Chapter 17 Jeisen Jee POV Dumeretso na agad kaming tatlo sa condo ni Shasha. Every corner of it painted with color green. May ibang halong kulay naman pero lamang talaga ang berde. May mga paintings din na nakasabit sa dingding, mga family pictures at selfies niya. But I feel like this place looks so bittersweet. "Mukha kang masayahin pero ang totoo malungkot ka." Napalingon naman ang dalawa ng magsalita ako. "Gusto mo ang kulay na green dahil nakapag bibigay ito ng kapayapan sa 'yo. Dinadaan mo naman sa pagpipinta ang mga nararamdaman mo dahil mag isa ka lang. Naintindihan ko na kung bakit mas gusto mo kasama ang mga kaibigan mo." Totoo nga na ang pinakamasayahing tao ay 'yon din ang pinaka malungkot. This is how I see Shasha. "Paano mo nalaman flower girl?" Tanong naman niya ng mak