bc

Newspaper Magnet

book_age18+
810
FOLLOW
3.8K
READ
possessive
opposites attract
arrogant
dominant
drama
sweet
gxg
lighthearted
mystery
first love
like
intro-logo
Blurb

Kilala bilang isa sa pinakasikat na Modelo si Averi Gonzales sa maraming panig ng mundo. At umuwi sya ng Pilipinas para magbakasyon, lumayo saglit sa stress sa trabaho.

Maayos na sana ang lahat at tahimik ang pagbabakasyon nya pero nasira ito nang may mabasang artikulo sa Newspaper na nakakasira sa kanyang imahe bilang Modelo.

Kaya walang pagdadalawang isip nyang pinuntahan ang Newspaper Company at sinugod ang CEO nito na si Color Benitez.

chap-preview
Free preview
1
Ito ang talaga ang matatawag mo na  bakasyon, white sand, blue water, coconut trees, shirtless guys and of course pretty ladies. Deserve na deserve ko ang engradeng bakasyon na ito dahil ilang taon din na puro trabaho ang inatupag ko bilang modelo sa France at iba't ibang bahagi ng Europe, America at Asia. Masasabi ko na narating ko na ang pinakamataas na antas ng trabaho ko kaya hindi na ako tinatantanan ng paparazzi pero mas mautak at matalino ako sakanila dahil hindi nila natunugan na umuwi ako ng Pilipinas. "Your lemon water," inabot sakin ng nakakabata kong kapatid na si Aubree ang baso. "Mom called," naupo sya sa tabi ko sa buhanginan. "Pinauuwi nya na tayo at she wanted to see you," Naupo ako ng maayos at kinuha ang baso mula sa kanya. "Don't worry I will call Mom later. Gusto ko lang munang mag unwind, relax at ayaw ko munang mastress," walang emosyon ko na sagot. Natahimik lang si Aubree. The truth is, my mother and I are not in good terms dahil ayaw nya sa napili ko na trabaho, mas gusto nyang pamahalaan ko ang kumpanya namin. "Sana maging okay na kayo ni Mama," bulong ni Aubree. "Pagpasensyahan mo nalang sya," minsan naiisip ko na mas mature pa ang nakakabata kong kapatid mag isip kaysa sa sakin. "Namiss ka lang nya," Hindi ko mapigilang makunsensya sa narinig ko. Masyado nga ba ako naging matigas kay Mama? Panahon na ba para magka ayos kami? Masasagot din siguro ang mga tanong ko sa mga darating na araw. Hinawi ko ang aking buhok ng humangin ng malakas at iginala ang aking paningin. Medyo maraming tao ngayon at karamihan sakanila ay nagbababad sa arawan, may mga naliligo sa beach, may gumawa ng mga sand castle at naglalaro ng beach volleyball. "Kamusta na pala ang college?" bigla kong tanong kay Aubree. "Malapit ka ng grumaduate," Ibinaling ni Aubree ang kanyang paningin mula sa cellphone nya papunta sa aking mukha. "Oh yes Ate, ilang buwan nalang sa wakas ay makakalaya narin ako sa mga projects, reporting at thesis," "Are you going to work with Dad?" "Yes Ate Averi, I would love to work with him dahil alam ko na marami akong matutunan sakanya," ramdam ko ang excitement sa boses ni Aubree. Since mas ginustos ko ang modeling kaysa magtrabaho sa kumpanya ay kay Aubree na nakalatag ang lahat ng responsibilidad ng kumpanya namin. "Hanggang kailan ka dito?" Inilapag ko ang baso sa maliit na lamesa. "One or two weeks?" kahit ako hindi ko pa alam kung kagaano ako katagal dito. Pwedeng mamasyal ako sa ibang bansa dahil three months vacation leave ang paalam ko sa manager ko. Napukaw ang atensyon ko sa bolang tumama sa aking binti. Umangat ang aking mata at nakita ang napakagandang babae na eleganteng naglalakad papunta sa direksyon ko. Pwedeng pwede sya maging modelo. Kinuha ko ang bola at tumayo. "Is this yours?" "Yeah, it's mine," sagot ng babae na titig na titig sa aking mukha at ganon din naman ako sakanya. Marami na akong nakita na mga magagandang babae sa trabaho pero natatanggi ang kagandahan nito. Inabot ko sakanya ang bola. "I'm Averi--" pero hindi pa man ako natatapos magpakilala ay may biglang humatak sa kamay nito at kinaladkad palayo. "Wow!" natatawa kong bulong.  "Sayang! Ang ganda pa naman nya at mukhang iisang menu lang ang hanap namin," "She is taken sister," singit ni Aubree. "Girls parin pala ang gusto mo," alam naman ng pamilya ko na lesbian ako since high school at hindi naman ito naging issue. "Tara na nga," aya ko kay Aubree. Binitbit ko ang phone ko at naglakad na kami sa buhanginan. Hindi ko na kaya ang init na dumadampi sa aking balat. "Well my little sister. Lesbian is always a lesbian, Nasanay ako na laging pinagtitinginan ng mga tao mapa lalaki man ito o babae. Hindi ko naman sila masisisi dahil takaw atensyon naman talaga ako. "Wait, bili muna tayo ng mga souvenirs," at tinuro ni Aubree ang napakaraming souvenirs shops. Inisa isa namin ang mga shop minsa may nagugustuhan kami pero kadalasan ay wala.. "Meron din nito sa France," reklamo ko habang tinitignan ang mga key chain at mga porcelain bracelet. "Sana don nalang ako bumili," Natatawang tinapik ng kapatid ko ang aking balikat. "I will just go there," tinutukoy ni Aubree ang tindahan ng mga damit ilang hakbang layo sakin. "Okay," tumango ako. Naglakad lakad ako sa bilihan ng mga pagkain. May mga peanut brittle, strawberry jam, etc. "Oh hey beautiful," nakangiting bungad sakin ng isang lalaki ng tumayo sa aking tabi. "How may I help you?" nilampasan ko ito at hindi pinansin. "Hey. Miss..." hinabol nya ako at hinawakan sa braso. "Don't," inis na babala ko sa lalaki. "Touch me;" Itinaas ng lalaki ang kanyang mga kamay. "Masyado ka namang magagalitin. Gusto lang naman kitang makilala," "You are barking at the wrong tree," taas kilay na sabi ko sa kanya. May itsura naman ito pero yun nga lang hindi ko type ang lahi ni Adan. "For your infornation I'm not interested in men," "Sayang naman. Pero baka magbago isip mo kapag..." huminto ito sa pagsasalita at tinitigan ako mula ulo hanggang paa na punong puno ng malisya ang mata. "Alam mo na.." Saktong lumitaw si Aubree sa tabi ko. Hinablot ko ang hawak nyang baso ng coke float at ibinuhos sa mukha ng bastos na lalaki sa aking harapan. "Oh gosh Ate!" nagulat si Aubree. Tinanggal ng lalaki ang ice cream sa kanyang pisngi at tumingin sakin ng masama. "Sa susunod kilalanin mo muna kung sino ang binabastos mo o gusto mong ipakulong kita!?" tumaas ang boses ko, nawala ang kontrol ko sa aking sarili dahil sa galit. Bakit may mga lalaking katulad nya na lalo atang nachachallenge kapag nalaman na lesbian ka. "Ate tama na yan! Pinagtitinginan tayo ng mga tao!" awat ni Aubree. Lahat ng tao na namimili sa souvenir shop ay nakamata sa direksyon namin. Itinulak ko paalis sa daraanan ko ang napahiya at tulala na lalaki. Pilit akong pinakakalma ni Aubree habang naglalakad kami pabalik sa hotel pero kapag naiisip ko yung lalaki na bumastos sakin parang may apoy na lumalabas sa ilong ko. Nagcheck muna ako ng mga Emails ko bago mmatulg. Sobrang pagod ako dahil sa jetlag. Maaga kaming nakauwi ng Maynila at sinalubong nina Mama at Papa. Kahit na may kaonting ilangan sa pagitan namin ni Mama ay naramdaman ko din naman ang pagkamiss nya sakin. Ilang taon din kasi kaming hindi nagkita, nag uusap man ay puro call voice lang. "Kamusta ang modeling mo?" tanong ni Papa habang sabay sabay kaming kumakain ng tanghalian. Naninibago lang ako ng kaonti dahil sanay akong kumain mag isa pero ngayon kasama ko ang aking pamilya. "Okay naman po," sagot ko habang hinihiwa ng kutsilyo ang karne sa aking plato. "Baka magkaroon din ako ng photo shoot dito soon. May clothing line na kumukuha sakin bilang endorser nila," "That is a good news! Para naman mapanuod ka namin," singit ni Mama. May ngiti sakanyang labi. Teka. Nagbabago na ba ang opinyon nya sa career ko? "Yes Mom!" sang ayon ko. "Pwede ba akong sumama sa mga photoshoot mo kapag natuloy yan ate?" tanong ni Aubree. "Oo naman," nakangiti kong sagot. Bigla kaming napatingin sa direksyon ni Papa nang muntik na nitong maibuga ang ininom nyang kape habang nakatingin sa newspaper na hawak nya. "What is wrong?" nag aalalang tanong ni Mama kay Papa. Hindi kumibo si Papa bagkus ay tumingin ito sakin at inabot ang dyaryo. Naguguluhan man ay kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. "Sikat na modelo sinabuyan ng softdrink ang mukha ng kanyang taga hanga!"  at may malaking picture ko pa ang nakalagay. "This is not true!" naiiling ko na sabi kina Mama at Papa. "Well yes. Sinabuyan ko sya ng softdrink sa mukha dahil binastos nya ako!" pagtatanggol ko sa aking sarili. "You know me guys na hindi ako gagawa ng ganyan, pinalaki at pinag aral nyo ako ng maayos. Aubree was there too!" sinulyapan ko ang aking kapatid na binabasa ang dyaryo. "Yes dad. Binastos nya si Ate!"  depensa ng kapatid ko sakin. Walang nagawa si Papa kundi ang bumuntong hininga. "I will try to call the newspaper company. Makakasira yan sa career mo lalo pa at kitang kita ang picture mo!" tumayo si Papa at may kinusap sa cellpone. "I told you Averi. Kailangan mo ng iwanan yang modeling na yan," naiiling na bulong ni Mama. "Mom please!" sabi ko kay Mama. "Hanggang ngayon ba hindi nyo parin matanggap yung pagmomodel ko? Hindi ko po ito ginagawa for free or nothing. Malaki ang kinikita ko dito!" "Pero kailangan ka sa negosyo natin Averi," pilit ni Mama. Hay. Heto nanaman po kami. "Hindi makakaya ni Aubree mag isa ang lahat ng responsibilidad na maiiwanan sakanya kapag nagretire na kami ng Papa mo," Kahit ano atang gawin ko hindi matatapos ang usapin tungkol sa modeling career ko at negosyon namin. Bumalik si Papa na bakas ang inis sa kanyang mukha. "Ayaw pumayag ng newspaper company na itake down ang news about you dahil naipublished na nila ito today," Tinignan ko ang address ng newspaper company. Malapit lang ito at pwedeng pwedeng puntahan. "Kilalang strict ang bagong president ng newspaper company na yan," dagdag ni Papa. "Kaya mahihirapan talaga tayong pakiusapan sila lalo na si Ms. Benitez," "Strikto dahil baka tumanda na syang dalaga kakatrabaho sa newspaper company na yan," bulong ko. Napatingin sina Mama, Papa at Aubree sakin nang biglang akong tumayo. "I will talk to her personaly," "Maghinay hinay ka Averi!" awat ni Papa habang kinukuha ko na ang aking handbag. "Ako na ang bahala umayos ng lahat," "No father. Hindi ko hahayaan ang isang maling balita na sumira ng career na matagal kong pinaghirapan!" hindi ko na pinansin ang pagtawag sakin nina Mama at Papa dali dali akong umalis. Hindi ako nahirapan na hanapin ang Newspaper company dahil sa malayo palang ay kita ko na ang building nito. "Good afternoon, can I please talk to Ms. Benitez?" bungad ko sa receptionist. "Where I can find her?" Umangat ang mga mata ng receptionist at napanganga ng makilala ako. Hindi ko naman iniisip na maraming tao ang makakakilala sakin dito sa Pilipinas lalo na kung mas sikat ko sa ibang bansa. "Er.. Are you Ms. Averi Gonzales?" Pero minsan magagamit mo rin ang kasikatan mo sa mga ganitong pagkakataon. "Yes," pilit ngiti kong sagot. "I have an appointment with Ms. Benitez. Saan ko sya pwedeng makita?" "Oh gosh," todo kilig na sambit nito. "Well Maam Gonzales. Nasa 3rd floor po ang office nya," "Thank you," pasasalamat ko at naglakad na ako papasok sa loob ng elevator. Mabuti nalang at ako lang mag isa dito. Nag iisip ako ng magandang opening speech pag nagkaharao na kami ni Ms. Benitez. Hindi rin nagtagal ay dumating na ako sa 3rd floor at sinalubong nang napakagulong cubicle, tambak ang mga dyaryo sa lamesa ng mga empleyado. Lahat ng tao ay natigil sa kani kanilang ginagawa ng mapansin nila akong makatayo. Nilapitan ako ng isang lalaki na may suot na makapal na salamin sa mata. "Hm. Excuse me, sino po ang hanap nyo?" "Si Ms. Benitez!" matigas kong sagot. Napakamot ang lalaki sakanyang ulo. "Hindi po tumatanggap ng bisita si Ms. Benitez," "Mukha ba akong bisita dito? I came here to talk her dahil sa nilabas nyong balita tungkol sakin!" pagalit kong sagot. Tinabig ko ang lalaki para umalis sya sa daraanan ko. Mabuti nalang at hindi ko na kinakailangang magtanong dahil kitang kita ko ang pangalan ni Ms. Benitez sa isang malaking fiber glass na kwarto. Walang pagdadalawang isip ko itong binuksan at pumasok sa loob. "Ms. benitez!" Hindi ko makita si Ms. Benitez dahil nakatalikod ang upuan nito sakin. "Yes, Sir. I will call right back," narinig kong salita nito sa kausap nya sa cellphone. At dahan dahang umikot ang kanyang kinauupuan. Naumid ang aking dila at hindi malaman ang sasabihin habang nakatingin ako sa napakagandang nilalang na nasa aking harapan. Maling mali ako na isipin na isang matandang hukluban si Ms. Benitez dahil kapag narinig mo ang sakitang Presidente or CEO iisipin mo agad na matanda na ito. "Alam mo bang bastos ang hindi kumakatok sa pintuan bago pumasok?" pagtataray ng magandang babae sakin. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

NINONG III

read
388.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.7K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
565.0K
bc

Flirting My Bitter Ex-Boyfriend (TAGALOG)

read
123.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook