Chapter 11

1963 Words
Halos maghahating gabi na ng makarating ng bahay si Aloha. Hindi pa niya pipindot ang busina ng lumabas sa pintuan ng bahay si Yaya Nely. Ang Yaya Nely niya ang matiyagang naghintay sa kanya mula ng tumawag siyang uuwi siya sa gabing iyon. "Hinintay mo talaga ako yaya? Di napuyat ka yaya. Pwede naman po akong manggising na lang eh. Sina Yaya Lorna at Yaya Amila po?" tanong ni Aloha ng makababa siya ng sasakyan. Sabay pa silang maglakad ni Nely papasok sa loob ng bahay. "Nnakatulog naman ako anak. Pero sa may sofa na ako natulog nag-alarm din ako para magising ako. Inantabayanan ko lang ang oras ng byahe mo. Kaya huwag kang mag-alala. Ikaw nga siguradong napagod ka sa pagmamaneho." "Ayos lang ako ya." "Sigurado ka?" anito ng makapasok na sila ni Aloha sa loob ng bahay. "Opo. Yaya sina mommy at daddy po?" "Nasa kwarto na nila at natutulog. Pero alam nilang uuwi ka ngayon. Kakain ka ba?" "Kung okay lang yaya. Opo alam nila. Itinawag ko kay mommy. Isa pa may binigay ba si mommy sa iyo? Dapat po ay bukas pa ako uuwi. Kaya lang yaya----." Natigil sa pagsasalita si Aloha ng bigla na lang itong mawalan ng malay. Mabilis namang nagtawag ng tulong si Nely. Dinaluhan kaagad siya nina Lorna at Amila ng marinig ang tawag niya. Nagising din ang mag-asawa. "Anong nangyari Yaya Nely?" nag-aalalang tanong ni Zenny habang pababa ng hagdanan. At itinatali pa ang suot na roba. Kasunod nito ang asawa. "Kadarating lang ni Aloha. Kaya lang bigla na lang siyang nawalan ng malay." "Aleho buhatin mo ang anak natin. Dalahin mo sa kanyang silid. Yaya Nely pakitawag si Dr. De Guzman," utos ni Zenny na mabilis sinunod ng matanda. Kabababa lang ni Aleho ang anak sa kama sa kwarto nito ay kasunod na rin si Zenny. "Ano kayang nangyari mahal?" nag-aalalang tanong ni Zenny ng lapitan ang anak at hinawakan ajg kamay nito. "Hindi ko din alam mahal. Kahit naman ako pag ganito si Aloha ay hindi rin ako mapakali." Sabay pa silang napatingin sa pintuan ng pumasok ang dalawang katulong. "May kailangan kayo Zenny? Sabihin mo lang sa amin," ani Yaya Lorna na ikinailing lang ni Zenny. "Wala pa sa ngayon Yaya Lorna. Tatawag na lang po ako pag may kailangan ako sa inyo. Sa ngayon magpahinga na muna kayo. Alam kong naabala pa ang tulog ninyo. Si Yaya Nely na lang po ang bahala kay doktor." "Sige Zenny, Aleho. Pero ito iyong ipinabibigay ninyo kay Aloha pag dumating sana siya. Ipinabibigay ni Nely," ani Yaya Amila at iniabot ang ipinabibigay ni Yaya Nely. Bago nagpaalam silang dalawa ni Lorna. Naupo naman sa tabi ng kama sina Aleho at Zenny. Nakatingin lang sa anak si Aleho habang halos yakapin na ni Zenny ang walang malay na anak. "Ilang taon na rin ang nakakalipas mahal. Hindi ko alam kung paanong makakalimutan ni Aloha ang lahat." Napabuntonghininga naman si Aleho at napatingin sa asawa. "Hindi ko din akalaing magyayari ang bagay na iyon. Oo nga at wala naman talagang nangyari pero ang bagay na iyon ang bagay na hanggang ngayon alam kong nagpapahirap kay Aloha. Kaya nga mas gusto kong wala siya dito. Alam kong masaya siya sa probinsya. Kina Gabriel. Pero pag narito siya. Ganyan." "Dapat talaga ay sinundo na natin si Aloha. Paano kung sa daan iyan nawalan ng malay. Hindi ko kakayaning mapahamak si Aloha," umiiyak na saad ni Zenny. Tinawid naman ni Aleho ang pagitan nila ng asawa at niyakap ito. "Huwag kang panghinaan ng loob. Pasasaan pa at matatanggap din ni Aloha ang lahat. Siguro nagkamali din akong pinalaki natin siyang halos hindi pwedeng makagat ng lamok. Kaya hindi man lang siya natutong lumaban. Nagkamali ako Zenny." "Walang may kasalanan mahal. Pinalaki natin si Aloha sa paraang alam natin ay tama. Ang mali lang natin ay hindi natin hinayaang lumaban si Aloha. Ang hina-hina ang anak natin. Kaya nag-aalala ako. Gusto kong matutunan niyang labanan ang hindi magandang nararamdaman niya." "Hindi na ba natin hahayaang bumalik ng probinsya si Aloha?" "Paggusto pa niyang bumalik doon ay hayaan na lang natin. Tatapusin ko lang din ang mga kailangan kong gawin sa kompanya. Tapos ay magreresign na ako. Magfo-focus na ako kay Aloha pag-uwi pag mag stay na siya dito. Ayaw ko namang suwayin ang gusto niya. Alam kong masaya si Aloha sa hacienda nina Don Fernando. Pero bibigyan mo ba ako ng malaking separation pay kung magreresign ako?" sagot ni Zenny na ikinangiti naman ng asawa. "Oo naman. Lahat pa ng bank account ko ay sa iyo na rin. Sa inyo ni Aloha," ani Aleho ng marinig nila ang pagkatok sa labas. Pinapasok nila kung sino man iyon. Pumasok si Yaya Nely kasunod si Dr. De Guzman. Sinuri naman nito kaagad si Aloha. May ilang gamot na itinurok dito si Dr. De Guzman bago hinarap ang mag-asawa. "No need to worry. Sa tingin ko ay napagod lang siya sa byahe kaya nawalan ng malay. At may gamot siyang hindi nainom," paliwanag ng doktor na ikinabuntonghininga ni Zenny. "Yes dok. Sabi niya noong nakaraan may hindi siya nainom parang tatlong araw iyon at nakalimutan niya. Tapos ay dapat talaga noong isang araw pa siya uuwi. May natira pa siyang tatlo doon sa dalawa niyang gamot pero ubos na iyong kapartner noon. Kaya ngayon kahit gabing-gabi na pinilit niyang makauwi. Pero nawalan naman ng malay ng makarating siya dito," paliwanag ni Zenny na ikinatango lang ng doktor. "Huwag na kayong mag-alala. Sa tingin ko ay nakakarecover ng talaga si Aloha. Napagod lang siguro. Pero may napansin akong gasgas sa braso niya. At ang mukhang may nangyari sa kanya. Hindi ganoong tuwid ang braso niya. May sign na naaksidente siya. Hindi ako sure, pero sa paglipas ng panahon ay magiging normal naman ulit iyon. Pero magaling na naman siya. Tanungin na lang ninyo kung saan niya nakuha. At ang gamot niya. Sana hindi na niya makalimutang inumin," paliwanag ng doktor. Hindi na rin naman ito nagtagal at nagpaalam na ito sa kanila. Si Yaya Nely na rin ang naghatid sa doktor, palabas. "Sa tingin mo mahal? Kung naaksidente si Aloha bakit naman siya maglilihim sa atin?" "Itanong na lang natin bukas mahal. Kailangan na rin nating magpahinga. Pareho pa tayong pagod sa trabaho. Kaya naman hindi ko na rin napilit si Aloha na susunduin natin, nang tanggihan niya tayo. Kaya matulog na rin muna tayo mahal," ani Aleho at inalalayan ang asawa. Dahil malawak ang kama ni Aloha. Hindi na lumipat pa sa kwarto ng mga ito ang mag-asawa. Bagkus ay doon na nahiga ang mga ito at pinaggitnaan si Aloha. Kinaumagahan ay napakunot noo na lang si Aloha ng kung bakit nahihirapan siyang ikilos ang katawan, gayong malawak naman ang kanyang higaan. Pinilit niyang imulat ang mga mata kahit inaantok pa rin siya. Namamagod pa rin siya sa mahabang pagmamaneho sa nagdaang gabi. Pagbaling niya sa kanyang kaliwa ay naroon ang daddy niya. Nakatihaya at tulog na tulog. Napakunot noo siya habang nagtataka. Hanggang sa mapabaling siya sa kanyang kanan. Doon tumambad sa kanya ang mommy niya na nakayakap sa kanya. Ang dahilan kung bakit hindi siya makakilos. "Daddy, mommy," ani Aloha at niyugyog pa ang mga magulang. "Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ni Aloha habang ginigising pa rin ang mommy at daddy niya. "Dalaga na talaga ang baby namin. Ayaw mo na ba kaming makatabi sa pagtulog? Sinong gusto mong makatabi?" tukso ng daddy niya sa kanya na ikinapula naman ng kanyang pisngi. Bigla namang napabangon sa pagkakahiga si Zenny. "Anong ibig sabihin niyan Aloha? Huwag mong sabihing magkakaapo na kami gayong hindi pa namamanhikan sina Celina at Gabriel? Nasaan si Facu?" gulat na wika ng mommy niya kaya napanguso na lang siya. "Kung magkakaapo na kayo di mas mabuti sana. Masayang-masaya po ako. Kaya lang, mommy, daddy hindi ba ako kamahal-mahal?" Nagtaka naman sina Aleho at Zenny sa sinasabing iyon ng anak. "Anong bang tanong iyan Aloha? Anong hindi kamahal-mahal? Ikaw kaya ang pinakasweet na anak na nakilala ko. Hindi sa dahil ikaw ang nag-iisang anak namin ng daddy mo. Pero sa totoo ikaw lang talaga ang pinakasweet na nakilala namin. Bakit mo natanong anak?" "Bakit po parang may allergy si Facu sa akin? Parang hindi naman ako kamahal-mahal." Natawa naman si Aleho sa sinabi ng anak. "Gusto mo talaga siya?" "Opo," walang pag-aalinlangan na pag-amin niya. Hindi na naman siya menor para magpabebe pa. She's already twenty six. Kaya bakit pa siya magpapabebe. Kung pwede naman niyang sagutin ng totoo ang tanong. "Pwede mo namang makuha ang gusto mo anak. Gusto ka nina Celina at Gabriel para kay Facu. Lalo na si Don Fernando. Kaya walang magiging problema. Pag-uusapan na lang ang kasal. Alam mo namang gusto din namin ng mommy mo si Facu para sa iyo." Napabuntonghininga na lang si Aloha. "Pero hindi po niya ako gusto. Ilang beses na po niyang ipinamukha sa akin na kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. Mas gusto ko pa rin pong makasal kay Facu na mahal niya ako. Okay aamin po ako. Mahal ko po si Facu," pag-amin niya, na hindi naman ikinagulat ng mga magulang niya. "Pero alam mo ba daddy, mommy, masyado naman pong maalaga si Facu. Lalo na po noong nahulog ako sa bangin." Napasinghap naman si Zenny at napatayo naman kaagad sa kama si Aleho. Parang sabay pang sumakit ang ulo nilang mag-asawa dahil sa sinabing iyon ng anak. "Anong ibig mong sabihin Aloha?" tanong ng kanyang mga magulang na ikinalunok ni Aloha. Natampal pa niya ang sariling bibig dahil sa kadaldalan. Napatingin siya sa mommy at daddy niya. Bigla siyang naguilty sa paglilihim sa mga ito nang makita niya ang pag-aalala sa mukha ng mga magulang. Kaya naman nagkwento na lang siya ng buong nangyari. Mula simula hanggang sa pag-aalaga ni Facu sa kanya. "Kaya naman, hindi mo man lang ipinagbigay alam sa amin ng daddy mo. Nagtatampo ako sa iyo anak." "Mommy sorry na po. Alam kong busy din po kayo nitong mga nakalipas na buwan. At pagkakataon ko na pong mapalapit kay Facu. Kahit naman ipinagtatabuyan ako ng sungit na iyon. Mahal ko iyon." Nilapitan naman ni Aleho ang anak at niyakap. "Basta anak kahit anong mangyari narito lang kami ng mommy mo para sa iyo mahal na mahal ka namin. Kaya lahat ay gagawin namin para sa iyo. At magpagaling ka na. Ibalik mo na ang dating Aloha. Ang Aloha namin bago nangyari ang pangyayaring iyon." "Opo daddy, mommy promise. Konteng panahon na lang po talaga, pero ngayon nga po okay na ako. Mahal na mahal ko po kayong dalawa. Salamat din po sa pagpayag sa akin sa pagstay sa hacienda nina Lolo Fernando." "Mas mabuti na iyon anak. Kaysa narito ka nga hindi ka naman naglalalabas. Mas okay na kami doon. Pero babalik ka pa ba ngayon doon anak," tanong ni Zenny at yumakap din sa mag-ama. "Opo mommy. Malay mo mapasagot ko na si Facu. Ang arte po eh. Daig pa ako," ani Aloha na ikinatawa ng mga magulang niya. "Hay ang anak namin. Basta palagi mong tatandaan na mahal ka namin. Kung masasaktan ka man, dahil hindi naman natin hawak ang puso ni Facu. Handa kaming makinig sa iyo anak. Huwag mong sarilihin ang sakit. Narito lang kami ng mommy mo. Sina Yaya Nely, Yaya Lorna, at Yaya Amila mo pa. Lahat kami nagmamahal sa iyo. Palagi mo yang tatandaan ha. Anak, Aloha." "Opo daddy, hindi ko po iyan makakalimutan. Salamat po ulit sa sobrang pagmamahal. Pero bago po tayo magkaiyakan dito. Tara na po sa kusina. Ngayon ko lang kayo makakasabay pagkain. Pati sina Yaya Nely, Yaya Lorna at Yaya Amila. Busy naman kayo sa trabaho kaya magpalate muna kayo ngayon ha." "Oo naman anak. Tara na," aya pa ni Aleho at inalalayang makababa ng kama ang kanyang mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD