Dalawang buwan ang mabilis na lumipas at kahit papaano ay maayos na rin ang braso ni Aloha. Naiigalaw na niya iyon tulad noong hindi pa nangyayari ang aksidenteng kinasangkutan niya sa may bangin. Kaya na rin niyang magmamaneho.
Tulad ng ipinangako ni Facu, inalagaan siya nito sa loob ng panahong nahihirapan siyang kumilos. Pero kahit sabihing dalawang buwan siyang halos hindi nakakilos ng normal. Masasabi niyang iyong dalawang buwan na iyon ay masasabi niyang the best months of her life.
Paanong hindi? Ramdam na ramdam niya ang care ni Facu sa kanya. Kulang na lang ay sabihin ni Facu na mahal na rin siya nito. Sa lahat ng ipinaparamdam nito sa kanya. Basta sa bawat araw na inaalagaan siya ni Facu, ang bawat araw na kahit kailanman hindi niya makakalimutan. Assuming na kung assuming, pero iyon talaga ang nararamdaman niya at masaya siya.
"Ms. Aloha talaga bang aalis ka na?" hindi mapigilang tanong ni Sol habang nakatingin kay Aloha sa pag-aayos ng gamit.
Tumigil saglit si Aloha sa ginagawa at bumaling sa tatlo. Naupo muna siya sa gilid ng kama. Wala roon si Facu sa mga oras na iyon.
"Mamimiss ninyo ako?" tanong niya ng lapitan siya ni Ale.
"Oo naman. Sobra-sobra pa. Isa pa kung kailan ayos na ayos na kayo ni senyorito saka ka naman aalis."
"Oi babalik pa ako ha. Need ko lang talagang bumalik sa bahay. May kailangan lang akong gawin. Pero mabilis lang iyon. Hindi lang pwede na hindi ako uuwi. Babalik ako kaagad. Para pasagutin ang masungit na lalaking iyon. Bakit ba ang pakipot? Pero iba talaga ang nararamdaman ko. Malapit ko na siyang mapasagot," ani Aloha na ikinahagikhik naman ng tatlo.
"Napapansin nga namin. Ayaw lang naming magsalita ni Sol. Pero halatang-halata naman si senyorito. Pero ayaw pang-umamin."
"Tama ka Ale. Iyong mga titig sa iyo ni senyorito. Kahit pa mag-deny siya. Hindi iyon magsisinungaling."
"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Aloha. Parang sa sinasabi ni Ale at Sol ay mas nagkaroon siya ng kompiyansa at pag-asa.
"Oo Ms. Aloha," ani Merly na mas ikinatuwa niya. "Isa pa Ms. Aloha, kailan ka babalik dito?" tanong ni Merly.
"Hindi pa ako umaalis, pagbalik talaga kaagad ang tanong mo Ate Merly?"
"Kahit kami ni Sol. Tanong din namin iyan. Mamimiss ka namin. Pagdumadating ka dito. Umiingay ang bahay. Parang ang saya lang palagi," sagot ni Ale.
"Ay ganoon. Salamat sa inyo. Baka after one to two weeks. Depende kung kailan ako pwedeng bumalik dito. Hindi kasi pwedeng baliwalain iyong ibinabalik ko sa amin."
"Ganoon ba? Sige na Ms. Aloha. Mag-ayos ka na ng gamit mo. Babantayan namin si senyorito para sa iyo," ani Ale habang isa-isang tinitiklop ang ilang damit ni Aloha na inilalagay nito sa maleta.
Hapon na ng bumalik si Facu ng bahay. Pagpasok pa lang niya ng bahay ay mukha na kaagad ni Aloha ang nakita niya. Bigla tuloy umasim ang mukha niya.
"Anong pagmumukha iyan hon? Daig mo pang nakatikim ng suka na panis pa sa pag-iitsura mo." Hindi mapigilang puna ni Aloha ng makalapit siya kay Facu at nakawan na naman niya ito ng isang halik sa labi.
Lalo namang napahakbang paatras si Facu sa ginawang iyon ni Aloha, na ikinanguso lang ng dalaga.
"Iwas na iwas ka sa akin. Daig ko pang may malalang sakit. Tapos noong may sakit ako. Todo asikaso ka naman. Nag-aalala ka rin sa akin. Aminin mo," tukso ni Aloha na ikinaismid lang ni Facu. Natawa na lang si Aloha sa reaksyon nito.
"Anong ginagawa mo pa dito? Akala ko ba pag-uwi ko wala ka na dito. Inaasahan kong nakaalis ka na ngayon. Inagahan ko pa naman ang uwi sa pag-aakalang wala ka na dito," reklamo ni Facu na ikinaabresyete naman ni Aloha dito.
"Aba't nanghinayang ka pa nga na narito pa ako? Masyado kang excited hon. Nag-ayos lang ako ng gamit ngayon. Bukas pa ako uuwi."
"Hindi ba ngayon? Akala ko talaga ay ngayon. Kung alam ko lang. Hindi na muna ako umuwi."
"Nakakainis ka! Sure naman na mamimiss mo ako pag-umalis ako. Bakit ba hindi mo pa aminin sa sarili mo na mahal mo rin ako? Ramdam na ramdam ko naman ang pag-aalala at pag-aalaga mo sa akin. Pero bakit nagdi-deny ka pa?"
Napakunot noo naman si Facu sa sinabing iyon ni Aloha. Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Hinila niya ito patungo sa may sofa at doon sila naupo ng magkaharap. Hinawakan pa ni Facu ang kamay ni Aloha. Bago tiningnan ang dalaga nang mata sa mata.
"Sasabihin mo ng mahal mo rin ako?" excited na saad ni Aloha na ikinangisi ni Facu.
"In your dreams Pinya."
"Pero akala ko ay----."
"Hayaan mo akong magsalita. Huwag kang assuming," ani Facu. Kaya naman natahimik na lang si Aloha. "Makinig ka Pinya. Hindi kita gusto. I just want to make it clear. Hindi ikaw ang babaeng pinapangarap ko. Ayaw ko sa iyo. Sana naman ay malinaw yang tumatak sa isipan mo. Iyong mga pag-aalaga ko sa iyo. Syempre it's a part of my job to take care of you. Nasa poder kita at sa akin ka ipinagkatiwala ng mga magulang mo. Ang galing nga eh. Wala kang trabaho, wala kang pinagkakaabalahan. Kaya naman open na open ang pamimeste mo sa akin. Sana lang tumigil ka na sa ilusyon mo. Walang mararating lahat ng pangarap mo. Kung AKO ang pangangarapin mo." Binigyang diin pa ni Facu ang salitang ako para lang mas tumatak sa isipan ni Aloha ang lahat.
Nasaktan si Aloha sa mga binitiwang salita ni Facu. Pero hindi siya si Aloha Zoraida Montecillo kung basta na lang siya iiyak at magmumukmok. Sinabihan lang naman siya. Wala pang isinasampal na dahilan. Kaya naman. Matira matibay sa kanila ni Facu. Talo ang unang susuko.
Inaasahan ni Facu ay magagalit si Aloha sa kanya at basta na lang mag wa-walk-out dahil sa sinabi niya. Aalis na ng bahay o kaya ay magkukulong sa silid nito. Pero iba ang nangyari.
Napalunok si Facu habang nakatitig kay Aloha ng bigla itong naupo sa kandungan niya at yumakap pa sa kanyang leeg. Wala ni isang salita na lumabas sa bibig ni Facu para ipagtabuyan si Aloha. Hindi rin siya nakakilos at natigilan na lang.
"Alam mo Facundo Agunsilio Alonzo, napakasungit mo. Pasalamat ka at gwapo ka. Sobra akong nasasaktan sa mga sinasabi mo, alam mo ba iyon. Paalis na nga ako pinapasama mo pa ang kalooban ko. Pero dahil ganyan ka kadisedido na paalisin ako. Kaya aalis na ako bukas. Balak kong umuwi after two weeks. Kaya lang baka mamiss mo ako kaya babalik na lang ako kaagad. Okay. One week is enough malay mo less than pa. Kaya wait me here love. Pagbalik ko mapapasagot na kita," masayang wika pa ni Aloha.
Isang matamis na ngiti pa ang ibinigay ni Aloha kay Facu. At bago pa makaisip si Facu na ihagis siya sa kung saan ay mabilis niyang hinalikan ito sa labi. Bago mabilis na tumakbo patungo sa may hagdanan, paakyat sa kwarto niya.
Habul-habol naman ni Aloha ang hininga. Napasandal pa siya sa likod ng pintuan ng maisara niya iyon. "Natutulala talaga siya paghinahalikan ko. Mas mabuting matulala, kaysa naman mag-ala dragon," humihingal pa ring wika ni Aloha.
Nang makabawi siya sa nararamdaman ay hinayon niya ang kama. "Mabilis lang ang isang linggo. Hay ano kayang ipapasalubong ko sa iyo pagbalik ko," ani Aloha habang nakahiga na sa sariling kama. At nag-iisip ng pwede niyang pasalubong kay Facu. "Ay hindi, bago ang ipapasalubong iyong iiwan ko muna."
Samantala, napasunod na lang ng tingin si Facu kay Aloha ng bigla na lang itong tumakbo paakyat ng hagdanan. Nag-alala pa siya na baka madapa pa ito at madoblehan ng bali sa braso. Pero nakahinga siya ng maluwag ng makarating ito sa itaas ng hindi nadadapa.
"Paano ko ba patitigilin ang Pinyang iyon sa gusto niya?" Napabuntonghininga siya. Hindi niya alam kung bakit napakakulit nito sa kagustuhan nito. Habang siya ay wala ng ginawa para lang ipagtabuyan ito. "Hindi ko gustong masaktan ka Pinya kaya naman una pa lang sinasabi ko na sa iyo ang saloobin ko. Pero bakit ang tigas ng ulo mo?" ani Facu na ipinikit ang mga mata. "Isang linggo, sabagay kahit papaano matatahimik ang buhay ko," dagdag pa niya ng maramdaman niyang muli ang sakit ng ulo niya. Sa halip na magtungo ng sariling silid ay nahiga na lang muna siya doon sa may sofa. Hindi na rin niya namalayan na nakatulog pala siya.
Madilim na sa labas ng magising si Facu. Bukas na ang mga ilaw. Maliban sa may pwesto niya na dim light lang bukas na ilaw. Naririnig niya sa may kusina ang kwentuhan ng mga kasama niya sa bahay. Kaya naman naglakad na rin siya papalapit doon.
Akala niya ay makikita niya roon si Aloha na kakwentuhan ng tatlo. Pero nagkamali siya ng akala wala doon ang dalaga. Isang tikhim ang nagpatigil sa tatlo sa pagkukwentuhan.
"Senyorito!" sabay-sabay pang wika ng tatlo.
"Nagugutom ka na senyorito? Gusto mo na bang maghayin na kami?" tanong ni Ate Merly ng makaramdam na nga siya ng gutom. Naamoy pa niya ang matamis na aroma ng tocino at longganisa.
"May niluto kayong tocino at longganisa?" sa halip ay tanong ni Facu.
"Oo senyorito. Habang natutulog ka ay ginawa ni Ms. Aloha ang mga karne na nasa ref na longganisa at tocino. Kaya ayon ang niluto kong ulam. Nagsinigang na lang ako ng hipon para may sabaw."
Hindi man niya aminin ay natuwa siya sa kaalamang iyon. Ewan ba niya. Kahit sabihing matanda na siya para sa excitement na matikman ang pagkaing iyon. Para talagang lumalabas ang inner child niya. Nagagalak ang puso niya.
"Sige po Ate Merly, kumain na tayo," ani Facu at mabilis namang kumilos ang tatlo para makapaghayin na.
Napalingon si Facu sa may bungad ng pintuan, bago muling tumingin sa tatlo. "Nasaan si Pinya?" Nagkatinginan naman ang tatlo at agad na nagtaka.
"Hindi ba nagpaalam sa iyo si Ms. Aloha?"
"Nagpaalam? Oo sinabi niya kanina na bukas pa siya aalis. Nasaan na ngayon ang pinya na iyon?"
"Senyorito, matapos niyang ma-marinate iyong longganisa at tocino nagpaalam na rin siyang aalis na. Hindi naman sinabi kung bakit. Basta parang may biglang importante na gagawin. Sinabi naman niya na alam mong aalis na siya kaya naman hindi ka na niya ginising," paliwanag ni Merly.
Pero bakit may kung anong bumalot sa puso ni Facu. Iyong excitement na nararamdaman niya sa pagkaing nakahayin sa kanila ngayon ay parang biglang sa tingin niya ay nawalan ng lasa. Para tuloy nawalan siya ng ganang kumain na labis niyang ipinagtataka.
"Ayos ka lang senyorito?" tanong ni Merly ng mapansing natigilan si Facu.
"Oo naman. Kain na tayo. Kumain na rin kayo. Wala naman pala ang Pinya na iyon. Salamat pa rin sa inihanda niya," nakangiting wika ni Facu. Pero sa kalooban niya parang may kulang.
Naging tahimik lang sila sa pagkain. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Nagkakatinginan lang ang tatlo sa pagiging tahimik ni Facu. Na ipinagkibit balikat lang din nila.
"Ate Merly, pakitimpla po ako ng kape. Pasunod na lang sa kwarto ko," utos ni Facu na mabilis namang sinunod ni Merly.
Pagpasok ni Merly sa kwarto ni Facu ay nasa may teresa ito. Nakaupo sa silyang naroroon, nakasandal at nakapikit. May nakalagay na headphones sa tainga. Napailing na lang si Merly.
"Senyorito ang kape mo," ani Merly at tinapik pa ang kamay ni Facu para malamang naroon na ang kape na pinatimpla nito. "Ayos ka lang senyorito?"
"Oo, medyo masakit lang talaga ang ulo ko kanina. Thank you, Ate Merly sa kape," sagot ni Facu at nagpaalam na rin Merly sa kanya.
Pagdating ni Merly sa kusina ay sinalubong naman kaagad siya ng dalawa. "Anong nangyari kay senyorito?" sabay pang tanong ni Ale at Sol.
"Aba'y malay ko? Mukhang nagsesenti eh," ani Merly na ikinailing ng dalawa.
"Mukang malaki talaga ang pag-asa ni Ms. Aloha pagbalik niya," ani Sol na kinikilig pa.
"Ay malamang, ay may nalulungkot eh," dagdag pa ni Ale.
"S'ya magsitigil na kayong dalawa. Mabuti kung magkakamabutihan na nga iyong dalawa. Siguradong matutuwa ang mga magulang ni senyorito pati na ang Don Fernando."
"Naman ate. Sure iyon," pagsang-ayon ni Sol.
"Mukhang na hanap na ni Ms. Aloha ang daan patungo sa puso ni Senyorito Facu. Love will find a way talaga, para sa kanilang dalawa," kinikilig pang saad ni Ale at ipinagpatuloy na nila ang kanilang ginagawa.