Chapter 13

1764 Words
Mula sa teresa ng bahay ay nakatanaw lang sa labas si Aloha. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay napakalungkot ng paligid. Parang gusto ulit niyang umiyak. Sa hindi niya malaman na dahilan. "Baka naman namimiss ko na siya." Hindi talaga siya mapakali, kaya naman isa lang talaga ang naiisip niya para maibsan ang lungkot na kanyang nadarama. Tatlong ring lang at mabilis na itong sumagot sa kabilang linya. "Sino ito? Kung prank caller ka lang. Wala akong panahon, para sa isang katulad mo." Napanguso na lang si Aloha. "Kahit kailan talaga ang sungit mo! Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss na kita." "Sino ka naman para ma miss ko? Miss ako'y huwag mong pinaglololoko ha. Papatulan talaga kita!" galit nitong asik sa kanya. Pero hindi man lang natinag si Aloha. "You don't like me that much huh. Ilang linggo lang akong nawala. Nakalimutan mo na ako. Nakakatampo, but I love you. I miss you hon," malambing na saad ni Aloha. "Pinya?" anito, na parang hindi talaga siya nito nakikilala. "Yes the one and only. Nakakasama ka ng loob. As in hindi mo man lang talaga na save ang number ko?" "Yeah. Kaya akala ko talaga, prank call lang ito." "Ang straightforward mo naman. Hindi mo man lang nasabi na, biro lang ikaw naman." "But I'm not joking here." "Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" "For what? I know you're okay. So why waste my time in some chit-chat and greeting you. Even though I know you're okay." Napahugot na lang hininga si Aloha. Pakiramdam niya ay mas lalong nadaragdagan ang kalungkutan niya. Nagdaraan na naman sa isipan niya ang mga nangyari noong nakaraan na lalong nagpapalungkot sa kanya. "Ayaw mo ba talaga akong makita?" Nagbabadya na ang mga luha niya sa mata. Kahit hindi siya nakikita ni Facu ayaw naman niyang magpaawa dito. Kaya pinigilan niya ang paghikbi. "May magagawa ba ako pag narito ka na?" sa halip ay sagot nito. "Thanks sa oras hon. Alam kong ayaw mo sa akin sa hindi ko alam na dahilan. Pero sana masabi mo sa akin kung bakit. Para naman mabago ko ang sarili ko. Para magustuhan mo rin ako." Hindi na siya nakarinig ng sagot kay Facu. Hanggang sa ibinaba na niya ang tawag. Parang lalong nagsikip ang dibdib niya. Hindi man katulad noon ang naranasan niya. Pero ang rejection na ipinaparamdam sa kanya ni Facu ay parang mas masakit pa yata sa mga pinagdaanan niya. Pero sanay na siya rejection. Ngayon pa ba siya susuko. Napabuntonghininga siya, pinilit niyang alisin ang sakit na kayang nadarama. Kailangan niyang maging okay. Ang isang linggong sinabi niya kay Facu na babalik siya ay hindi niya nagawa. Ngayon magtatatlong linggo na siya sa bahay nila. Hindi naman niya magawang umalis, lalo na at para din sa kanya ang pananatili niya ng bahay. Muli siyang napatingin sa malawak na kapaligirang kanyang natatanaw. Sa labas ng gate ay natatanaw niya ang isang malaking bahay na matagal ng walang nakatira. Naroon pa rin ang nakasabit sa gate nito na for sale. Hanggang ngayon, hindi pa rin nabebenta. Naririnig niya ang ugong ng mga dumaraang sasakyan. Kahit papaano, doon na lang niya itinuon ang isipan. Ayaw niyang madagdagan pa ang kalungkutang kanyang nadarama. "Aloha, anak. Ito na iyong hot chocolate na gusto mo." Napalingon siya ng may tumawag sa kanya. Si Yaya Nely. Nasa labi nito ang isang matamis na ngiti. Ngunit hindi niya iyon masuklian. Gusto niyang umiyak. "Bakit parang ang lungkot mo naman anak?" tanong pa nito at naupo sa kaharap niyang upuan. "Hindi ko alam yaya. Basta parang bigla na lang akong nalungkot. Iyong nararamdaman ko parang puro na lang pag-iisa. Walang karamay, nag-iisa lang ako. Parang ang dilim ng paligid kahit may liwanag naman." Hinawakan ni Yaya Nely ang kamay niya. "Hindi ko alam kung paano kita papayuhan anak. Pero hayaan mo namang tangayin ng paglipas ng oras ang mga pinagdaanan mo. Pero bukod ba doon wala na? Aminin mo kay yaya. Wala akong pagsasabihan pangako." Napabuntonghininga siya. Siguro nga isa din sa mga bagay na nagpapagulo sa isipan niya ay ang hindi niya pagtanggap sa nakaraan. Kaya siguro palagi na lang dumadaan iyon sa kanyang isipan. "Noong bata pa ako yaya, alam mo bang palagi akong nabubully sa school. Hindi naman ako makapagsumbong kina mommy at daddy kasi natatakot akong ilipat ng school. Mababait naman mga teacher ko noon. One time noong high school isang beses akong hindi nakauwi. Naalala mo?" aniya na ikinatango ni Yaya Nely. "Di ba may nagpadala ng mesahe dito gamit ang phone number ko, na hindi ako makakauwi. T-tapos---," hindi na naituloy ni Aloha ang sasabihin bigla na lang siyang umiyak. Naalala na naman niya ang tagpong iyon noong high school siya. "Aloha, anak," alo pa sa kanya ni Yaya Nely. Hindi man masabi ni Aloha kung ano ang nangyari sa kanya noong panahon na iyon. Siguradong hindi maganda. Ilang minuto ring umiyak nang umiyak si Aloha. Hindi naman siya iniwan ni Yaya Nely. Pinuntahan na rin sila ng dalawang katulong na labis na nag-aalala pa rin kay Aloha, nang marinig ng mga ito ang pag-iyak ng dalaga. "Maayos ka na ba anak?" tanong ni Yaya Nely nang tumahan siya. Noon lang niya napansin na nasa tabi na rin pala niya sina Yaya Lorna at Yaya Amila. "Ayos na po ako. Pasensya na po kung nagiging emosyonal ako." "Alam namin, at naiintindihan ka namin anak. Narito lang kami na mga nagmamahal sa iyo. Ang mga magulang mo pa," tugon ni Yaya Amila sa sinabi niya. "Pero totoo pong ayos na ako. Sa totoo lang po nakausap ko na si Dr. De Guzman. Sa kanya po ako pumunta kahapon. Aalisin na po niya ang isang gamot ko. Malaking tulong daw po ang pag stay ko sa probinsya. Isa pa nagkaroon po ako ng dahilan para ayusin ang sarili ko," nahihiya pa niyang saad ng bigla siyang sundutin ni Yaya Amila sa tagiliran. "Parang kilala ko na nga ang dahilan. Kailan ba kayo magpapalasal ng lalaking iyon?" "Yaya Amila kasal agad? Wala pa ngang kami." "Hindi ba nanliligaw sa iyo ang binatang iyon?" tanong naman ni Yaya Nely. "Yaya kung nililigawan ako ay nagsisimula pa lang si Facu ay sinagot ko na. Kaya lang ang arte e." Hindi tuloy mapigilan ng tatlong yaya niya na matawa sa sinabi niya. "Pero pagbalik ko po sa probinsya, hindi na ako magpapatumpik-tumpik. Kailangan na talagang mapasagot ko ang pakipot na lalaki na iyon." "Parang ikaw ang nanliligaw sa kanya?" may pagtatakang tanong ni Yaya Lorna. Napayuko pa si Aloha. Biglang namula ang kanyang pisngi sa hiya. "Opo ya," pag-amin niya kahit hiyang-hiya siya. "Dalaga na talaga ang unica hija nina Aleho at Zenny. Hay anak, pero alam ba niya ang pinagdaanan mo? Baka kasi?" ani Yaya Nely. "Yaya, aaminin ko din po sa kanya pagnapasagot ko na." "Ikaw talaga." "Opo nga, para po aware siya kung may marinig man siyang hindi maganda." "Tama iyan anak. Mas maganda pa ring wala kayong inililihim sa isa't isa," sabat naman ni Yaya Amil. "Opo, ganoon na nga po ang gagawin ko. Pero kinakabahan po akong mareject. Kahit palagi kong naririnig sa kanya na ayaw niya sa akin. Paano ko po ba siya hindi magugustuhan. Palagi na po akong itaboy sa salita. Napaka caring naman sa gawa? Iba po ang sinasabi niya sa ikinikilos niya. Nililito po niya ang isipan ko. Pero ang puso ko, hindi niya malilinlang. Nararamdaman kong may pag-asa ako sa kanya. "Basta anak, palagi mong tatandaan. Kakambal ng pagmamahal ang sakit. Kung hindi mo mararamdaman na nasasaktan ka na. Hindi mo mararamdaman na nagmamahal ka. Pero hindi ibig sabihin na hindi na magiging kayo ay katapusan na ng lahat. Bawat katapusan ay may naghihintay na panibagong yugto. Para ding isang kwento. Matapos man ang isang kwento may magsisimulang isang bagong libro," paalala sa kanya ni Yaya Nely na ikinasang-ayon naman nina Yaya Lorna at Amila. "Salamat po. Tatandaan ko po iyan, pati na rin po ang mga payo nina mommy at daddy. Siguro iwasan ko lang po talagang mapag-isa. Nalulungkot po ako eh. Pero masaya naman po ako sa probinsya." "Maiba ako. Tara na muna sa kusina. Gusto mo ba ng biko? Nagluto ako," ani Amila. "Sige po, pero bagay po ba iyon sa hot chocolate?" tanong niya ng hawakan niya ang mug niya ng hot chocolate ay malamig na iyon. "Magkape na lang po tayo. Namiss ko po ang ganyan sa meryenda. Mababait po sa akin sina Ate Merly. Kaya po pag kasama ko sila. Parang kasama ko na rin po kayong tatlo. Pilya lang po sila at mga bata pa." "Ikaw talaga, tara na sa kusina," aya pa ni Lorna at sabay-sabay na silang tumayo. Si Yaya Nely na muli ang nagdala ng mug na kinalalagyan ng malamig ng tsokolate. Pagkarating nila sa kusina ay kaagad na nagtimpla ng kape si Yaya Lorna. Black coffee lang iyon. Lalo na at mas masarap itong kapartner ng matamis na biko. "Yaya, ito na lang ang ipapasalubong ko kay sungit at kina Ate Merly pagbalik kong probinsya." Napangiti naman si Yaya Amila. "Kailan ba para maipagluto kita. Madami naman akong nabili ngayong ingredients nito. At mula ng matikman iyan ng mommy at daddy mo ay palagi silang nagpapaluti ng ganyan sa amin." "Basta po pagpinayagan na ulit ako ni dok. Nagrerequest na po ulit akong aalis na ulit ako. Akala ko nga po makakaalis na ako. Iyon nga lang po---." Nabitin sa ere ang sinasabi ni Aloha ng marinig nila ang tunog ng doorbell. "Ako na," presenta ni Yaya Lorna. Pagbalik nito ay kasama nito si Dr. De Guzman. Maaliwalas ang mukha nito at nakangiti sa kanya. "Kumusta dok napadaan ka?" May iniabot itong papel sa kanya. "Pinag-aralan kong mabuti ang mga sagot at mga kilos mo dito sa bahay ninyo. Alam mo namang iyon ang ginagawa ko di ba. At masasabi kong wala ka na namang problema. Maybe pagnag-iisa ka. But all in all you're okay now. No need to take your medicine. Pero bibigyan pa rin kita ng vitamins. At sabi mo, maglalagi ka na naman sa probinsya?" "Yes dok. Ang sarap kasi ng pakiramdam doon nakakarelax." "Pwede ka ng magrelax," nakangiting sagot ng dok na ikinangiti naman ni Aloha. Iyon lang naman ang hinihintay niya. Ang sasabihin ni Dr. De Guzman. Muli nilang ipinagpatuloy ang pagmemeryenda kasama si Dr. De Guzman. Nagpaluto na rin siya ng biko kay Yaya Amila na dadalahin niya pagbalik niya ng probinsya. "Wait for me hon. Uuwian na kita," masaya pa niyang wika habang nag-aayos ng gamit niyang dadalahin niya kinabukasan sa pag-alis niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD