Tahimik lang na nakatanaw si Aloha sa mga bagay na kanyang nakikita. Naririnig din niya ang mangilan-ngilan na sasakyan na dumaraan. Mula ng dumating siya ng bahay nila ay palagi na lang siyang nakaupo sa may teresa ng kwarto niya. Mas gusto pa niyang maglagi doon kaysa naman ubusin ang oras sa labas. Pinagsasawa lang niyang pagmasdan ang malaking bahay sa tapat ng bahay nila na wala namang nakatira.
Ilang araw na rin ang nakakalipas mula ng umuwi siya ng bahay. Pero ang dahilan ng kanyang pag-uwi hanggang ngayon ay walang nakakaalam.
"Anak meryenda mo," napatingin lang si Aloha sa mommy niya ng ilapag nito sa harapan niya ang kape at sandwich na hiningi niya.
"Salamat po mommy. Bakit ikaw pa po ang nag-abala?"
"Aloha, anak, ano ba talaga ang dahilan ng biglaan mong pag-uwi? Oo at mas gusto namin na narito ka. Mas pabor pa nga. Kaya lang, ako at ang daddy mo ay labis na nag-aalala sa iyo. Pwede mo namang sabihin sa akin anak ang mga pinagdaraanan mo. Di ba ako ang mommy mo. Mula noon hanggang ngayon? Ayaw kong nasasaktan ka anak. Alam mo at ramdam mo kung gaano ka namin kamahal ng daddy mo."
"Mommy." Hinawakan ni Aloha ang kamay ng mommy niya at hinigit ito para mayakap niya. "Ayos lang naman ako mommy. Sorry po kung napag-alala ko kayo ni daddy. Pero promise po ayos lang ako."
Naupo na rin si Zenny sa upuang nakaharap kay Aloha. "Anak magsabi ka ng totoo? May nanakit na naman ba sa iyo? Sinaktan ka ba ni Facu?"
"Mommy, naman. Alam mong ayaw sa akin at masungit lang si Facu. Pero never niya akong pinagbuhatan ng kamay. He's a jerk, bastard na nakakainis at gwapo. Pero hindi nananakit ng pisikal. Pero na nanakit ng puso," halos ibulong ni Aloha ang huling kataga, na hindi rin naman narinig ng mommy niya.
"Eh saan mo nakuha ang paso mo sa braso at sugat sa binti mo? Kung hindi yan kasalanan ni Facu. Saan mo iyan nakuha anak. Sabihin mo lang kay mommy. Huwag kang matakot Aloha. Kung si Facu ang may gawa niyan. Kahit boto kami ng daddy mo kay Facu. Hindi kami mag-aatubiling komprontahin ang mga magulang niya," ani Zenny na mahigpit namang hinawakan ni Aloha ang kamay.
"Mommy huwag kang magalit kay Facu. Aksidente lang po talaga ang nangyaring ito sa akin. Nakwento ko na po iyon sa iyon di ba? Nabasag ang salamin sa kwarto ni Facu at noong magprito nga kami ng meryenda kaya napaso ako."
Napahugot ng hangin si Zenny. Hindi pa rin siya kombinsido sa sinabi ng anak. "Pero bakit ganyan ka anak? Daig mo pang broken-hearted sa mga kilos mo. Palaging gusto mo ay mapag-isa. Palagi ka pang tulala. Hindi ka na umalis dito sa teresa mo basta gising ka at nakatingin ka lang palagi sa kawalan. Mabuti pa iyang kabilang bahay, daig pang may guwardiya kahit wala namang nakatira. Halos bantayan mo na sa titig eh. Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo anak?" puno ng pag-aalala ang tinig na iyon ng ina. Kaya naman hindi na talaga napigilan ni Aloha ang mga luha niyang nag-uunahan na naman sa pagpatak sa kanyang mga mata.
Napabuntonghininga na kang si Zenny at mahigpit na niyakap ang anak. Hinayaan na lang muna niya si Aloha na umiyak nang umiyak.
Hindi rin nagtagal at parang ang mga luha din ni Aloha ang kusang sumuko sa kanya.
"Mommy."
"Ayos ka na ba anak?"
"Mommy, how to moved on?"
"Ha?" tipid ngunit naguguluhang sagot ni Zenny.
"Sobra akong nasaktan sa mga nangyari mommy eh. Although hindi naman talaga naging kami. Pero gusto ko pa ring magmoved on. Alam mo mommy iyong pakiramdam na nag-assume ako na mahal din niya ako. Pero sa bandang huli, malalaman kong unrequited love pala ang meron sa aming dalawa. Ako lang pala ang nagmamahal."
"Hindi ko alam kung paano kita papayuhan ng hindi masasaktan anak. Pero isa lang ang masasabi ko. Tanggapin mo anak ang mga pangyayari. Kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa pwedeng may ibang nakalaan para sa iyo. Acceptance is the key to move-on anak," payo ni Zenny at niyakap ang anak.
"Thank you mommy. Kahit po papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Salamat po sa pagkausap sa akin. Salamat po at palagi kayong dalawa ni daddy na nariyan para sa akin. Kahit po hindi ninyo---." Tinakpan ni Zenny ng hintuturong daliri ang labi ni Aloha.
"You are my daughter, our daughter. Always remember that Aloha. Walang makakapagpabago noon. Kahit dumating ang totoo, alam mong anak ka namin, anak kita. Okay."
"Thank you mommy. Mahal na mahal kita, kayo ni daddy."
"And we love you more. Ano bang gusto mong dinner anak? Baba na rin ako, tutulong ako sa kusina kina Yaya Nely."
"Kahit ano po mommy basta luto mo."
"Sige anak. Sure kang ayos ka lang dito."
"Opo naman mommy. Gusto ko din magmuni-muni. Ayos lang po ako talaga. Salamat po ulit mommy sa kape."
"Sige na anak. Tawagin or puntahan mo lang kami sa kusina pag may kailangan ka ha."
"Opo mommy."
Isang titig pa ang iginawad ni Zenny sa anak, bago niya ito iniwan. Nakaharap na ulit si Aloha sa labas ng bahay. Napailing na lang siya.
Hinayaan na muna ni Zenny na mapag-isa ang anak. Alam niyang malalampasan din ni Aloha ang pagkabigong nararanasan ng kanyang unica hija.
"Aloha anak may ibibigay ako sa iyo," tawag sa kanya ni Yaya Amila ng magtungo siya sa kusina. Iniwan muna siya nito kaya naman naupo muna siya sa silya na naroroon. "Ito anak. Nakita ko yan sa bulsa ng damit mong suot ng labahan ko. Kaya lang nakalimutan ko ng ibigay sa iyo. Halos mahigit isang linggo ka ring hindi bumaba dito kaya nakalimutan ko na." Tinanggap naman niya ang iniabot sa kanya ni Yaya Amila. Doon lang niya naalala si Harlan.
Kahit papaano ay nagawa niyang ngumiti. "Salamat yaya. Kaibigan ko po ito. Sige po aakyat na ako," paalam niya kay Yaya Amila at nagmadali na siyang bumalik sa kanyang kwarto.
Doon lang niya naalala ang cellphone niya. Hinanap niya iyon at natagpuan naman niya sa loob ng drawer. "Lobat," aniya at naghanap siya ng charger.
Habang hawak ang calling card ni Harlan ay ilang beses pa niyang naalala ang encouter nila. "Nasaktan lang talaga ako. Pero hindi ako magpapakamatay," pagkausap pa niya sa munting papel na hawak niya na animo ay sasagot sa kanya.
Dahil sobrang drain ng cellphone niya sa mahigit isang linggong hindi niya nagagamit ay nagtagal bago iyon mafull charge.
Kabubuhay pa lang ng phone niya ng pumasok ang napakaraming notification mula sa unknown numbers. Napailing na lang siya. "Basta unknown number malamang hindi mahalaga." Hindi na lang niya pinansin. Hanggang sa mapansin niya ang nag-iisang mensahe na hindi niya inaasahan. It's a message from Facu.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. "Babasahin ko ba?" Excited siyang tinganan kung ano ang nilalaman ng mensahing iyon. Hanggang sa narealize niya ang lahat. "I'm not totally forget you. My heart is still with you. But now it's time to move on." Sa halip na basahin ang mensahe sa kanya ni Facu ay denelete na lang niya iyon. Pati ang numero ng binata ay pikit mata niyang inalis. "Bye Facu. You know how much I love you. But this time. Ako na lang ulit. Sarili ko na lang muna ulit. Matagal din ang pitong taon para mahalin ka, nakakapagod na. This time, it's time to move on. Walang ikaw, sarili ko lang. Ako lang," ani Aloha, na kahit papaano ay napangiti siya.
Nagclear siya ng buong inbox. Ang number ng Hacienda Alonzo, ay inalis din niya. "Sorry Ale, Ate Merly at Sol. I need to do this," wika pa niya habang inaalis sa contact niya ang numero ng mga ito. "Wala na, pwede ko na ulit ireset ang buhay ko. Hindi man katulad noong dati. Basta kahit papaano, sarili ko naman muna ang uunahin ko. Tama si mommy, narito lang sila para sa akin pati si daddy. Sina Yaya Nely, Yaya Lorna, at Yaya Amila. Sila pa lang sapat na. Malungkot pero pipilitin kong maging masaya."
Mabilis siyang bumaba at nagtungo kay Filo.
"Ms. Aloha," anito na nagulat ng nasa tabi na siya nito.
"Kuya Filo, ibili mo naman ako ng simcard. Magpapalit lang ako ng number."
"Hindi ka lalabas?"
"Hindi Kuya Filo. Ibigay mo na lang kina yaya pag naibili mo na ako. Sabihin mo ay dalahin sa akin. Magpapalit po akong number."
"Okay Ms. Aloha. Huwag kang lalabas ha. Natutulog pa Rodie eh. Walang bantay ang gate."
"Don't worry kuya. Papasok na ako sa kwarto ko."
Nakahinga naman ng maluwag ang guwardiya ng bumalik na si Aloha sa kwarto nito. Mabilis na rin itong lumabas para bilhin ang iniuutos ni Aloha.
Hindi rin naman nagtagal at may kumatok sa kwarto niya. Pumasok doon si Yaya Nely.
"Anak, ipinabibigay ni Filo."
"Thank you yaya," aniya at mabilis na binaklas ang cellphone niya.
"Magpapalit ka ng number anak."
"Opo yaya, part of growing up," nagawa pa niyang magbiro sa kabila ng lahat. "Yaya patapon na lang po nitong luma. I register lang my new number ya, at ibibigay ko po mamaya sa inyo," ani Aloha at naging busy na sa ginagawa. Nagpaalam na rin si Yaya Nely sa kanya.
Matapos sa kanyang ginagawa ay muli niyang kinuha ang numero ni Harlan. Naalala din niya ang numero ni Daffodil kaya naman pareho na niya iyong nasave sa cellphone niya.
Ilang beses pa siyang nagdalawang isip kung talagang tatawagan niya si Harlan hanggang sa hindi na rin nagpapigil ang daliri niya sa pagtipa sa numero nito.
Halos mahigit ni Aloha ang hininga ng magring ang kabilang linya. Ilang ring din iyon. "Isa, dalawa, tatlo. Hihintayin ko pa ba?" aniya sa isipan. Pero hinayaan na lang niyang magring nang magring iyon. Hanggang sa matatapos na rin ang pagring nang biglang sinagot ang tawag niya.
"Hello! This is Harlan Watson, from Watson's Group. May I know, who's in the line," wika nito sa baritonong boses.
Ilang segundo din siyang hindi nakapagsalita. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang sasabihin dito. Hanggang sa nagawa din niyang sambitin ang pangalan nito.
"H-Harlan," aniya sa nauutal na tinig.
"I knew it. Hi, Ms. London Bridge."
"Ha?" naguguluhan niyang tugon ng marinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.
"Ms. London Bridge kasi akala ko tatalon ka sa tulay," sagot nito na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
Napanguso lang siya. Ngayon nasisigurado niyang magaan talaga ang loob niya kay Harlan.
"Nakamove-on ka na? O nagmomoved-on pa rin? Sama ka sa akin mamayang gabi sa bar. Sure na mag-eenjoy ka doon. Iuuwi din kita mga pass one."
"Hindi pwede, kabago-bago pa lang nating magkakilala. Hindi ako papayagan nina mommy at daddy."
"Papayagan ka nila. Pustahan pa."
"Paano?"
"Ako ang bahala. Pag pinayagan ka, tuloy tayo sa bar. Hindi mo naman need uminom. Mag-enjoy ka lang. Pag hindi ka pinayagan, aakyat na lang ako sa iyo ng ligaw."
Hindi malaman ni Aloha kung ano ang isasagot niya. Bakit parang nawalan siya ng sasabihin sa huling sinabi nito?
"Aloha," anito na ikinatikhim niya.
"Ah, Harlan ano kasi?"
"Wala ng bawian. Basta mamaya. Darating na lang ako dyan sa bahay ninyo, ipagpapaalam kita sa mga magulang mo. Pag hindi ka pinayagan iyong isang bet na lang. Okay. Bye Ms. London Bridge. Ciao!"
Hindi na nagawang makapagprotesta ni Aloha ng ibaba na lang bigla ni Harlan ang tawag. Hindi niya akalaing makakakilala siya ng lalaking kasing kulit niya. Napangiti na lang siya.
"Parang boy version mo lang Aloha," aniya sa sarili. At kahit papaano ay napangiti siya ni Harlan.