Chapter 16 Jeisen Jee POV Hinila agad ako ng dalawa sa department store para bumuli ng damit. Mas madami raw kasing mapipiling pang lalaking damit dun. Isang Tshirt na kulay green ang pinampalit ko. Si shasha na ang pumili ng kulay. Mamaya nalang daw muna kami pupunta sa isang boutique para naman sa susuotin namin sa acquintance. Going to a party is not really my thing. Ang dalawa na ang pumili ng mga damit ko. "Ako na ang magbabayad." Si Aicel na raw kasi ang magbabayad ng pinamili namin. "Nakakahiya naman. Ikaw na nga magpapasok sa akin sa work tapos ikaw pa magbabayad." "What are you ba girl. We are magkaibigan naman and gusto ko damitan ka like palitan natin 'yang choice of damit mo." "Hayaan mo na 'yang si Aicel flower girl. Rich kid 'yan eh." Kinilabit niya ito saka nagsalita