Parang hinipan ng hangin ang inis at galit na aking nararamdaman ng makita ko si. Ms. Benitez. Napakaganda nito pero tinalo pa nya ako sa kasupladahan.
"Anyway, what can I do for you?" walang emosyon nitong tanong at ibinaling ang kanyang paningin sa laptop na nasa kanyang harapan. "Don'waste my time,"
Napabuga ako ng hangin sa kasungitan nya. Ang sarap nyang sakalin. Okay, hinga ng malalim Averi. She is not worth it. Kinuha ko ang newspaper mula sa bag ko at galit na inilapag ito sa kanyang lamesa.
"Sana bago kayo magpublish ay siguraduhin nyo kung totoo. Sisirain nyo pa ang image at career ko dahil sa iresponsableng pagbabalita nyo!" punong puno ng autoridad ang boses ko. Ayaw ko magpatalo sakanya. "I will sue your company!"
Parang tamad na tamad na kinuha ni Ms. Benitez ang newspaper na nilagay ko sa lamesa nya at tinignan ito. "Well. Gossip is part of our business. 50 is the truth and 50 is hearsay, rumours etc,"
"Gossip? That gossip is going to ruin my life! You don't know what that scumbag did to me!" tumaas nanaman ang dugo ko. "You are so irresponsible!" pero hindi kumikibo si Ms. Benitez nakatingin lang sya sakin. "So titignan mo lang ako? Gusto mo ba magposing pa ako sa harapan mo?"
Biglang tumayo si Ms. Benitez at isinuksok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang suot na blazer. Magkasing tangkad lang pala kami. "What do you want me to do then?" naglakad sya sa aking tabi. Nanuot sa aking buto ang amoy napakabango nyang perfume. Young, wild and free. "Apologize?"
"Apologize? the damage has been done! Nagkalat na sa buong pilipinas ang maling balita nyo," huminga ako ng malalim. Nararamdaman ko na unti unti na akong kinakain ng galit. "Okay. I want a public apologize through your newspaper tomorrow kung ayaw mo magkita kita tayo sa korte!"
Biglang natawa si Ms. Benitez na tila may sinabi akong napakagandang joke. Tumayo sya aking harapan at unti unting naglakad palapit sakin para syang isang mabagsik na tigre na kahit anong oras man ay sasakmalin nya ang kanyang pagkain.
"Wh-what are you trying to do?" nangatal ang aking labi habang naglakad ako ng patalikod. "Don't you-" dumikit ang likuran ko sa pader. Wala na akong aatrasan.
"So..." nakangising tanong ni Ms. Benitez sakin na walang takot na inilagay ang kanyang mga braso sa gilid ng aking mukha. "What now?"
Nilabanan ko ang aking sarili na wag na wag titingin sa mapupula at mapang akit na labi ng babaeng ito. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng inilapit ni Ms. Benitez ang kanyang mukha sakin. At sa hindi malamang rason ay napapikit ako.
"There you go," bulong ni Ms. Benitez at para syang may pinundot sa kaliwang bahagi ng pader. Biglang bumukas ang blinds ng bintana. "I'm not going to kiss you," umatras sya at naglakad pabalik sa kanyang kinauupuan. "Not unless you wanted me too,"
I feel so embarassed sa ginawa nya sakin. I feel manipulated. E bakit ko naman kasi inisip na she is going to kiss me? Ngayon ko pa nga lang sya nakita at nakilala pero bakit sinusuko ko na agad ang sarili ko sakanya. Agh. Averi anong ginagawa mo sa sarili mo!
"In your wildest dream!" kotra ko. "I need your apology tomorrow!" hindi na ako tumingin kay Ms. Benitez at nagkandarapa na akong lumabas ng opisina nya at bwiset na building na ito.
Pagpasok ko sa kotse ay doon ko lahat inilabas ang lahat lahat ng frustration ko. "Nakakainis!" gigil na tili ko sabay hampas sa manibela. "I will make you pay Ms. Benitez!"
Huminga ako ng malalim bago magdrive pauwi. Ayaw kong dumaretcho sa hospital.
Hindi pa man ako nakakalabas ng sasakyan ay hinarang na ng mga reporter ang kotse ko. Flash dito, flash doon. Ang sakit sa mata. Teka. Anong ginagawa nila dito? Paano nila nalaman kung saan ako nakatira? Itinaboy ng mga body guard ni Papa ang mga reporter. Napabuntong hininga nalang ako at nagmamadaling lumabas ng kotse.
"Kanina pa kita tinatawagan para sabihin ang tungkol sa mga reporter pero hindi ka sumasagot," bungad sakin ni Papa ng makapasok ako sa loob ng bahay.
"I'm sorry dad, nakalimutan ko yung phone sa kotse," pagsisinungaling ko. Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko pero hindi ko ito pinansin. Masyado akong nakafocus kay Ms. Benitez kanina.
Ibinababa ni Papa ang baso na iniinom nya bago tumayo. "Anong nangyari sa lakad mo? Nagkausap kayo ni Ms. Benitez?"
Pumunta ako sa wine bar at nagsalin ng alak sa baso. "Yes dad," matipid kong sagot. "I told her na kailangan ko ng public apology from them tomorrow,"
Lumapit si Papa sakin naupo sa tabi ko. "I doubt it," naiiling na sabi nito. "Kilalang walang inuurungan si Colorlyn,"
"Colorlyn, who?" nagtataka ko na tanong habang dahan dahang iniinom ang wine.
"Si Ms. Benitez," sagot ni Papa. "She is Colorlyn Benitez,"
Muntik ko ng mabuga yung iniinom kong wine nang marinig ko ang buong pangalan ng mataray na babae na iyon. Pinagpala nga sya na labis na kagandahan pero yung pangalan nya naman ang maghihila sakanya pababa. Sino ba kasing magulang ang magpapangalan sa anak nya ng Colorlyn? Pwede namang yung mismong kulay nalang, like. Blue, Red, Grey mas maganda pang pakinggan sa tenga.
"Bagay na bagay sakanya," bulong ko at tinungga ang natitirang wine sa baso. "Anyway, what are you doing here? You supposed to be at the office dad?"
"I was worried about you," may pag aalala sa boses ni Papa. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Minsan kasi padalos dalos ako sa mga desisyon at ginagawa ko. "I'm sorry dad. Hindi ko gusto na bigyan kayo ng sakit ng ulo o pag alalahanin ka,"
Ngumiti si Papa sabay akbay sakin. "Don't worry about it Averi. Kilala kita kaya naniniwala ako na yung tama ang gagawin mo,"
Inihilig ko ang aking ulo sa balikat ni Papa. "Dad,"
"Yes Averi?"
Tumigala ako at pinagmasdan si Papa. Malaki na ang itinanda ng kanyang mukha may mga linya na sakanya balat at may mga puti na kanyang buhok. Isa rin itong palatandaan sa lahat ng pinagdaanan ni Papa sa buhay.
"Are you proud of me dad?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano lalo pa at hindi kami magkasundo ni Mama dahil sa career na napili ko. "Hindi ka ba nadisappoint dahil naiba ang career ko?"
"Averi," bulong ni Papa at hinawakan ang hita ko. "Mas gugustuhin ko na suwayin mo kami at gawin yung mas makakapagpasaya sayo at least wala kang pagsisisihan,"
"Pero hanggang ngayon hindi parin matanggap ni Mama ang lahat," naiiling kong sabi.
"Hayaan mo na sya at magenjoy ka lang sa career mo," bilin ni Papa. Marami pa kaming napag usapan, tungkol sa trabaho namin, kay Aubree at syempre yung lovelife ko. Matagal narin kasi yung huling nagpakilala ako sakanila ng girlfriend ko at hindi na nasundan. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na yung babaeng ipapakilala ko sa pamilya ang magiging huli at forever ko. Don't judge me. Masama bang maniwala sa forever?
Bago ako matulog ay tinawagan ako ng manager ko para ipaalam na darating sila dito sa Pilipinas para sa photoshoot ng endorsement ko.
"What!?" hindi ko makapaniwalang reaksyon.
"We are coming to the Philippines Averi and the team!" sagot sakin ni Rose over skype. Hindi sya tumitingin sa screen dahil sa sobrang busy nya sa pag pirma sa mga papeles. "So be ready,"
"But it's my vacation!" katwiran ko.
"I'm sorry," this time tumingin si Rose sakin.
"This is supposed to be my--"
"Averi. This is urgen," nakita kong may tumawag kay Rose sa cellphone. "We will give you a call once we get there," yun lang at pinatay na nya ang video call.
Pabagsak akong nahiga sa kama at pinagmasdan ang kisame. Anong silbi ng 3 months vacation leave ko kung hindi naman pala ito matutupad.
Today is not my day. Ang daming hindi magandang nangyari sakin. Bigla akong nakaramdam ng pagod at hindi ko alam kung bakit sa pagpikit ko ay ang nakakainis at napakasupladang babae ang nakita ko bago tuluyang makatulog.
"Averi.." katok ni Mama sa pintuan ko. Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan ng nagbibihis ng damit. Pumasok si Mama. "I'm sorry, are you going out?"
Umiling ako habang naglalagay ng lipstick. "No Mom, why?"
"I'm going to meet a client," lumapit si Mama sakin. "But your father forgot this folder. This is important dahil may meeting sila mamayang tanghali,"
"Gusto mong dalhin ko kay Papa ang documents?"
"Only if you are not busy,"
Tinitigan kong mabuti ang aking sarili sa salamin. "Sure no problem. just give me the address," kinuha ko ang folder kay Mama.
Pagkabigay ni Mama sa address ng opisina ni Papa ay agad akong umalis dahil baka matraffic ako at hindi umabot sa meeting si Papa. Hindi naman ako nahirapan hanapin ito sa tulong ng mga mobile application.
Kumatok muna ako sa opisina nya bago pumasok. Nakita ko si Papa na may kausap na babae. Napakaunderstatement ng sinabi ko dahil napakaganda ng babae, sopistikada ang kanyang dating, palangiti at nangungusap ang mga mata.
"I'm sorry dad, nakakaistorbo ba ako?" tanong ko habang nakatayo parin sa pintuan.
Ngumiti ng malaki si Papa nang makita ako, tumayo sya at naglakad para alalayan ako pumasok. "Of course not. Reese and I are just talking about some silly thing,"
Tumayo ang kasama ni Papa na babae at ngumiti sakin. "I think sir. I have to go,"
"Before you go Reese," hinawakan ni Papa ang aking braso. "This is my eldest Averi," tumingin si Papa sakin. "Averi, this is my favorite project manager,"
Inilahad ko ang aking kamay para sa hand shake. "I'm Averi," pakilala ko. "It's nice to meet you,"
"Reese Salcedo," napakalambot ng kamay nito pero agad nya rin itong binawi. "The pleasure is mine," at ngumiti ito kay Papa bago umalis.
"She is so pretty," hindi ko makapaniwalang bulong. Natatawang tumango lang si Papa. "Oo nga pala dad, eto yung documents na pinadadala ni Mama nakalimutan nyo daw po,"
"Hay. Oo. Averi. Iba na talaga ang tumatanda,"
Pagkabigay ko kay Papa ng documents na kailangan nya ay umalis narin ako. Alam kong busy sya at hindi ko gustong makaistorbo. Napako ang aking papa sa harap ng isang coffee shop ng maaamoy ko ang aroma ng kape. Wala pa masyadong tao dahil maaga pa rin naman. Umorder ako ng kape at kailangan pang maghintay ng ilang minuto. Inabala ko muna ang sarili ko sa pag scroll up and down sa i********: ko.
"Iced Hazelnut Macchiato!" sigaw ng barista.
Tumayo ako at nagpunta sa counter pero nang kukuhain ko na sana ang order ko ay may isa pang kamay na humawak. Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang babaeng nasa aking harapan.
"What-- what are you doing here?" hindi ko alam kung bakit iyan ang tanong na lumabas sa bibig ko. Kinuha nya ang order ko at iniinom. "Hey that is mine!"
Kumunot ang noo nito. "Excuse me, this is my order," at dahan dahan nyang ipinakita sakin ang pangalan na nakasulat sa baso. "Are you Color?" pangbubuska nito sakin na may ngiti sakanyang labi.