3

1700 Words
Nakadaupang palad ko na ang iba't ibang uri ng klase ng tao dahil sa nature ng trabaho ko but i swear this woman who was standing in front of me right now is undeniably unbelievable. Alam na alam nya kung paano ako iinisin, makita ko pa lang ang mukha nitong si Color Benitez kumukulo na ang dugo ko.  "Ang malas ko naman at ikaw pa talaga ang nakita ko!" inis kong bulong sabay talikod.  "Hey that's mean missy!" natatawang sabi ni Ms. Benitez. "Ke aga aga ang init ng ulo mo,"  "Nakita kasi kita!" katwiran ko. "Why?" natatawang tanong ni Ms. Benitez bago uminom ng kape nya. "Hindi ba ako kaaya aya sa paningin mo? Hindi ba ako maganda?"  Napaikot ang aking mata, masyadong bilib sa sarili ang babae na ito. Akala mo naman kung sino. But okay, ayaw ko ng magubos ng oras sa taong hindi naman worth it kaya lumakad ako palabas ng coffee shop. "Still butthurt Ms. Gonzales?" sumunod pa talaga sya sakin para mang asar.  Ayaw ko na sanang patulan ang babaeng pinagpala sa kagandahan ngunit pinagkaitan ng kaakit akit na  pangalan. Pagalit akong humarap at buong inis na tinitigan si Colorlane,  Colorlyn o kahit ano pa mang pangalan nya wala na akong pakialam.  "Anong gusto mong gawin ko? Magtatalon sa tuwa?" taas kilay kong tanong kay Ms. Benitez. "Pagkatapos ng ginawa mo sakin? What about your public apology Ms. Benitez? I was expecting it today!"  Hindi man lang sya nayanig sa sinabi ko. Parang pumasok lang sa kanang tenga at pero lumabas sa kaliwala. "Oh i can do that." biglang ngumiti si Ms. Benitez. "Pay me then i will give what you want." "Are you kidding me?" nagsalubong ang kilay ko. Nakangiting umiling si Ms. Benitez sakin. "Hindi ako nababaliw para bayaran ka!"  "Then don't demand anything from me Ms. Gonzales. Business is business."  "Whatever!" bwiset na bwiset kong singhal at itinulak si Color paalis sa daraanan ko.  "Bye! See you around!" may pahabol pa itong pangaasar.  "Bwiset talaga!" bulong ko sa hangin bago ako sumakay sa kotse. "May araw ka din sakin!"  Sa awa ng diyos ay buhay at ligtas akong nakauwi sa bahay. Sa sobrang inis ko kasi kay Ms. Benitez kulang nalang ay magkapakpak ang aking kotse sa sobrang bilis ng takbo.  "Ate Averi." bungad ni Aubree pagpasok ko ng bahay. May bisita ang kapatid ko na magandang dalaga.  Inihagis ko sa sofa ang hawak kong bag. "May bisita ka pala."  Sabay na tumayo ang dalawa. Sa unang tingin ay para silang ordinaryong magkaibigan pero syempre malakas ang radar ko pagdating sa kapwa ko lesbians pero hindi ko sila pangungunahan. "Si Cassy pala Ate." pakilala ng kapatid kong si Aubree sa kasama nya.  Tinititigan ko si Cassy mula ulo hanggang paa. Ang kagandahan nya ay hindi nakakasawang pakatitigan, sexy rin ang pangangatawan nya na pwedeng makipagsabayan sakin sa entablado. "I'm Averi, Aubree's eldest sister." at nagkamay kaming dalawa.  "Cassandra Monteralba. Finally, nakilala narin kita." may bituin sa mata mi Cassy habang nakatingin sakin. "Aubree talks so much about you."  "Oh really?" sumulayap ako kay Aubree na todo ang pagkakangiti sakin. "I hope they were good things,"  "But of course Ate." umikot ang mata ni Aubree sabay hatak sa braso ni Cassy. "Come on,"  "Hey. No s*x at home okay!" paalala ko sa dalawa habang umaakyat sa hagdanan papunta sa second floor. "Ate Averi!" angil ni Aubree na sobrang pula ng mukha sa pagkapahiya lalo pa at tawa ng tawa si Cassy.  "Just a reminder little sister." No s*x at home, yan ang number rule ng parents namin especially Mom. "Or Mom will be shook." Nagpunta ako sa wine bar at nagsalin ng red wine na kayang magpagaang ng pakiramdam ko pagkatapos ng encounter ko kay Color Benitez. And because of curiosity, sinearch ko ang pangalan ni Color. Don't get me wrong, I just want to know something about her, about my Enemy.  Nakaprivate ang f*******: ni Color pero mabuti nalang at may ilang fan pages na nakapangalan sa kanya. Well, in fairness maganda ang mga picture nya, may mga selfie at may mga stolen shot. Kung titignan ang physique ni Color ay pwedeng pwede sya maging modelo kagaya ko.  "Beautiful isn't?" biglang may bumulong sa tenga ko.  Muntik ng malaglag ang cellphone ko dahil sa pagkagulat. "Aubree!" inirapan ko ang kapatid ko. "Anong ginagawa mo dito?" Nagpunta si Aubree sa kusina at binuksan ang fridge. "Food," kumuha sya ng prutas, juice at kung ano ano pa. "Para may energizer sa paggawa ng documentation."  "Make sure na yung documentation ang ginagawa nyo hindi yung---"  "Ate.." putol ni Aubree sakin. "Hindi namin iniisip ang mga bagay na yan!" may kunot sa noo ng kapatid ko. "We are just.." napatingin sya sa hawak nyang mansanas. "Friends.."  Inilapag ko sa counter ang cellphone ko. "Bakit parang hindi ka sigurado?" hindi nakasagot si Aubree, she looks even more complicted sa tanong ko. "Oh sige na baka naiinip na yung kaibigan mo." ayaw kong ipilit o usisain pa si Aubree baka lalo lang syang maguluhan. Sooner or later sya mismo ang makakatuklas sa totoo nyang damdamin at pagkatao.  Sa dami ng nainom kong red wine ay maaga akong nakatulog at hindi na nakakain ng dinner. Kahit na anong gising ang gawin ng mga kasama ko sa bahay ay hindi nila ako magising. Alam nyo na, mahirap gisingin ang taong nagtutulog tulugan.  Maaga akong gumising para makapag jogging, mabigat kasi ang pakiramdam ko ngayon kaya kailangang magpapawis kahit paano lalo na at bukas ang dating ng team ko para sa gagawin naming Photshoot. Akala ko talaga bakasyon grande ang mangyayri sakin dito sa Pilipinas pero yung trabaho ko very demanding.  May pailan ilang tao na nagjojogging kasabay ko, karamihan sa kanila ay lalaki, bata at matanda na walang kurap sa pagkakatingin sa akin.  Papaliko na sana ako ng biglang may sumulpot ang bike na mabilis ang takbo sa harapan ko. At parang slow motion na lumipad ang taong nakasakay dito samantalang ako ay mabilis na napatabi at nakaiwas sa aksidente.  Kinabahan ako ng hindi agad gumalaw ang taong nakabulagta sa kalsada kasama ang bike nya. Nakahelmet sya at shades kaya hindi ko masabi kung lalaki ba sya o babae.  "Ang bilis mo kasing magpatakbo ng bike para kang nasa expressway!"  "Wow." base sa boses nito ay isa syang lalaki. "Imbis na tanungin mo kung buhay o okay lang ako e nagawa mo pa akong sermunan." Dahan dahan syang tumayo at hinubad ang suot nyang helmet. "Nakaharang ka kasi sa daanan!"  "Ha! At ako pa ngayon ang may kasalanan?" inis kong tanong sa lalaki. "Wala ka sa bike lane!"  Parang naumid ang dila ng lalaki ng tuluyang nyang alisin ang suot nyang shades. Kung hindi siguro ako 150% na Lesbian baka nanginig ang tuhod ko dahil sa kagwapuhan nya.  "Maganda ka sana kaso ang sungit mo." nakangising bulong ng lalaki habang tinitignan nya ako mula ulo hanggang paa. Di ba nakakabastos. "Teka--" pigil ng lalaki pero hindi ko sya pinansin, nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo. "Hey, I'm Ethan!"  Malayo layo narin ang narating ko ng maramdaman ako ng pagod. Tumingin ako sa nagkukumpulang mga tindahan ng kung ano ano, napagpasyahan kong pumasok sa tindahan ng mga sapatos, baka sakaling may magustuhan.  Marami akong nakita na imported shoes, heels etc pero ang nakatawag ng pansin ko ay yung mga gawang Pilipino. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit karamihan satin ay sobra ang pagtangkilik sa imported products kung kayang kaya natin makipagsabayan sa ibang bansa.  "Hi Miss." napalingon ako at nakita ang dalawang lalaki na nakatayo sa likuran ko. Sa unang tingin pa lang ay malalamang mong tambay ang mga ito, mga walang ambisyon sa buhay at inaatupag lang ang paginom maghapon at magdamag. "Ang ganda mo naman.." para makaiwas sa kahit anong gulo naglakad ako palayo pero sumunod ang dalawang lalaki. "Ang sexy pa," Nang aalis na sana ako ay bigla akong hinarang ng isa. "Get out of my way." inis kong sabi.  Pero imbis na gawin ang sinasabi ko ay humilig pa lalo sa pader ang lalaki para wala akong madaanan. "Sumama ka samin. Siguradong mag eenjoy ka!" "Kung nagtatrabaho kayo edi sana may napala pa kayo!" pagtataray ko.  "Aba pare palaban to." natatawang sabi ng isang lalaki na mukhang isang bulate nalang ang pipirma ay malalagutan na ng hininga. "Umalis kayo sa daraanan ko." utos ko. "Sabi--"  mabilis akog napaiwas na tangkain ng matabang lalaki na hawakan ang braso ko. "Don't you dare.."  "Wag ka ng pakipot!" marahas nitong hinablot ang braso ko.  "Bitawan mo ko!" sigaw ko. "Help me!" wala ba ni isang tauhan ang shop na ito at walang tutulong sakin?  "Kahit manlaban ka pa walang tutulong sa--" napahinto kaming lahat ng biglang may tumamang baso ng kape sa mukha ng lalaki. Umuusok usok pa ito kaya naghihiyaw ang lalaki sa hadpi at init. "Ahhhh! Ang init!!"  Napakurap ako, baka kasi pinaglalaruan lang ako ng aking mata. "Colorlyn Benitez?" "Number one rule Ms. Gonzales." bumuga ng hangin si Color. "No calling my real name." at dumako ang tingin nya sa dalawang lalaking katabi ko. "Ang aga nyong manggulo mga sunog baga kayo!"  "Gag--" hindi na naituloy ng lalakig payat ang sasabihin nya ng dumako sa sikmura nito ang isang malakas na sipa. "Ahh!" bumagsak agad ang lalaki.  "Paano mo nagawan yon?" nagtataka kong tanong.  "I'm a black belter in Taekwando." hinawi ni Color ang nakalugay nyang mahabang buhok. "Tara na!" sabay hatak nya sa kamay ko at nagmamadali kaming lumabas ng shop.  "Teka. Bitiwan mo nga ako!" utos ko kay Color na sobrang higpit ang pagkakahawak sakin. "Nasasaktan ako!" Binitawan lang ako ni Color ng tuluyan na kaming makalabas ng shop. "Nagpupunta ka sa ganitong lugar na ganyan ang suot mo? Tapos magtataka ka kung bakit ka nabastos?"  Napatingin ako sa suot kong damit. "Bakit ano bang mali sa damit na pang jogging?"  Napailing nalang si Color na pilit pinipigilan ang inis. "Whatever." tumalikod na sya. "So pano, wala na akong utang sayo." hindi na ako nakapag salita nang naglakad na sya  palayo at sumakay sa naghihintay nyang kotse.  Kakaiba talaga ang babae na yon. Hindi man lang umobra ang charm ko sa kanya but anyway. Mas lalo lang akong nachachallenge kay Color Benitez. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD