856 Words
Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Claudia bago nilapitan si Facu. Nasa pwesto pa rin ito nito mula ng iwan ito ni Aloha. Nalulungkot siya sa nangyari sa dalawa. Parang grabe lang maging mapaglaro ng tadhana. Parang magkakatugon ang mga pangyayari. Kay Federico at sa kanya. Kay Facundo at Aloha. "Hindi ka pa ba papasok sa loob ng bahay?" tanong ni Claudia na nagpalingon kay Facu. Doon lang naalala ni Facu na nasa bahay nga pala niya si Dia. "Pasensya na. Sa totoo lang nakalimutan kong narito ka nga pala. Nagugutom ka na ba? Bumalik ka muna sa kwarto ko. Itutuloy ko na iyong niluluto ko kanina," malungkot na saad ni Facu. Habang pinipilit niyang makatayo mula sa pagkakasalampak sa damuhan. "Don't bother. I handle myself. Kaya ko namang magluto. Ang inaalala ko ay ikaw. Ako kahit papaano nilalakasan ko ang kalooban ko sa nangyari sa amin ni Morning Seven. Ay ikaw?" Nakipagtitigan si Facu kay Claudia. Pero siya din naman agad ang nagbawi ng tingin. "I'm not okay. I hurt her. Hindi ko akalaing---," hindi natuloy ni Facu ang sasabihin. Naramdaman na naman niya ang kirot sa puso niya. Hindi dahil iniwan siya ni Aloha. Kundi sa kaalaman niyang nahusgahan niya ito sa kabila ng hirap na pinagdaanan nito. "Kung kaya ko lang bawiin ang lahat ng nasabi ko." "Pero ang sinabi mo ay nasabi mo na. Wala ng bawian. Ang kailangan mo na lang ngayong gawin ay ang kilalanin ang sarili mong nararamdaman para kay Aloha." "I am worthless?" tanong ni Facu na ikinalapit dito ni Claudia. "I think so, you are," walang kiming sagot ni Claudia na ikinangiwi ni Facu. Tinapik-tapik pa ni Claudia ang balikat niya. "Hindi mo man lang binali ang sinabi ko. Sinang-ayunan mo talaga?" "Why? Dapat ba bigyan ko sugar coat ang mga salita na sasabihin ko sa iyo? Na hindi ka ganoon. You are more worthy than you'll ever know. Ganoon ba dapat? Na-ah. Base sa pag-uusap ninyo ni Aloha. Nagkamali ka, you misjudged her. To the point na maaaring hindi ka na nga balikan. Kaya bakit kita paaasahin sa mabulaklak na dila gayong alam naman natin na masama ang loob sa iyo. Nasaktan mo iyong tao. Kaya magtiis ka. Ako nga nasaktan ako. Kaya ng umalis ako. Ganoon din si Aloha mo." "Hindi na ba ako kabalik-balik?" "Ako man. Kung ako ang sinabihan mo ng ganoon hindi rin kita babalikan. Taste your own medicine ika nga." "Kaibigan ba kita?" "Yes. Mula ng nalaman ko ang dahilan kung bakit ayaw mo kay Aloha. Sabi mo nga pagnalaman ko. Sanggang dikit na tayo. Kaya totoong kaibigan mo ako. Masaktan ka na sa masakit na katotohanan. Kaysa magkaroon ng pag-asa sa wala namang kasiguraduhan. Okay." Napatango na lang si Facu. Bakit ba tinatamaan siya sa lahat ng sagot sa kanya ni Dia. "Pero alam mo Dia, nang makita ko siya na malamig ang titig sa akin, kinabahan ako. Lalo na iyong pamamaalam niya. Parang nasasaktan ako ng sobra. Hindi ko alam. Pero iyong puso ko, ibang-iba ang ipinaparamdam sa akin ngayon. Kaysa noong ipinagtatabuyan ko si Pinya na alam kong babalik ulit sa akin kahit umalis siya. Ngayon hindi ko na alam. Kinakabahan ako talaga," pag-amin niya. "Kabahan ka na talaga. Because you love her. In other word mahal mo siya. Nabubulagan ka lang kasi doon sa alam mong katauhan niya. Na taliwas naman pala sa totoo. Tapos ang katotohanan pa ay biktima siya ng mga panahong iyon. At ngayong alam mo na ang katotohanan. Nagiba naman ang harang na inilagay mo dyan sa puso mo para makapasok na ng tuluyan si Aloha. But sorry my boy, iniwan ka na ng Aloha mo. Suyuin mo man iyon ngayon. Parang hindi na iyon babalik sa iyo. Kaya good luck sa panunuyo mo. Sabi ko nga sa iyo. Once na maisip niyang i-let go ang pagmamahal na meron siya sa iyo. Maghabol ka man sa tambol mayor, hindi na iyan babalik sa iyo." Totoo naman ang sinabi ni Dia. Kaya lang, "pinapalakas mo ba talaga ang loob ko, o lalo mo akong binibigyan ng pag-aalinlangan para habulin si Pinya?" "The answer is not on me. Nasa iyo lang ang sagot. Kung naguguluhan ka ngayon. Mag-isip ka muna. Kung talagang mahal mo si Aloha. O kaya naman ay hinanahanap mo lang siya kasi nakasanayan mong palagi siyang narito. Hayaan mo na lang siya. Kasi po kung hahabulin mo at hindi mo naman pala mahal, sasaktan mo lang ulit si Aloha. Hindi ko masasabing same kami ng sitwasyon ni Aloha. Kasi unang-una, naranasan ko rin namang mahusgahan ako ni Morning Seven. Pero mahal ko eh. Kaya hinayaan ko na lang. Desisyon ko iyon. Pero iyong kay Aloha, sobrang tagal mong kinimkim ang panghuhusga sa kanya. Gayong umaasa iyong tao na mamahalin mo siya. Kaya hindi ko masasabi kung babalik pa iyan sa iyo. Kaya manawagan ka na sa lahat ng santo. Ako kasi sa part ko, I decided to let him go. Para sa anak nila. Ikaw naman wala kang pinanghahawakan kay Aloha. Kaya ngayon pa lang isipin mo ang bawat hakbang na gagawin mo. Don't repeat the same mistakes twice. Kapain mo muna ang puso mo. Ang sarili mo. Sa ngayon hayaan mo muna si Aloha. Nasaktan iyong tao. Kahit habulin mo, hinding-hindi yan babalik sa iyo. Kaya bigyan mo yan ng oras at panahon. Hayaan mong maghilom ang sugat na ikaw naman mismo ang may gawa." Napatanaw na lang si Facu sa daang kanina lang ay tinahak ni Aloha. Tama si Dia, bago niya habulin si Aloha, dapat maging tama at totoo ang magiging desisyon niya sa buhay. Kung pagmamahal ba iyong nararamdaman niya ngayon o talagang nakasanayan na lang niya. Bago sa kanya ang lahat. Kaya sobra siyang nangangapa. Shock din siya sa nangyari. Lalo na at hindi niya inaasahan ang mga binanggit ni Aloha sa kanya. "Salamat Dia. Huwag mo sanang mababangit sa kahit na kanino ang nangyari sa gabing ito." Napangisi naman si Claudia. "Paano kong may makausap ako at madulas ako?" "Okay, isang tawag ko lang sa asawa mo. Narito na iyon sigurado. Wala pang ilang minuto." "You don't do that." "Yes! I will." "Fine! Magiging sekreto ang lahat. Kahit sa mga kasama mo dito sa bahay pagbalik nila. Basta walang makakaalam na narito ako. Kailangan kong makapag-isip-isip muna. Uuwi rin ako pero hindi pa ngayon. "Deal?" "Oo, deal. Sana maging mabilis ang pag-iisip mo tungkol sa Aloha mo. Dalaga at wala kang pinanghahawakan na kahit na ano sa kanya. Maaaring sa pag-alis niya dito, marealize niya ang worth niya na hindi dapat sinasayang sa isang tulad mo ang pagmamahal niya. Kaya maghahanap na lang siya ng ibang mapagbabalingan ng puso niya. Maganda si Aloha. Hindi mahirap mahalin. Ako nga, nakuha agad niya. Kahit masakit ang sampal at sabunot sa akin. Ang ibang lalaki pa ba. Yari ka pag nag-explore na iyon. Remember madaming lalaki sa Maynila. Hindi tulad ditong ikaw lang ang minamahal," paalala pa ni Claudia. Napapikit si Facu sa imaheng dumaan sa balintataw niya. Si Aloha na nakikipagngitian sa ibang lalaki. Ang pagnanakaw nito ng halik sa kanya ay sa ibang lalaki na nito gagawin. "Hindi ako papayag!" sigaw ni Facu na wari mo ay bigla naman ngayong naghahamon ng away. "See. Mahal mo talaga. Tanga ka lang." Napangiwi na lang si Facu. Wala din talagang filter ang bibig ni Dia. "Ay ikaw? Anong tawag mo dyan sa pagtatago mo at hindi pakikipag-usap sa asawa mo?" "Ito, ang tinatawag na re-counseling my inner self. Kailangan ko ng lakas ng loob para makausap siya. Pero for forgiveness na lang. Gusto kong pag-uwi ko, hindi na ako galit sa kanya at napatawad ko na sila. Hindi biro ang pinagdaraanan ng puso ko ngayon. Lalo na at mahal na mahal ko siya. Pero sana tulungan mo akong maayos ko ang annulment paper namin. Please Facu." "Ganyang sakripisyo ang gagawin mo?" "Hindi. Ganoon ko siya kamahal kahit hindi niya ako mahal," ani Claudia na nagsisimula na namang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Inalalayan na lang ni Facu si Claudia papasok sa loob ng bahay. Habang nag-iisip siya. Kailangan niyang alagaan si Dia. Alam niyang maaayos din ni Dia at Rico ang problema ng mga ito. Sa ngayon tutulungan muna niya si Dia sa nais nito. Gagawin niya iyon, hindi lamang para kay Dia. Kundi higit sa lahat kay Rico at sa anak ng dalawa. Halos magdadalawang linggo na rin ang nakakaraan mula ng umalis si Aloha. Doon nararamdaman ni Facu ang kakulangan. Dati kahit umalis si Aloha ng napakatagal alam niyang babalik ito ano mang oras. Ngayon sigurado na siyang hindi ito babalik. "Senyorito kape." Napatingin siya kay Merly ng ilapag nito ang kapeng hinihingi niya. Kauuwi lang ng tatlo noong nakaraang araw. Nagulat man ang mga ito nang pagbalik ng mga ito ay wala si Aloha sa bahay ay hindi na rin naman nagtanong ang mga ito. Hindi na rin naman niya ipinaalam pa ang dahilan ng pag-alis ni Aloha. Mas malulungkot lang ang tatlo kung malalaman pa ng mga ito ang katotohanan. "Salamat." Isang ngiti lang ang naging sagot nito sa kanya. Alam niyang gusto siyang makausap ng mga ito. Pero wala ni isang magtangkang magbukas ng usapan. Kahit naman siya ay ayaw niyang balikan pa. Nasundan na lang niya si Ate Merly na papasok sa loob ng bahay. Nakita pa niyang sinalubong ito nina Ale at Sol. Na alam niyang nalulungkot sa biglaan at walang paalam na pag-alis ni Aloha. "Anong balak mo?" Napatingin siya kay Claudia na may hawak na chocolate powder habang isinasawsaw ang pritong saging na saba. Naupo ito sa tabi niya at ipinatong sa lamesang naroroon ang tray na kinalalagyan ng isang pinggan ng pritong saging at ang bote ng chocolate powder na sawsawan nito. "Mababaliw na ako," walang kimi niyang sagot at hindi niya iyon ikinahihiya. "Mukha nga. So?" "Luluwas ako bukas. Huwag mo na lang sabihin sa kanila kung saan ako pupunta. Wala akong balak ipaalam kina Ate Merly. Mabait naman si Ate Merly. Kahit sina Ale at Sol. Iutos mo sa kanila ang gusto mo. Kung may nais kang kainin. Basta ibibilin din kita sa kanila. Kung hindi ko pa sisimulang kausapin ngayon si Pinya, baka ako ang kauna-unahang mababaliw sa pamilya ni Lolo Fern." Napangiti naman si Claudia. "Good luck. Pero huwang mong pwersahin. Suyuin mo ng paunti-unti." "Oo gagawin ko, alam ko namang galit pa iyon sa akin. Kung noon hindi ako sinukuan ni Pinya. Ngayon babawi ako sa kanya. Hindi ako pupunta roon para lang sukuan siya." "Dapat lang. Babae iyon. Minamahal dapat at hindi sinasaktan." "Eh bakit ikaw? Babae ka rin naman. At nasaktan ka rin naman." "Sa iyo ang topic Facundo at hindi sa akin. Kaya ako ay tigilan mo. Sumbong kita kay Don Fernando eh." "Itawag kita kay Rico eh," sagot ni Facu na ikinatawa lang nilang dalawa ni Claudia. Sa kabila ng pinagdadaanan nila. Nakahanap sila ng kaibigan sa katauhan ng isa't isa. Napatanaw na lang si Facu sa papalubog na araw. "I'm sorry Pinya. Sana kausapin mo naman ako. Kahit hindi mo pa ako mapatawad kaagad, maghihintay ako. Basta ipaparamdam ko sa iyo ang halaga mo," bulong pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD